Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Pangunang-lunas (First Aid)

  • Home
  • Kalusugan at Pagpapagamot
  • Pangunang-lunas (First Aid)

Pangunang-lunas (First Aid)

Kapag nagkaroon ng aksidenteng kailangan ng agarang paglapat ng pangunang lunas o ‘first-aid’ upang maiwasan ang paglubha ng kalagayan ng biktima. Tumawag sa 119 (rescue number) upang madala agad sa pagamutan.

  • 눈에 이물질이 들어갔을 때
    (1) May Bagay na Pumasok sa Mata
    Huwag pagalawin at takpan agad ang magkabilang mata. Huwag tanggalin ang bagay sa sariling pamamaraan lamang. Kailangang magtungo agad sa doktor.
  • 이가 빠졌을 때
    (2) Pagkatanggal ng Ngipin
    Maingat na kunin uli ang ngipin at magtungo agad sa dentista. Kapag hindi na maaaring ibalik ang ngipin, ilagay ito sa bibig o kaya’y ibabad sa gatas at dalhin sa dentista.
  • 코피가 날 때
    (3) Pagdugo ng Ilong
    Itaas ang noo at hawakan ang ibabang bahagi ng ilong habang humihinga. Huwag magsalita o lumunok ng laway. Sa loob ng 1 minuto kapag hindi tumigil ang pagdaloy ng dugo kailangang magtungo agad sa ospital. Kahit tumigil ang paglabas ng dugo patuloy pa rin itaas ang noo at hugasan sa malinis na tubig ang ilong at bibig.
  • 화상을 입었을 때
    (4) Pagkasunog ng Katawan
    Kapag malubha at malawak ang pagkasunog, kailangang magtungo agad sa dalubhasang pagamutan. Ngunit habang nasa biyahe pa lamang kailangang takpan ng malinis na gasa ang bahaging nasaktan. Kung hindi naman malubha ang pagkapaso maaring takpan na lamang ang sugat ng malinis na tela at padaluyan ng tubig ang sugat sa loob ng 20 minutos. Hindi maaaring hipuin ang sugat at maaring pahiran ito ng Vaseline, itaas ang bahaging nasugatan hanggang mas mataas pa sa puso upang mabawasan ang nararamdamang sakit.
  • 감전되었을 때
    (5) Pagka-kuryente
    Patayin agad ang kuryente. Sa lugar na walang pagpapatayan ng kuryente hilahin ang biktima sa pamamagitan ng paghawak ng damit nito o kaya’y sa pamamagitan ng kagamitan ng hindi nadadaluyan ng kuryente katulad ng kahoy o plastik.
    Matapos mailigtas ang biktima tiyakin kung may malay ito. Kung wala tiyakin din ang paghinga at pintig ng pulso. Kung hindi na humihinga at walang pulso kailangang magkamalay-tao siya sa pamamagitan ng resuscitation. Maaari pa rin nagtamo ng pinsala sa loob ng katawan ang biktima kaya kailangang dalhin siya sa pinakamalapit na ospital.
  • 일사병·열사병
    (6) Ilsapyeong/ Yeolsapyeong (Sun/Heat Stroke]
    Ang ‘Ilsapyeong’ ay sakit na dala ng matinding sinag ng araw at ang ‘Yeolsapyeong’ ay sakit na dulot ng hindi nakakalabas na matinding init sa katawan. Sa ganitong pagkakataon, mainam na dalhin agad ang biktima sa lilim na lugar. Hubarin ang
  • 질식
    (7) Asphyxia (Hirap sa Paghinga)
    Pagtagilid ng ulo at pamumuti ng mata dahil nahihirapang huminga ang biktima. Sa ganitong pagkakataon dalhin agad ang biktima sa mahanging lugar. Kahit walang malay at humihinga naman, ihiga pakulob hanggang bumalik sa normal ang paghinga. Kung walang malay ay lubos na nahihirapang huminga kailangang tulungan sa pamamagitan ng mouth-to-mouth resuscitation. Kung hindi maagapan ay kailangang dalhin agad sa pinakamalapit na ospital.
  • 뼈가 부러졌을 때
    (8) Pagkabali ng Buto
    Kapag nabalian at lumabas ang buto, kailangang linisan ang sugat at humingi ng tulong. Huwag gagalawin ang nasaktang bahagi. Sa pamamagitan ng kumot o unan ay itaas ang bahaging nasaktan hanggang sa mataas pa sa puso. Kapag kaunti lamang ang pinsala ay maaaring talian lamang ang bahaging nasaktan. Maiiwasan ang pamamaga kung hindi ito gagalawain.
  • 손가락이 잘렸을 때
    (9) Pagkaputol ng Daliri
    Ang naputol ng daliri ay maaaring idugtong muli. Kaya kailangang pumunta agad sa pagamutan dala ang naputol na bahagi. Hawakan ang dakong nasugatan at diinan upang matigil ang pagdaloy ng dugo. Itaas ito ng mataas pa sa puso. Balutin ang naputol na daliri sa malinis na gasa at ilagay sa plastik na lalagyan at lagyan ng yelo.
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”