Kung nahihirapang mamuhay ang mga mamamayang Koreano dahil sa isang hindi inaasahang krisis, makakatanggap sila ng pansamantalang suporta tulad ng gastos sa pamumuhay. Makakakuha rin ng suporta ang mga dayuhang mamamayan sa ilalim ng sistemang ito ayon sa mga ordinansa.
Nilalayon ng suportang pangkagipitang kagalingan na suportahan ang mga pamilyang nahihirapang panatilihin ang kanilang kabuhayan dahil sa hindi inaasahang krisis. Puntirya nito ang mga ① nasa krisis (para sa 1 sa 9 na dahilan sa ibaba) o mga sambahayang ② tinutugunan ang mga kondisyong kaugnay ng kita, ari-arian, atbp.
Laki ng Miyembro ng Pamilya | 1 miyembro | 2 miyembro | 3 miyembro | 4 miyembro | 5 miyembro | 6 miyembro |
---|---|---|---|---|---|---|
Won/Month | 1,671,334 | 2,761,957 | 3,535,992 | 4,297,434 | 5,021,801 | 5,713,777 |
Bilang ng mga miyembro ng sambahayan | 1 người | 2 người | 3 người | 4 người | 5 người | 6 người |
---|---|---|---|---|---|---|
Halaga (KRW libo) | 8,228 | 9,682 | 10,714 | 11,729 | 12,695 | 13,618 |
Suportang pangkabuhayan (KRW 1,508,600), suportang pabahay (KRW 662,500), suporta para sa paggamit ng mga pangkagalingang pasilidad (KRW 1,494,100), suportang medikal (KRW 3 milyon/kaso)
Bilang ng miyembro ng pamilya | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 |
---|---|---|---|---|---|---|
Suportadong halaga (KRW/ buwan) | 713,100 | 1,178,400 | 1,508,600 | 1,833,500 | 2,142,600 | 2,437,800 |
Kung mayroon kang anak na kailangang alagaan (na may Koreanong nasyonalidad) at nahihirapan kang panatilihin ang iyong kabuhayan, makinabang sa pagpapayong pangkagalingan sa Sentro ng Konsultasyon sa Kalusugan at Kagalingan (Tel. 129) o mga tanggapan ng lungsod, gun (kondehan), gu (distrito) o Sentrong Pangkomunidad sa eup/ myeon/ dong (bayan) ng iyong tirahan.
Kapag humihiling ng suportang pangkagipitang kagalingan, titingnan ng namumunong lingkod-sibil ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa bahay, at dedeterminahin ang kinakailangang suporta nang maagap. Kung magiging karapat-dapat ang aplikanteng sambahayan sa apurahang suporta, makakakuha sila ng suporta sa loob ng tiyak na panahon.
Kung nahihirapan kang makipag-usap sa wikang Koreano, maaari mong gamitin ang mga serbisyong pagsasalin at pagpapaliwanag ng Sentro ng Suporta sa mga Multikultural na Pamilya o humingi ng tulong sa isang kaibigang Koreano. Kung karapat-dapat ka, makakatanggap ka ng pangunahing suportang pangkabuhayan.