Ang pantrabahong seguro ay isang sistemang panlipunang segurong pinipigilan ang kawalan ng trabaho, pinapadali ang pagtatrabaho, nililinang at pinagbubuti ang mga kasanayang bokasyonal ng mga manggagawa, at sinusuportahan ang katatagan ng kabuhayan at muling pagtatrabaho ng mga manggagawang walang trabaho. Nag-aambag ang mga tagapag-empleyo at mga manggagawa ng tiyak na halaga ng kanilang buwanang kabayaran bilang mga bayad sa pantrabahong seguro. May karapatan ang mga manggagawang makatanggap ng pantrabahong pagsasanay at mga benepisyong pangkawalang-trabaho kung matanggal sila sa trabaho, habang makakatanggap ang mga tagapag-empleyo ng suporta sa pagpapanatili ng trabaho at gastusin sa edukasyon at pagsasanay.
01Social Insurance
- Kapag nakakuha ng trabaho ang isang taong may Koreanong nasyonalidad, kinakailangan niyang magsuskrito sa panlipunang seguro (pambansang pensyon, pangkalusugang seguro, pantrabahong seguro) kung akma ang mga naaakmang batas.
- Maaaring piliin ng mga banyagang mamamayang walang Koreanong nasyonalidad na magsuskrito sa panlipunang seguro depende sa istado ng kanilang paninirahan.
02Unemployment Benefits
Kapag nawalan ng trabaho ang isang empleyado, nagbibigay ng mga benepisyo ang employment insurance para sa itinakdang panahon upang tulungan ang mga nawalan ng trabaho sa panahon ng kailangan nila ng pinansiyal na tulong, at upang makakuha muli sila ng trabaho.
- Ang unemployment benefit ay hindi kabayaran para sa kawalan ng trabaho o sa pagbabalik ng bayad para sa hulog sa employment insurance premiums.
- Ito ay insentibo upang himukin ang mga empleyado na muling magtrabaho.
- Ang empleyadong nawalan ng trabaho ay maaari lamang mag-apply para sa nasabing benepisyo 12 buwan matapos ang araw ng pagtigil sa trabaho.
(1)Kwalipikasyon
Kapag kasali ka sa mga nakasaad sa ibaba, maaari kang makatanggap ng mga benepisyo sa kawalan ng trabaho.
- Kung nagtrabaho ng mahigit sa 180 na araw base sa insured unit period (ang batayan sa pagbibilang ng araw para sa kabayaran) sa loob ng 18 buwan bago ang araw ng pagtigil sa trabaho, kung siya ay nagtrabaho sa kumpanyang miyembro ng employment insurance.
- Mga empleyadong sapilitan o napilitang huminto sa trabaho.
- Kung sakaling muling sumusubok na maghanap ng trabaho (Ang mga empleyadong nawalan ng trabaho sanhi ng boluntaryong pagtigil sa trabaho o kaya’y natanggal sa trabaho dahil sa pinsalang idinulot niya sa kumpanya ay hindi maaaring mag-apply Para sa unemployment benefit)
Mga Dapat Tandaan!
Kwalipikasyon sa Pagsali sa Employment Insurance
Ang pagsuskrito o hindi pagsuskrito sa pantrabahong seguro ay nag-iiba-iba depende sa istado ng iyong paninirahan.
- Istado ng paninirahang hindi sakop ng pantrabahong seguro: A1~A3, B1~B2, C1~C3, D1~6, D10, F1, F3, G1, H1
- Istado ng paninirahang kinakailangan para sa pantrabahong seguro: E9, F2, F5, F6, H2
- Istado ng paninirahan kung saan nakadepende ang aplikasyon sa prinsipyo ng katumbasan: D7~D9
- Naaakmang istado ng paninirahan kung nais mo lamang magsuskrito: C4, E1~E8, E10, F4
(2)Halaga ng Unemployment Benefits
- Halaga ng Unemployment Benefits = 60% ng average na sahod bago tumigil sa pagtatrabaho x bilang ng araw ng binayarang sahod (KRW 66,000 na sahod kada araw, 80% ng minimum wage)
- Bilang ng araw Para sa unemployment benefit : ang bilang ng araw Para sa unemployment benefit ay mula 120 araw hanggang 270 na raw, at ang bilang na ito’y ibinabatay sa edad ng empleyado nang siya ay tumigil sa pagtatrabaho at ang haba ng panahon ng kanyang pagsususkrisyon (subscription) Para sa employment insurance.
Bilang ng Araw Para sa Unemployment Benefit (Bilang ng Araw Para sa Benepisyo)
실업급여 지급일수 : 연령 및 가입기간, 1년 미만, 1년 이상~3년 미만, 3년 이상~5년 미만, 5년 이상~10년 미만 및 10년 이상을 포함한 표입니다. Pag-uuri | Panahon ng seguro |
1 taon o mas maikli | 1-3 taon | 3-5 taon | 5-10 taon | 10 taon o higit pa |
Kasalukuyang edad at pagpapalit ng trabaho | Edad 50 o mas bata | 120 araw | 150 araw | 180 araw | 210 araw | 240 araw |
Edad 50 o mas matanda | 120 araw | 180 araw | 210 araw | 240 araw | 270 araw |
- Tanda: Ipapatupad ang talaan sa itaas na isinasaalang-alang na ang taong may mga kapansanan ay edad 50 o mas matanda alinsunod sa Artikulo 2.1 ng Batas sa Pagtataguyod ng Pagtatrabaho at Rehabilitasyong Bokasyonal ng mga Taong may Kapansanan.
(3) Paraan ng Aplikasyon
-
Kung nawalan ka ng trabaho, dapat kang magparehistro online bilang isang naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng Trabaho 24 at agad ipagbigay-alam ang kawalan ng trabaho sa lokal na sentrong pantrabaho nang may mabisang anyo ng ID upang maberipika ang iyong pagkakakilanlan.
-
Kinakailangan ninyong gumawa at magsumite ng aplikasyon sa Job Center upang malaman kung kayo ba ay kwalipikado Para makatanggap ng unemployment allowances.
-
14 araw matapos ang aplikasyon, padadalhan kayo ng notipikasyon kung kayo ba ay maaaring makatanggap ng unemployment allowance (Padadalhan kayo ng sulat sakaling ito ay hindi maaprubahan).
-
Bumisita sa Labor and Employment Center o Job Center sa itinakdang araw na nakasaad sa sulat na itinalaga mula 1~4 na linggo upang matanggap ang aplikasyon sa pagpapatunay ng kawalan ng trabaho o unemployment.
-
Kinakailangang ipaalam ninyo sa Job Center ang mga sumusunod na impormasyon: estado ng inyong kawalan ng trabaho Para sa kinikilalang panahong itinagal ng pagkawala ng trabaho, at mga gawain ninyo upang makahanap ng bagong trabaho (hal., pagsusumite ng mga resume, pagpapa-interbyu sa trabaho, atbp.)
03Employment Insurance Para sa mga Self-Employed
(1)Paraan ng Suskrisyon
boluntaryong suskrisyon (kung nais maging insured)
(2)Kwalipikasyon sa Pagpaparehistro
Isang indibiduwal na solong may-ari o isang solong may-aring may mas mababa sa 50 manggagawang ① nagtataglay ng sertipiko ng pagpaparehistro ng negosyo o ② tarheta ng kakaibang numero sa negosyong nagpapatakbo ng pantahanang sentro ng pang-araw na pag-aalaga, pribadong sentro ng pang-araw na pag-aalaga, o sentro ng pangmatagalang pag-aalagang hospisyo para sa mga matatanda.
- Ang mga aplikante na hindi kwalipikado o hindi kabilang sa pagtanggap ng employment insurance ay ang mga negosyo o business owner (mga hindi kabilang sa korporasyon na may employee na 5 katao pababa tulad ng agrikultura·pagugubat·pangingisda, maliit na construction, pagbibigay serbisyo sa bahay na negosyo) at real estate leaseholder business owner.
- Ang mga taong nagsisimula na magtatag ng negosyo mula sa edad na 65 years old pataas ay maaaring makilahok sa job security·job skills development program.
(3)Pamantayang Gantimpagal at mga Bayad sa Seguro
- Pamantayang gantimpagal: Bilang batayan para sa pagkalkula ng mga bayad sa seguro at suweldo para sa paghahanap ng trabaho, mayroong 7 gradong mapagpipilian (maaaring palitan ng hanggang isang taon)
- Bayad sa seguro: 2.25% ng pamantayang bayad na pinili ng tagasuskrito
Monthly Premium at Monthly Allowance Para sa mga Job Seekers Batay sa Pamantayan ng Sahod
기준보수에 따른 월 보험료 및 월 구직급여 : 구분, 1등급, 2등급, 3등급, 4등급, 5등급, 6등급 및 7등급을 포함한 표입니다. Kategorya | Ika-1 Baitang | Ika-2 Baitang | Ika-3 Baitang | Ika-4 Baitang | Ika-5 Baitang | Ika-6 Baitang | Ika-7 Baitang |
Pamantayan ng Halaga sa Kabayaran | 1,820,000 | 2,080,000 | 2,340,000 | 2,600,000 | 2,860,000 | 3,120,000 | 3,380,000 |
Buwanang Premium | 40,950 | 46,850 | 52,650 | 58,500 | 64,350 | 70,200 | 76,050 |
Mga sustento para sa mga naghahanap ng trabaho | 1,092,000 | 1,248,000 | 1,404,000 | 1,560,000 | 1,716,000 | 1,872,000 | 2,028,000 |
(4) Benepisyo
- (Unemployment Benefit Allowance) Maaaring makatanggap ng 60% ng halaga ng suporta (KRW 1,092,000~2,028,000 kada buwan) batay sa napiling pamantayan ng halaga ng kabayaran ng manggagawa sa loob ng 120~210 na araw na standard payment ng pamantayan ng sahod kung sakaling nalugi o nagsara ang kumpanya at nakapagbayad ng premium ng mahigit sa 1 taon sa loob ng 24 na buwan bago magsara ang kumpanya.
혜택 : 구분, 가입 기간(피보험기간)안에서 1~3년, 3~5년, 5~10년 및 10년이상을 포함한 표입니다. Kategorya | Sumali sa isinegurong panahon (panahon) |
1 taon - 3 taon | 3 taon - 5 taon | 5 taon - 10 taon | higit na 10 taon |
Mga Araw ng Suweldo | 120araw | 150araw | 180araw | 210araw |
- (Paghubog sa Kakayahan) Suporta para sa training course sa pamamagitan ng Naeilbaeum Card*
- Naeilbaeum Card : Suporta para sa gastos sa training course na hanggang KRW 5,000,000 na magagamit sa loob ng 5 taon
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”