Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Transportasyon sa Korea

  • Home
  • Kultura at Pamumuhay sa Korea
  • Transportasyon sa Korea

Transportasyon sa Korea

01Bus

Mayroong mga panlungsod na bus, pangmalayuang bus at mga express bus. Upang gamitin ang mga pangmalayuang buses at express bus, kailangang bumili kayo agad ng ticket. Alamin ang oras ng pag-alis at destinasyon bago sumakay na bus.

(1)Panlungsod na Bus

Pagsakay sa Bus
  • Paggamit ng transportation card kapag sumakay ng bus o pagbabayad ng cash ng cash.
  • Maaari kang bumili ng transportation card sa malapit na tindahan sa paligid ng hintuan ng bus o subway station. Maaaring i-charge gamit ang cash (ang KRW50,000 hanggang KRW1,000) ang transportation card na ito
    • Sa kasalukuyan, ang pagbabayad sa pamasahe sa transportasyon gamit ang credit cards (deferred payment) ay idinagdag na rin sa isa sa mga serbisyo ng credit cards.
  • Lahat ng mga pamasahe ay may diskwento kapag gumamit ka ng transportation card. May kaukulang bayad kapag lilipat mula sa isang uring pampublikong transportasyon tungo sa isa pang transportasyon (bus o subway).
Pamasahe at mga Katangian (Regular na Bayad)
시내버스 요금 표 : 구분, 교통카드 요금, 현금 요금을 포함한 표입니다.
Klasipikasyon Pamasahe Gamit ang
Transportation Card
Pamasahe Gamit ang Cash
Ordinaryong Panglungsod na Bus 1,500 won 1,500 won
Gwangyok bus 3,000 won 3,000 won
Village bus 1,200 won 1,200 won
  • Ang talahanayan sa itaas ay ipinakikita ang pamasahe sa lugar ng Seoul pero ang presyo ay maaaring magkaiba-iba sa ibang mga rehiyon. Samakatuwid, sumangguni sa mga website ng pantrapikong impormasyon ng kani-kaniyang mga lungsod at pangnayong opisina.
Mahalagang Impormasyon
Mga Bus na Urban sa Seoul
  • 간선버스
    Trunk Line Bus
    Nagkukunekta sa mga lugar na suburban at sa kabayanan ng Seoul sa pagbibiyahe sa mga sentral na ruta ng bus.
  • 지선버스
    Branch Line Bus
    Nagkukunekta sa pangunahing istasyon ng subway at terminal ng bus sa kabayanan ng Seoul.
  • 광역버스
    Express Bus
    Nagkukunekta sa mga kabayanan ng Seoul at karatig bayan Para sa mga pasahero.
  • 순환버스
    Circulation Bus
    Bumibiyahe sa kabayanan ng Seoul at tumitigl sa mga pangunahing istasyon ng railway, distritong kumersyal, destinasyong turista at destinasyon sa pamimili.
  • 마을버스
    Pambayang Shuttle Bus
    Maliit na bus na maghahatid sa istasyon ng tren, pulang bus Para sa paglipat ng istasyon, apartment complex at iba pang mga lugar
  • M버스(광역급행버스)
    M-Bus (Express Bus)
    Para mas maging maaliwalas ang daloy ng trapiko sa mga malalaking siyudad (metropolitan areas) at mas mapabilis ang takbo ng mga sasakyan kapag rush hour, humihinto lamang ang bus na ito sa 4 na bus stops sa loob ng 5 km mula sa unang istasyon ng bus hanggang kalagitnaang istasyon.
Sistema ng Paglilipat (Transfer System, Idikit ang card sa card reading machine kapag sasakay at bababa sa bus o subway)

Ang sistema ng paglilipat ay ipinatutupad sa lahat ng subway system sa buong bansa. Ito rin ay tumutukoy sa ipinatutupad na “discounted fare” (depende ito kung gaano kalayo ang pupuntahan) kapag tayo ay lumilipat mula sa isang transportasyon patungong isa pa (hal. subway → bus, bus →subway). Subalit kung halimbawa, kung cash ang ginamit ninyo bilang pambayad sa pamasahe sa bus, at kinakailangan ninyong mag-transfer, ang bayad para sa lilipatan ninyong bus ay walang diskwento at kinakailangan niyong magbayad muli ng panibagong pamasahe. Kung gagamit naman kayo ng transportation card, hindi niyo na kailangan pang magbayad ng extra kapag nag-transfer kayo sa subway o sa bus sa loob ng 10km. Subalit kung mahigit sa 10km ang kabuuang distansya nang itinakbo ng transportasyon at saka kayo magtatransfer, may karagdagang bayad na KRW100 sa bawat 5km dagdag. Magkakaiba din ang paraan ng pagpapatupad ng “discounted fare” sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Kailangang magtransfer sa loob ng 30 minuto. (Mula 9:00pm hanggang kinabukasan ng 7:00am sa loob ng 1 oras)

(2)Mga Pangmalayuang Bus at Express Bus

Pagsakay ng bus na bumubiyahe sa iba’t-ibang lungsod at express bus
  • Maaring sumakay sa mga nakatalagang bus sa terminal ng bus sa pagbisita sa mga lungsod sa ibang rehiyon.
  • Gayunpaman, dumadaan ang mga ito sa iba’t-ibang lungsod kaya mas matagal ang biyahe kumpara sa express bus.
  • May iisang syudad na destinayon ang mga express bus, ang ordinaryong express bus, ang espesyal na express bus, at ang premium na express bus. Ang espesyal na express bus ay may maluwang na pagitan sa mga upuan at napakakomportable ito, ang premium express bus ay may maluwang na pagitan sa mga upuan, may lamesa, at may monitor kada upuan kaya naman maaring manood ng TV, palabas, at iba pa. Mas mahal ang pamasahe sa premium, sumusunod ang espesyal, at ang ordinaryong express bus ang pinaka may mababang presyo ng pamasahe.
Mga Terminal ng Bus sa mga Pangunahing Siyudad

Kung kayo ay sasakay ng intercity bus o express bus, kinakailangan ninyong pumunta sa itinalagang terminal ng bus sa bawat lugar. Maaaring makakuha ng impormasyon tungkol sa operasyon ng bus, pagpapareserba ng ticket at iba pa sa homepage ng Kobus (www.kobus.co.kr) o Intercity Bus Ticket Reservation (txbus.t-money.co.kr).

주요도시 버스 터미널 표 : 터미널 이름, 전화번호를 포함한 표입니다.
Terminal ng Bus Telepono Terminal ng Bus Telepono
Seoul Express Bus Terminal Gyeongbu Line 1688-4700 Seodaegu Bus Terminal 1666-2600
Dong Seoul Terminal 1688-5979 Ulsan Express Bus Terminal 1688-7797
Central City Terminal Honam Line 02-6282-0114 Gangneung Express Bus Terminal 033-641-3184
Sangbong Bus Terminal 02-323-5885 Sokcho Express Bus Terminal 033-631-3181
Seoul Nambu Terminal 1688-0540 Chuncheon Express Bus Terminal 033-256-1571
Suwon Bus Terminal 1688-5455 Cheongju Intercity Bus Terminal 1688-4321
Incheon Terminal 1666-7114 Mokpo Bus Terminal 1544-6886
Ansan Bus Terminal 1666-1837 Jeonju Express Bus Terminal 063-277-1572
Uijeongbu Bus Terminal 1688-0314 Gwangju Bus Terminal 062-360-8114
Daejeon Bus Terminal 1577-2259 Yeosu Bus Terminal 1666-6977
Cheonan Terminal 041-640-6400 Busan Bus Terminal 1577-9956
Dongdaegu Terminal 1666-3700 Masan Express Bus Terminal 1688-3110

02Subway

May mga subway na tumatakbo sa mga siyudad sa Korea gaya sa Busan, Daegu, Gwangju, Daejeon at Seoul. Mayroon na 9 na subway lines na pinapatakbo sa kabisera at mga subway line ng Incheon Line 1·2, Bundang Line, Shinbundang Line, Kyeonggui Jungang Line, Airport Railway at iba pa. Ang mga subway lines sa Seoul ay color coded upang malaman ang tamang subway line. May espesyal na marka namang ginagamit upang ipaalam kung nasaan ang “transfer stations.” Ang marking ito ay matatagpuan sa kahit sa mga subway sa labas ng Seoul, mga istasyon sa kalapit na lungsod at iba pa.
Karaniwan, ang mga subway ay tumatakbo sa agwat na 2 ~ 3 minutokapag rush hour sa umaga at gabi, at 4 ~ 6 minutong agwat sa iba pang mga oras.

(1) Tiket sa Subway at Pamasahe

승차권과 요금 표 : 구분, 교통카드 요금, 1회용 교통카드 요금을 포함한 표입니다.
Dibisyon Card sa Transportasyon Isang Gamit na Card sa
Transportasyon
Matanda 1,400 won 100 won na karagdagang bayad para sa card
Kabataan 800 won 1 beses sa pangkalahatang aplikasyon ng
pagbabayad
Bata 500 won katulad o parehas na pamasahe ng
transportation card
  • .Ipinapakita sa talahayanan ang bayad sa hindi lalagpas sa 10km sa lugar ng kapitolyo pero ang paggamit at bayad ay maaaring mag-iba-iba sa bawat rehiyon. Samakatuwid, sumangguni sa website ng kani-kaniyang mga subway ng pang-operasyong institusyon.

(2) Paraan ng Pagsakay sa Subway

  • Ang pamasahe ay may kabayaran na KRW 1,250 para sa pangunahing distansiya sa unang sakay (sa loob ng 10km gamit ang transport card), at karagdagang bayad depende sa distansiya.
  • Magsimula ang biyahe mula 5:30 ng umaga hanggang alas dose ng hating-gabi.
  • May ilang mga linya ng subway na madaling makita sa mapa at iba pang mga lokasyon sa istasyon ng subway. At saka, maaari kang makakuha ng maliliit na mapa sa mga information center o sa opisina ng tagapamahala ng subway.
  • Pinapatupad ang karagdagang pamasahe sa paglipat (additional transfer fare) sa lahat ng mga subway kung ikaw ay gumagamit ng transportation card. Ang mga diskuwento ay depende sa rehiyon.
  • Maaari magbayad ng cash, ngunit walang diskuwento sa paglipat. Mas makabubuting bumili ng transportation card. para sa hindi sapat na balanse, maaari mong kargahan ang kard ng kahit magkanong halaga sa tanggapan (ticket office) ng istasyon ng bus o transportation card recharger machine sa mga subway na istasyon.
Mahalagang Impormasyon
Makina Para sa Automatikong Pag-iisyu ng Tiket
  1. 1Piliin kung anong card ang nais ninyong iisyu : prepaid transportation card (charge), one-time use card o libreng ticket.
  2. 2Piliin ang destinasyon (pamasahe).
  3. 3Pindutin ang bilang ng kailangang tiket.
  4. 4 Ilagay ang pera.
  • Kailangang magbayad ng depositong KRW 500 kapag bibili ng one-time-use transportation card, at ang deposito ay makukuhang muli sa makinang nagbabalik ng deposito matapos bumaba sa tren. Depende sa lugar, ang deposito at ang anyo ng card na ito ay maaaring magkaiba.
  • 무인발매기
    < Manless Vending Machine >
Silid kung saan puwedeng mag-breastfeed, magpakain, palitan ang diaper ng sanggol (Infant Nursing Room)

Sa mga subway o railway stations sa Seoul, Busan, Daegu, Incheon, Gwangju at Daejeon, may mga “Agi Sarang Bang”, “Agi & Omma Hengbokhan Bang”, atbp.

  • Para sa mas detalyadong impormasyon, maaaring niyong bisitahin ang homepage ng institusyon na nagpapatakbo ng subway sa inyong lugar o ang KORAIL.

(3)Mapa ng Subway

Para sa impormasyon sa mga unang biyahe ng subway, mga huling biyahe ng subway, mga istasyon, iskedyul ng operasyon at ang pinakamaikling mga ruta, bisitahin ang mga website ng lokal na subway na mga operator na binanggit sa sumunod na kabanata.

03Taxi

Ang taxi ay tumatakbo 24 oras araw-araw. Mayroong iba’t-ibang uri ng taxi tulad ng pangkaraniwang taxi, model taxi at jumbo taxi. Madaling makilala ang mga ito dahil sa palatandaang nakalagay sa ibabaw nito. Makakakuha ng taxi sa mga hintayan nito (taxi stand) o kaya sa tabi ng daan kung saan maaring pumara ng mga dumadaang taxi. Hiwalay na singil (madalas dagdag na KRW1,000) ang maaaring hingiin bukod pa sa nakalagay sa metro ng taxi kung ang gagamitin ninyo ay isang call-taxi. Bawat rehiyon ng Korea may kumpanyang gumagana para call-taxi

(1)Pangkaraniwang Taxi

3~4 na tao ang maaaring sumakay dito. Ang pamasahe ay ibinabase sa metro. Ang batayang singil ay nag-iiba-iba sa bawat rehiyon pero ito ay madalas na KRW 4,800 (Seoul, hanggang 1.6 km). Karagdagang 20% karagdahang bayad para sa taxi fare sa panahon ng huling-gabi, 00:00 ~ 04:00. (Batay noong Abril 2024)

  • 일반택시

(2)Deluxe (Model) Taxi

Ang mga ito ay deluxe na taxi na may engine displacement na 2,000 cc. Karamihan sa kanila ay may itim na kulay, at umiikot sa paligid ng lugar ng kabisera. Ito ay higit na mas magastos kaysa sa regular na taxi, na may KRW 7,000 (Seoul, hanggang 3km) na batayang singil. Subalit, wala naman itong karagdagang singil para sa gabi o malalayong destinasyon.

  • 모범택시

(3)Malaking Taxi (Jumbo, kasama ang call van.)

Hanggang 9 katao ang makakasakay sa taxi na ito. Mas mainam ito kapag mayroong maraming mga bagahe at kung grupong sasakay. Lahat ng taxi ay may telepono at maaring gamitin ito kapag kailangan. Bagama’t ang batayang singil ay KRW 7,000 katulad ng sa model taxi, ang bayad ay maaari pang pag-usapan sa pagitan ng driver at ng pasahero.

  • 대형택시

04Kotse

Ang mga pampasaherong sasakyan ay pag-aari ng mga pangkaraniwang sambahayan. Mayroong iba't ibang uri ng pampaseherong sasakyan, mula sa maliliit hanggang sa malalaking sasakyan. Ang halaga ng mga ito ay umaabot sa ilang milyong won hanggang sa sampung milyong won.

Paraan ng Pagkuha ng Lisensya sa Pagmamaneho

Paano kumuha ng lisensya sa pagmamaneho:

  1. 1Edukasyon Para sa Ligtas na Transportasyon. Ang “Sentro ng Edukasyon Para sa Ligtas na Transportasyon” na kabilang sa sentro ng eksaminasyon para sa lisensya ng pagmamaneho” at iba pang itinalagang ahensiya sa edukasyon Para sa ligtas na transportasyon. (institusyon) ang nangangasiwa sa programang edukasyon para sa ligtas na transportasyon.
  2. 2Pisikal na eksaminasyon (may hiwalay na bayad para sa inspeksyon)
  3. 3Aplikasyon para sa pasulat na eksaminasyon (written examination)
학과점수 표 : 필요한 서류, 수수료를 포함한 표입니다.
Mga Kinakailangang Dokumento Bayad ng Serbisyo
application form (kasama ang 3 piraso ng passport size colored picture na kinuhanan sa loob ng 6 anim na buwan), ID Card (mga tinatanggap na ID) KRW 10,000
(KRW 8,000 para sa mga motorsiklo)
  1. 4Examination sa akademikong paksa (* Upang makumpleto ang transportasyon kaligtasan edukasyon bago sa pagsusumite ng mga akademikong paksa : May 40 na mga katanungan ang pasulit.)
  • Posibleng pagsusulit wika : 3 banyagang wika (Ingles, Intsik, Vietnamese, maliban sa Korean)
  1. 5Aplikasyon Para sa Praktikal na Eksaminasyon : Ang mga pumasa sa pasulat na pagsusulit at iyong mga dating bumagsak sa pasulat na pagsusulit ay kailangang sumailalim sa praktikal na eksaminasyon .
기능접수 표 : 필요한 서류, 수수료를 포함한 표입니다.
Mga Kinakailangang Dokumento Bayad ng Serbisyo
application form, ID Card (mga tinatanggap na ID)
※ Kung gagamit kayo ng serbisyo ng ahente, kinakailangan ang ID ng ahente, ang iyong ID(mandator), at Special Power of Attorney ng mandator.
  • Class 1, 2 Regular KRW 25,000
  • Class 1 Malaki at Espesyal KRW 25,000
  • Motor KRW 10,000
  • Class 2 Maliit KRW 14,000
  1. 6Praktikal na Eksaminasyon : Ang aplikante ay magmamaneho ng sasakyan at kinakailangan na makapasa sa mga pagsusulit ng iba’t ibang drive test coast at functional course.
  2. 7Pagbigay ng Lisensiya Para sa Pagsasanay : Kapag ang aplikante ay gustong makakuha ng una o pangalawang ordinaryong driver’s license, kinakailangang pumasa muna sa functional test para makakuha ng lisensiya para sa pagsasanay na magmaneho.
  3. 8Aplikasyon para sa Aktwal na Eksaminasyon sa Pagmamaneho : Pagkatapos ng sapat na kasanayan sa pagmamaneho, ang aplikante ay puwede nang magrehistro Para sa aktual na pagsusulit.
  4. 9Aktuwal na Eksaminasyon sa Pagmamaneho : Pumunta sa lugar ng pasulit sa petsa na nakalagay noong araw na nag-aaplay ang aplikante para sa pasulit ng aktwal na pagmamaneho.
  5. 10Pag-iisyu ng lisensya ng pagmamaneho : Kung ang aplikante ay nakapasa sa eksaminasyon sa aktuwal na pagmamaneho, binibigyan sila ng lisensya sa pagmamaneho o driver’s license (Class 1 Big Cars, Class 2 Regular, Class 1 Special, Class 2 Regular, Class 2 Small Cars, Class 2 Motors).
Pagpapalit ng Dayuhang Lisensiya sa Korean Driver's License

Ang may mga lisensiya sa pagmamaheno o driver’s license na ipinagkaloob mula sa ibang bansa ay maaaring ipalit ang foreign driver’s license nila sa Korean driver’s license sa pamamagitan ng pagsumite ng dokumento mula sa embahada at dadaan sa masusing pagsusuri ang mga ito, at kinakailangang sumailalim ng may-ari ng foreign driver’s license sa aptitude test at screening test upang mapalitan ang kaniyang lisensiya at makatanggap ng Korean driver’s license. Maaari lamang palitan ang foreign driver’s license kapag hindi pa ito expired. Ang mga lisensiyang gaya ng temporary license, student driver’s license, provisional license, probationary license, sertipiko sa pagmamaneho at iba pa ay hindi maaaring ipagpalit sa Korean driver’s license.

  • Lokasyon : Sentro para sa pagsusulit sa pagmamaneho sa buong bansa
  • Listahan ng mga kinikilalang bansang inanunsiyo ng Pambansang Ahensiya ng Pulis noong 11 / 22, 2023
  • Ano ang “Mga bansang kumikilala sa “Korean Driver’s License””? Ang mga bansang pumapayag na ipapalit ang Korean Driver’s License sa lisensiya sa pagmamaneho ng kanilang bansa nang hindi na kailangan pang kumuha ng mga karagdagang pagsusulit.
    • Lisensya na Iginawad ng Korean Licensed Authority: Isinasagawa lamang ang aptitude test (physical examination).
    • Lisensyang inisyu ng isang di-kinikilalang bansa para sa Koreanong lisensyang pangtsuper: pagsusulit ng kakayahan at nagsasalang pagsusulit (maraming pagpipilian, 40 tanong) Mayroong Koreano, Ingles, Intsik at Vietnamese
      • Nabibilang ang mga estado ng Oregon at Idaho, USA sa kinikilalang bansa, nguni’t kinakailangan ng mga residente ng mga estadong ito na kumuha ng mga pagsusulit.
  • Mga Kinakailangang Dokumento
구비서류 표 : 구분, 인정국가, 불인정국가를 포함한 표입니다.
Klasipikasyon Kinikilalang Bansa Di-Kinikilalang Bansa
Mga Dayuhan/ Mga Mamamayan sa Ibang Bansa
  • Orihinal na kopya ng international driver’s license
  • Orihinal na kopya ng pasaporte : Ang mga pasaporte na ang petsa ng pagpasok at pag-alis ay maaaring makumpirma.
  • Orihinal na kopya ng alien registration card
    (Orihinal na kopya ng sertipiko ng paninirahan sa bansa ng dayuhang residente)
  • 3 pcs. Colored picture na kinuhanan sa loob ng 6 na buwan (Pinahihintulutang laki ng retrato)
  • Dokumento ng pagkumpirma ng Embahada o apostille confirmation tungkol sa lisensiya
  • Certificate of Entry and Departure (record simula sa taon ng kapanganakan hanggang sa kasalukuyan)
  • Bayad na KRW 8,000 (hindi kasama ang pagsusuri ng pisikal)
  • Orihinal na kopya ng international driver’s license
  • Orihinal na kopya ng pasaporte : Ang mga pasaporte na ang petsa ng pagpasok at pag-alis ay maaaring makumpirma.
  • Orihinal na kopya ng alien registration card (Orihinal na kopya ng sertipiko ng paninirahan sa bansa ng dayuhang residente)
  • 3 pcs. Colored picture na kinuhanan sa loob ng 6 na buwan (Pinahihintulutang laki ng retrato)
  • Dokumento ng pagkumpirma ng Embahada o apostille confirmation tungkol sa lisensiya
  • Certificate of Entry and Departure (record simula sa taon ng kapanganakan hanggang sa kasalukuyan)
  • Certificate of Entry and Departure (record simula sa taon ng kapanganakan hanggang sa kasalukuyan)
  • Bayad na KRW 18,000 (hindi kasama ang pagsusuri ng pisikal)
구비서류 표 : 구분, 인정국가, 불인정국가를 포함한 표입니다.
Klasipikasyon Kinikilalang Bansa Di-Kinikilalang Bansa
Mga Katutubong Koreano, Permanenteng mga Residente
  • Orihinal na kopya ng international driver’s license
  • Orihinal na pasaporte : Pasaporte na may selyo o stamp ng pagpasok at paglabas o entry at departure (permanent residency status, hindi pagtanggap sa visa) na maaaring makumpirma ang pananartili sa loob ng 90 araw sa bansang nag-isyu ng lisensiya
  • Orihinal na kopya ng national ID (kabilang ang orihinal na kopya ng national ID sa ibang bansa)
  • 3 pcs. Colored picture na kinuhanan sa loob ng 6 na buwan (Pinahihintulutang laki ng retrato)
  • Dokumento ng pagkumpirma ng Embahada o apostille confirmation tungkol sa lisensiya
  • Certificate of Entry and Departure (record simula sa taon ng kapanganakan hanggang sa kasalukuyan)
  • Bayad na KRW 8,000 (hindi kasama ang pagsusuri ng pisikal)
  • Orihinal na kopya ng international driver’s license
  • Orihinal na pasaporte : Pasaporte na may selyo o stamp ng pagpasok at paglabas o entry at departure (permanent residency status, hindi pagtanggap sa visa) na maaaring makumpirma ang pananartili sa loob ng 90 araw sa bansang nag-isyu ng lisensiya
  • Orihinal na kopya ng national ID (kabilang ang orihinal na kopya ng national ID sa ibang bansa)
  • 3 pcs. Colored picture na kinuhanan sa loob ng 6 na buwan (Pinahihintulutang laki ng retrato)
  • Dokumento ng pagkumpirma ng Embahada o apostille confirmation tungkol sa lisensiya
  • Certificate of Entry and Departure (record simula sa taon ng kapanganakan hanggang sa kasalukuyan)
  • Bayad na KRW 18,000 (hindi kasama ang pagsusuri ng pisikal)
  • Kumpirmasyon lisensiya mula sa embahada o apostille confirmation : Katibayan na ipinagkaloob sa wikang Koreano o Ingles mula sa [kani-kaniyang embahada ng mga bansa] sa Korea o [embahada ng Korea sa kani-kaniyang mga bansa], o katibayan na ipinagkaloob ng samahan ng Asia Pacific Conevention (lokal) na nakasulat sa wikang Korean o Ingles upang maberipika ang pagkatotoo ng dayuhang lisensiya
    • Ang kumpirmasyon ng embahada sa lisensiya o apostille confirmation ay may bisa lamang sa loob ng 1 taon mula sa petsa ng pagkaloob. Kung ang petsang hindi na ito magagamit ay nakasaad sa kumpirmasyon at kulang sa 1 taon ang natitira bago ito, ang nakasaad na petsang hindi na ito magagamit ay ipinaiiral.
    • Ang pag-iisyu ng kapalit na lisensya ay maaaring hindi maipagkaloob kung sakaling hindi nakalahad sa sertipiko o katibayahn mula sa embahada ang ‘patunay na katibayan o authenticity certification’.
    • Kung sakaling magpapalit ng lisensya na ipinagkaloob mula sa bansang Canada, kinakailangan na dalhin ang ‘Sertipiko sa Pagpapatunay ng Kasanayan sa Pagmamaneho o Certificate of Driving Experience na nanggaling sa Canada’ at ‘sertipiko mula sa embahada o Embassy Certificate’.
    • Tumigil nang mag-isyu ang Embahada ng Estados Unidos sa Korea/Embahadang Briton/Konsulado Heneral ng Korea sa Hong Kong/Embahada ng Finland/Austria ng mga pagpapatunay/kumpirmasyon ng embahada para sa mga lisensyang pangtsuper, kaya dapat magsumite ng kumpirmasyong apostille para sa lisensyang pangtsuper.
  • Sa kasong ang mga petsa ng pagkakaloob at petsang hindi na ito magagamit ay hindi nakasaad sa sertipikasyon ng lisensiya ng driver, ang administratibong institusyon na nag-isyu ng nasabing lisensiya ay dapat na magsumite ng mga dokumentong makapagbeberipika ng petsa ng pagkaloob at ang petsang hindi na ito magagamit tulad ng “sertipikasyon ng karanasan sa pagmamaneho.”
  • Sertipiko mula sa Immigration at Pasaporte : Sa pamamagitan ng tatak sa pagpasok at paglabas sa Korea na nasa inyong pasaporte at ang Sertipiko mula sa Immigration, matitiyak kung mahigit 90 na araw ang inilagi ng may-ari ng foreign driver’s license kung saan nakapaloob ang petsa ng inilagi at araw ng pagtanggap ng lisensya niya sa bansa.
  • Kung hindi maaaring masuri sa pasaporte o sertipiko mula sa Immigration ang katunayan ng pananatili nang mahigit sa 90 araw, ang iba pang mga dokumentong maaaring magpatunay ng pananatili nang mahigit sa 90 araw ay ang Sertipiko sa Pagpasok (Paglipat) sa Eskwelahan, Employment Certificate, Tax Calculation Form, atbp. ay tinatanggap din, ngunit ang mga dokumentong ito ay hindi maaaring gamitin o nakapangalan sa ibang tao.
  • Hindi maipagpalit ng mga panandaliang residente ng 90 araw o mas maikli na hindi nagparehistro bilang mga residenteng dayuhan ang kanilang mga banyagang lisensya para sa mga lokal na lisensya (hindi kabilang iyong mga libre sa pagpaparehistro bilang dayuhan).
  • Ang katutubo ay tumutukoy sa isang taong nakarehistro bilang residente sa ilalim ng Article 6 ng Residents Registration Law.
  • Inisyung lisensiya bilang kapalit ng foreign driver’s license
    • Ang Korean driver’s license na inisyu bilang kapalit ng foreign driver’s license ay limitado lamang para sa regular na lisensiya (Class 2).
    • Ang lisensiyang ipinagkaloob mula sa mga bansang may magkakaibang regulasyon sa ilalim ng mutual na na kasunduan (Belgium, Poland, Spain, Italy) ay maaaring makakuha ng lisensiya para sa katulad na klase.
  • Iba pa : Walang proxy receipt ang mga rehiyong may sariling sistema gaya ng Hong Kong, Taiwan at Guam ay kasama sa mga kategorya ng bansang kinikilala ang Korean Driver’s License.
  • Dapat Tandaan : Kung sakaling napawalang-bisa o nakansela ang Korean Driver’s License noong mga nakalipas na panahon, kinakailangan muna na sumailalim sa 6 na oras na espesyal na seminar o pag-aaral tungkol sa kaligtasan sa kalsada o special traffic safety education. (Maliban na lang, na kung ang lisensya ay nakansela matapos ang panahon ng kanselasyon ng aptitude test.)
Internasyonal na Lisensiya
국제면허증 표 : 항목, 내용을 포함한 표입니다.
Kategorya Mga Nilalaman
Mga Kinakailangang Papeles
  • Sa kaso ng pag-aaplay nang personal: Magbigay ng pasaporte (tinatanggap ang kopya), lisensyang pangtsuper, 1 larawang kasinglaki ng pangpasaporte na kinunan sa loob ng nakaraang 6 na buwan (3.5x4.5cm, mga larawan para sa pasaporte lamang ang tinatanggap)
  • Sa kaso ng pag-aaplay sa pamamagitan ng ahente: Magdala ng ID ng aplikante (orihinal), 1 larawang kasinglaki ng pangpasaporte na kinunan sa loob ng nakaraang 6 na buwan (3.5x4.5cm, mga larawang kasinglaki ng pangpasaporte lamang ang tinatanggap), pagkakakilanlan ng ahente (orihinal), katunayan ng kapangyarihan ng kinatawan
    • Kung nananatili ang ahente sa ibang bansa, dapat magsumite rin ng sertipiko ng pagberipika ng pagpasok.
  • Sa kaso ng mga Koreanong may pasaporteng Koreano, maaaring laktawan ang pasaporte (kopya) sa pamamagitan ng pagbibigay ng pahintulot sa paggamit ng Pampublikong Pagbabahagi ng Impormasyon.
  • Impormasyon sa pag-iisyu ng pandaigdigang lisensyang pangtsuper para sa mayhawak ng Koreanong lisensyang pangtsuper na may dayuhang nasyonalidad
    • Mga kinakailangang dokumento: pasaporte, lisensyang pangtsuper, tarheta ng pagpaparehistro bilang dayuhan o sertipiko ng Rehistro ng Lokal na Paninirahan, 1 larawang kasinglaki ng pangpasaporte na kinunan sa loob ng nakaraang 6 na buwan (3.5x4.5cm, mga larawang kasinglaki ng pangpasaporte lamang ang tinatanggap)
Lokasyon Sentro ng pagsusulit para sa lisensiya sa pagmamaneho at mga istasyon ng pulis sa buong bansa
Petsang Hindi na Magagamit 1 taon mula sa petsa ng pagkakaloob
Bayad KRW 8,500
Mga Dapat Tandaan
  • Kahit na ang pang-internasyonal na lisensiya ay may bisa pa rin (ibig sabihin, hindi pa ito paso o expired), ito ay maaaring ipagpalagay na hindi na epektibo pagkaraan ng 1 taong pagpasok sa kanikaniyang bansa sa ilalim ng mga nilalaman ng internasyonal na kasunduan o mahahalagang batas ng kani-kaniyang mga bansa. Kapag nagmamaneho sa pamamagitan ng internasyonal na lisensiya, ang mayhawak ay dapat na may Koreano na lisensiya at pasaporte.
  • Sa maraming bansa kasama ang Estados Unidos, ang pagmamaneho nang may internasyonal na lisensiya pero walang Koreano na lisensiya at pasaporte ay may-kaparusahan bilang pagmamaneho nang walang lisensiya. Samakatuwid, tiyaking mayroon kayong hawak ng lahat ng 3 sa internasyonal pahintulot sa pagmamaneho, Koreano na lisensiya at pasaporte kapag nagmamaneho.
  • Bilang karagdagan, ang saklaw ng pagkilala o accreditation ng mga international license sa mga bansang tulad ng USA at Canada ay maaaring iba ayon sa nakasaad na batas trapiko ng namamahalang estado. Kung kaya’t nararapat lamang na suriin kung maaari kang makapagmaneho gamit ang international license mula sa estado ng bansang iyong bibisitahin sa pamamagitan ng pagbisita sa embahada.
  • Kung ang pagkakasulat ng pangalan sa wikang Ingles sa international driver's license ay kaiba sa pagkakasulat sa pasaporte, hindi kikilalanin ang international driver's license na ito. Gayundin kung ang pirma sa pasaporte at pirma sa international driver's license ay magkaiba, hindi rin kikilalanin ang international driver¡¯s license.
  • Sa panahon ng pagkakasuspindi sa Korean Driver's License, hindi makakapagmaneho ang isang dayuhan sa Korea kahit na siya ay mayroong international driver's license na inisyu sa ibang bansa. (Sanggunian : Sugnay Blg. 3, Artikulo 96 ng Road Traffic Act).
  • Ang uri ng lisensiyang kinikilala sa Korea ay ang “International Driving Permit”; ang “International Driving License” na ipinagkaloob ng mga ibang rehiyon ay hindi magagamit.
  • Ang Korea ay miyembro ng Geneva Convention. Samakatuwid, ang isang tao ay maaaring magmaneho sa Korea sa loob ng 1 taon mula sa araw ng kanyang pagpasok gamit ang international driver's license na may visa at inisyu ng isa pang bansa ng Geneva Convention, sa prinsipyo nito. Subalit simula Enero 1, 2002, pinapayagan na rin ng Korea ang pagmamaneho gamit ang international driver¡¯s license na may visa at inisyu ng mga bansang miyembro ng Vienna Convention. Ang paggamit din nito ay may bisa rin sa loob ng 1 taon mula sa araw ng pagpasok ng Korea.
    • Ang pagmamaneho ay pinahintulutan sa mga bansang miyembro ng Geneva Convention gamit ang international driver¡¯s license na inisyu sa Korea(Ngunit hindi puwedeng gamitin ito sa Vietnam)
    • Ang pagmamaneho ay pinahintulutan sa Korea gamit ang international driver's license na inisyu ng mga bansang miyembro ng Geneva at Vienna Conventions
      • Ang China ay hindi kabilang sa miyembro ng Geneva at Vienna Convention, sapagkat ang China ay may polisiya na 1 bansa 2 sistema. Ang validity ng international driver’s license na ipinagkaloob sa bansang Hongkong (Hulyo, 01, 1997) at pagkakabalik sa Macau (Disyembre 20, 1999) mula sa Portugal ay kahalintulad ng polisiya ng pagkakaloob ng validity ng international driver’s license ng mga nagdaang panahon at pinahihintulutan na magmaneho sa bansang Korea.
      • Depende sa mga hiwalay na kasunduan at pagkakasundo, posible ring magmaneho gamit ang pandaigdigang lisensyang pangtsuper sa Vietnam at Taiwan, nguni't siguruhing sumangguni sa impormasyon tungkol sa pandaigdigang lisensyang pangtsuper sa embahada o 'Pinagsama-samang Petisyong Sibil para sa Ligtas na Pagmamaneho' para sa impormasyon kung paano gamitin ito at ang mga uri ng pagmamanehong pinapayagan.
Lisensyang pangtsuper ng IC
Ano ang lisensyang pangtsuper ng IC?
  • 이미지텍스트
    Isang aktwal na lisensyang pangtsuper na may tungkuling pag-iisyu ng mobile na lisensyang pangtsuper.
  • 이미지텍스트
    Mawawari ito mula sa pamantayang lisensyang pangtsuper na may icon ng mobile ID sa ibaba ng larawang panglisensya.
IC운전면허증 : 항목, 내용을 포함한 표입니다.
Bagay Nilalaman
Lugar ng Aplikasyon
  • Mag-aplay sa pamamagitan ng pagbisita sa pambansang sentro ng pagsusulit para sa lisensyang pangtsuper o himpilan ng pulis
  • Mag-aplay sa pamamagitan ng Sentro ng Pinagsama-samang Petisyong Sibil para sa Ligtas na Pagmamaneho ng Korporasyon ng Transportasyong Pangkalsada (Kung itinalaga ang sentro ng pagsusulit at mga himpilan ng pulis sa itaas bilang nais na lokasyong tatanggap)
Mga Kinakailangan
  • Lisensyang pangtsuper (kung nawala ang lisensyang pangtsuper, kinakailangan ang tarheta ng pagkakakilanlan.)
    • Katanggap-tanggap ang mobile na lisensyang pangtsuper kung personal na nag-aaplay ang aplikante.
    • Gayunpaman, kapag nag-aaplay para sa pag-iisyu onsite, hindi angkop ang larawang panglisensya para sa mobile na lisensyang pangtsuper, kaya maaaring kailanganin ang aplikasyon para sa muling pag-iisyu. Sa kasong ito, dapat magsumite ng 1 larawang kasinglaki ng pangpasaporte (3.5X4.5cm) na kinunan sa loob ng nakaraang 6 na buwan (2 piraso sa kaso ng pagsusulit ng kakayahan o pagpapanibago)
Mga Babayaran KRW 21,000 kapag nag-aaplay para sa pagsusulit ng kakayahan / KRW 15,000 kapag nag-aaplay para sa pagpapanibago, muling pag-iisyu, o bagong pag-iisyu
Iba pa
  • Para sa mobile na lisensyang pangtsuper, hindi maaaring gamitin nang magkasabay ang mahigit dalawang mobile phones.
  • Para sa pagpapalit ng matalinong telepono, pagbubura ng mobile ID app, pagbabago ng aktwal na lisensyang pangtsuper, at pagkapaso ng mobile na lisensyang pangtsuper (3 taon) upang magamit ang mobile na lisensyang pangtsuper, kinakailangan ang muling pag-iisyu gamit ang lisensyang pangtsuper ng IC o aplikasyon para sa pag-iisyu onsite.
Mobile na lisensyang pangtsuper
Ano ang onsite na pag-isyu ng mobile na lisensyang pangtsuper?
  • 이미지텍스트
    Isang paraan ng pagkuha ng mobile na lisensyang pangtsuper nang hindi binabago ang aktwal na lisensyang pangtsuper.
  • 이미지텍스트
    Mag-aplay sa pamamagitan ng pagbisita sa sentro ng pagsusulit para sa lisensyang pangtsuper at kumuha ng mobile na lisensyang pangtsuper.
모바일면허증 : 항목, 내용을 포함한 표입니다.
Bagay Nilalaman
Lugar ng Aplikasyon
  • Sentro ng Pagsusulit para sa Lisensyang Pangtsuper ng Seoul Seobu at Sentro ng Pagsusulit para sa Lisensyang Pangtsuper ng Daejeon
Mga Kinakailangan
  • Lisensyang pangtsuper (kung nawala ang lisensyang pangtsuper, kinakailangan ang tarheta ng pagkakakilanlan.)
    • Katanggap-tanggap ang mobile na lisensyang pangtsuper kung personal na nag-aaplay ang aplikante.
    • Gayunpaman, kapag nag-aaplay para sa pag-iisyu onsite, hindi angkop ang larawang panglisensya para sa mobile na lisensyang pangtsuper, kaya maaaring kailanganin ang aplikasyon para sa muling pag-iisyu. Sa kasong ito, dapat magsumite ng 1 larawang kasinglaki ng pangpasaporte (3.5X4.5cm) na kinunan sa loob ng nakaraang 6 na buwan (2 piraso sa kaso ng pagsusulit ng kakayahan o pagpapanibago)
Mga Babayaran KRW 1,000
  • Gayunpaman, kapag nag-aaplay para sa pag-iisyu onsite nang eksklusibo, hindi angkop ang larawang panglisensya para sa mobile na lisensyang pangtsuper, kaya maaaring kailanganin ang aplikasyon para sa muling pag-iisyu. Sa kasong ito, maaaring maningil ng mga babayaran dahil sa mga kinakailangang karagdagang serbisyo
Iba pa
  • Para sa mobile na lisensyang pangtsuper, hindi maaaring gamitin nang sabay ang mahigit dalawang mobile phones
  • Para sa pagpapalit ng matalinong telepono, pagbubura ng mobile ID app, pagbabago ng aktwal na lisensyang pangtsuper, at pagkapaso ng mobile na lisensyang pangtsuper (3 taon) upang magamit ang mobile na lisensyang pangtsuper, kinakailangan ang muling pag-iisyu gamit ang lisensyang pangtsuper ng IC o aplikasyon para sa pag-iisyu onsite.
Halimbawa ng Korean Driver's License
  • 대한민국 면허증 견본
Halimbawa ng International Driver's License
  • 국제운전면허증 견본
Para sa mga detalye o katanungan, maaaring sumangguni sa website ng Road Traffic Authority (www.koroad.or.kr) o tumawag sa ☎1577-1120).

05Tren

Maliban sa eroplano ang tren ang isa pa sa pinakamabilis na uri ng transportasyon. Halos lahat ng malalaking lungsod sa Korea ay may istasyon ng tren. Ang mga istasyon na ito ay karugtong sa mga linya ng bus at subway kaya madali, mura at mabilis. Mayroong ding High-speed rail na tren (KTX·SRT), Saemaeul at Mugunghwa.

(1)Paraan ng Pagbili ng Ticket

Ang mga tiket sa tren ay maaaring mabili online sa internet(www.letskorail.com) o sa apps ng Korail. Maaari din mabili ang mga ticket sa ticketing office ng stasyon, ticket vending machine at iba pa. Ang pagkakaroon ng online reservation online ay bukas 24 oras at makapagpareserba ng schedule bago umalis ang tren na nais mong sakyan. Sa pagsakay sa tren, kinakailangan mo na magkaroon ng designated ticket (puwedeng bumili sa website ng SRT etk.srail.co.kr).

(2)Paggamit ng High-speed Railway(KTX·SRT)

Ang mga high-speed railway na tren(KTX·SRT) ay masasabing ligtas, komportable at environment-friendly na transportasyon na tumatakbo sa buong bansa na kadalasan na nasa loob ng 2 oras na may mabilis na patakbo o high speed. Ang mga upuan ay nahahati sa general seats at private seats at mayroon ding mga pasilidad tulad ng toilet, nursing room, at snack vending machine. Sa pagsakay sa tren, kinakailangan mo na magkaroon ng designated ticket (puwedeng bumili sa website ng SRT etk.srail.co.kr).

Mahalagang Impormasyon
  • Ang KTX lines (Gyeongbu line, Honam line, Gyeongjeon line, Jeolla line, Gangneung line) ay puwedeng maidownload mula sa Let's Korail (www.letskorail.com) homepage, tingnan lamang sa menu ang "Impormasyon ng Tren", o di kaya'y idownload mula sa "Korea Railroad".
  • Ang SRT lines (Gyeongbu Express Line, Honam Express Line) ay puwedeng makita sa homepage ng SR (etk.srail.co.kr), tingnan lamang sa menu ang "Guide>Tren stops>Express line guide".

06Airport

Nakakatipid sa oras ang pagbibiyahe sa himpapawid sa mga malalayong lugar. Subalit, ang halaga ng bayad sa transportasyon ay masasabing mas mahal kung ikukumpara ito sa ibang uri ng transportasyon. Seoul-Busan, Seoul-Jeju, Seoul-Ulsan, Seoul-Gwangju, Seoul-Sacheon, Seoul-Yeosu at iba pa. Karaniwang mabibili ang ticket sa internet o hindi kaya ay sa mga travel agency.

(1)Mga Internasyonal na Airport

국제공항 표 : 공항명, 전화번호, 홈페이지를 포함한 표입니다.
Pangalan ng Airport Numero ng Telepono Website
Incheon International Airport 1577-2600 www.airport.kr
Gimpo International Airport 1661-2626
(Korea Airports Corporation)
www.airport.co.kr/gimpo/index.do
Gimhae International Airport www.airport.co.kr/gimhae/main.do
Daegu International Airport www.airport.co.kr/daegu/index.do
Muan International Airport www.airport.co.kr/muan/index.do
Yangyang International Airport www.airport.co.kr/yangyang/index.do
Jeju International Airport www.airport.co.kr/jeju/index.do
Cheongju International Airport www.airport.co.kr/cheongju/index.do

(2)Mga Domestikong Paliparan

국내공항 표 : 공항명, 전화번호, 홈페이지를 포함한 표입니다.
Pangalan ng Airport Numero ng Telepono Website
Gunsan Airport 1661-2626
(Korea Airports Corporation)
www.airport.co.kr/gunsan/main.do
Gwangju Airport www.airport.co.kr/gwangju/main.do
Sacheon Airport www.airport.co.kr/sacheon/main.do
Yeosu Airport www.airport.co.kr/yeosu/main.do
Ulsan Airport www.airport.co.kr/ulsan/main.do
Wonju Airport www.airport.co.kr/wonju/main.do
Paliparan ng Pohang Gyeongju www.airport.co.kr/pohang/main.do

(3)Talaan ng Numero ng mga Leading Airlines

주요 항공사 연락처 표 : 나라명, 항공사명, 전화번호를 포함한 표입니다.
Pangalan ng
Bansa
Pangalan ng
Airlines
Numero ng
Telepono
Pangalan ng
Bansa
Pangalan ng
Airlines
Numero ng
Telepono
Taiwan China Airlines 02-317-8888 Japan Japan Airlines 02-757-1711
South Korea Korean Airlines 1588-2001 Japan ANA Air 02-2096-5500
South Korea Asiana Airlines 1588-8000 China Juneyao Airlines 051-463-0093
South Korea Air Busan 1666-3060 China (Hong Kong) Dragon Air 1644-8003
South Korea Eastar Jet 1544-0080 China Air China 02-774-6886
South Korea Jeju Airlines 1599-1500 China China Southern Airlines 1899-5539
South Korea Jin Air 1600-6200 China China Eastern Airlines 1661-2600
South Korea T'way Air 1688-8686 China Shanghai Airlines 1661-2600
Laos Lao Airlines 02-6357-0808 Cambodia Sky Angkor Airlines 02-752-2633
Russia Yakutia Airlines 02-335-6944 Thailand Thai Airways 02-3707-0114
Mongolia MIAT Mongolian Airlines 02-756-9761 Philippines Thai Airways 02-6105-2037
Vietnam Vietnam Airlines 02-757-8920 Philippines Air Asia Philippines 1544-1717
Japan Peach Aviation 02-2023-6764 Vietnam Vietjet Air 02-319-4560
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”