Tanggapan ng Tawag ng Danuri : 1577-1366
가족상담전화 : 1644-6621
Ika-21 palapag, 173 Toegye-ro, Jung-gu, Seoul (Chungmuro 3-ga). Namsan Square Building)
Copyright ⓒ KOREA INSTITUTE FOR HEALTHY FAMILY. All Rights Reserved
Madalas na suotin ng mga Koreano ang mga pananamit na kanluraning pananamit (western-style). Nagsusuot sila ng mga damit na may mahahabang manggas kapag tagsibol at taglagas. Damit na may maiikling manggas naman ang sinusuot nila kapag tag-init. Makakapal na panlabas na damit, gaya ng coat at sweater, naman ang sinusuot nila kapag taglamig. Para sa mga mahahalagang pagtitipon ng pamilya o pagpasok sa opisina, nagsusuot o nagbibihis naman sila ng suits.
Ang tradisyunal na pananamit ng Korea ay tinatawag na “Hanbok.” Makikita sa tradisyunal na pananamit ang eleganteng linya at kurba kaya’t napakaganda at kaaya-ayang tingnan ito. May iba’t ibang klase ng Hanbok ayon kung para saan ito gagamitin (pormal o kaswal), at depende rin sa kasarian at edad ng magsusuot at kung anong panahon ito susuutin. Karaniwan, ang Hanbok para sa mga lalaki ay binubuo ng pang-ibaba (pantalon) at jacket. Ang Hanbok naman para sa mga babae ay binubuo ng palda at jacket. Bukod pa rito, maaari rin itong ternuhan ng tsaleko (vest), “magoja,” robe, atbp.
Suotin ang “jeogori” (tradisyunal na jacket ng Korea) at pantalon. Sa pagsusuot ng pantalon, kailangang itali ang sinturon mula kanan pakaliwa at ang dulo ng pantalon ay tinatali sa pamamagitan ng “daenim.” Matapos isuot ang “jeogori,” higpitan ang robe at saka isuot ang tsaleko (vest) at “magoja.” Sinusuot naman ang “durumagi” (tradisyunal na coat ng Korea) kapag lalabas o kapag magjo-“jeol” (pagba-bow kapag may mahalagang okasyon).
Suotin ang pantalon, ang tradisyunal na medyas, ang pang-ilalim na palda at ang pang-ibabaw na palda. Ang pang-ibabaw na palda ay kailangang ilagay sa kaliwa. Matapos isuot ang “sokjeogori” (jacket na panloob) at ang “jeogori” (panlabas na jacket), halahin ang “jeogori” para hindi ito mapihit pa likod. Taliin ang dalawang tali ng “jeogori” para gumawa ng pantay na ribbon.