Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동
  • Home
  • Kultura at Pamumuhay sa Korea
  • Pagkain

Pagkain

01Mga Madalas Kaining Pagkain

Ikinatutuwa ng mga Koreano ang pagbabahagi ng mga pagkain sa kanilang mga kapamilya at kaibigan. Kaya naman kapag maghahain sila ng pagkain para sa mga bisita, pinaghahandaan nila ito nang mabuti upang higit na mas masarap na pagkain ang maibigay nila. Sa pangkalahatan, ang isang “meal” sa Korea ay binubuo ng kanin, sabaw at mga side dish. Kagaya ng sabaw, may iba’t ibang uri din ng ulam gaya ng stew, mga side dish na gawa sa gulay at mayroon ding mga pinasingawang (steamed) pagkain, mga nilagang pagkain, inihaw, pinirito at iba pa. Ang pinakakilalang side dish sa Korea ay ang “kimchi.” Bilang pamalit sa kanin, kumakain din sila ng mainit o malamig na noodles, kakanin (“tteok”) at iba pa. Unti-unting dumadami ang bilang ng mga mag-asawang may trabaho (working-parents) kaya naman nagiiba din ang stilo ng pamumuhay ng pamilya na kung saan dumadami ang pang-isahang pagkain, simple at madaling lutuin, at mga pahatid na pagkain (delivery foods).

Mahalagang Impormasyon
Kumain Kasama ang mga Koreano!

Madaling mapapalapit ang loob ng mga Koreano kapag kasama silang kumain. Wala tayong magagawa kapag hindi talaga kayang kainin ang pagkain ng Koreano ngunit alang-alang sa mabuting pagsasamahan ay makabubuti kung magsisikap na makasabay silang kumain. Ang pakikisabay sa pagkain ay isa sa mga paraan ng pakikibagay sa bansa. Ang pagbubukas ng sarili sa pagkain ng Korea ay siya ring pagbubukas ng sarili sa kultura ng bansa. Sa ganoong paraan magiging masaya ang paninirahan sa bansa.

Tubig Inumin

Ang tubig ng Korea ay malinis at ligtas. Ang mga Koreano ay hindi basta na lamang umiinom ng anumang tubig. Ito’y nililinis o kaya’y nilalagyan ng tsaa at pinakukuluan bago inumin. Wala mang problema sa direktang pag-inom ng tubig sa gripo ngunit karamihan ng mga tao ay pinakukuluan o nililinis muna ito bago inumin. Maaari din sa mga unang araw dahil sa hindi pa sanay sa tubig ay magkakaroon ng sakit sa tiyan ngunit pagdaan ng ilang araw ay maaaring maibagay na rin ang katawan. Kapag hindi gumaling ang sakit ng tiyan sa pagdaan ng ilang araw, kailangang dumalaw sa pagamutan. Sa mga restoran libre ang tubig at kung kinakailangan madaling makabili ng ligtas na tubig sa mga tindahan.

02Mga Pangunahing Pagkaing Koreano

(1)“Pap” (kanin)

Kumpara sa kanin sa Timog Silang Asya, higit na mas malagkit ang kanin sa Korea. Maaaring mahirapan ang mga hindi sanay kumain nito at maaaring hindi matunawan nang mabuti. Mga isang linggo ang kailangan upang masanay sa pagkain ng kanin.

  • 밥
    < Puting Kanin >
Mahalagang Impormasyon
Bibimbap

Ito ay isang representatibong pagkain ng Korea, na ginawa sa pamamagitan ng paghahalo ng iba’t ibang mga gulay, karne ng baka, panimpla, langis ng linga (sesame seeds), gochujang (red pepper paste), at iba pang mga sangkap at siyempre pa ng kanin. Kilalang-kilala ang “Jeonju Bibimbap” bilang representatibong pagkain ng isang rehiyon. Gustong-gusto din ito ng mga sikat na artista sa ibang bansa.

  • 비빔밥
    < Bibimbap >

(2) “Guk”(Malabnaw na Sabaw), “tang”(Sabaw na May Karne o Isda), “jjigae” (Stew), “jeon-gol” (Karneng May Gulay)

Ang apat na uri ng lutuing sabaw ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapakulo ng gulay, karne o isda sa tubig. Ang tawag sa bawat lutuing sabaw ay iba-iba depende sa kung anong sangkap ang ginamit at kung paano ito iniluto : ○○ kuk, ○○ t’ang, ○○ jjige, ○○jeon-gol.

  • Pugo-guk(sabaw ng isdang pollack) : ang sabaw na gawa sa pinatuyong pollack at kinakain para pampaalis ng sakit ng ulo at tiyan (hangover) pagkatapos maglasing.
  • Kongnamul-guk(sabaw na gawa sa toge) : sabaw na gawa sa supling ng mongo (toge).
  • Miyeok-guk(seaweed soup) : sabaw na may halamang dagat.
  • Sollong-tang : karneng baka na pinakuluan ng matagal.
  • Kalbi-tang : sabaw ng tadyang ng karneng baka.
  • Kamja-tang : ang luto ng buto ng karneng baboy na may halong gulay at patatas.
  • Dakbokkeum-tang : ang luto ng karneng manok na may halong gulay at maanghang na rekado.
  • Kimchi-jjigae : ang luto ng pinaghalong kimchi at karneng baboy.
  • Dwenjjang-guk(bean paste soup) : sabaw na maraming gulay at hinaluan ng “duenjang”
  • Bude-jjigae : pinaghalong kimchi at ham, at iba’t-ibang uri ng gulay.
  • Dongte-jjigae(sengt’e-jjige) : pinatuyong isdang pollack hinahuluan ng tokwa, labanos, at kalabasa.
  • Nakjji Jeongol : isang uri ng sabaw na may hiniwang maliliit na octopus at mga gulay, at saka nilagyan ng garnish gaya ng kabute
  • Dubu Jeongol : isang uri ng sabaw na ang pinakapangunahing sangkap ay tokwa (dubu), at sinamahan ng sibuyas, carrots, parsley, karne ng baka at iba pa.
  • 미역국
    < Miyeokguk >
  • 갈비탕
    < Kalbi-tang >
  • 동태찌개
    < Dongte-jjiggae >
  • 김치찌개
    < Kimchi-jjigae >

(3) Kimchi

Ang “kimchi” ang pinakamahalaga at hindi mawawalang pagkain sa bawat hapag-kainan ng mga Koreano. Taglay nito ang balanseng elemento ng panlasa, nutrisyon at kalidad sa pag-iimbak (storage quality). Ginagawa ang kimchi sa pamamagitan ng pagbuburo sa mga gulay (labanos, repolyo, pepino, atbp.) sa asin at saka ito hahaluan ng mga pampalasang gawa sa sili, bawang, dahon ng sibuyas (green onions), luya, binurong isda, at iba pang mga sangkap. Bago ito kainin kailangan muna itong i-ferment sa tamang temperatura sa loob ng mahaba-habang panahon. Mahirap magtanim ng repolyo kapag panahon ng taglamig, kaya gumagawa sila ng maramihang Kimchi mula Nobyembre~Disyembre bilang paghahanda sa winter. Ito ang tinatawag nilang “Kimjang,” kung saan magkakasama ang mga magkakamag-anak sa paggawa ng kimchi.

  • 김치
    < Kimchi >

(4)Mga Lutong Karne

  • Bulgogi : karneng baka na manipis na hiniwa, nilagyan ng rekado at inihaw.
  • Kalbi : tadyang ng baboy o baka na nilagyan ng rekado at inihaw.
  • Samgyeopsal : Karne na sa bandang tiyan ng baboy at pinprito ito sa may kawali at sinasamahan ito ng gulay pag-kinakain.
  • Tak Galbi : Hiniwa at ginisang maliliit na karne ng manok na medyo maanghang at hinaluan ng gulay.
  • Jeyuk pokkum : gisadong karneng baboy na may halong gulay.
  • 불고기
    < Bulgogi >
  • 갈비
    < Kalbi >

(5)Lutong Isda

  • Saengson-hwe : Sariwang isda at isinasawsaw sa may gochojang or daeunjang, toyo, at wasabi.
  • Saengson-ku-i : isdang inihaw na nilagyan ng rekado at asin.
  • Saengson-jim : halos kapareha ng eskabetse subalit maanghang ang lasa.
  • Saengson-chorim : isda at gulay na nilagyan ng rekado at toyo, at pinakuluan ng matagal sa mahinang apoy.
  • Ojingo-pokkum : gisadong pusit, maanghang ang lasa.
  • 생선회
    < Saengson-hwe >
  • 생선구이
    < Saengson-ku-i >

(6)Mga Pagkaing Madaling Ihanda

  • Ra-myeon : ito’y instant na pagkain na parang pansit na madali at naihahanda sa kaunting sandali. Mayroong iba’t-ibang lasa, may maanghang at hindi maanghang.
  • Kim pap : kaning hinaluan ng ham, itlog, carrot, at pipino na binalot sa “kim” (halamang dagat). Ito’y mura at madaling pampaalis ng gutom.
  • Kuksu (myeon) : pareho na pansit ng ginagawang sabaw at nilagyan ng rekado.
  • Mandu : minasang harina na nilagyan ng giniling na karne, tofu, kimchi at maaring iprito at pakuluan depende sa uri ng mandu (dumpling) tulad ng “gogi mandu”, “kimchi mandu”, “mul mandu” at “tuigim mandu”.
  • Toppokki : Pagpira-pirasuhin ang mga bigas, harina cake, atbp. sa tamang haba, at ihalo ang mga ito at iba’t-ibang mga gulay, pagkatapos ay lutuin ang mga ito kasama ang mga seasonings.
  • Sundae : inihaw na longganisang gawa sa tokwa, toge at ‘dangmyeon’ (Chinese noodles) na nilagay sa bituka ng baboy at may kasamang atay ng baboy.
  • 라면
    < Ra-myeon >
  • 김밥
    < Kim pap >
  • 국수
    < Kuksu >
  • 만두
    < Mandu >
  • 떡볶이
    < Toppokki >
  • 순대
    < Sundae >

(7)Napapanahong Prutas

Ang Korea ay isang bansa na may tiyak na 4 na panahon: tagsibol, tag-init, taglagas, at taglamig. Kaya, maraming masasarap na prutas sa bawat panahon. Gayunpaman, sa kasalukuyan, posible na ang pagtatanim ng mga prutas sa loob ng vinyl greenhouses. Kaya naman maaari nang makatikim ng mga prutas sa buong taon kahit ano pa man ang panahon. Pero siyempre, higit na mas masarap pa rin ang napapanahong prutas (season fruits). Kung gusto mong kumain ng mga prutas na iyong kinakain sa iyong bansa, pwede kang bumili sa supermarket o department store.

  • Tagsibol : cherry, strawberry, atbp.
  • Tag-init : chamwe , peach, pakwan, plum, atbp.
  • Taglagas : persimmon, peras, mansanas, jujube, chestnut, ubas, atbp.
  • Taglamig : Gyul , orange, etc.
  • 딸기
    < Strawberry >
  • 사과
    < Mansanas >
  • 귤
    < Gyul >

03Mga Pampalasa

  • Maneul (bawang) : Karaniwang maanghang subalit nababawasan ang anghang at tamis nito kapag inihaw. Tadtarin nang pino upang gamiting sarsa ng salad, at gamitin itong pangrekado.
  • Kanjang (toyo) : Ang lasa ng pagkain ay dinadagdagan ng pampasarap na maalat na itim at likido. Ito ay ginawa sa pamamagitan ng pagbuburo at pagdaragdag ng tubig alat. Ito ay nauuri sa tradisyonal at timplang toyo. Ang toyo ay kadalasang ay ginagamit para pampasarap sa sopas at gulay. Sa kabilang banda, ang timplang toyo ay ginagamit bilang isang hubad na sauce ay para sa hilaw na isda, atbp.
  • Kochujang (chili paste) : Maanghang na pampalasa. Ginagamitan ng durog na siling labuyo ‘kochutkaru’, ‘mejutgaru’, at asin. Nababagay ang maanghang na lasa ng durog na siling labuyo, maalat na lasa ng asin sa kochujang na may kakaibang lasa.
  • Doenjang (bean paste) : Ito’y tradisyonal na pangsahog ng ulam na gawa sa pinaasim na beans. Kadalasan itong ginagamit sa lutong sabaw.
  • Soltang (asukal) : Pulbos, matamis, puti, dilaw o kulay kape ang kulay.
  • 간장
    < Kanjang (toyo) >
  • 고추장
    < Kochujang (chili paste) >
  • 된장
    < Doenjang (bean paste) >
  • Sikcho (suka) : Likido, dilaw ang kulay, maasim, kakulay ng mantika, gawa sa mansanas o bigas (makikita sa label nito).
  • Sogeum (asin) : Pulbos, puti ang kulay, maalat, kapareho ng itsura sa asukal. Kailangang alamin kung alin ang asukal at alin ang asin.
  • Chomiryo (pampalasa) : Isang uri ng powder na tumutulong na baguhin ang lasa ng pagkain upang mas maging malasa pa ito kapag idinadagdag sa pangunahing sangkap ng pagkain. Isa itong uri ng pampalasa na kaparehas ng asin at asukal kaya dapat tingnan ito nang mabuti at gamitin sa tamang timpla.
  • Sikyongyu (Cooking oil) : Likido, dilaw ang kulay, pangprito o panggisa ng pagkain. Sa labas ng label nito ay may nakalagay na larawan ng mais o mani.
  • Cham kireum (sesame oil) : Isa itong likido na medyo kayumanggi ang kulay. Ginagamit ito para sa magbigay ng bango sa pagkain. Kilala din ito bilang “sesame seed oil,” o langis ng linga. Maliban sa mga pampalasang nabanggit sa itaas, mayroon ding “linseed oil” na tinatawag.
  • Ek-jeot (patis) : Patis na gawa sa dilis o igat. Marami ito sa Thailand at Vietnam, ginagamit nilang pampalasa ng pagkain.
  • 설탕
    < Soltang (asukal) >
  • 소금
    < Sogeum (asin) >
  • 조미료
    < Chomiryo (pampalasa) >
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”