Tanggapan ng Tawag ng Danuri : 1577-1366
가족상담전화 : 1644-6621
Ika-21 palapag, 173 Toegye-ro, Jung-gu, Seoul (Chungmuro 3-ga). Namsan Square Building)
Copyright ⓒ KOREA INSTITUTE FOR HEALTHY FAMILY. All Rights Reserved
Sa ilalim ng national pension system na ipinapairal ng pamahalaan, ang mga mamamayan ay kailangang magbayad ng premium (hulog para sa insurance) upang maghanda para sa kanilang pagtanda, hindi inaasahang pagkakaroon ng kapansanan at pagkamatay, at ang mga pension ay ibinibigay sa mga benepisyaryo o sa kanilang mga pamilya upang maaari silang makapamuhay nang matatag kapag nagkaroon ng emerhensiya.
Ang mga dayuhang residente sa Korea ay kinakailangang magsuskrito sa National Pension, gaya ng mga Koreano. Kung ang dayuhang residenteng may edad 18-60 taong gulang ay nagtatrabaho sa isang kumpanya, siya ay ituturing na “employee subscriber.” Kung hindi naman siya nagtatrabaho, maaari siyang magsuskrito bilang “local subscriber.” Subalit kung ang batas sa bansang pinanggalingan ng dayuhan ay hindi pinapayagan ang mga Koreanong magsuskrito sa pension scheme ng kanilang bansa, ang dayuhang ito ay hindi rin maaaring magsuskrito sa National Pension scheme ng Korea. Kung may “social security treaties” sa pagitan ng Korea at ang bansa ng dayuhan, kailangang sundin ang nasabing kasunduan.
Georgia, Nigeria, Timog Africa, Nepal, Silangang Timor, Malaysia, Maldives, Myanmar, Bangladesh, Vietnam, Belarus, Brunei, Saudi Arabia, Swaziland, Singapore, Armenia, Ethiopia, Iran, Egypt, Cambodia, Tonga, Pakistan, Fiji
Kung ang isang dayuhang residente ay tumugon sa mga kwalipikasyon para sa mga benepisyo (edad, kapansanan, pagkaulila), maaari nilang matanggap ang kaukulang benipisyo para sa pagtanda (“old age pension”), may kapansanan (“disability pension”) at mga naulila (“survivor pension”).
Sinuman na naghulog para sa pension sa loob ng 10 taon o higit pa ay maaaring makatanggap ng pension sa pagdating ng itinakdang panahon.
Kategorya | ~1952 | 1953~1956 | 1957~1960 | 1961~1964 | 1965~1968 | 1969~ |
---|---|---|---|---|---|---|
Pension Para sa Pagtanda | 60 taong gulang | 61 taong gulang | 62 taong gulang | 63 taong gulang | 64 taong gulang | 65 taong gulang |
Kung sakaling ang may kapansanan ay gumaling na ang kalagayan mula sa sakit at pinsala na natamo sa panahon ng pagtanggap ng pension (18 taong gulang∼bago ang edad ng pagbabayad ng pensyon) mula sa nakatalagang national pension, maaari pa din na matanggap ang natitirang halaga ng pension sa pamamagitan ng pension kung level 1~3, at temporary compensation kung level 4.
Kung ang subscriber (senyor/matanda, may kapansanan na nasa 1~2 na antas) ay kasalukuyang tumatanggap ng halaga ng kabayaran sa premium insurance o biglang namatay habang tumatanggap ng pension, ang naiwang miyembro ng pamilya na kasama sa bahay ang maaaring patuloy na tumanggap ng pension kada buwan.
Ang isang lump-sum pension ay hindi ibinibigay sa mga dayuhan, subalit ibinibigay sa kanila ang lump-sum na halaga kasama ang interes sa mga sumusunod na mga kaso; bumalik sila sa kanilang bansa, mamatay, o umabot sa edad na 60.
Thailand, Philippines, Malaysia, Indonesia, Sri Lanka, Kazakhstan, Hong Kong, Belize, Grenada, St. Vincent and the Grenadines, Zimbabwe, Cameron, Ghana, Vanuatu, Bermuda, Sudan, El Salvador, Jordan, Kenya, Trinidad and Tobago, Buthan, Colombia, Uganda, Tunisia (mahigit 24 bansa na nagbibigay ng lump-sum ayon sa reciprocity)
Germany, USA, Canada, Hungary, France, Australia, Czechoslovakia, Belgium, Poland, Slovakia, Bulgaria, Romania, Austria, India, Turkey, Switzerland, Brazil, Peru, Switzerland, Turkey, India, Luxemburg, Slovenia, Croatia, at Uruguay (22 bansang karapat-dapat sa kabuuang bayad batay sa kasunduan sa panlipunang seguridad)