01 Segurong kabayaran sa aksidenteng pang-industriya
Naniningil ng bayad ang Segurong Kabayaran sa Aksidenteng Pang-industriya mula sa mga solong may-ari, at binabayaran ang pondo sa mga empleyado imbes na may-ari. Sa prinsipyo, ipinapatupad ito sa lahat ng mga negosyo at mga kompanyang kumukuha ng mga manggagawa. Kung napinsala ang manggagawa sa mga sakunang pang-industriya, dapat siyang magsumite ng aplikasyon sa Serbisyong Kabayaran at Kagalingan ng mga Manggagawa ng Korea, at maaaring magbigay ng sahod na kabayaran sa aksidente pagkatapos ng pagsusuri.
- Sumangguni sa pook-sapot ng Serbisyong Kabayaran at Kagalingan ng mga Manggagawa ng Korea – Media room – Brochure para sa mga dayuhan – 2020 Brochure sa Ingles
(1)Mga Tips na Dapat Tandaan Kapag Kayo’y Naaksidente Habang Nagtatrabaho
- Makakapag-aplay nang deretso ang mga empleyado at kanilang mga pamilya para sa kabayaran para sa aksidenteng pang-industriya sa Korporasyon ng Kagalingan ng Paggawa ng Korea (☎1588-0075).
- Lubhang kritikal ang maagang paggamot (pangkagipitang paggamot) sakaling magkaroon ng aksidenteng pang-industriya. Dapat kumonsulta ang mga biktima sa eksperto para sa pagsusuri at paggamot. Sa kaso ng pagputol tulad ng naputol na daliri, dapat bumisita ang biktima sa ospital na naghahandog ng mga serbisyong operasyong muling pagtatanim/muling pagkakabit.
- Sa panahon ng paggamot para sa isang aksidenteng pang-industriya, hindi maaaring tanggalin ng kompanya ang manggagawa o puwersahin ang pagpapatapon. Kahit maiuugnay ang isang aksidenteng pang-industriya sa pagkakamali ng manggagawa, makakatanggap pa rin ang manggagawa ng kabayaran sa aksidenteng pang-industriya kung nangyari ang pinsala habang nasa trabaho.
- Dagdag pa rito, babayaran lamang ang mga benepisyong seguro para sa aksidenteng pang-industriya sa personal bank account ng manggagawa, kaya dapat kumuha antimano ang mga manggagawa ng bank account.
(2) Kwalipikasyon
Maaaring mag-aplay ang mga negosyo o empleyado ng mga kaanib na negosyong saklaw ng Batas sa Segurong Kabayaran sa Aksidenteng Pang-industriya o kanilang mga pamilya para sa kabayaran sa kaso ng pinsala, sakit, kapansanan, o kamatayan habang nasa trabaho.
(3)Paghahanda ng Dokumento
Kapag sinasagutan ang papel para sa aplikasyon para sa mga gastusin sa alagang medikal, siguraduhing irekord ang nilalaman at petsa ng aksidente nang detalyado at tama. Kapag pinagamot ang manggagawa sa isang institusyong medikal para sa aksidenteng pang-industriya, mahihiling niya sa institusyong medical na mag-aplay ito para sa kabayaran sa aksidenteng pang-industriya para sa kanya.
(4)Proseso ng Kabayaran Para sa Aksidente
- Aksidente
- Pagpapaospital
- Pag-iisyu ng Medical Certificate
- Paghahanda ng Aplikasyon Para sa Pangunahing Medikal na Lunas
- Pagpapasa ng Aplikasyon sa COMWEL
- Pagsusuri ng Nangyaring Aksidente, Tinamong Pinsala, o Pagkakasakit
- Pangmedikal na Konsultasyon (kung kinakailangan)
- Deliberasyon at Pagpapasiya
- Notipikasyon ng Desisyon (Aplikante, Kumpanya, at Medikal na Organisasyon)a
(5) Klase ng mga Benepisyong Maaaring Makuha Mula sa Industrial Accident Compensation Insurance
산업재해 보험급여의 종류: 구분, 내용을 포함한 표입니다. Kategorya | Nilalaman | Karapat-dapat na tao |
Pambayad sa mga Gastusing Pang-medikal | Bayad Para sa pagpapagamot ng sakit o natamong pinsala na siyang nagmumula sa mga medikal na institusyon. Ito ay binibigay hanggang sa gumaling ang biktima. - Mga gastusing medikal: kinakailangang gastos sa ospital para sa paggamot
- Mga bayad sa pag-aalaga: kinakailangang gastos para sa pag-aalaga para sa mahina
- Mga bayad sa paglipat: Gastos sa paglipat na kinakailangan para sa paggamot bilang palabas na pasyente
- Iba pa: gastos ng pantulong at paggamot na binabayaran ng manggagawa nang labas sa bulsa
| Biktima |
Pansamantalang Benepisyo ng Kawalan ng Kapasidad | 70% ng karaniwang kita ay ibinibigay araw-araw upang protektahan ang pangkabuhayan ng mga napinsalang manggagawa at ang kanilang mga pamilya sa panahon ng pagkawala ng trabaho sanhi ng pagpapagaling. | Biktima |
Pensyon Para sa Pinsala at Pagkakasakit | Kapag ang manggagawang nakakatanggap ng suporta para sa "pambayad sa mga gastusing medikal" ay kabilang sa 1~3 antas ng malubhang kondisyon ng sakit o severe medical condition at mayroon pa siyang sakit sa baga, at mahigit na sa 2 taon siyang nagpapagamot, ibibigay ang pension na ito imbes na sa “leave payment” | Biktima |
Bayad Para sa Kapansanan (Disability Allowance) | Mga sustentong binabayaran alinsunod sa kalubhaan ng kapansanan (Una~ika-14 na grado) kapag nagtatagal ang kapansanan matapos itong mangyari sanhi ng aksidenteng pang-industriya at pagkatapos ng paggamot kaugnay ng aksidenteng pang-industriya | Biktima |
Personal Care Benefit | Benepisyong Para sa mga nangangailangan ng personal na maagsikaso sa kanila matapos ang pagpapagamot dahil sa kanilang medikal na kondisyon. Ibinibigay lamang ito doon sa mga pumapasa Para sa kaangkupan Para sa sick leave. | Biktima |
Benepisyo Para sa Rehabilitasyon sa Pagkakaroon ng Trabaho | - Mga benepisyo para sa mga among pinananatili ang trabaho para sa mga indibidwal na may mga personal na pinsala (Una~ika-12 grado)
- Mga benepisyo para sa mga among naghahandog ng bokasyonal na pagsasanay para sa mga walang trabaho na may mga pinsalang pang-industriya (Una~ika-12 grado)
| - Pinopondohan ang pagbabalik-trabaho: Amo
- Mga gastusin sa pagsasanay: Ahensiya ng bokasyonal na pagsasanay
- Mga sustento sa pagsasanay: Biktima
|
Mga benepisyo para sa naulila at mga gastusin sa paglilibing | Naghahandog ng mga gastusin at sustento para sa burol sa mga naulilang kapamilya para sa pangunahing pangkabuhayang seguridad ng mga naulilang kapamilya sakaling namatay ang empleyado. | - Mga sustento sa naulilang pamilya: naulilang pamilya
- Mga gastusin sa burol: Mga taong nagdaos ng burol (naulilang pamilya, atbp.)
|
02 Pangunahing Patakaran sa Kaligtasan
Ang unang hakbang para maiwasan ang pagkakaroon ng aksidente habang nagtatrabaho ay ang madalas na paglilinis ng inyong pinagtatrabahuhan, ang paligid nito at panatilihing maayos ang mga kagamitan dito. Siguraduhin ninyong walang mga nakasagabal sa mga daanan. Kinakailangang madalas ninyong tiyakin na hindi madulas ang sahig. Ang mga sumusunod ay ang pangunahing patakaran para sa kaligtasan na kinakailangang ipatupad sa bawat kumpanya:
- Bago ang pagtatrabaho, alamin muna kung anu-ano ang mga bagay na maaaring magdulot ng panganib.
- Patayin ang kuryente matapos maglinis o pagkukumpuni, pag-aayos ng ibang gawain.
- Isuot ang tamang damit sa pagtatrabaho habang nagtatrabaho. Huwag manigarilyo o kumain sa lugar ng pinagtatrabahuhan.
- Huwag magsuot ng cotton gloves kapag nagtatrabaho gamit ang umiikot na makina
- Magsuot ng protective gear gaya ng safety hat at sapatos.
- Magsuot ng protective glasses kapag nagtatrabaho sa mga lugar na may maliliit na butil at alikabok o habang naglalagari o ginagamit ang makina.
- Kailangang iklasipika ang mga mapanganib na materyales at ilagay ito sa maayos na lokasyon.
- Magsuot ng protective mask (gas mask) kapag gumagamit kayo ng mga kemikal gaya ng mga panlinis at adhesives.
- Alamin kung saan ang pinakamalapit na emergency exit.
- Alamin din kung saan nakalagay ang first-aid kit at fire extinguisher.
- Alamin ang lahat ng mga nakapaskil tungkol sa pangkaligtasan·pangkalusugan gaya ng safety signs at mga warning signs tulad ng mga babala·banner·tagubilin·at impormasyon.
- Hugasan nang mabuti ang kamay bago kayo kumain.
03Mga Kaalamang Pangkaligtasan·Pangkalusugan na Dapat Tandaan
(1)Mga Ipinagbabawal
- < Bawal Pumasok >
- < Bawal Dumaan >
- < Bawal Dumaan ang mga Sasakyan >
- < Bawal Gamitin >
- < Bawal Sumakay >
- < Bawal Manigarilyo >
- < Bawal ang Apoy >
- < Huwag galawin ang mga gamit >
(2)Tandaan
- < Inflammable substances >
- < Acidic substances >
- < Explosive substances >
- < Toxic substances >
- < Corrosive substances >
- < Radioactive substances >
- < High voltage >
- < Mga Gamit na Nakasabit >
- < Gamit na maaaring Mahulog >
- < Mataas na Temperatura >
- < Maliit na Temperatura >
- < Maliit na Temperatura >
- < Madulas na Sahig >
- < Laser beams >
- < Carcinogens, utagens, biohazards, toxins, respiratory system irritants Hazardous location >
-
(3)Kautusan
- < Magsuot ng goggles >
- < Magsuot ng gas mask >
- < Magsuot ng dust mask >
- < Magsuot ng face guard >
- < Magsuot ng face guard >
- < Magsuot ng earplugs >
- < Magsuot ng safety booths >
- < Magsuot ng safety gloves >
- < Magsuot ng safety suit >
(4)Impormasyon
- < Green cross >
- < First aid >
- < Stretcher >
- < Washing station >
- < Emergency instruments >
- < Emergency exit >
- < Emergency exit sa kaliwa >
- < Emergency exit sa kanan >
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”