01Early Adaptation Program Para sa mga Imigrante
Inihahandog ang "Programang Suporta sa Paunang Pakikibagay para sa mga Imigrante/ Migrante" sa 18 wika
kabilang ang wikang Koreano upang maghandog ng impormasyon sa pangunahing sistemang legal ng Korea at
panlipunang pakikibagay/paglagom sa pagtulong sa mga dayuhang manirahan nang matatag sa pang-araw-araw na
buhay sa lipunang Koreano sa simula ng pagdating pa lamang. Pinangangasiwaan ito sa mga tanggapang
pandarayuhan at migrante at Sentro ng Suporta sa Paunang Pakikibagay. Makakapag-aplay ka sa pamamagitan ng
pook-sapot ng Kalambatang Pang-impormasyon ng Panlipunang Pagsasama-sama (www.socinet.go.kr).
Mga Nilalaman ng Pangunahing Edukasyon Batay sa Uri ng Kalahok
유형별 주요 교육내용 : 참여대상, 특수과목, 공통과목 및 교육시간을 포함한 표입니다.
Kalahok |
Espesyal na Paksa |
Karaniwang Paksa |
Oras ng Pag-aaral |
Dayuhang Mag-aaral |
- Pagpapayo sa pagkakaroon ng matagumpay na pag-aaral sa ibang bansa
- Panimulang pagtuklas at pagpili ng karera o career
|
- Mga mahahalagang impormasyon sa pamumuhay
- Mga pangunahing batas·ordinansa at kultura
- Sistema sa pagpasok at paglabas sa bansa o immigration at iba pang bagay
na may kinalaman sa pagpapalawig o pananatili ng paninirahan o sojourn stay
|
3 oras (Para sa matataong lugar at iba pa : 2 oras) |
Dayuhan sa Matataong Lugar |
|
Tanyag na Dayuhan |
- Pagsasaayos at pagbibigay solusyon sa mga paglabag sa karapatang pantao
o human rights
|
Kasal na Migrante |
- Pag-unawa sa pagitan ng relasyon ng mag-asawa at pamilya
- Mga pagpapayo mula sa mga nakakatandang kasal na migrante
|
Imigranteng kabataan |
- Pagpapakilala sa sistema ng edukasyon o kurikulum ng paaralan
- Impormasyon tungkol sa mga pasilidad patungkol sa kultura·kapakanan o
welfare Para sa mga kabataan
|
Korean na may Ibang Nasyonalidad (Chinese, CIS) |
- Kamalayan sa pagsunod sa mga alituntunin, mga batas sa pang-araw-araw na
pamumuhay
- Sistema sa pagpapalawig o pananatili ng paninirahan·permanent residency,
pagkakaroon ng naturalization o citizenship
|
Mga pana-panahong migranteng manggagawa |
- Mga tungkulin sa trabahong agrikultura, mga tuntunin sa kaligtasan ng
trabahong agrikultura, atbp.;
- Impormasyon sa lokal na komunidad, mga paraan ng pagtugon at impormasyon
sa pakikipag-ugnayan sa kaso ng kagipitan, proteksyon ng mga karapatang pantao, atbp.
|
Mga banyagang manggagawa |
- Mga tuntunin sa kaligtasan at batas sa mga pamantayan sa paggawa, atbp.;
- Mga pamamaraan sa kaluwagan at mga paraan ng pagtugon sa kaso ng mga
paglabag sa mga karapatang pantao tulad ng di-bayad na sahod at asulto
|
Mga nilipat na takas |
- Istado bilang takas, mga karapatan, mga obligasyon at pagtrato sa mga
takas
- Mga pangangailangan para sa permanenteng paninirahan at nasyonalidad
|
Benepisyo ng Early Adaptation Program Para sa mga Migrante
- Ang mga kasal na migrante o married immigrant ay maaaring pagkalooban ng bisa na may 2 taon
na pananatili (maliban sa mga immigration regulator).
- Pagkakaroon ng pribilehiyo sa oras sa paglahok sa Korea Immigration & Social
Intergration Program *kasali na 2 oras (karaniwan)
- Kinikilala o binibigay ang 2 oras sa unang itinalagang antas o level (maliban sa
level 0) matapos na makompleto ang kurso.
02Korea Immigration and Integration Program (KIIP)
Sang-ayon sa polisiya ng immigration, ang Korea Immigration Integration Program ay paraan upang mas mapadali
ang pagkuha ng Korean citizenship, kwalipikasyon sa pananatili sa Korea at iba pa para sa mga imigranteng
nakakumpleto na ng edukasyunal na kurso (pag-aaral ng wikang Koreano at pag-unawa sa lipunan ng Korea). Ito
ay aprubado ng Kagawaran ng Hustisya (Ministry of Justice) bilang suporta sa mga imigranteng nasa Korea para
sa kanilang adaptasyon at makapagsarili bilang miyembro ng lipunan ng Korea.
Layunin ng Programa : Upang isulong ang maagang adaptasyon at matagumpay na pagtatatag ng mga imigrante sa
lipunang Korea.
Edukasyonal na Kurso o Kurikulum
- 1Kurso sa wikang Koreano o Korean language at
kurso tungkol sa kultura ng Korea
- 2Kurso sa pag-unawa sa lipunan ng
Korea
Nilalaman
사회통합프로그램 내용 : 구분에 의한 단계, 한국어와 한국문화의 0단계부터 4단계, 한국사회 이해에 관한 5단계를 포함한 표입니다.
Dibisyon |
Korean Language at Korean Culture |
Pag-unawa sa Lipunan ng Korea |
Level |
Level 0 |
Level 1 |
Level 2 |
Level 3 |
Level 4 |
Level 5 |
Subject |
Basic |
Beginner 1 |
Beginner 2 |
Intermediate 1 |
Intermediate 2 |
Basic |
Advance |
Kabuuang Oras ng Pagaara |
15Oras |
100Oras |
100Oras |
100Oras |
100Oras |
70Oras |
30Oras |
Pagsusuri |
Wala |
Pagsusuri sa Level 1 |
Pagsusuri sa Level 2 |
Pagsusuri sa Level 3 |
Intermediate Evaluation |
Comprehensive Evaluation Para sa Permanent Residency |
Comprehensive Evaluation Para sa Naturalization o Citizenship |
Sanggunian |
Maaari lamang makalahok sa Level 5 o advance level matapos na
magkaroon ng certificate sa basic course. (Ang pagkakaroon ng certificate ay batay sa bilang ng
oras na kinakailangang pasukan sa pag-aaral.)
- Ang mga pumasa sa komprehensibong pagsusuri o comprehensive evaluation
para sa permanenteng paninirahan o permanent residency ay maaaring hindi dumaan sa
batayang kurso at maaaring makilahok sa pag-aaral ng advanced course.
|
Oras ng Operasyon : Ang namamahalang institusyon ay may kalayaang magbukas ng nais nilang edukasyonal na
kurso
Mga Itinakdang Namamahalang Institusyon : 355 na Institusyon (Batay sa Marso 2024)
Benepisyo na Maaaring Makuha ng mga Nagsasanay
- Benepisyo sa Aplikasyon ng Naturalization o Citizenship
- Pagkilala sa pagpasa sa comprehensive evaluation para sa citizenship ng aplikante.
(Ibinibigay matapos ang proseso ng pag-aaral sa pagkakaroon ng Korean citizenship.)
- Paglilibre sa panayam na nagsasala para sa naturalisasyon (iyong mga nakakumpleto ng
5-hakbang na pamamaraan para sa pagiging karapat-dapat sa pandarayuhang naturalisasyon ng Korea at
nakapasa sa komprehensibong pagtatasa para sa naturalisasyon)
- Benepisyo sa Aplikasyon ng Permanent Residency
- Pagkilala sa pagkamit ng basic requirements.
- Benepisyo sa Aplikasyon sa Iba Pang Resisdency Status
- Pagkilala sa puntos o scoring points at iba pa (Puntos para sa technology
entrepreneurship D-8-4, puntos para sa trade visa D-9-1, puntos para sa working visa D-10-1, puntos
para sa technical and skills capabilities E-7-4 , puntos para sa excellent professional personnel
F-2-7)
- Exemption sa katibayan para sa kakayahan sa wikang Korean at iba pa.
- Benepisyo sa Aplikasyon ng Bisa(VISA)
- Exemption sa katibayan para sa kakayahan sa wikang Korean at iba pa.
Diagram ng Proseso Para sa Korea Immigration & Social Integration Program
Maaaring tingnan ang mga nagpapatakbong ahensiya ng mga programang panlipunang pagsasama sa pamamagitan ng
Kalambatan ng Impormasyon sa Panlipunang Pagsasama (www.socinet.go.kr) ▶ Programang panlipunang pagsasama ▶
kasalukuyang istado ng mga nagpapatakbong ahensiya.
2019 Impormasyon sa Paghihiwalay ng Homepage para sa Pag-aaral at Evaluation
Pagpaparehistro sa Pag-aaral : Maaaring maggamit pagkatapos na magsagawa ng membership registration sa
Immigration & Social Network (www.socinet.go.kr).
Pagpaparehistro sa Evaluation sa Ilalim ng Ministry of Justice : Maaaring maggamit pagkatapos na magsagawa
ng membership registration sa Homepage Evaluation Korean Immigration & Integration Program Evaluation
(www.kiiptest.org).
- Gayunpaman, sa kadahilanang ginagamit ng homepage evaluation ang ID na nakarehistro sa
homepage ng Immigration & Social Network, kinakailangan muna na magkaroon ng memberhip registration sa
Immigration & Social Network bago magsagawa ng membership registration sa Homepage Evaluation
-
1 Membership Registration
-
2Pagtatalaga ng Antas
(Pre-assessment Test at iba pa)
Pagkupirma sa Pagtatalaga ng Antas (Validity Period sa Pagtatalaga ng Antas :
2 taon mula sa araw ng pagtatalaga ng antas)
-
3Notipikasyon ng Curriculum
Course
Immigration & Social Network
Pagpaparehistro ng Kurso
-
4Pagpaparehistro sa
Pag-aaral at Pagtatalaga
Immigration & Social Network
Pagpaparehistro ng Kurso
-
5Korean Language at Korean
Culture Course sa Bawat Level (0~3)
(1~3)Level Test (Sa ilalim ng pamamahala ng nagsasagawang institusyon.)
-
6Korean Language at Korean
Culture Course Level 4
Mid-term Evaluation (Sa ilalim ng pamamahala ng Ministry of Justice.) (Maaari
ding magparehistro ang kalahok na sumailalim o kabilang sa linked courses.)
-
7Understanding Korean Culture
Basic Course
Level 5
Comprehensive Evaluation para sa Permanent Residency (Sa ilalim ng pamamahala
ng Ministry of Justice.)
-
8Understanding Korean Culture
Advanced Course Level 5
Comprehensive Evaluation para sa Citizenship (Sa ilalim ng pamamahala ng
Ministry of Justice.)
- Maaaring magparehistro at magpatala ng pre-assessment test, midterm evaluation,
comprehensive evaluation para sa permanent residency, at comprehensive evaluation para sa citizenship sa
Homepage Evaluation matapos na magsagawa ng membership registration sa Immigration & Social Network.
Mga Dapat Tandaan!
Homepage ng “Hi Korea’, e-government Para sa mga Dayuhan
Sa pamamagitan ng pook-sapot ng “Hi Korea,” na pinapatakbo sa tatlong wika kabilang ang Koreano,
Ingles, at Intsik, makakapag-aplay ka para sa mga elektronikong petisyong sibil tulad ng mabisang
bisa upang palawigin ang haba ng pansamantalang pagtigil at ipagbigay-alam ang pagbabago sa lugar ng
tirahan, o mag-aplay para sa pagpapareserba ng pagbisita sa Serbisyong Pandarayuhan ng Korea (mga
pandarayuhang tanggapan).
- Patnubay sa Paggamit
Bisitahin ang homepage (www.hikorea.go.kr) ⇢ magparehistro
para maging miyembro ng site ⇢ maaari ng gamitin ang mga serbisyong gaya ng online civil complaint,
pagpapareserba para sa pagbisita, my page, atbp.
Foreigners’ Information Center : No Area Code ☎1345
Ang pangkalahatang sentro ng impormasyon para sa mga dayuhan ay nagbibigay ng serbisyo sa mga
nangangailangan ng civil counseling o usaping pang-sibil at impormasyon upang makatulong sa
pag-angkop sa pamumuhay ang mga dayuhan o banyangang residente kung saan maaaring makatanggap ng
pagpapayo sa telepono o phone counseling na binubuo ng 20 na iba’t ibang wika kasama ang wikang
Korean.
- Oras ng Paggamit ng Serbisyo Weekdays 09:00~22:00 (Impormasyon sa wikang Korean,
English, at Chinese pagkatapos ng oras na 18:00)
- Homepage www.hikorea.go.kr
Impormasyon Tungkol sa Social Integration Network (soci-net) Homepage
Inihahandog ang detalyadong impormasyon tungkol sa mga programang panlipunang pagsasama-sama, mga
programang pang-impormasyon tungkol sa pandaigdigang pag-aasawa, mga programang maagang pakikibagay
para sa mga imigranteng dahil sa pag-aasawa, at pinagsama-samang edukasyon sa pagkamamamayang
pasadya sa mga permanenteng residente at mga naturalisadong mamamayan. Makakapag-aplay ka nang
direkta upang makilahok sa nais na talaaralan sa pamamagitan ng pook-sapot.
- Patnubay sa Paggamit
I-access ang pook-sapot (www.socinet.go.kr) → Magparehistro bilang
miyembro → Gamitin ang mga serbisyong tulad ng pag-aaplay para sa paglahok sa iba't ibang edukasyon
sa panlipunang pagsasama-sama at pagtingin sa mga resulta
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”