Republika ng Korea, o mas kilala sa pinaikling tawag na “Korea”
Ang South Korea ay matatagpuan sa Tangway ng Korea sa kontinente ng Asya, at ang laki ng teritoryo nito ay tinatayang umaabot ng 100,188.1 km², o 45% ng kabuuang area ng “Hanbando” na may sukat na 221,000 km².
Ang lawak ng Hanbando ay medyo mas malaki sa kabuuan ng Cambodia (181,035km²), subalit halos 2/3 naman ito ng kabuuan ng lawak ng mga bansang Pilipinas (300,000km²), Vietnam (331,210km²) at Japan (377,915km²).
Ang tinatawag na ‘Tangway ng Korea’ (Korean Peninsula) o “Hanbando” ay binubuo ng dalawang bansa ng Korea : ang Hilagang Korea at Timog Korea. Ito ay napapaligiran ng mga bansang Tsina sa hilagang-kanluran, na kung saan ang Ilog ng Amnok (Amnokgang) ang nagsisilbing hangganan (borderline) ng dalawang bansa.
At sa hilagang-silangan naman ay napapaligiran ito ng Tsina at Russia kung saan ang hangganan ay ang Ilog ng Dumang (Dumanggang). Ang tatlong gilid naman ng tangway ay napapalibutan ng mga karagatan : ang Yellow Sea sa kanluran, ang East Sea sa silangan at ang South Sea sa timog.
Binubuo naman ng kapatagan ang timog at kanluraning bahagi ng Peninsula ng Korea at bulubundukin naman ang silangan at hilagang bahagi ng bansa. Ang pinakamataas na bundok sa Peninsula ng Korea ay ang Bundok ng Baekdu (Baekdusan) (na may taas na 2,744m). Ang “Gaemagowon,” na nasa hilagang bahagi ng Peninsula ng Korea, ay kilala rin sa katawagang “Bubong ng Korea.” Nariyan din ang Hilera ng Taebaek (Taebaek Range) na matatagpuan naman sa silangang baybayin na kung tawagin ay “Baekdudaegan.”
Ilan sa mga pinakasikat na isla ng Korea ay ang Isla ng Jeju, Isla ng Geoje, Isla ng Jin at Isla ng Uleung. Ang mga isla ng Jeju at Uleung ay nabuo sa pamamagitan ng pagputok ng bulkan. Ang bahagi ng yellow sea at ang kanluranin at katimugang baybayin naman ng Korea ay pinapaunlad bilang mga “rias coast,” kung saan kakikitaan ito ng malaking pagbagbago sa sea level. (Sanggunian : Ministry of Land, Infrastructure and Transport)
Ang pambansang bandila ng Korea ay ang “Taegeukgi,” na halos puti sa kabuuan na may simbolong yin-yang sa gitna at may “Geon,” “Gon,” “Gam,” at “Li” (mga grupo ng itim na baras) na matatagpuan sa bawat isa sa apat na kanto.
Ang puting likuran ng bandila ay kumakatawan sa ningning at kadalisayan, nagpapahayag ng tradisyonal na pagmamahal sa kapayapaan ng mga Koreano. Ang disenyong Yin-yang sa gitna at sumisimbolo sa pagkakaisa sa pagitan ng “Yin” (asul) at “Yang” (pula), at kinakatawan ang katotohanang lahat ng bagay sa sansinukob ay nililikha at umiiral sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Yin at Yang.
Kinakatawan ng 4 na simbolo sa mga kanto ang mga imahe ng Yin at Yang, na nagbabago at nakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
Umiiral ang bawat isa sa 4 na simbolo nang may pagkakaisa at nasa sentro ang Yin-yang. Sinasalamin ng lahat ng simbolong ito ng Taegeukgi ang ulirang Koreano na pagtataguyod ng paglikha at kasaganaan habang nananatiling kasabay ng sansinukob (mula sa: Kagawarang-bansa ng Interiyor at Kaligtasan).
Ang pambansang bulaklak ng Korea ay ang “Mugunghwa” na isa sa pinakaminamahal na bulaklak ng mga Koreano mula pa noong sinaunang panahon. Ito ay kumakatawan sa Korea at nangangahulugan ito ng, “ang bulaklak na hindi napapagod sa pag-usbong.” Ayon sa mga tala noong unang panahon, bago pa man ang panahon ng Dinastiya ng Gojeoson, binibigyang halaga na ng mga Koreano ang Mugunghwa at itinuturing pa nila ito bilang bulaklak na nagmula sa langit. Sa katunayan, tinawag dati ni Shilla ito bilang “Geunhwahyang,” na nangangahulugang bansa ng Mugunghwa. Mula pa noong sinauna, pinuri ng China ang Korea bilang, “isang bansa ng mga maharlika kung saan tumutubo at nahuhulog ang Mugunghwa”.
Ang Mugunghwa ay matagal nang kinagigiliwan sa Korea, at ang kanilang pagmamahal Para sa bulaklak ay ipinapakita rin sa kanilang pambansang awit. Maririnig sa pambansang awit nila noong panahon ng Enlightenment Period ng Dinastiya ng Joseon ang mga katagang, “kahanga-hangang mga ilog at bundok na walang hanggang mga daan sa Mugunghwa,”. Simula nang maisama sa liriko ng pambansang awit ang mugunghwa, lalo pang lumalim ang pagpapahalaga ng mga Koreano sa bulaklak na ito. Ang hindi nagbabagong pagmamahal ng mga tao ng Korea sa Mugunghwa ay nagpatuloy sa pananakop ng mga Hapon, at likas itong naging pambansang bulaklak makalipas ang kalayaan nito.
Ang Mugunghwa ay isang mahalagang bulaklak sa buong kasaysayan ng Korea, at ang pagmamahal sa bulaklak na ito ay nakasalamin pa nga sa pambansang awit (sinulat noong huling Panahon ng Joseon), na kinabibilangan ng bersikulong “mga marilag na ilog at bundok na may walang hanggang mga kalsada ng Mugunghwa." Nagpatuloy ang walang kamatayang pagmamahal ng mga Koreano para sa Mugunghwa hanggang sa pananakop ng mga Hapon, at opisyal itong pinangalanang pambansang bulaklak pagkatapos ng paglaya.
(Mula sa: Kagawarang-bansa ng Interiyor at Kaligtasan).
Ang liriko ng pambansang awit na kinakanta ngayon ay nilikha noong mga 1907, noong pinagdadaanan ng bansa ang krisis ng panunugod ng mga dayuhan, upang gisingin ang pagiging makabayan at pagmamahal sa bansa, katapatan, at kasarinlan. Pagkatapos maitatag ang pamahalaan ng Republika ng Korea noong 1948, pinatugtog ang pambansang awit, na sinulat ni Ahn Eak-tae noong 1935, kasama ng kasalukuyang liriko sa mga opisyal na pampamahalaang kaganapan.
Pagkatapos, sinimulang awitin ito sa buong bansa dahil isinama ito sa mga aklat-aralin sa mga paaralan sa lahat ng antas. Hanggang sa araw na ito, kinakanta ito bilang pambansang awit ng ating bansa ng ating mga mamamayan, at kilalang-kilala bilang pambansang awit ng Republika ng Korea sa mga bansa sa buong mundo.
51,779,203 ang kabuuang populasyon ng Korea (batay sa Senso ng Populasyon at Pabahay sa 2019, Istatistika Korea), kaya ito ang ika-28 pinakamataong bansa sa mundo. Ang densidad ng populasyon ay umaabot sa 515 tao kada ㎢ (intelektuwal na estatistikang anuwaryo ng Kagawarang-bansa ng Lupain, Imprastraktura at Transportasyon, Taya ng Magiging Populasyon ng Istatistika Korea), na ika-23 pinakamalaki sa mundo.
Nagkakahalaga ng 1.81 trilyong Amerikanong dolyar ang GDP ng Timog Korea, pangsampu sa buong mundo, at nasa 34,983.70 Amerikanong dolyar naman ang per capita GDP (batay sa 2021, Bangko ng Korea).
Gumagamit ang Timog Korea ng sistemang pampanguluhan, at bilang pinuno ng pamahalaan, inuutusan at pinangangasiwaan ng Pangulo ang mga pinuno ng lahat ng mga administratibong ahensiyang sentral alinsunod sa mga batas. Inuutusan at pinangangasiwaan ng Punong Ministro ang mga pinuno ng bawat administratibong ahensiyang sentral sa utos ng Pangulo. Gaya ng ipinapakita sa pang-organisasyong talangguhit sa ibaba, ang pampamahalaang aparato ng Korea ay binubuo ng 19 na kagawaran, 3 kagawarang-bansa, 20 tanggapan, at anim na komite. (Simula June 27, 2024) Sa mga ito, pinamumunuan ng 19 na administratibong kagawaran ang mga sumusunod na gawain.
Nahahati ang Korea sa 17 konsehong punong-lungsod at 226 na konsehong pandistrito. Kabilang sa mga konsehong punong-lungsod ang 1 espesyal na lungsod, 6 na punong lungsod, 1 espesyal na lungsod na pinamumunuan ang sarili, 6 lalawigan, at 3 espesyal na lalawigang pinamumunuan ang sarili.
Ang mga pamahalaang lokal ay binubuo ng 75 lungsod, 82 gun (kondehan), at 69 na distritong pinamumunuan ang sarili; batay sa Disyembre 31, 2023, mayroong 3,491 eup, myeon, at dong, na mga pangalawang distrito ng bawat pamahalaang lokal.
Sentro ng Kalakalan | Mga Metropolitang Lungsod | Espesyal na namamahala ng sariling lungsod | Mga Probinsya | Distritong Autonomous |
---|---|---|---|---|
1. Seoul | 2. Busan Metropolitan City 3. Daegu Metropolitan City 4. Incheon Metropolitan City 5. Gwangju Metropolitan City 6. Daejeon Metropolitan City 7. Ulsan Metropolitan City | 8. Sejong-si (Sejong Metropolitan Autonomous City) | 9. Gyeonggi-do 10. Chungcheongbuk-do 11. Chungcheongnam-do 12. Jeollanam-do 13. Gyeongsangbuk-do 14. Gyeongsangnam-do | 15. Natatanging Probinsyang Pinamamahalaan ang Sarili ng Gangwon 16. Natatanging Probinsyang Pinamamahalaan ang Sarili ng Jeonbuk 17. Jeju Special Self- Governing Province |