Ang Danuri Helpline ☎1577-1366 (Multicultural Family Information Telephone Center), Multicultural Family
Support Center, at ang Foreign Workers’ Support Center ay ipinapatakbo ng gobyerno.
Bukod pa rito,
mayroon ding iba pang mga sentrong tumutulong sa mga dayuhan at mga rehiyunal o organisasyong suportado ng
pribadong sektor. Nagtayo rin ng Foreign Community Center sa Ansan-si, Gyeonggi-do kung saan maraming mga
dayuhang naninirahan. At nagbibigay din sila dito ng iba’t ibang mga administratibong serbisyo. Dagdag pa,
ang mga sentrong gaya ng Community Center, Regional Cultural Center at iba pang sentro na nagbibigay ng
serbisyo para sa mga Koreano ay mayroon ring mga programa para sa mga dayuhan.
Lokasyon | Nilalaman |
---|---|
Pangkaraniwan |
|
Mga gawaing kaugnay ng pagbibigay tulong o payo sa panahon ng emergency o kapag may biktima ng karahasan |
|
Paglalaan ng impormasyon para sa pang-araw-araw na pamumuhay |
|
Interpretasyon at 3-way calling service |
|
Lokasyon | Pagpapayo | Direktang Numero ng Telepono sa Bawat Rehiyon |
---|---|---|
Seoul | ☎1577-1366 | 1577-1366 |
Gyeonggi Suwon | 031-257-1841 | |
Daejeon | 042-488-2979 | |
Gwangju | 062-366-1366 | |
Busan | 051-508-1366 | |
Gumi (Gyeongsangbuk-do) | 054-457-1366 | |
Jeonju (Jeollabuk-do) | 063-237-1366 |
Upang matulungan ang mga multikultural na pamilya sa pakikibagay sa lipunang Korea at para rin mapaunlad ang relasyon sa loob ng pamilya, nagbibigay sila ng mga serbisyong gaya ng kolektibong pagaaral o training (pampamilya, gender equality, karapatang pantao, atbp.), pag-aaral ng wikang Koreano, visiting education, pagbibigay ng impormasyon, pagsasaling-wika (interpretation and translation), language development ng mga anak, atbp. Sa kasalukuyang taon ng 2022, tinatayang umaabot sa 231 ang bilang ng mga center na nakatalaga at patuloy na nagbibigay serbisyo sa buong bansa.
Kategorya | Karaniwang pangangailangan | Elektibo (halimbawa) | Tanda |
---|---|---|---|
Pamilya |
|
|
Taunan Ipinag-uutos 14 oras, Elektibo 26 na oras o higit pa (Nag-aalok ang sentro ng pagtatalaga ng bilinggwal na tagasanay ng programang pagtatatag ng kapaligirang bilinggwal ng mahigit 160 oras bilang panlahat na kinakailangan) |
Pagkakapantay-pantay sa kasarian at mga karapatang pantao |
|
|
Nagsagawa ng mahigit 20 oras |
Panlipunang pagsasama-sama |
|
- | Pagpaparehistro sa lambat pangtrabaho kaugnay ng Sistemang e-Saeil System at kawing sa Sentrong Saeil (Mahigit 10 kaso) |
|
|
Nagsasagawa ng mahigit 15 oras (Kabilang ang 4 na oras ng pangunahing edukasyon para sa mga boluntaryo) | |
Pagpapayo | Pagpapayong pampamilya |
|
Nagdaos ng mahigit 80 sesyon taun-taon |
Bilang karagdagan, ang mga sumusunod ay ang kabuoan ng espesyal na proyekto na ipinapatakbo ng Multicultural Family Support Center para sa mga multikultural na pamilya.
Dibisyon | Nilalaman |
---|---|
Ang Edukasyon sa Wikang Koreano para sa Espesyal na Layunin | Ilan sa mga pinakasikat na isla ng Korea ay ang Isla ng Jeju, Isla ng Geoje, Isla ng Jin at Isla ng Uleung. Ang mga isla ng Jeju at Uleung ay nabuo sa pamamagitan ng pagputok ng bulkan. Ang bahagi ng yellow sea at ang kanluranin at katimugang baybayin naman ng Korea ay pinapaunlad bilang mga “rias coast,” kung saan kakikitaan ito ng malaking pagbagbago sa sea level. (Sanggunian : Ministry of Land, Infrastructure and Transport) |
Ang Serbisyong Pagbisita ng Guro sa Bahay para Magturo (Home-Based Education) |
|
Ang Suportang Pagtulong para sa mga Problema at Kasong Pampamilya (Case-Management Support) |
Ito ay naglalaman ng komprehensibo na serbisyong sumusuporta sa sikolohikal at emosyonal na katatagan, pagpapalakas ng mga kakayahan, at paglutas ng komplikado at iba’t ibang uri ng problema sa karahasan sa pamilya (Domestic Violence), Diborsiyo, atbp. ng mga multikultural na pamilya. |
Serbisyong Pagsasalin Ng Wika (Translation & Interpretation) |
Ito ay ang serbisyong nagbibigay suporta para sa pakikipag-usap na kinakailangan sa pamumuhay sa lipunan sa pamamagitan ng pagsasalin ng wika para sa pamilya ng mga migranteng kasal sa Koreano |
Suporta para sa Pagpapaunlad ng Wika ng mga Batang Anak ng Multikultural na Pamilya (Language Development Support) | Ito ay nagbibigay ng suportang edukasyon sa pagpapaunlad ng wika para sa mga batang nahihirapan makipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pagtatasa ng katayuan (level test) ng kakayahan ng bata sa wika. Ito din ay nagbibigay sa mga magulang ng impormasyon kung paano turuan ang mga bata. |
Programa para sa Paglikha ng Bilingual na Paligid | Ito ay programang nagtuturo sa mga magulang na multikultural na pamilya kung paano lumikha ng kapaligiran sa tahanan na kung saan ang mga bata ay maaaring makipag-usap sa wikang bilingual ng natural mula sa pagkabata (bilingual coaching, programang nag-uugnay sa magulang at anak, programang naapplay ang bilingual, coaching para sa pamilya) |
Mayroong mga multicultural support centers sa bawat distrito. Maaaring malaman ang telephone number ng
pinakamalapit na multicultural support center sa inyong lugar sa pamamagitan ng pagtawag sa Danuri Helpline
(☎1577-1366)
(Karaniwan ay maaaring bisitahin ang sentro sa 09:00 ~ 18:00.) (Tingnan ang Kabanata 10,
Sanggunian)
Ang “Immigrant Youth Background Support Foundation, Rainbow Youth Center” ay isang non-profit organization na itinatag sang-ayon sa Artikulo 18 ng Youth Welfare Act na ang layunin ay tulungan ang mga kabataang migrante (mga kabataang tumakas mula sa North Korea, mga kabataang lumaki sa ibang bansa at saka lamang pumunta sa Korea at mga kabataang kabilang sa multikultural na pamilya), at sang-ayon sa Artikulo 30 ng Welfare Act, ang Immigrant Youth Background Support Foundation ay isang non-profit organization na nagsasagawa ng tungkulin upang matulungan ang mga kabataang mingrante na maka-angkop sa pamumuhay at lipunan sa Korea, mapalawig ang kanilang kaalaman at magkaroon ng kakayahan na maging independent o self-reliance competency. (*Ang kabataang migrante ay tumutukoy sa mga kabataan kung saan ang isa sa mga magulang o higit pa ay nanganak sa ibang bansa bukod sa Korea, nanganak sa Korea ngunit lumaki sa ibang bansa na taglay ang iba’t ibang karanasan na makikita sa lipunan ng Korea.)
Kategorya | Detalye |
---|---|
Programang suportang pang-edukasyon para sa mga kabataang may mga pinagmulang multikultural Paaralang bahaghari |
|
Programa para sa pagpapaunlad ng karera |
|
Panimulang programang panlipunan para sa mga Hilagang Koreanong kabataang takas |
|
Mga programang pagpapayo at may kaugnayan sa lokal na komunidad Pasadyang impormasyon ☎ 02-722-2585 |
|
Pagpapayabong ng mga Tagapaliwanag sa Pagpapayo |
|
Mga talatuntunan ng sikolohikal na pakikibagay ng kabataang may mga pinagmulang multikultural |
|
Pagpapayabong ng mga yamang pantao upang suportahan ang kabataang may mga pinagmulang multikultural |
|
Pagpapabuti ng multikultural na pakiramdam ng kabataan Programang “Dagagam” |
|
Pangalan | Sentro ng Pagpapayo para sa mga Dayuhang Manggagawa (☎1577-0071) |
---|---|
Address | Gyeonggi-do Ansan-si Danwon-gu Gojan 2-gil 16 Emerald Building Fl. 3 |
Oras ng Operasyon |
Bukas buong taon (09:00~18:00)
|
Mga Wikang Inihahandog | 17 wika : Koreano, Chinese, Vietnamese, Tagalog (Filipino), Ingles, Thai, Indonesian, Sinhalese, Mongolian, Uzbek, Khmer (Cambodia), Bangla, Urdu(Pakistan), Nepalese, Burmese (Myanmar), Kyrgyzs at Tetun (East Timor) |
Nilalaman ng Konsultasyon | Pagbibigay ng pagpapayo sa mga bagay na kinakailangan sa pamumuhay sa Korea, kasama na ang pagpapayo kapag may alitan sa pagitan ng mga dayuhang manggagawa at kanilang employer at pagpapayo sa pakikibagay sa buhay at pagtatrabaho sa Korea. |
Ang Immigration Foreigner Office (Tanggapan) (sumangguni sa appendix para sa mga detalye tungkol sa Immigration Foreigner Office (Tanggapan)) ang namamahala sa mga sumusunod na pangkalahatang pang-administratibong transaksiyong may kaugnayan sa posisyon ng dayuhan sa Korea. Bukod pa rito, sila rin ang nagsasagawa ng pag-iinspeksiyon sa mga domestiko at mga dayuhang manlalakbay, pagiisyu ng visa certificate, pagrerehistro sa mga dayuhan (alien registration), pagbibigay ng iba’t ibang permiso sa pananatili (ekstensiyon ng panahon ng pananatili, pagbabago ng kwalipikasyon sa pananatili, atbp.) pag-iinspeksyon sa anumang paglabag (violation inspection), pangangasiwa sa nasyonalidad, refugee, atbp. Bukod pa rito, pinangangasiwaan din nila ang iba’t ibang mga edukasyonal na programa, gaya ng Social Integration Program, Early Adaptation Program at International Marriage Guide Program, para tulungan ang mga migranteng kasal sa Koreano na maging maayos ang kanilang pamumuhay sa Korea at magkaisa ang mga Koreano at dayuhan.
Dahil sa advanced na ICT network ng Korea, maaaring makakuha ng mga impormasyon ang mga dayuhan tungkol sa pamumuhay sa Korea gamit ang mga website. Maaari din nilang gamitin ang mga cyber educational programs sa pag-aaral ng wikang Koreano o talakayan sa kultura ng Korea. Ito ay tunay na makabuluhan sapagkat ang mga website na ito ay pinangangasiwaan ng mga organisasyong sumusuporta sa mga dayuhang residente at naghahandog din sila ng mga serbisyo sa iba’t ibang wika.
Address ng Website | Institusyon | Ipinagkakaloob na Serbisyo | |
---|---|---|---|
Operasyon ng Pampublikong Sektor | |||
Danuri (Portal Para sa Multicultural Family Support) |
www.liveinkorea.kr | Korean Institute for Healthy Family | Impormasyon sa pamumuhay sa Korea, impormasyon sa pag-aaral o edukasyon, impormasyon patungkol sa mga center, tanggapan ng pagpapayo o konsultasyon, balita tungkol sa multikulturalismo, pagpapasagawa ng webzine, pagkakaroon ng pagpapayo o konsultasyon at interpretation na serbisyo sa nakamulatang wika o mother tongue language sa panahon ng krisis tulad ng karahasan sa tahanan o domestic violence ·sekwal na karahansan o sexual violence ·prostitusyon at iba pa |
Hi Korea (Electronic Portal ng Gobyerno para sa mga Dayuhan |
www.hikorea.go.kr | Ministry of Justice | Naghahandog ng impormasyon tungkol sa pandarayuhan, pansamantalang pagtigil, nasyonalidad, trabaho, pamumuhunan, kaginhawahan sa pamumuhay, atbp., serbisyong elektronikong petisyong sibil kaugnay ng pansamantalang pagtigil, serbisyong pagpapareserba ng pagbisita sa tanggapang pandarayuhan, serbisyong konsultasyon, atbp. |
Multicultural Box | www.kidsnfm.go.kr | National Folk Museum of Korea |
Pagpapakilala ng kultura ng bawat bansa |
EasyLaw Madaling Paghahanap ng Impormasyon sa Batas sa Pamumuhay | www.easylaw.go.kr/CSM | Ministry of Government Legislation | Pagbibigay ng kinakailangang impormasyon patungkol sa legal na pamumuhay o paninirahan ng mga dayuhan sa Korea tulad ng impormasyon patungkol sa kasal na migrante o married immigrant, bisa·pasaporte, insurance premium sa panahon ng pagkakaroon ng aksidente sa lugar na pinagtatrabahuhan, dayuhang manggagawa o foreign workers, lisensya sa pagmamaneho o driver’s license, paglilipat bahay o pag-upa ng bahay, transaksyon sa pera at iba pa na may serbisyo sa 12 wika |
korea.net | www.korea.net | Korean Culture and Information Service | Impormasyon sa mga serbisyo patungkol sa balita sa Korea, ekonomiya, kasaysayan, kultura, turismo ng Korea |
Pamahalaan 24 | www.gov.kr | Kagawarang-bansa ng Pampublikong Administrasyon at Seguridad | Komprehensibong impormasyon tungkol sa iba't ibang benepisyong inihahandog ng pamahalaang Koreano, kabilang ang mga serbisyong pag-iisyu ng sertipiko online, edukasyon, at pagpapayo. |
VisitKorea | www.visitkorea.or.kr | Korea Tourism Organization | Impormasyon tungkol sa mga paglalakbay at kapistahan, pagkain, panirahan at iba pa sa Korea |
Durian | www.ebsd.co.kr | EBS | Pagbibigay ng serbisyo sa pag-aaral ng wikang Korean o Korean language, at kultura ng Korea at mga EBS contents na may kinalaman sa multikultural |
King Sejong Institute | nuri.iksi.or.kr/front/main/main.do | King Sejong Institute Foundation | Cyber learning o online na pag-aaral ngwikang Korean o Korean language, at kultura ng Korea |
National Health Insurance Service | www.nhis.or.kr | National Health Insurance Service | Pagpapakilala at pagbibigay ng impormasyon sa sistema ng health insurance at mga benepisyo nito |
KBS World Radio | world.kbs.co.kr | KBS | Multilingual na balita, current affairs, programa sa entertainment at iba pa |
Seoul-si Hanultari | www.mcfamily.or.kr | Seoul Metropolitan City | Pagbibigay ng impormasyon sa mga serbisyo ng mga suportang programa ng Seoul-si Multicultural Family Support Center, komunidad, pag-aaral ng wikang Korean o Korean language, trabaho, pagsasanay sa pagkakaroon ng trabaho, at pampublikong transportasyon |
Seoul GlobalCenter | global.seoul.go.kr | Pagbibigay ng serbisyong pang-sibil o public service center Para sa mga dayuhan, suportang serbisyo sa pamumuhay Para sa mga dayuhan, pagbibigay ng lisensya Para sa mga dayuhan, pagpapayo o konsultasyon sa pagbabayad ng buwis at iba pa | |
Ansan Multicultural Support Headquarters | global.iansan.net | Gyeonggi-do Ansan-si | Pagpapakilala sa mga proyekto o programa ng Ansan-si Migrant Community Center at Multicultural Family Support Center, pagbibigay ng serbisyo tulad ng webzine na nakalathala sa 8 wika, edukasyon sa wikang Korean o Korean language, suportang serbisyo sa pagpapayo o konsultasyon, impormasyon sa medikal at bats na ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay at iba pa |
Chungnam Dawoolim | www.dawoolim.net | Chungcheongnam-do | Impormasyon sa pananatili sa Korea at mga kinakailangang impormasyon sa pamumuhay sa Chungnam(balita patungkol sa cente, gabay sa pamumuhay sa Korea, pagpapakilala sa kultura ng bawat bansa, mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay) |
National Pension Service | www.nps.or.kr | National Pension Service | Pagbibigay ng impormasyon sa serbisyo ng pagpaparehistro at pag-uulat ng national pension, paraan ng pagbabayad ng premium at iba pang impormasyon na may kinalaman sa national pension |
Pangalan ng Mobile | Institusyon | Mga Nilalaman | Serbisyong Ipinagkaloob |
---|---|---|---|
Danuri (Danuri) |
Korean Institute for Healthy Family | Gabay sa Pamumuhay sa Korea, Impormasyon sa Pangkalahatang Tanggapan ng Multicultural Family Support Center sa buong bansa, Impormasyon sa Numero ng Telepono sa Panahon ng Krisis | Android, IOS |
共ZONE | Ministry of Justice Pangserbisyong Imigrasyon ng Korea | Isang pahayagang palihang nilalathala ng tanggapang pandarayuhan ng Mga Serbisyong Pandarayuhan ng Korea sa ilalim ng Kagawarang-bansa ng Katarungan, naghahandog ng impormasyon tungkol sa mga patakaran sa bisa para sa pagdating/pag-alis, mga patakarang pandarayuhan, pagpapakilala ng mga tanggapan at mga tungkuling pandarayuhan, at kapaki-pakinabang na impormasyon para sa mga banyagang mamamayang nananatili sa Korea. | Android, IOS |
EasyLaw Madaling Paghahanap ng Impormasyon sa Batas sa Pamumuhay | Ministry of Government Legislation | Pagbibigay ng kinakailangang impormasyon patungkol sa legal na pamumuhay o paninirahan ng mga dayuhan sa Korea tulad ng impormasyon patungkol sa kasal na migrante o married immigrant, bisa·pasaporte, insurance premium sa panahon ng pagkakaroon ng aksidente sa lugar na pinagtatrabahuhan, dayuhang manggagawa o foreign workers, lisensya sa pagmamaneho o driver’s license, paglilipat bahay o pag-upa ng bahay, transaksyon sa pera at iba pa na may serbisyo sa 12 wika. | m.easylaw.go.kr/MOM |
My Seoul | Seoul Metropolitan City | Impormasyong pang-sibil o administrative information para sa mga dayuhang migrante at multikultural na pamilya, impormasyon sa trabaho, impormasyon sa pag-aaral ng Korean language, multilingual chatting, pang-internasyonal na pagtawag, numero ng telepono sa pang-araw-araw na pamumuhay, payroll, impormasyon tungkol sa Dasan Call Center | Android, IOS |
Maligayang Pagguhit ng Multikulturalismo | Busan Metropolitan City | Impormasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay sa Korea, impormasyon sa pag-aaral ng Korean language, impormasyon sa trabaho, impormasyon tungkol sa pagpapayo o konsultasyon, impormasyon patungkol sa mga programa at panahon ng pagpapatupad nito, impormasyon tungkol sa Busan Multicultural Family Support Center·Global Center | Android, IOS |
KBS World Radio | KBS | Pagbibigay ng serbisyo tulad ng balita sa 11 wika, napapanahong isyu, entertainment, teksto at video sa mga programa tungkol sa Korea | Android, IOS |
APP na Handa sa Kagipitan | Kagawarang-bansa ng Pampublikong Administrasyon at Seguridad | Serbisyong impormasyon sa kaligtasan sa sakuna para sa mga dayuhang naninirahan sa Korea | Android, IOS |