Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Pagpapalit ng Citizenship (Naturalization)

  • Home
  • Pananatili at Naturalisasyon
  • Pagpapalit ng Citizenship (Naturalization)

Pagpapalit ng Citizenship (Naturalization)

Maaaring mag-aplay para sa naturalisasyon ang mga dayuhang kabilang sa mga sumusunod na kategorya at karapat-dapat para sa angkop na kategorya sa alinman sa 19 Tanggapang Pandarayuhan o mga nakakasaklaw na tanggapan ng banyagang pamahalaan na bahala sa abal-abal na may kinalaman sa nasyonalidad. Dapat ihanda ng mga aplikante ang lahat ng kinakailangang dokumento sa pamamagitan ng pagkonsulta sa Kanto ng Pagbabahagi ng Impormasyon (nasyonalidad/naturalisasyon) ng bahay-pahina ng e-pamahalaan para sa mga dayuhan (www.hikorea.go.kr) sa nakakasaklaw na tanggapang pandarayuhan.

01Kwalipikasyon

  1. 1Ayon sa Civil Code, isang taong hindi minor de edad at permanenteng nanirahan ng deretso sa Korea ng higit sa 5 taon.
  2. 2Mga dayuhan na ang tatay o nanay ay isang/naging isang mamamayang Koreano; mga dayuhang ipinanganak sa Korea na ang tatay o nanay ay ipinanganak sa Korea; at mga dayuhang inampon ng mamamayang Koreano pagsapit sa legal na edad
  3. 3Isang dayuhang kasal sa isang Koreanong mamamayan (para sa mga detalye, sumangguni sa impormasyon ng naturalisasyon para sa migranteng kasal sa koreano)
  4. 4Isang tao na ang ama o ina ay isang mamamayan ng Korea
    • Kung ang ama o ina ay isang naturalized na mamamayan, ang bata ay maaaring mag-aplay ng espesyal na permit para sa naturalisasyon alintana sa edad, stado ng pag-aasawa, at paninirahan (maliban sa mga ampon at mga hindi minor de edad)
  5. 5Mga taong may espesyal na merito o kontribusyon sa Korea
  6. 6Ang mga may mahusay na kakayahan at itinuturing na nag-ambag sa pag-unlad ng Korea
Mga Dayuhang Kasal sa Koreano na Kwalipikado sa Naturalisasyon o Citizenship
  1. 1Mga dayuhang deretsong nanirahan sa Korea ng mahigit sa dalawang taon habang kasal sa isang Korean citizen.
  2. 2Mga dayuhang tatlong taon ng kasal sa isang Korean citizen kasal sa isang Korean citizen na tuloy-tuloy na naninirahan sa Korea sa loob ng isang taon habang nanatiling kasal.
  3. 3Mga dayuhang may asawang Korean citizen subalit hindi kayang panatilihin ang buhay mag-asawa dahil ang asawang Koreano ay naideklarang patay o nawawala (hindi na nagpapakita) at iba pang mga dahilang hindi kasalanan ng dayuhan. Ngunit ang panahon ng kanilang paninirahan sa Korea ay sapat na upang makapag-apply ng citizenship gaya ng nabanggit sa ① o ②.
  4. 4Mga dayuhang nag-aalaga sa mga menor-de-edad na bata o kinakailangang palakihin sila sangayon sa kanilang pagpapakasal sa asawang Koreano at ang panahon ng kanilang paninirahan sa Korea ay sapat na upang makapag-apply ng citizenship gaya ng nabanggit sa ① o

02Mga Kinakailangan

  1. 1Kailangang may kakayahang sundin ang mga pag-uutos na nakasaad sa Ordinansa ng Ministry of Justice, tulad ng pagsunod sa mga batas at regulasyon
  2. 2May kakayahang maghanapbuhay gamit ang sariling abilidad at maging pag-asa kasama ang mga miyembro ng pamilya
  3. 3May pangunahing kaalaman bilang mamamayan ng Republika ng Korea, tulad ng kakayahan ng wikang Koreano at pag-unawa sa mga karaniwang kaugalian ng Korea
  4. 4Idinideklara ng Ministry of Justice na ang pagbibigay ng naturalization ay hindi makakasama sa pambansang seguridad, kaayusan, o kapakanan ng publiko.

03Mga kinakailangang dokumento para sa pag-aaplay para sa Pinadaling (Pagpapakasal) Naturalisasyon

  • Para sa mga kinakailangang dokumento kapag nag-aaplay para sa pinadaling (pagpapakasal) naturalisasyon, kumonsulta sa Kanto ng Pagbabahagi ng Impormasyon (nasyonalidad/naturalisasyon) ng pook-sapot ng e-pamahalaan (www.hikorea.go.kr).
Application form para sa naturalization (Ilakip dito ang isang colored picture 3.5cmx4.5cm, maaaring i-download ang form mula sa homepage)
Kopya ng pasaporte, kopya ng orihinal na kard ng pagkakakilanlan mula sa bansang tinubuan (kabilang ang pagpaparehistro bilang residente sa kaso ng mga Intsik)
  • Kailangang ipakita ang orihinal kapag nag-aaplay
Sertipiko ng kriminal na rekord nang may apostille na inisyu ng pamahalaan ng bansang pinagmulan (ikatlong-partidong bansa) o kumpirmasyon ng konsulado mula sa embahada ng Korea sa nag-iisyung bansa)
Isang kopya ng rehistrasyon ng pamilya (family registration) ng asawang Koreano, karaniwang sertipiko, sertipiko ng kasal o marriage certificate (detalyado o full detailed), at resident registration
  • Kapag nanganak habang kasal pa, kinakailangan din isumite ang rehistrasyon ng pamilya na kasama na ang pangalan ng inyong anak.
Isang dokumentong nagpapatunay na mayroon ka o ang iyong kapamilyang kaparaanan/kakayahang maghanapbuhay o siguruhin ang kabuhayan (katunayan ng isa sa mga halimbawa sa ibaba)
  • Mga dokumentong nagpapakita ng pagmamay-ari ng ari-ariang pinansiyal na nagkakahalaga ng mahigit KRW 30 milyon (balanse sa bangko, ipon, stocks)
  • Sertipiko ng pagpaparehistro ng biyenes estados na nagkakahalaga ng mahigit sa pamantayang halaga ayon sa aktuwal na halaga ng kalakalan o presyong inanunsyo ng isang bangkong komersyal; o kopya ng kasunduan sa pag-upa ng biyenes estados na nagkakahalaga ng mahigit KRW 30 milyon
  • Mga dokumentong kinikilala ng Kagawad-bansa ng Katarungan na maihahambing sa mga dokumentong nasa itaas
Rehistro Para sa Relasyon ng Pamilya na mula sa Korte Suprema (Maaaring i-download ito sa homepage ng www.hikorea.go.kr) at Dokumentong Nagpapatunay ng Pag-aasawa Mula sa Pinanggalingan ng Dayuhan (Kinakailangang ilakip ang dokumentong nakasalin sa wikang Koreano.)
  • Kabilang dito ang mga materyales na nagsasaad ng inyong personal na estadong sibil (kasal, hindi kasal, inampon, atbp.) Para sa mga magulang, asawa at anak ng aplikante para sa pagpapalit ng kaniyang citizenship. Para sa mga Tsino, kinakailangan nilang magsumite ng resident registration, at family relation notarial certificate (kinakailangang may patotoo ito ng Embahada ng Tsina)
Kung ang aplikante para sa pahintulot sa naturalisasyon, atbp. ay isang Koreanong-Intsik (kabilang ang mga kaso kung saan ang magulang o asawa ay isang Koreanong-Intsik), mabisang anyo ng pagkakakilanlan (tarheta ng pangresidenteng ID, rehistro ng sambahayan, atbp.) na nagpapatunay na isa siyang Koreanong-Intsik
Bayad : KRW 300,000 (central revenue stamp)
Dokumentong nagpapatunay ng pagkawala o pagkaputol ng kasal sa asawang Koreano
현황 : 명칭, 주소, 운영시간, 상담언어 및 상담내용을 포함한 표입니다.
Pagkawala ng Asawa, Pagkamatay, Diborsyo at iba pa Mga sitwasyon tulad ng kung ang asawa ng Koreano ay nawawala o dulot ng biglaang pagkawala, death certificate sa pagkamatay o ang dulot ng pagkamatay ay death sentence, pakikipaghiwalay sa asawa tulad ng diborsyo o seParation na sakop ng desisyon ng court grounds at iba pa
Pangangalaga ng mga Anak Kasulatan na nagpapatunay ng relasyon sa anak na Koreano kung saan nakasaad ang pangalan nito (pangalan) at dokumento na nagpapatunay sa pag-aalaga at pagpapalaki sa bata
Karagdagang dokumento na kailangang isumite ng migranteng diborsyado na o hiwalay na sa asawang Koreano para sa ekstensyon ng pananatili, aplikasyon sa permanenteng residente at naturalisasyon(kung hindi ito kasalanan ng marriage immigrant, kailangan sa mga sumusunod na dokumento)
  • Parusang kriminal o desisyon ng diborsyo (nagsasaad ng mga tungkulin ng asawang Koreano)
  • Kung ang marriage immigrant ay nag-file ng demanda dahil sa pang-aabuso ng asawang Koreano : Hatol na “hindi pag-uusig” mula sa taga-usig o prosecutor (suspensyon ng demanda o kawalan ng karapatan sa paguusig)
  • Kung ang marriage immigrant ay sinaktan ng asawang Koreano : Medikal na katibayan (tinutukoy ang detalye ng pinsalang sanhi ng karahasan ng asawang Koreano) at larawan ng pinsala
  • Kung ang asawang Koreano ng marriage immigrant ay walang kakayahang pampinansyal : Desisyon sa pagkalugi ng asawang Koreano.
  • Kapag hindi alam kung nasaan ang asawa : Kopya ng rekord ng ulat tungkol sa pagkawala ng asawa
  • Pagkumpirma sa dokumento na nagpapaliwanag ng kadahilanan Para sa pagkahiwalay ng asawa relasyon na nakasulat sa pamamagitan ng isang kamag-anak na mas malapit kaysa sa pinsan ng asawa.
  • Pagkumpirma sa dokumento na nagpapaliwanag ng kadahilanan para sa pagkahiwalay ng asawa relasyon ay katangian ng asawa, na nakasulat sa pamamagitan ng presidente ng asosasyon ng kapitbahayan kapag ang relasyon sa asawa ay sira (kailangan ng detalyadong dahilan para sa pagkahiwalay ng asawa relasyon na inilarawan)
  • Iba pang mga dokumentong maihahambing sa nabanggit : Kumpirmasyon ng sertipikadong organisasyon

(1)Pamamaraan ng Naturalisasyon

  • 1 Aplikasyon Para sa Naturalisasyon
    • Upang mag-aplay para sa pahintulot sa naturalisasyon, dapat mong tipunin ang mga kinakailangang dokumento sa itaas at tingnan ang 19 na tanggapan ng mga usaping pagkamamamayan/pandarayuhan para sa nakakasaklaw sa iyong tirahan. Pagkatapos magpareserba para sa aplikasyon para sa petisyong sibil ng Hi Korea (aplikasyon para sa pahintulot sa naturalisasyon), dapat magpakita ang aplikante sa nasabing petsa para sa pagsusumite at pagtanggap ng aplikasyon.
  • 2 Pagsusuri sa Kwalipikasyon
    • Sa aplikasyon, isinasagawa ang mga pamamaraan tulad ng pagsusuri ng mga dokumentong iyong isinumite, kalahatang resulta ng iyong KIIP, interbyu, at aktwal na survey.
    • Makakatanggap ng abiso o notification mula sa opisina ng imigrasyon 2~4 na linggo bago ang araw ng interbyu kaya kung sakaling kayo ay naglipat-bahay matapos maisumite o maipasa ang inyong aplikasyon para sa naturalisasyon ay kinakailangang ipagbigay-alam sa lokal na Immigration·Foreigner Office na nakatalaga sa inyong hurisdiksyon ang bago ninyong address o lugar ng tirahan.
    • Ang mga imigrante na kasal sa Koreano na nagpapanatili ng isang normal na cohabitation ng pag-aasawa ay hindi kasama sa KIIP. Sa pamamagitan ng personal na interbyu huhusgahan ang kasanayan sa wikang Koreano at mga pangunahing katangian ng isang mamamayan sa Korea.
      • Ang mga hiwalay o wala sa normal ang stado ng kasal o pagsasama ay kinakailangang sumali sa KIIP.
    • Ang bumagsak sa unang interbyu ay mabibigyan pa ng pangalawang pagkakataon para sa interbyu (bibigyan lamang ng hanggang 2 pagkakataon).
  • 3Panunumpa ng Pagkamamamayan at seremonya ng pagtanggap ng sertipiko ng nasyonalidad
    • iginagawad ang isang sertipiko pagkatapos ng pagbabalik-aral para sa naturalisasyon, dapat lumahok sa seremonya ng pagtanggap ng sertipiko ng nasyonalidad (Iaanunsyo nang maaga ang petsa ng angkop na Tanggapang Pandarayuhan at mga nakakasaklaw na tanggapan ng banyagang pamahalaan. Pagkatanggap ng sertipiko ng nasyonalidad sa seremonya ng pagtanggap ng sertipiko ng nasyonalidad pagkatapos ng Panunumpa ng Pagkamamamayan, matatamo ang Koreanong nasyonalidad. Iaanunsyo ang kinakailangang panahon ng pagbabalik-aral ng naturalisasyon kada buwan sa pamamagitan ng bahay-pahina ng e-pamahalaan (www.hikorea.go.kr), Serbisyong Pandarayuhan ng Korea, o komprehensibong impormasyon sa nasyonalidad ng Kakao Talk Plus Friend.
    • Matapos matanggap ang sertipiko ng naturalisasyon, dapat tingnan ang katumpakan ng pangalan at petsa ng kapanganakan sa sertipiko.
  • 4Pagpapawalang Bisa ng Dayuhang Nasyunalidad (embahada ng bansang pinanggalingan) o Panata para sa Hindi na Paggamit ng Dayuhang Nasyunalidad (Immigration•Foreigner Office (Tanggapan))
    ‌Kinakailangang mangako ang isang dayuhan sa Kawagaran ng Hustisya (Ministry of Justice) na isusuko na niya ang kanyang dayuhang nasyunalidad o kaya’y hindi na niya gagamitin pa ang dayuhang nasyunalidad, isang taon mula ng makuha niya ang kanyang citizenship.
    • Kung hindi isusuko ng aplikante ang kanyang banyagang nasyonalidad sa loob ng isang taon pagkatamo ng Koreanong nasyonalidad o bigo siyang magsumite ng pangakong hindi gagamitin ang banyagang nasyonalidad, babawiin ang Koreanong nasyonalidad. Upang muling magtamo ng Koreanong nasyonalidad, dapat ipagbigay-alam ng aplikante ang pagkawala ng nasyonalidad at muling mag-aplay upang magtamo ng Koreanong nasyonalidad o pagpapanumbalik ng nasyonalidad.
    Dapat isumite ng mga aplikanteng itinatakwil ang kanilang pagkamamamayang pinagmulan ang isang opisyal na sertipiko ng pagtatakwil na inisyu ng kanilang embahada (konsulado) sa tanggapang pandarayuhan at mga nakakasaklaw na tanggapan ng banyagang pamahalaan at kumuha ng nagkukumpirmang dokumento.
    • Mangyaring makipag-ugnayan sa embahada para sa mga kinakailangang dokumento, atbp., para sa pagtatakwil ng banyagang pagkamamamayan.
    Maaaring kumuha ng panata Para sa hindi paggamit ng dayuhang nasyunalidad kung patuloy at pananatilihin ang kasal sa asawang Koreano, makakakuha din kayo ng dokumentong nagpapatunay ng kasunduan Para sa hindi paggamit ng dayuhang nasyunalidad matapos isagawa ang panata.
    • Kapag isinumite niyo na ang dokumentong nagpapatunay ng inyong panata na hindi na gagamitin ang dayuhang nasyunalidad, maaari ninyong panatilihin ang inyong nasyunalidad sa Pilipinas, subalit kayo ay ituturing na Koreano kapag kayo ay nasa Korea. Halimbawa, maaari niyo lamang gamitin ang Korean passport ninyo kapag dumarating o umaalis sa mga airport o porte ng Korea.
    • Para sa mga bansang hindi pinapahintulutan ang multiple nationalities (gaya ng Tsina, atbp.), maaaring mapawalang-bisa ang kanilang orihinal na nasyunalidad depende sa batas ng nasabing bansa. (Sumangguni sa embahada ng inyong bansa tunkol sa multiple nationalities.]
  • 5Resident Registration
    • Bumisita sa community center (dongsamuso) ng inyong lugar at dalhin ang dokumentong magpapatunay ng inyong pagsuko sa ibang nasyunalidad (o ang dokumentong magpapatunay ng inyong pagsang-ayon sa hindi paggamit ng ibang nasyunalidad habang nasa Korea), 2 ID picture (3x4cm). Iulat dito ang tungkol sa resident registration at saka nila kayo iisyuhan ng national ID.
  • 6Pagsasauli ng Alien Registration Card (Maaari itong ipadala tungong koreo (post offie) sa Immigration•Foreigner Office (Tanggapan))
    • 30 araw mula ng pagka-isyu ng resident registration card ninyo, kinakailangang isauli niyo ang inyong alien registration card (maaaring magmulta kayo kapag lumampas ng 30 araw)
    • Kung nais niyo naman itong isauli nang mas maaga, hintayin niyo munang makuha ang dokumentong nagkukumpirma ng pagsuko sa dayuhang nasyunalidad (renunciation of foreign nationality) (o dokumentong nagpapatunay ng panata para sa hindi paggamit ng dayuhang nasyunalidad)

(2) Pag-iisyu ng Resident Registration Card (Korea National ID Card)

Makakatanggap kayo ng resident registration card matapos kayong magparehistro bilang residente sa inyong lugar. Ang resident registration card ay isang ID na patunay na kayo ay may Korean nationality. Ginagamit ito kapag gumagamit kayo ng mga serbisyo mula sa mga administratibong ahensiya at kapag nangangailangan kayo ng mga dokumentong sibil (civil documents).

Huwag ipapahiram ang inyong resident registration card o ipagsabi ang numero ng rehistrasyon (registration number) sa ibang tao. Ang mga impormasyon sa resident registration card ay maaaring magamit sa mga krimen.
  • Muling pag-iisyu ng Resident Registration Card : Kung naiwala mo ang iyong resident registration card, maaari itong iisyu muli sa opisina ng iyong eup, myeon o dong. Kinakailangan lamang ng isang larawan (3x4cm) ng iyong sarili na kuha sa nakaraang anim na buwan.
  • Kapag nagpalit ng tirahan (address) : Kailangan mong ireport ang iyong bagong tirahan (address) sa opisina ng iyong bagong eup, myeon o dong sa loob ng 14 na araw.
Kapag hindi ito naireport, kakanselahin ang iyong rehistrasyon sa pagkaresidente matapos ang pagsusuri.
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”