Nagtatag ang Korea ng isang sistemang pangkalusugang seguro kung saan nagbabayad ang mga tao ng tinukoy na halaga ng mga bayad sa seguro kada buwan depende sa kita at mga ari-arian ng isang indibiduwal. Pagkatapos magparehistro para sa pangkalusugang seguro, magagamit mo ang mga medikal na pasilidad sa mababang halaga kapag may karamdaman ka o manganganak na, pati na rin para sa simpleng pagsailalim sa mga regular na pagpapatingin ng kalusugan. Inuutusan ang lahat ng mamamayang magsuskrito sa pangkalusugang seguro, nguni't hindi kabilang ang mga tumatanggap ng mga benepisyong medikal.
Inuuri ang mga tagasuskrito sa pangkalusugang seguro sa mga empleyadong tagasuskrito at mga lokal na tagasuskrito. Ang mga manggagawa at mga tagapag-empleyo sa lahat ng lugar ng trabaho, pati na rin mga lingkod sibil at pakultad ng paaralan, ay nagiging mga empleyadong tagasuskrito. Kung ikaw ay isang taong may kumikitang trabaho una sa lahat sa pamamagitan ng empleyadong tagasuskrito at natutugunan ang lahat ng mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat (kita, mga ari-arian, at suporta bilang sustentado) na nakasaad sa Mga Tuntunin sa Pagpapatupad ng Batas sa Pambansang Pangkalusugang Seguro, karapat-dapat ka bilang sustentado gaya ng ipinagbigay-alam ng empleyadong tagasuskrito. Sinuman, hindi kabilang ang mga empleyadong tagasuskrito at kanilang mga sustentado, ay nagiging lokal na tagasuskrito.
Para sa mga empleyadong tagasuskrito, nagbabayad ang kompanya ng 50% ng bayad sa seguro bilang bahagi ng kabayarang natatanggap mula sa kompanya, at binabayaran ng indibiduwal ang natitirang 50%. Kung lampas KRW 20 milyon kada taon ang kanyang hiwalay na kita hindi kasama ang kabayaran, siya ang bahala sa pagbabayad ng kabuuang bayad sa segurong kinalkula sa pamamagitan ng pagkaltas ng KRW 20 milyon mula sa kanyang kabuuang kita at pagpaparami ng halagang kinalkula gamit ang pormula para sa buwanang kita gamit ang singil sa bayad sa pangkalusugang seguro.
Kung nagpapagamot ang tagasuskrito sa pangkalusugang seguro sa isang pagamutan, makakatanggap siya ng pagsusuring medikal o pagpapagamot sa pagamutan, klinika, o klinika ng medisinang oriental sa mabababang presyo, dahil sagot ng Serbisyong Pambansang Pangkalusugang Seguro ang bahagi ng mga gastusing medikal. Gayunpaman, dapat sagutin ng indibiduwal ang bahagi ng gastos sa pagsusuri at pagpapagamot. Nakikinabang din siya sa mga pagpapatingin ng kalusugan, na nag-iiba-iba depende sa edad nguni’t karaniwang natatanggap isang beses kada dalawang taon.
Nagiging mga empleyadong tagasuskrito ang mga nagparehistro bilang mga residenteng dayuhan at nagtatrabaho sa mga lugar ng trabahong sakop ng pangkalusugang seguro, at ang mga hinirang o kinuha bilang mga lingkod sibil o mga miyembro ng pakultad. Ang mga banyagang mamamayang nagparehistro bilang mga residenteng dayuhan at nabibilang sa Dahong-dagdag 9 ng Mga Tuntunin sa Pagpapatupad ng Batas sa Pambansang Pangkalusugang Seguro, hindi kabilang ang mga empleyadong tagasuskrito, ay maaaring maging mga lokal na tagasuskrito kapag nananatili sa bansa sa loob ng mahigit 6 na buwan, o maaaring maging mga sustentado kung ipinagbigay-alam ng empleyadong tagasuskrito. (Kagyat na istado ng bisa pagkapasok para sa pandarayuhang dahil sa pag-aasawa, pag-aaral sa ibang bansa, permanenteng paninirahan, at di-propesyonal na trabaho)
Gayunpaman, maaaring malibre sa pagsuskrito sa pambansang segurong pangkalusugan ang isang banyagang residenteng nakakatanggap ng segurong medikal na katumbas ng Pambansang Segurong Pangkalusugan sa pamamagitan ng mga batas sa kanyang bansa o mga kontrata sa isang banyagang tagahandog ng seguro kung hihilingin.
Maaaring magparehistro bilang dependent* ng inyong asawang nakasuskrito sa National Health Insurance, at kinakailangan na magpasa sa National Health Insurance Corporation ng dokumento na nagpapatunay na ikaw ay dependent sa nasabing suskritor.
Pangalan ng Sentro | Kinaroroonan ng Sentro |
---|---|
Sentro ng Seoul | 3rd flr., Sindorim Techno Mart, 97, Saemal-ro, Guro-gu, Seoul |
Sentro ng Ansan | 4th flr, 366, Hwarang-ro, Danwon-gu, Ansan-si, Gyeonggi-do |
Sentro ng Suwon | 1st flr., 119, Hyowon-ro, Paldal-gu, Suwon-si, Gyeonggi-do |
Sentro ng Incheon | 7th flr., 88, Bupyeong-daero, Bupyeong-gu, Incheon |
Sentro ng Uijeongbu | 9th flr., 80, Simin-ro, Uijeongbu-si, Gyeonggi-do |
Kapag nakalista sa kard ng segurong pangkalusugan ng Korea ang banyagang asawang kasama sa bahay ng mamamayang Koreano, binabayaran ng suskritor ang halagang kinalkula gamit ang parehong mga pamantayang ginagamit sa mga mamamayang Koreano.
Para sa detalyadong impormasyon sa mga bayad sa segurong pangkalusugan, mga benepisyo ng pambansang segurong pangkalusugan, at mga kwalipikasyon, bumisita sa bahay-pahina ng Korporasyon ng Pambansang Segurong Pangkalusugan, o tumawag sa pangunahing Tel. No. (☎1577-1000) o serbisyong impormasyon sa banyagang wika (sa Ingles, Intsik, Vietnamese, Uzbek) (☎033-811-2000).