Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Mga Detalye ng Pagpoprotekta sa Personal na Impormasyon

  • Home
  • Sanggunian
  • Mga Detalye ng Pagpoprotekta sa Personal na Impormasyon

Mga Detalye ng Pagpoprotekta sa Personal na Impormasyon

(1)Kahulugan ng personal na impormasyon

Pinapahintulutan ng personal na impormasyon, na impormasyon tungkol sa isang buhay na indibiduwal, na makilala ang isang ispesipikong tao sa pamamagitan ng paggamit nito o nang may pagkakaugnay sa iba pang impormasyon, tulad ng pangalan, numero ng pagpaparehistro bilang residente, numero ng pasaporte, at numero ng pagpaparehistro bilang dayuhan.

(2) Mga Uri at Kahulugan ng Personal na Impormasyon

  1. 1 Personal na impormasyon
    • Karaniwang impormasyon: Pangalan, numero ng pagpaparehistro bilang residente, tirahan, impormasyon para sa pakikipag-ugnayan, petsa at/o lugar ng kapanganakan, kasarian, atbp.
    • Pampamilyang impormasyon: Ugnayang pampamilya at impormasyon ng kapamilya, atbp.
  2. 2 Pisikal na impormasyon
    • Pisikal na impormasyon: Mga tampok ng mukha, alikmata (iris), boses, genetikong impormasyon, bakas ng daliri, tangkad, bigat, atbp.
    • Impormasyong medikal/pangkalusugan: Impormasyon ng pisikal na pagsusuri tulad ng istado ng kalusugan, mga medikal na rekord, pisikal na kapansanan, antas ng kapansanan, kasaysayang medikal, uri ng dugo, IQ, pagsusuring pandroga, atbp.
  3. 3 Impormasyong pangkaisipan
    Ideolohiya, relihiyon, mga pinapahalagahan, partidong politikal/pagiging miyembro ng unyon at kasaysayan ng gawain, atbp.
  4. 4 Panlipunang impormasyon
    Pang-edukasyong pinagmulan, mga akademikong grado, rekord ng buhay-paaralan, istado ng serbisyo militar, numero at ranggong pangmilitar, uri ng paglabas sa militar, yunit ng tungkulin, posisyon sa trabaho, tagapag-empleyo, lugar ng trabaho, rekord ng pagtatasang pantrabaho, rekord ng krimen, rekord ng paglilitis ng korte, kasaysayan ng mga multang ipinataw, atbp.
  5. 5 Impormasyon tungkol sa Ari-arian
    Halaga ng suweldo, kita sa interes, kita sa negosyo, numero ng tarhetang pangkredito, numero ng account, impormasyon sa pagtatasang pangkredito, pagmamay-ari ng bahay, pagmamay-ari ng lupa, personal na sasakyan, tindahan at gusali, atbp.

(3)Mga Detalye kung Paano Protektahan ang Personal na Impormasyon

  1. 1Gawing mahirap hulaan ang iyong mga password para sa iba at palitan ang mga ito nang regular
    • Itakda ang iyong mga password bilang walong titik o mas mahaba pa na may kombinasyon ng mga titik, mga numero, mga espesyal na simbolo, atbp. sa tatlong tambilang o higit pa kapag nagpaparehistro bilang miyembro.
    • Regular na palitan ang iyong mga password, isang beses kada tatlong buwan man lamang, at iwasang gumamit ng parehong password sa iba’t ibang pook-sapot.
  2. 2Huwag ibigay ang iyong impormasyon sa iba o isisiwalat ito nang labis sa social media
    • Kailangang maingat sa personal na impormasyon, tulad ng ID at password, at numero ng ID bilang isang mamamayan o SS ID, at iwasang sabihin sa mga kaibigan o sa iba.
    • Huwag ibunyag ng labis-labis ang personal na impormasyon tulad ng numero ng telepono, impormasyon ng lokasyon, at tirahan sa iyong social media.
    • Sa pagbibigay ng personal na impormasyon para sa pagrehistro bilang miyembro o para sa pagtanggap ng premyo, dapat basahin ng husto ang tungkol sa koleksyon ng personal na impormasyon, sakop ng paggamit ng personal na impormasyon, hanggang kailan, at layunin.
  3. 3 Huwag mag-klik ng Internet address (URL) na natanggap sa text message o e-mail kung saan ang source ay hindi maliwanag
    • Ang mga text message at e-mail na ipinadala ay may kalakip na program na nanakaw sa personal na impormasyon at gamitin ito para sa mga krimen. Huwag dapat i-klik ang URL o i-download ang natanggap na text message o e-mail kapag hindi mali
  4. 4 Gamitin ang ☎ Sentro ng Tawag 118 para sa mga katanungan tungkol sa personal na impormasyon
    Tumawag sa ☎118 para sa mga problemang cyber tulad ng hacking, personal na impormasyon, spam, atbp. (24 na oras kada araw, 365 araw kada taon)

(4) Impormasyon sa edukasyon sa pagprotekta ng personal na impormasyon

  • Kung kailangan ang pagsasanay sa mga konsepto at mga paraan ng proteksyon ng personal na impormasyon, mangyaring lumahok sa pagsasanay online sa “Lagusan ng Personal na Impormasyon (www.privacy.go.kr).”
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”