Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Programa Para sa Sariling Pagsisikap(Self-Support Programs)

  • Home
  • Social Security System
  • Programa Para sa Sariling Pagsisikap(Self-Support Programs)

Programa Para sa Sariling Pagsisikap(Self-Support Programs)

Ang programa para sa sariling pagsisikap ay mga programang naglalayong mag-abot ng tulong sa rehabilitasyon* ng mga tagatanggap (beneficiary ng basic living security aid at ng mga mahihirap na may kakayahang magtrabaho.) Bahagi ng programa ang pagbibigay ng oportunidad sa pagtatrabaho, pagpapakila ng mga trabaho sa mga naghahanap nito, suporta sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan.

  • pagtatrabaho Para sa rehabilitasyon (pagbibigay ng oportunidad sa pagtatrabaho), at Growing Hope Bank Account (suporta Para sa pagpapaunlad ng kakayahan)

01Kwalipikasyon

Sinuman ang naangkop sa 4 na kondisyon sa ibaba ay kabilang sa self-support program:

  • (Self-support working) Ang benepisyaryo ng National Basic Living Support o iyong kabilang sa grupo na may kitang mas mababa nang 50% ng pamantayang kita.
  • (Savings Account sa Pag-asa I) Pamilyang nakakatanggap ng 60% o higit pang tulong para sa pangkabuhayan o medikal na gastusin at may kabuuang kita na 40% lang ng pamantayang kita.
  • (Savings Account sa Pag-asa II) Ang pamilyang (may negosyo) may total na kita na mas mababa sa 50% average na halaga ng pamantayang kita.
  • (Savings Account sa Kabataan sa Kinabukasan)
    청년내일저축계좌 : 지원대상을 나타낸 표입니다.
    Pagiging karapat-dapat sa suporta
    • (Edad na karapat-dapat) edad 19~34 nang mag-aplay
      (Pinapayagan hanggang edad 15~39 para sa tumatanggap ng kagalingan o klaseng mababa ang kita)
    • (Kita sa paggawa at negosyo) Taunang kita sa paggawa at negosyo: Lampas KRW 6 milyon ~ 24 milyon o mas mababa (Gayunpaman, sa kaso ng tumatanggap ng kagalingan o klaseng mababa ang kita, maaaring talikdan ang bukana ng taunang kita sa paggawa at negosyo.)
    • (Kita ng sambahayan) Bukana ng klaseng katamtaman ang kita na 100% o mas mababa
    • (Ari-arian) Pook ng punong-lungsod: KRW 350 milyon/ mga maliit at katamtamang-laking lungsod: KRW 200 milyon/ mga nagsasaka at nangingisdang nayon: KRW 170 milyon o mas mababa

02Kondisyon ng Suporta

  • (Self-support Job) Ang benepisyaryo ay maaaring makasali sa self-support working na programa sa pamantayan na 5 oras · 8 oras sa 1 araw, at 5 araw sa 1 linggo at ang mga sasali ay makakatanggap ng suporta sa gastusin bilang self-support working na may halaga na KRW 61,800~61,930 (kabilang ang aktwal na gastos) sa 1 araw.
  • (Savings Account sa Pag-asa I) Kung hindi na nakakatanggap ng nauukol na suporta ang mga tumatanggap ng bayad para sa suportang pangkabuhayan at medikal sa merkado, ibigay ang account sa pamamagitan ng pagtapat sa kanilang mga ipon (KRW 100,000) gamit ang pondong pangsuporta ng pamahalaan (KRW 300,000).
  • (Savings Account sa Pag-asa II) Ibigay ang account para sa tumatanggap ng bayad para sa suportang pabahay at edukasyon sa merkado at klaseng mababa ang kita sa pamamagitan ng pagtapat ng balanse sa kanilang ipon (KRW 100,000) gamit ang pondong pangsuporta ng pamahalaan (KRW 100,000) (Ibigay ang buong halaga kung nakumpleto ang tinukoy na edukasyon at pamamahala ng kaso at pagbibigay ng katunayan ng paggamit ng mahigit 50% ng pondong pangsuporta).
  • (Savings Account sa Kabataan sa Kinabukasan) Tapatan ang balanse sa savings account ng nagtatrabahong kabataang mababa ang kita (KRW 100,000) mula sa mga sambahayang nabibilang sa klaseng mababa ang kita nang 100% gamit ang KRW 100,000 pondong pangsuporta ng pamahalaan (bukana ng panggitnang kita na 50% o higit pa – 100% o mas mababa) o KRW 300,000 (bukana ng panggitnang kita na 50% o mas mababa) (Kung pinanatili ang account sa loob ng 3 taon, nagsagawa ng mga gawain, kinumpleto ang pagsasanay, at nagsumite ng plano para sa paggamit ng pondo, ibigay ang buong halaga ng balanse ng ipon)

03 Paraan ng Aplikasyon

  • Bumisita o kontakin ang tanggapan ng bayan at kumonsulta sa isang opisyal ng gobyerno na nangangasiwa sa kapakanang panlipunan.
    • Ang pagrehistro para sa Hope Bank Account (Ⅰ,Ⅱ,Kabataan) ay sa panahon lamang ng registration period.
  • Pag-aaralan ng opisyal ng gobyerno ang iyong kwalipikasyon.
  • Ipagbibigay-alam sa iyo kung ikaw ay kwalipikado.
  • Sakaling makapasa sa programa, magrerekomenda ng isang sentrong magbibigay ng trabaho
  • Bumisita sa pinakamalapit na eup, myeon resident center o kumonsulta sa pamamagitan ng pagtawag sa opisyal na namamahala sa kagalingang panlipunan sa pamamagitan ng pagtawag sa Health and Social Welfare Counseling Center (☎129)
  • Mag-apply
    (eup, myeon dong community center)
  • kukumpirmahin
    kung kwalipikado
  • pagpapaalam ng
    kumpirmasyo
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”