Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Mga Dapat Tandaan sa Pagtatrabaho

  • Home
  • Pagtatrabaho at Paggawa
  • Mga Dapat Tandaan sa Pagtatrabaho

Mga Dapat Tandaan sa Pagtatrabaho

01Mga sistemang kaugnay ng mga pamantayan sa paggawa

(1)Kontrata sa Pagtatrabaho (Employment Contract)

Kapag papasok sa isang kontratang pantrabaho, dapat tukuyin ng tagapag-empleyo sa manggagawa ang sahod, inatas na mga oras ng trabaho, mga bakasyon, taunang bayad na pagliban, lugar ng pagtatrabaho, mga itinalagang gawain, mga oras ng pagsisimula at pagtatapos, mga oras ng pahinga, atbp. Lalo na, dapat mag-isyu ng nasusulat na dokumentong tinutukoy ang sahod, inatas na mga oras ng trabaho, mga bakasyon, at taunang bayad na pagliban sa mga manggagawa.

(2) Labor Standards Law

  • Sinasaklaw nito ang lahat ng kumpanya o negosyong may lima o higit pang regular na empleyado
  • May ilang probisyon na hindi saklaw ang mga kumpanya o negosyong may hindi hihigit sa apat na regular na empleyado
  • Sumangguni sa Dahong-dagdag 1 ng Kautusan sa Pagpapatupad ng Batas sa mga Pamantayan sa Paggawa

(3)Pagbabayad ng sahod

  • Dapat bayaran ng tagapag-empleyo ang buong halaga ng sahod nang direkta sa anyong salapi nang regular isang beses isang buwan man lamang.
  • Dapat magbayad ng karagdagang sahod para sa trabahong overtime, trabaho sa gabi, o trabaho sa bakasyon.
  • Dagdag pa rito, kapag nagbabayad ng sahod sa mga manggagawa, dapat mag-isyu ng kuwenta ng sahod na naglalaman ng kabuuang kinitang sahod at halaga ng bawat bahagi ng sahod.
Pamamaraan para sa paghawak ng mga ipinagbigay-alam na sahod gaya ng di-bayad na sahod

Para sa paglabag sa batas, gaya ng di-bayad na sahod o pagkakautang na kabayaran sa pagtatapos, inasulto ng tagapag-empleyo o tagapangasiwa, pagtatrabaho nang mahabang oras o pinupuwersang magtrabaho, maaari kang magsumbong sa tanggapan ng paggawa na nakakasaklaw sa iyong lugar ng trabaho. (Mga katanungan: Sentro ng Serbisyong Pangparokyano ☎1350)

(4)Pagtanggal sa Trabaho

Hindi maaaring tanggalin ng isang tagapag-empleyo ang isang empleyado nang walang makatuwirang dahilan, at kung gagawin ito ng tagapag-empleyo nang hindi patas, maaaring maghain ang empleyado ng aplikasyon para sa kaluwagan sa hindi patas na pagkakatanggal sa panlalawigang komite ng ugnayang paggawa sa loob ng 3 buwan mula sa petsa ng pagkakatanggal.

(5)Abiso ng pagtanggal

Kung mas maikli sa 3 buwan ang panahon ng tuloy-tuloy na pagtatrabaho ng manggagawa, imposibleng ipagpatuloy ang negosyo dahil sa likas na sakuna, pampublikong kaguluhan o iba pang hindi maiiwasang kadahilanan, o sinasadya ng manggagawang gambalain nang lubos ang negosyo o manira ng pag-aari, maliban sa mga kasong inatas ng Ordinansa ng Kagawarang-bansa ng Trabaho at Paggawa, dapat magbigay ang tagapag-empleyo ng 30 araw na paunang abiso man lamang upang tanggalin ang isang empleyado, at kung hindi magbibigay ng 30 araw na paunang abiso, dapat bayaran ng tagapag-empleyo ang ordinaryong sahod para sa 30 araw man lamang.

(6)Oras ng Pagtatrabaho

  • Sa mga lugar ng trabaho nang may 5 empleyado man lamang na sakop ng Batas sa mga Pamantayan sa Paggawa, hindi maaaring lumampas ang mga oras ng trabaho kada linggo ng 40 oras, hindi kabilang ang mga oras ng pahinga, at hindi maaaring lumampas ang mga oras ng trabaho kada araw ng 8 oras, hindi kabilang ang mga oras ng pahinga.

(7) Oras sa Pagpapahinga

  • 30 minutong pahinga ang ibinibigay sa bawat apat na oras ng pagtatrabaho. Samakatuwid, isang oras na pagpapahinga para sa walong oras ng pagtatrabaho.
  • Maaaring gawin ng mga empleyado ang nais nila tuwing oras ng pagpapahinga, subalit hindi ito kasama sa bayad sa sahod.

(8)Overtime, Pagtatrabaho sa Gabi at Pagtatrabaho ng Holiday

  • Ang pagtatrabaho ng sobra sa 40 oras/linggo o 8 oras/araw, na siyang itinakdang standard working hours, ay tinatawag na overtime work.
  • Ang pagtatrabaho sa gabi (night shift, yagan) ay nagsisimula 10:00PM hanggang 6:00AM.
  • Ang "pagtatrabaho sa holiday" ay tumutukoy sa mga itinakdang holidays ng batas (Linggo, May 1 o Labor Day) o iyong mga itinakda ng kumpanya (araw na itinakda bilang "holiday" / "araw ng pahinga") ng kumpanya.
  • Sa sitwasyon kung saan ang empleyado ay nagtrabaho para sa night shift o araw ng pangilin, kinakailangan na makatanggap siya ng 1.5 na mas malaki kaysa sa bayad sa regular na sahod.
  • Sa sitwasyon kung saan ang empleyado ay nagtrabaho para sa araw ng pangilin, kinakailangan na makatanggap siya ng 1.5 na mas malaki kaysa sa bayad sa regular na sahod sa 8 oras na pagtatrabaho o 2 beses na mas malaki kaysa sa bayad sa regular na sahod kung mahigit sa 8 oras na pagtatrabaho. (Sinusugan na batas noong March 20, 2018)

(9)Paghahalinhinan sa Oras ng Trabaho

  • Ang mga kumpanyang nangangailangang patakbuhin sa loob ng 24 na oras ay hinahati ang kanilang mga empleyado sa dalawa o tatlong pangkat.
  • Sa ibang mga pabrika, inaayos ang iskedyul ng mga empleyado para halinhinan silang magtrabaho nang pang-umaga at panggabi.
  • Ang ibang mga kumpanya naman ay ginugrupo ang mga empleyado para magtrabaho sa parehong oras araw-araw.

(10)Mga tuntunin sa pagtatrabaho

  • Dapat tipunin ng mga negosyong may 10 manggagawang nagtatrabaho nang buong oras man lamang ang mga tuntunin sa pagtatrabaho upang madaling mabasa ng mga manggagawa. Kabilang dito ang mga oras ng trabaho at mga oras ng pahinga, mga usaping kaugnay ng trabaho, at mga usaping kaugnay ng kaligtasan at kalinisan sa trabaho.

02Sistema sa Minimum na Pasahod o Minimum Wage

May itinakdang batas para sa minimum limit ng sahod para sa pangunahing kabuhayan ng mga mangggawa, at ito ay tinatawag na minimum na pasahod o minimum wage.

  • Nalalapat ito sa lahat ng negosyo o lugar ng trabaho na nagpapatrabaho ng mga manggagawa.
  • Batay sa 2024, ang minimong sahod ay KRW 9,860 kada oras o KRW 78,880 kada araw (batay sa 8 oras na pagtatrabaho kada araw).
  • Batay sa nakasaad sa Labor Standards Law, ang lahat ng manggagawa ay sumasailalim sa minimum na pasahod o minimum wage.

03Garantiyang Sistema sa mga Benepisyo sa Pagreretiro

Kung ang manggagawa ay patuloy na nagtrabaho ng mahigit sa 1 taon, siya ay maaaring makatanggap ng benepisyo sa pagreretiro o severance pay.

  • Upang makatanggap ng benepisyo sa pagreretiro o severance pay, ang manggagawa ay kinakailangang nakapailalim sa Labor Standards Law.
  • Kung mas maikli sa 15 oras ang inatas na mga oras ng trabaho kada linggo sa pamantungan sa loob ng apat na linggo, hindi akma ang sistemang kabayaran sa pagtatapos.

04Garantiyang Sistema sa Pagtanggap ng Saho

Ginagarantiyahan ang mga sumusunod para sa mga empleyadong hindi makatanggap ng sahod o mga benepisyo sa pagreretiro dahil sa bangkarota ng amo:

  • Sahod para sa huling 3 buwan: Lahat ng sahod kung saan ang dahilan ng pagbabayad ay iniuugnay sa 3 buwan ng pagtatrabaho retroaktibo mula sa petsa ng pagreretiro o epektibong pagtatapos ng trabahong paggawa.
  • Sustento sa pagliban para sa huling 3 buwan: Sustento sa pagliban para sa 3 buwan nang retroaktibo mula sa petsa ng pagreretiro o epektibong pagtatapos ng trabahong paggawa.
  • Mga benepisyo sa loob ng huling 3 buwan ng paglibang pangbuntis: Mga benepisyo sa panahon ng 3-buwang paglibang pangbuntis retroaktibo mula sa petsa ng pagreretiro o epektibong pagtatapos ng trabahong paggawa.
  • Pinakahuling 3 Taon ng Retirement Benefit: 3 taon retirement benefit na hindi nabayaran o natanggap batay sa araw ng pagreretiro (average na sahod ng 90 araw)
  • Hindi akma sa pagbabayad ng atrasadong sahod at mga benepisyo sa pagreretiro mula sa mga sahod na binabayaran para sa huling 3 buwan ng trabaho (o sustento sa labas ng trabaho, sahod sa panahon ng paglibang pang-ina sa pamamagitan ng retroaktibong pagpapatupad ng huling araw ng atrasadong sahod batay sa petsa ng pagtutol tulad ng kaso o petisyon sa kaso ng isang nanunungkulan.
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”