Ang pangunahing pampublikong administrasyon ay ang tanggapang Eup, tanggapang Myeon, Sentro ng Residenteng Dong, tanggapang panglungsod, tanggapan ng Gun at Gu. Ang mga tanggapang ito ang namamahala sa mga transaksyong kaugnay ang kalusugan at kapakanan ng mga residente, pamamahala ng pampublikong pasilidad, at pag-isyu ng iba’t-ibang sertipiko at rehistrasyon ng iba’tibang mga suliranin. Ang tanggapang Eup, tanggapang Myeon, at Sentro ng Residenteng Dong ay namamahala sa malawakang saklaw ng mga programa tulad ng mga kultural na programa para sa mga lokal na residente.
Maaring gamitin ang mga serbisyong pag-iisyu ng dokumento sa mga makinang nakalaan para sa automatikong pag-iisyu ng sertipiko na nakatalaga sa pangunahing istasyon ng subway o sa website ng government portal “minwon 24” (www.minwon.go.kr). Gayon pa man, hindi lahat ng mga kinakailangang sertipiko ay maaring iisyu sa pamamagitan ng internet o makinang nakalaan sa automatikong pag-iisyu ng sertipiko. Sa ilang mga kaso, hindi maaring gamitin ang mga dokumento sa online ng walang printer at sertipiko ng autentikasyon ng dokumento. Kung kailangan ng pag-iisyu ng opisyal na dokumento, alamin ng mas maaga ang mga kinakailangang dokumento.
Maaaring tumawag sa 112 o bumisita sa istasyon ng pulisya kung biktima ng panlilinlang, pang-aabuso, pagnanakaw, kasama na ang aksidenteng trapiko, o pagiging saksi sa isang aksidente o krimen. Sa mga pampublikong telepono, pindutin lamang ang pulang button para sa emerhensiya o idial ang 112 ng walang area code mula sa permanenteng linya ng telepono o cellphone.
Sa pagrereport ng krimen, siguraduhing ang ibigay ang eksaktong address, pangalan at impormasyon Para sa pakikipag-ugnayan ng nagreport (ikaw) at ang detalyadong pangayayari. Ang pagbibigay din ng impormasyon sa itsura, katangian, direksyon at paraan ng pagtakas ng kriminal ay maaring makatulong.
Maaaring tumawag sa 119 kapag mayroong sunog, kapag kailangang dalhin ang isang tao sa ospital para sa pangangalagang emerhensiya, o kapag naging saksi sa isang parehong sitwasyon. Sa pampublikong telepono, pindutin ang pulang buton sa emerhensiya at i-dial ang 119, o i-dial ang 119 ng walang area code mula sa permanenteng linya ng telepono o cellphone. Sa pagrereport ng sunog, kailangang ilarawan ang lokasyon, palapag, uri ng sunog at anumang mahahalagang palatandaan. Kapag kailangang dalhin ang isang tao sa ospital, kailangang magkaloob ng basikong impormasyon ng taong may sakit. Kailangang panatilihin ang pagkikipag-ugnayan sa mga nagbibigay serbisyo hanggang dumating ang pang-emerhensiyang team ng 119, at magresponde sa anumang pang-emerhensiyang sitwasyon.
Maaaring magpadala ng mga sulat o bagahe mula sa tanggapan ng koreo, na nasa bawat kalapitbahayan. Ang mga tanggapan ng koreo ay nagkakaloob sa mga serbisyong postal at serbisyong internasyonal na postal, at nagkakaloob ng serbsiyong hinggil sa bangko tulad ng pagbabayad ng mga babayaran. Para sa mabilis na serbisyong pang-internsyonal na postal, maaring gamitin ang EMS.
Tumatanggap at nagpapadala ng regular na koreong sulat sa loob ng 3 araw. Sa mga isla o bulubunduking lugar, maaaring mas matagal dumating ang sulat. Nag-iiba-iba ang mga singil depende sa kung saan pinapadala ang koreong sulat. Kapag nagpapadala ng sulat na may bigat o laking lampas sa pamantayan, may babayarang singil na katugon sa mga kinakailangan sa lampas.
Kategorya | Timbang | Bayad sa Pagpapadala |
---|---|---|
Hindi Lalagpas sa 5g | Mula 3g hanggang 5g (Naghahalayhay ang postcards mula 2g hanggang 5g) | KRW 400 |
agpas 5g hindi lalagpas sa 25g | KRW 430 | |
agpas 25g hindi lalagpas ng 50g | KRW 450 | |
Hindi Lalagpas sa 50g | hindi lalagpas sa 50g | KRW 520 |
agpas 50g hindi lalagpas 1kg | karagdagang KRW 120 / 50g na paglagpas | |
agpas 1kg hindi lalagpas ng 2kg | karagdagang KRW 120 / 200g na paglagpas | |
lagpas ng 2kg hindi lalagpas ng 6kg | karagdagang KRW 400 / 1kg na paglagpas |
Para sa mga pangkoreong parsela, may mga bintana sa tanggapan ng koreo para sa mga parselang over-the-counter upang personal na makuha at mga serbisyong pagkuha nang bahay-bahay sa pamamagitan ng pagbisita sa lugar ng trabaho o tahanan kapag hiniling.
Pag-uuri | ∼3kg (80㎝) | ∼5kg (100㎝) | ∼7kg (100㎝) | ∼10kg (120㎝) | ∼15kg (120㎝) | ∼20kg (120㎝) | ∼25kg (120㎝) | ∼30kg (160㎝) |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Kinabukasang paghahatid | 4,000 | 4,500 | 5,000 | 6,000 | 7,000 | 8,000 | 10,000 | 12,000 |
Jeju Kinabukasang paghahatid | 6,500 | 7,000 | 7,500 | 8,500 | 9,500 | 10,500 | 12,500 | 14,500 |
Jeju +2 araw | 4,000 | 4,500 | 5,000 | 6,000 | 7,000 | 8,000 | 10,000 | 12,000 |
Pag-uuri | ∼5kg (80㎝) | ∼10kg (100㎝) | ∼20kg (120㎝) | ∼30kg (160㎝) |
---|---|---|---|---|
Kinabukasang paghahatid | 5,000 | 8,000 | 10,000 | 13,000 |
Jeju Kinabukasang paghahatid | 7,500 | 10,500 | 12,500 | 15,500 |
Jeju +2 araw | 5,000 | 8,000 | 10,000 | 13,000 |
Para sa internasyonal na koreo, may mga air parcel, sea parcel, international express mail service (EMS) at EMS na premium. Ano ang EMS? Ang EMS ay nagbibigay-daan sa maagap at ligtas na paghahatid ng mga sulat, mga dokumento at mga kalakal hanggang 30 kg sa mahigit sa 99 bansa sa buong mundo. Ang mga liham, mga dokumento, L/C, mga libro, mga tseke ng mga organisasyong pinansiyal, sampol ng mga produkto, at iba pang mga kakailanganin ay maaaring ihatid sa pamamagitan ng EMS. Sa ibang mga bansa, ang bigat ng bagahe ay limitado sa 20 kg, kasama ang Argentina at Bangladesh. Sa paghahatid ng ilang mga bagay na ipinagbabawal sa ilang bansa, irerekomenda kang maimbestigahan ito bago ang paggamit ng nasabing serbisyo.
Para sa mga detalye tungkol sa pagtanggap, pahintulot ng aduwana, padala ng trucking, mga regulasyon ng bansa at gabay na nag-uugnay sa paghahatid, kontakin ang 1588-1300 ☎ bisitahin ang tanggapan ng koreo ng EMS na website (ems.epost.go.kr) o EMS premium na website(www.emspremium.com).
Kategorya | Araw ng Operasyon | Oras ng Operasyon | Tala | |
---|---|---|---|---|
Counter ng Post Office | Gawaing Pangsibil | Weekdays (Lunes~Biyernes) | 09:00~16:30 | Sarado ito kapag holidays |
CD/ATM* | Weekdays (Lunes~Biyernes) | 09:00~18:00 | Sarado ito kapag holidays | |
365 Corner | Lagi itong bukas (Lunes~Linggo) | (Kadalasan) 07:00~23:30 | Sa ilang mga lugar magagamit ito mula 05:00am~4:00 nang madaling araw (23 oras) |
Ang mga aklatan ay nagbibigay suporta sa edukasyon, pangkulturang pag-aaral at patuloy na edukasyon ng lokal na residente sa pamamagitan ng pag-akseso sa iba’t-ibang mga materyales, tulad ng mga aklat at AV media. Karamihan sa mga lungsod, gun at gu ay nangangasiwa ng mga aklatan. Ang mga mambabasa ay maaring manghiram ng libre sa mga materyales mula sa aklatan at gamitin ang iba’tibang AV materyales. Para sa impormasyon tungkol sa pinakamalapit na aklatan, makipag-ugnayan sa tanggapang sa inyong lungsod, gun o gu.