Tanggapan ng Tawag ng Danuri : 1577-1366
가족상담전화 : 1644-6621
Ika-21 palapag, 173 Toegye-ro, Jung-gu, Seoul (Chungmuro 3-ga). Namsan Square Building)
Copyright ⓒ KOREA INSTITUTE FOR HEALTHY FAMILY. All Rights Reserved
May apat na natatanging panahon sa Korea : tagsibol, tag-init, taglagas, taglamig.
Ang tagsibol ay nagsisimula sa buwan ng Marso hanggang Mayo. Maginaw ang panahon kapag umaga at gabi, at medyo mainit naman kapag tanghali. Maganda ang sibol ng mga bulaklak sa panahong ito. Sa buwan ng Marso ay kailangan pa ring magsuot ng damit na panglamig at sa Abril naman ay maaari nang magsuot ng maninipis na damit. Umiinit naman ang panahon pagdating ng buwan ng Mayo.
Magmula Hunyo hanggang Agosto ang panahon ng tag-init. Ang temperatura ay umaabot mula 25℃ hanggang 35℃. Mararanasan naman ang tag-ulan mula katapusan ng Hunyo hanggang katapusan ng Hulyo. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na araw-araw ang pag-ulan. Kapag Agosto hanggang Setyembre naman, makakaranas ng malakas na buhos ng ulan at malakas na ihip ng hangin. Minsan pa ay dumarayo din ang bagyo sa panahong ito.
Simula Setyembre hanggang Nobyembre. Ang temperatura sa panahong ito ay umaabot sa 10~25°C. Maaraw at tuyo ang panahon. Sa bandang Nobyembre, mararanasan ang biglaang paglamig ng panahon kung saan para na itong panahon ng taglamig. Maaring maghanda na ng damit na pang taglamig at ang mga kagamitan para sa pangpainit ng bahay. Masisilayan din ang ‘tanpung’ (autumn leaves) na talaga namang napakaganda.
Mula Disyembre hanggang Pebrero ang taglamig sa Korea. Ang temperatura ay mula -10℃ hanggang 10℃. Malamig ang panahon sa loob ng tatlong buwan. Kadalasan, sa loob ng isang linggo, mararanasan ang sobrang lamig sa loob ng tatlong araw at masusundan naman ito ng apat na araw na hindi masyadong kalamigan. Minsan ay bumabagsak din ang niyebe at mayroong mga araw na malakas ang ihip ng hangin. Lubos na kailangan ang mainit na damit at mga kagamitan na pangpainit ng bahay. Nagiging mainit ang panahon pagkaraan ng dalawang buwan. Sa pagdating ng katapusan ng Pebrero ay nagsisimulang magbago o lumipas ang malamig na panahon.