Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Suporta sa Pamilyang may Solong Magulang (Single Parent Family)

  • Home
  • Social Security System
  • Suporta sa Pamilyang may Solong Magulang (Single Parent Family)

Suporta sa Pamilyang may Solong Magulang (Single Parent Family)

Sa mga nakalipas na taon, ang bilang ng mga pamilyang may solong-magulang ay tumataas dahil sa diborsiyo, pagkamatay, at suliraning pampinansiyal. Ang pamahalaan ay nagtatag at namamahala ng iba’t-ibang mga programang pansuporta para sa katatagan at sariling suporta (self-support) ng mga pamilyang may solong-magulang.

01Uri ng Serbisyo

(1)Suporta sa Anak na Kabilang sa Single-parent na Pamilya

한부모가족 아동양육비 등 지원 : 구분 및 내용을 포함한 표입니다.
Yunit Deskripsyon
Kwalipikasyon
  • Ang tulong ay limitado sa may-mababang kitang mga pamilya (63% o mababa pa base sa kinikilalang kita ng sambahayan*) na may mga batang ang edad ay mababa pa sa 18 na taon at nasa kustodiya ng kanilang ina o ama. Kung ang mga bata ay pumapasok sa paaralan, gayunpaman, ang edad ay 22 taon o pababa. Kung ang mga bata ay pumapasok sa paaralan pagkaraang matupad ang serbisyo-militar ayon sa Military Service Act, ang panahon ng serbisyo- militar ay idadagdag sa minimum na edad.
    • Batayan sa Pagbibigay ng Sertipiko Bilang Pamilya ng Solong Magulang o Single-parent Family : Mas mababa sa 63% ng average ng pamantayang kita
Mga nilalaman ng suporta
  • Mga gastos sa pag-aalaga ng bata: Mga batang mas bata sa 18 taon, buwanang tulong na KRW 210,000
    • Gayunpaman, kung pumapasok ka sa mataas na paaralan o mas mababa (hanggang Disyembre ng iyong ikatlong taon sa mataas na paaralan), makakapag-aplay ka hanggang 21 taong gulang.
  • Karagdagang gastos para sa pagpapalaki ng anak :
    • Para sa mga batang pinapalaki ng mga lolo’t lola o solong magulang (mahigit 35 taong gulang at hindi kasal), nagbibigay ng karagdagang KRW 50,000 kada bata, kung ang bata ay mas bata sa ganap na 5 taon
    • Para sa mga batang 5 taong gulang o mas bata pa at pinapalaki ng solong magulang na edad 25-34 : nagbibigay ng karagdagang KRW 100,000 kada bata
    • Para sa mga batang 6 na taong gulang o mas matanda pa at pinapalaki ng solong magulang na edad 25-34 : nagbibigay ng karagdagang KRW 50,000 kada bata
  • Mga gastos sa edukasyon ng anak (mga gamit sa paaralan) : kaloob na KRW 93,000 kada taon para sa bawat mag-aaral ng gitna o mataas na paaralan
  • Karagdagang sustento sa pamumuhay : kaloob na KRW 50,000 kada buwan para sa mga karapat-dapat na pamilyang may solong magulang
Mga sambahayang hindi kabilang sa suporta
  • Suporta sa bata, karagdagang suporta sa bata
    • Kapag nakakatanggap ng mga tulong-salapi para sa pag-aalaga (pangangalaga para sa pagpapalaki ng bata) sa ilalim ng Batas sa Kagalingang Pambata
  • Gastos sa pamumuhay (Mga tulong-salaping pangkabuhayan)
    • Kapag nakakatanggap ng mga pangunahing benepisyong pangkabuhayan sa ilalim ng Batas sa Pambansang Pangunahing Pangkabuhayang Seguridad
    • Kapag nakakatanggap ng suportang kagalingang pangkabuhayan sa ilalim ng Batas sa Suportang Kagalingang Pangkagipitan
    • Kapag nakakatanggap ng pag-aalaga (pangangalaga para sa pagpapalaki ng bata) sa ilalim ng Batas sa Kagalingang Pambata
  • Mga gastos sa edukasyon ng anak (mga gamit sa paaralan)
    • Mga benepisyong pang-edukasyon ayon sa Batas sa Pambansang Seguridad ng Pangunahing Kabuhayan
    • Suportang pang-edukasyon ayon sa Batas Pangkagalingan para sa mga Taong may mga Kapansanan
    • Suportang pang-edukasyon ayon sa Batas sa Suportang Kagalingang Pangkagipitan
Pamantayan ng Halaga ng Kita ng mga Pamilyang Kabilang sa Single Parent Family Support Act Para sa Taong 2024
(Yunit : KRW/ Buwan)
Pamantayan ng Halaga ng Kita ng mga Pamilyang Kabilang sa Single Parent Family Support Act Para sa Taong 2022
Kategorya 2 tao 3 tao 4 tao 5 tao 6 tao
Pamilyang may Solong Magulang at Pamilyang Pinangangalagaan ng Lolo at Lola 63% na Average ng Pamantayang Kita 2,320,044 2,970,234 3,609,845 4,218,313 4,799,572

(2)Suporta Para sa mga Tumatayong Single Parent na Kabataan

청소년 한부모 자립지원 : 구분 및 내용을 포함한 표입니다.
Dibisyon Nilalaman
Target na Suportahan
  • Ang lahat ng mga may single-parent na pamilya ng kabataang ang edad ay mababa sa 24 taong gulang at ang kinikilalang kita ay mas mababa sa 65% ng kiniikilalang kita (acknowledged income)
    • Batayan sa Pagbibigay ng Sertipiko Bilang Pamilya ng Solong Magulang o Single-parent Family : Mas mababa sa 72% ng average ng pamantayang kita
Suporta
  • Mga gastos sa pagpapalaki ng anak : Nagbibigay ng buwanang suportang nagkakahalaga ng KRW 350,000 kada bata para sa sambahayan ng pamilyang may batang solong magulang
    • Gayunpaman, para sa mga batang edad hanggang 1, ang singil ay KRW 400,000 kada buwan kada bata.
  • Suportang pag-aaral para sa mga pagsusulit ng kwalipikasyon sa paaralan: Inihahandog ang taunang suportang nagkakahalaga ng KRW 1.54 milyon kapag nag-aaral ang nanay o tatay ng isang pamilyang may batang solong magulang para sa pagsusulit ng kwalipikasyon.
  • Sustento para mapadali ang pagsasarili: naghahandog ng buwanang suportang nagkakahalaga ng KRW 100,000 kapag nagsasagawa ang tatay o nanay ng isang pamilyang may batang solong magulang ng mga gawaing pagpapaunlad ng sarili tulad ng pag-aaral o pagtatrabaho.
Mga sambahayang hindi kabilang sa suporta
  • Suporta sa bata
    • Kapag nakakatanggap ng mga tulong-salapi para sa pag-aalaga (pangangalaga para sa pagpapalaki ng bata) sa ilalim ng Batas sa Kagalingang Pambata
  • Mga tulong-salaping pangkabuhayan
    • Kapag nakakatanggap ng mga pangunahing benepisyong pangkabuhayan sa ilalim ng Batas sa Pambansang Pangunahing Pangkabuhayang Seguridad
    • Kapag nakakatanggap ng suportang kagalingang pangkabuhayan sa ilalim ng Batas sa Suportang Kagalingang Pangkagipitan
    • Kapag nakakatanggap ng mga tulong-salapi para sa pag-aalaga (pangangalaga para sa pagpapalaki ng bata) sa ilalim ng Batas sa Kagalingang Pambata
  • Mga gastos sa edukasyon ng anak (mga gamit sa paaralan) mga gastos sa pag-aaral para sa mga pangkwalipikasyong pagsusulit
    • Mga benepisyong pang-edukasyon ayon sa Batas sa Pambansang Seguridad ng Pangunahing Kabuhayan
    • Mga gastos sa edukasyon ayon sa Batas Pangkagalingan para sa mga Taong may mga Kapansanan
    • Suportang pang-edukasyon ayon sa Batas sa Suportang Kagalingang Pangkagipitan
2024 Pamantayan ng Halaga ng Kita ng Pamilyang ng Single Parent ng Kabataan
2023년 청소년 한부모가구 소득인정액 기준 : 구분, 2인, 3인, 4인, 5인, 6인 및 비고를 포함한 표입니다.
Kategorya 2 tao 3 tao 4 tao 5 tao 6 tao
Batang solong magulang 65% na Average ng Pamantayang Kita 2,393,696 3,064,527 3,724,443 4,352,228 4,951,940
72% na Average ng Pamantayang Kita 2,651,478 3,394,553 4,125,537 4,820,929 5,485,226

02 Paraan ng Aplikasyon

  • Bisitahin ang tanggapan ng eup o myeon o dong resident center na nakakasakop sa lugar ng puno ng pamilya (tagapangalaga) o makipag-ugnayan sa opisyal ng pamahalaan para sa single-parent family support project sa pamamagitan ng telepono, maaari ring mag-apply online(bokjiro.go.kr)
  • Kung ang aplikante ay nakapasa para sa suporta matapos ang inspeksiyon sa sambahayan at kita sa pamamagitan ng pagsusuri na isasagawa ng si, gu, o gun ng lugar na nakakasakop, ang resulta ay inihahatid sa pamamagitan ng pasulat na abiso.
  • Pagpapayo at katanungan: Tumawag para sa pagpapayong pangsolong magulang sa Tel. No. (☎1644-6621) o tumanggap ng pagpapayo online sa (pook-sapot ng Kagawarang-bansa ng Pagkakapantay-pantay sa Kasarian at Pamilya, www.mogef.go.kr)
Naghiwalay kami ng aking asawa at hindi ito madali para sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Sa anong paraan ako makakakuha ng tulong?

Kapag ang inyong anak ay mayroong Korean na nasyunalidad at ang inyong kita hindi sapat upang makapamuhay, kwalipikado kayo para sa serbisyong pangkagalingan (welfare service) o national basic living security. Tinutukoy ng opisyal na nakatalaga kung kayo ay angkop sa programa ayon na rin sa resulta ng pagsusuri sa mga dokumento kayaga ng kita at ari-arian ng aplikante, at iba pa. Kung nahaharap kayo sa emerhensiyang sitwasyon, maaari kayong mag-apply sa emergency welfare service. Makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na community center (eup, myeon, dong) o Ministry of Health and Welfare Call Center (☎129), o sa single-parent call center (☎1644- 6621). Kung hindi marunong ng wikang Koreano, maaaring humingi ng tulong sa sinumang magaling magsalita ng wikang Koreano upang makatanggap ng pagpapayo.

  • Banyagang nanay o tatay ng mga sambahayang may solong magulang na sinusuportahan ng Batas sa Suporta para sa Pamilyang may Solong Magulang na naninirahan sa Korea (mga dayuhang nakakumpleto ng pagpaparehistro bilang dayuhan alinsunod sa Artikulo 31 ng Batas sa Pandarayuhang Pagkontrol) at nagpapalaki ng mga anak na may Koreanong nasyonalidad nang mag-isa.
Mga Dapat Tandaan!
Serbisyo Para sa Gastusin sa Pagpapalaki ng Anak

Ito ay komprehensibong serbisyong naghahandog ng pagpapayo, negosasyon, serbisyong legal, claim recovery, pagsasagawa ng hakbangin upang ang isang single-parent na, matapos makipagdiborsyo at mag-isang nag-aalaga ng bata, ay makatanggap ng maayos na suporta mula sa dating asawa sa pagpapalaki ng bata.

Kwalipikado Para sa Suporta
  • Mga solong magulang o single-parent·lolo o lola na nagpapalaki ng mga ibang bata na may edad na 19 years old pababa ayon sa nakasaad sa 「Batas sa Pagsasagawa ng Pagbibigay ng Suporta sa Pag-aalaga ng Bata at mga Alinsunod na Batas na may Kinalaman sa Pangangalaga ng Bata」
  • Mga solong magulang o single-parent·lolo o lola na nagpapalaki ng mga ibang bata ayon sa nakasaad sa 「Single-parent Family Support Act」
    • Suporta para sa mga anak na nasa kolehiyo na may edad na hanggang 22 years old pababa (para sa mga bata na bumalik sa pag-aaral pagkatapos ang military service, suporta hanggang sa edad na 22 years old + panahon ng military service).
    • Suporta para sa mga multikutural na pamilya at single-parent kung saan ang nasyonalidad o citizenship ng anak ay Korean.
Inihahandog na Serbisyo
  • Pagpapayo sa telepono, online na pagpapayo, on-site counseling o interview consultation tungkol sa suporta sa pagpapalaki ng anak
  • Suporta para sa negosasyon sa pagitan ng mga partidong kaugnay ang suporta sa pagpapalaki ng anak
  • Suporta para sa legal na proseso gaya ng pagdedemanda Para makakuha ng suporta sa pagpapalaki ng anak
  • Suporta para sa bonds ng suporta sa pagpapalaki ng anak
  • Hakbangin laban sa mga hindi nagbibigay ng suporta sa pagpapalaki ng anak
  • Pagmo-monitor ng pag-unlad ng kaso
  • Suporta para sa mga emergency expenses ng suporta sa pagpapalaki ng anak
Emergency Support Para sa Pansamantalang Suporta sa Pangangalaga ng Bata

Pansamantalang ibibigay ang “emergency expenses support” kapag may panganib na ang bata ay maaaring lumaki sa hindi magandang kapaligiran dahil sa naantalang pagbabayad ng suporta sa pagpapalaki ng bata.

  • Kondisyon sa Pagtanggap ng Suporta
    • Creditor ng mga gastusin sa pagpapalaki ng mga bata na nag-apply para sa serbisyo sa Child Support Agency
    • Naaakma kung ang kita ng sambahayan ay mas mababa sa 75% ng pamantayang panggitnang kita
    • Kung hindi ka nakakatanggap ng mga benepisyong kagalingang pangkabuhayan sa ilalim ng Batas sa Pambansang Pangunahing Pangkabuhayang Seguridad o suportang kagalingang pangkabuhayan sa ilalim ng Batas sa Suportang Kagalingang Pangkagipitan.
  • Halaga ng Suporta : KRW 200,000 kada buwan sa bawat bata
  • Panahon ng Aplikasyon : 9 na buwan (maaari itong i-extend ng 3 buwan kung kinakailangan)
  • Kinakailangang naaayon ang lahat ng kondisyon sa itaas
Paraan ng Paggamit
  • Pagpapayo sa Telepono : ☎1644-6621
  • Online Counseling : www.childsupport.or.kr
  • On-site Counseling : Seoul Seocho-gu Banpodae-ro 217 Seoul Regional Public Procurement Service Main Bldg. Room 508. (Numero Para sa Reservation ng Appointment)
  • Kinakailangan na magparehistro lamang, sa pamamagitan ng koreo (post mail) o personal na pagbisita
  • Kung kailangan ng pagsasaling-wika (interpretation), maaaring tumawag sa Danuri Helpline ☎1577-1366 at makatanggap ng tulong.
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”