Upang itaguyod ang mga pandaigdigang pagsososyo at magpayabong ng mga pandaigdigang pinuno sa pamamagitan ng palitan ng kabataan, naghahandog ang pamahalaan ng Korea sa kabataan ng iba’t ibang pandaigdigang gawain at hinihimok ang mga pamilyang multikultural na lumahok sa mga gawaing ito.
Mga Programa | Mga Kwalipikasyon | Panahon | Mga Nilalaman |
---|---|---|---|
Pandaigdigang Palitan ng Kabataan | Kabataang edad 16-24 | 10 araw | Pagpapabuti ng kakayahan ng mga kabataang Koreanong maunawaan ang ibang mga kultura sa pamamagitan ng pakikipagpalitan sa mga kabataang mula sa mga bansang nakipagpirmahan ng mga kasunduan, mga pagbisita sa mga pangkabataang institusyon, at aktuwal na mga gawaing pangkaranasang kultural. |
Boluntaryong Pangkat ng Kabataan sa ibang Bansa, ang “Magpatangay sa mga Pangarap at Pag-ibig | Kabataang edad 15-24 | Sa loob ng 9 na araw
| Tumutulong maisakatuparan ang potensyal ng kabataan at paigtingin ang kanilang mga pandaigdigang kakayahan sa pamamagitan ng mga boluntaryong gawain sa ibang bansa |
Pandaigdigang Grupong Lumalahok sa Komperensya, ang “Paghimok sa Kabataang Maging mga Pandaigdigang Pinuno” | Kabataang edad 15-24 | 3 araw o mas mababa pa
| Nagsisilbing mga kinatawan ng Korea sa mga pandaigdigang komperensya at kombensyon, kabilang ang Ika-33 Komite ng Mga Nagkakaisang Bansa, at pagkakaroon ng mga talakayan at palitan kasama ang mga kabataang kinatawan mula sa mga banyagang bansa |
Ang programa para sa suporta sa paglaki ng anak ay isang suporta na naglalayon na malusog na mapalaki ang mga anak ng multikultural na pamilya at magkaroon ng magandang relasyon ang magulang at anak sa pamamagitan ng mga iba’t ibang programa tulad ng pagsasaayos ng pagkakakilanlan, pagpapaunlad ng panlipunang aspeto at pagpapaunlad sa kakayahang mamuno o leadership development, pagkakaroon ng karanahasan sa pag-aaral o course experiences at iba pa. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng mga institutional network sa bawat lugar ay maaaring makapagbigay ng sistematiko at integradong serbisyo Para sa mga bata at magulang ng multikultural na pamilya. Sa pamamagitan nito, ang Healthy Family·Multicultural Family Support Center ay nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo upang matulungan ang mga anak ng multikultural na pamilya na malinang ang kanilang mga kakayahan o talento na maaaring makatulong sa pag-unlad sa aspeto ng kompetisyon ng bansa.
Healthy Family·Multicultural Family Support Center