Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Maternity Leave Bago o Matapos ang Panganganak at Leave sa Pag- aalaga ng Bata

  • Home
  • Pagtatrabaho at Paggawa
  • Maternity Leave Bago o Matapos ang Panganganak at Leave sa Pag- aalaga ng Bata

Maternity Leave Bago o Matapos ang Panganganak at Leave sa Pag- aalaga ng Bata

Kung ang isang empleyado ay nagdadalang-tao, maaari siyang magfile ng maternity leave bago o matapos ang kaniyang panganganak. Bukod pa rito, maaari rin siyang gumamit ng leave para sa pag-aalaga ng mga batang nasa 6 na taong gulang pababa (pagbabawas ng oras ng pagtatrabaho Para maalagaan ang bata).

  • Inaalok din ang pagliban para sa pag-aalaga ng anak sa mga buntis na babaeng empleyado.

01Maternity Leave Bago o Matapos ang Panganganak

(1)Kwalipikasyon

  • Makakakuha ng paglibang pang-ina ang sinumang babaeng empleyadong nagtatrabaho sa isang negosyong mayroong mahigit 1 manggagawa na saklaw ng regulasyon ng Batas sa Pamantayan sa Paggawa anuman ang anyo ng kontrata sa paggawa (permanenteng posisyon, pansamantalang posisyon, atbp.).

(2)Panahon ng Maternity Leave Bago o Matapos ang Panganganak

Kung walang problema sa panganganak, ang mga empleyado ay maaaring mag-file e ng leave para sa 90 araw na leave mula sa mismong araw ng panganganak.
Lahat ng empleyado ay maaaring gumamit ng 45 araw pataas para sa leave matapos ang panganganak.
  • Ang babaeng empleyado ay maaaring gumamit ng 44 na araw ng maternity leave sa unang yugto ng panganganak kaysa sa nalalapit na araw ng panganganak, ayon sa mga sumusunod na kaso: ① kung nakaranas na makunan o magsilang ng patay na sanggol ang empleyado, ② kung mahigit sa 40 taong gulang na ang empleyado, ③ kung mayroon siyang medical certificate na nagsasabing may posibilidad siyang makunan o magsilang ng patay na sanggol .
Ang maternity leave bago o matapos ang panganganak ay ibinibigay sa mga empleyado ng ilang mga kumpanya. Subalit, matatapos ang leave kapag naabutan ng expiration ng contract period habang naka-leave ang empleyado.
  • ang mga babaeng nagsilang ng dalawang sanggol o higit pa sa isang pagkakataon (kambal, atbp.,) ay makatatanggap ng 120 araw ng prenatal maternity leave. Ang panahon ng pagliban pagkatapos ng panganganak ay dapat na 60 araw o higit pa.

(3) Sahod Habang Nasa Maternity Leave Bago o Matapos ang Panganganak

  • Sa panahon ng prenatal maternity leave, ang prenatal maternity leave na sahod ay ibibigay.
  • Binabayaran ng malalaking kumpanya ang 100% ng 60 araw ng karaniwang sahod ng empleyado, at ang natitirang sahod para sa 30 araw ay binabayaran gamit ang employment insurance. (maximum limit na KRW 2,100,000 sa isang buwan)
  • Sa kaso ng pagsasaprayoridad sa target na negosyo ng suporta (maliit at katamtaman ang laking negosyo), ang sahod na 90 araw sa leave ay babayaran ng unemployment insurance (maximum limit na KRW 2,100,000 sa isang buwan), sa pagbabayad ng kumpanya sa pagkakaiba sa pagitan ng ordinaryong sahod at prenatal maternity leave na sahod para sa unang 60 araw.
  • Kapag napaso ang kasunduan sa paggawa ng mga panandalian o dinispatsang manggagawa sa panahon ng paglibang pang-ina, makakakuha sila ng sahod para sa natitirang panahon ng pagliban mula sa segurong pangtrabaho.
  • ang mga malalaking kumpanya ay nagbayad ng 100% ng ordinaryong sahod sa loob ng 75 araw kung sakaling magluluwal ng 2 sanggol o higit pa sa isang pagkakataon (kambal, atbp.); ang sahod para sa natitirang 45 araw ay ibibigay ng unemployment insurance (maximum limit na KRW 2,100,000 sa isang buwan). Sa kaso ng maliit at katamtaman ang laking kumpanya, ang unemployment insurance ay nagbibigay ng perinatal maternity leave na sahod sa loob ng 120 araw (maximum limit na KRW 2,100,000 sa isang buwan).

(4) Paghiling ng Sustento sa Pagliban Dahil sa Panganganak

Ang mga empleyado na nais makatanggap ng sahod para sa panahon ng kanilang leave, ay kumukuha ng dokumento bilang kumpirmasyon mula sa may-ari ng negosyo, at isinusumite ito, kasama ng kanilang aplikasyon para sa sahod Para sa maternity leave o matapos ang panganganak, sa employment center na nakakasakop sa address ng aplikante o sa lokasyon ng negosyo.
Kakailanganing Dokumento
  • Mga dokumento mula sa kumpanya: dokumentong kumpirmasyon para sa maternity leave bago o matapos ang panganganak, payroll, dokumento upang matukoy ang sahod kagaya ng employment contract (kopya) at iba pa.
  • Mga dokumento mula sa website ng Ministry of Labor and Employment o Employment Center: application form Para sa maternity leave bago o matapos ang panganganak.

02Leave Para sa mga Nakunan (Miscarriage) o Nanganak ng Patay na Sanggol (Stillbirth)

(1)Kwalipikasyon

  • Sa prinsipyo, ibinibigay lamang ang paglibang dahil sa pagkaagas o patay nang isilang para sa mga likas na pagkaagas (Sa kaso ng sapilitang pagpapalaglag, inaalok ang pagliban alinsunod sa Artikulo 14.1 ng Batas sa Kalusugan ng Ina at Anak), at nag-iiba ang panahon ng pagliban alinsunod sa termino ng pagbubuntis.
  • Sang-ayon sa Standard Labor Act, ang babaeng empleyado na nagtatrabaho sa isang kumpanyang may isa o higit pang regular na empleyado ay maaaring mag-file ng leave, nang hindi isinasaalang-alang ang kanyang kontrata sa pagtatrabaho (kahit na siya’y regular o part-time na empleyado).

(2)Haba ng Leave Kapag Nakunan o Nanganak ng Patay na Sanggol:

Binibigyan ng leave ang mga nakaranas nito sang-ayon sa panahon ng pagbubuntis bago makunan o manganak ng patay na sanggol
  • kung 11 linggong pagbubuntis nang makunan: 5 araw na leave mula sa araw na nakunan o panganganak ng patay na sanggol
  • 12 linggo ~ 15 linggo : 10 araw na leave mula sa araw na nakunan o panganganak ng patay na sanggol
  • 16 linggo ~ 21 linggo: 30 araw na leave mula sa araw na nakunan
  • 22 linggo ~ 27 linggo: 60 araw na leave mula sa araw na nakunan
  • mahigit sa 28 linggo: 90 araw na leave mula sa araw na nakunan

(3)Bayad Para sa mga Naka-leave Dahil Nakunan o Nanganak ng Patay na Sanggol

  • Ang patakaran para sa bayad para sa leave ng mga nakunan o nanganak ng patay na sanggol ay pareho ng patakaran para sa maternity leave.
  • Binabayaran ng malalaking kumpanya ang 100% ng 60 araw ng karaniwang sahod ng empleyado, at ang natitirang sahod para sa 30 araw ay binabayaran gamit ang employment insurance. (maximum limit na KRW 2,100,000 sa isang buwan)
  • Binabayaran naman ng mga small and medium-sized enterprises ang sahod para sa 90 araw gamit ang employment insurance (maximum limit na KRW 2,100,000 sa isang buwan).

(4)Aplikasyon Para sa Sahod sa Panahon ng Leave Dahil Nakunan o Nanganak ng Patay na Sanggol

  • Dapat kumuha ang mga manggagawang nagbabalak tumanggap ng sahod sa panahon ng pagliban ng dokumento ng kumpirmasyon mula sa kanilang kompanya, at isumite ito kasama ng aplikasyon para sa pagliban at kopya ng mga medilkal na record ng pagkaagas o patay nang isilang sa sentro ng trabaho ng kanilang tirahan o kompanya.

03Leave Para sa Pag-aalaga ng Bata

Maaaring lumiban ng isang taon ang mga babaeng manggagawang buntis o mga manggagawang may (mga) anak na edad 8 o mas bata, o nasa ikalawang grado ng mababang paaralan, para sa pag-aalaga ng anak.

(1)Kwalipikasyon

  • Maaaring mag-aplay ang mga babaeng manggagawang buntis o parehong lalaki at babaeng manggagawang may (mga) anak na edad 8 o mas bata, o nasa ikalawang grado ng mababang paaralan para sa paglibang pangmagulang kung nagtrabaho sila sa parehong kompanya nang mahigit 6 na buwan.
  • Ang leave Para sa pag-aalaga ng bata ay ipinatutupad upang masiguradong hindi titigil sa trabaho ang mga empleyado dahil sa pangangailangang alagaan ang bata at upang pareho nilang matugunan ang mga tungkulin nila sa kanilang bahay at gayundin ang trabaho nila sa kumpanya.

(2)Haba ng Leave Para sa Pangangalaga ng Bata

  • Ang maximum na haba ng leave Para sa pangangalaga ng bata ay hanggang isang taon.

(3)Bayad Para sa Leave Para sa Pangangalaga sa Bata

  • Di bayad ang panahon ng paglibang pangmagulang, nguni't naghahandog ang segurong pangtrabaho ng mga benepisyong pagliban para sa pag-aalaga ng anak* sa mga manggagawang kumuha ng paglibang pangmagulang na mahigit 30 araw, upang mapalaki nila ang kanilang mga sanggol na anak nang hindi isinasakripisyo ang kanilang kabuhayan/trabaho.
    • 80% ng buwanang regular na sahod (hanggang KRW 1.5 mil bilang pinakamataas at KRW 700,000 bilang pinakamababa)
  • Kapag kumuha ang nanay at tatay na may anak na edad 12 buwan o mas bata ng paglibang pangmagulang nang nagkataon lamang o nang magkasunod, magiging katugon ang 100% ng pamantungang buwanang sahod ng bawat magulang ng sustento sa pag-aalaga ng anak para sa unang 3 buwan (hanggang KRW 2 o 3 mil bilang pinakamataas) (sistemang 3+3 paglibang pangmagulang para sa pag-aalaga ng anak).
    • 3 buwan ng nanay + 3 buwan ng tatay: Hanggang KRW 3 milyon bilang pinakamataas na suporta kada buwan (100% ng pamantungang buwanang sahod) 2 buwan ng nanay + 2 buwan ng tatay: Hanggang KRW 2.5 milyon bilang pinakamataas na suporta bawat isa (100% ng pamantungang buwanang sahod) 1 buwan ng nanay + 1 buwan ng tatay: Hanggang KRW 2 milyon bilang pinakamataas na suporta kada buwan bawat isa (100% ng pamantungang buwanang sahod)
      → Hanggang KRW 7.5 milyon bilang pinakamataas na suporta para sa bawat magulang
  • Bukod sa mga sustentong pagliban para sa pag-aalaga ng anak, nag-aalok ng mga insentibo sa mga may-ari ng negosyo ng mga kompanyang nasasaklawan ng tinatanging suporta upang masiguro ang katatagan ng trabaho sa panahon ng panganganak at pag-aalaga ng anak (KRW 2 milyon kada buwan bukod sa KRW 300,000 kada buwan kapag ipinapatupad ang kataliwasan).
    • (Paglilibre) Naghahandog ng KRW 2 milyon kada buwan para sa unang 3 buwan sa mga may-ari ng negosyo na pinapahintulutan ang pagliban para sa pag-aalaga ng anak nang mas mahaba sa 3 buwan para sa mga manggagawang may anak na edad 12 buwan o mas bata.

(4)Aplikasyon Para sa Allowance Habang Naka-leave Para sa Pag-aalaga ng Bata

Isumite ang iyong aplikasyon para sa allowance habang naka-leave para sa pag-aalaga ng bata sa inyong employer 30 araw bago ito magsimula.
Ang mga empleyadong nais makatanggap ng allowance habang sila’y naka-leave Para sa pangangalaga sa bata, kinakailangang kumuha ng dokumentong nagpapatunay nito mula sa kanilang kumpanya. At saka ito isumite kasama ang application form sa Job Center na nasasakupan ang inyong kumpanya o tirahan.
Dokumento
  • Dokumentong mula sa inyong kumpanya: dokumentong nagpapatunay na kayo ay nag-file ng leave Para sa pangangalaga sa bata, payslip, dokumentong nagpapatunay ng nasabing sahod (hal. employment contract, atbp.)
  • Dokumentong manggagaling sa homepage ng MOEL: application form para sa allowance habang naka-leave Para sa pangangalaga sa bata

04Pagbabawas ng Oras ng Trabaho Para sa Pangangalaga ng Bata

  • Ang mga empleyadong may anak na 8 taong gulang pababa at nasa ikalawang taon sa elementarya pababa, ay maaaaring mag-apply Para sa pagbabawas ng oras ng trabaho para pangalagaan ang bata, kung saan maaaring gawin 115~30 oras na lamang ang kanilang trabaho kada linggo Para sa loob ng isang taon Para mapangalagaan nila ang kanilang anak.

(1)Kwalipikasyon

  • Ang mga empleyado, mapababae man o lalaki, ay maaaring mag-apply para sa pagbabawas ng oras ng trabaho sa panahon ng paglaki ng mga bata, kung sila ay nagtrabaho sa isang kumpanya sa loob ng 6 na buwan o mahigit pa, at mayroon silang anak na 8 taong gulang pababa at nasa ikalawang taon sa elementarya pababa.
  • Ang pagbabawas ng oras ng trabaho para sa pag-aalaga ng bata ay ipinatutupad upang masiguradong hindi titigil sa trabaho ang mga empleyado dahil sa pangangailangang alagaan ang bata at upang pareho nilang matugunan ang mga tungkulin nila sa kanilang bahay at gayundin ang trabaho nila sa kumpanya.

(2)Panahon ng Paggamit

  • Maaaring gamitin ang pagbabawas ng oras ng trabaho sa loob ng isang taon. Gayunman, kung may hindi nagamit na panahon ng pagliban ng magulang, posibleng gamitin ang termino ito ng hanggang dalawang taon.

(3)Kaukulang Bayad Kapag Nagbawas ng Oras ng Trabaho Para sa Pangangalaga sa Bata

  • Sa panahon ng pagbabawas ng oras ng pagtatrabaho, binabayaran ng may-ari ng negosyo ang sahod para sa mga naaakmang oras ng pagtatrabaho, at ang mga sustento para sa binawasang oras ng pagtatrabaho (1 oras kada araw: 100% ng regular na sahod (hanggang KRW 2 mil bilang pinakamataas kada buwan), natirang sahod para sa binawasang oras: 80% ng regular na sahod (hanggang KRW 1.5 mil bilang pinakamataas kada buwan) kasukat ng binawasang oras) ay binabayaran mula sa segurong pangtrabaho.
  • Bukod sa sahod para sa binawasang oras sa panahon ng pagliban para sa pag-aalaga ng anak, naghahandog ng mga insentibo sa mga among nasasaklawan ng tinatanging suporta (KRW 400,000 kada buwan kapag ipinapatupad ang insentibong* KRW 300,000 kada buwan) pati na rin mga tulong-salapi para sa alternatibong trabaho (KRW 800,000 kada buwan, KRW 1.2 mil sa panahon ng pagpapalit)
    • (Mga insentibong blg. 1-3) Naghahandog ng karagdagang tulong-salaping KRW 100,000 kada buwan sa mga amo para sa pagpapahintulot ng trabahong bawas ang oras para sa mga manggagawa mula sa una hanggang ikatlong pagliban para sa pag-aalaga ng anak.

(4)Aplikasyon Para sa Pagbabawas ng Oras sa Trabaho sa Panahon ng Pangangalaga sa Bata

Kinakailangang mag-apply ng mga empleyado para sa pagbabawas ng oras ng pagtatrabaho, 30 araw bago magsimula ito.
Para sa mga empleyadong nais makatanggap ng allowance sa panahong binawasan ang oras ng kanilang trabaho, kinakailangan nilang kumuha ng dokumentong nagpapatunay nito mula sa kanilang kumpanya. At saka ito isumite kasama ang application form Para rito sa Job Center na nasasakupan ang inyong kumpanya o tirahan.
Dokumento
  • Dokumentong mula sa inyong kumpanya: dokumentong nagpapatunay na kayo ay nag-file ng pagbabawas sa oras ng trabaho para sa pangangalaga sa bata, payslip, dokumentong nagpapatunay ng nasabing sahod (hal. employment contract, atbp.)
  • Dokumentong manggagaling sa homepage ng MOEL : application form para sa pagbabawas ng trabaho para sa pangangalaga sa bata
    • Kapag buntis ang mga manggagawa, makakaliban sila bago o matapos manganak. Dagdag pa rito, makakakuha ng paglibang pangmagulang ang mga manggagawang may (mga) anak na edad 8 o mas bata o nasa ikalawang grado ng mababang paaralan o mas mababa (pagbabawas ng oras ng pagtatrabaho sa panahon ng pag-aalaga ng anak). (Kabilang sa benepisyong pagliban para sa pag-aalaga ng anak ang mga buntis na babaeng manggagawa).

05 Mga benepisiyo sa Panganganak para sa walang Employment Insurance

(1)Layunin ng Proyekto

  • Suporta para sa medikal na benepisyo para sa proteksyon ng ina at kabuhayan na suporta para sa pagbabawas ng kita matapos ang panganganak ( ipinatupad simula Hulyo 1, 2019)

(2) Mga Kasali sa Suporta

Maaring makatanggap ng suporta ang mga aplikante na wala sa batayan ng regular na kita, espesyal na trabaho, freelance na kontratista, at employment insurance (180 araw)
  • Eksklusibo, mga-operator na walang empleyado (maliban sa real estate o nagpapaupa)
  • Mga manggagawang espesyal at mga freelancer na kumikita ng higit sa tatlong buwan sa loob ng 18 buwan bago ang panganganak
  • Mga manggagawang hindi sakop ng employment insurance
Mga manggagawa na naka-enrol sa employment insurance ngunit hindi nakakatugon sa "180 araw ng insured unit period" na kinakailangan para sa benepisyo sa pre-natal leave
Mga manggagawa na nabukod sa batas ng employment insurance
Mga rehistradong manggagawa sa mga lugar na walang insurance

(3)Halaga ng Suporta at Kailan Mag-aplay

  • Makakapag-aplay ka para sa kabuuang KRW 1.5 milyon sa loob ng 1 taon mula sa araw na ipanganak ang iyong anak. Hindi madadala ang suporta sa susunod na taon kung hindi mag-aaplay sa loob ng katugong 1-taong panahon.

(4)Paano mag-aplay para sa mga Benepisiyo ng Panganganak ang mga walang Employment Insurance

  • Ang mga nais tumanggap ng mga benepisiyo ay maaaring mag-apply pagkatapos ng magrehistro sa website ng employment insurance (www.ei.go.kr) o sa pamamagitan ng pagbisita o koreo sa isang employment center sa may hurisdiksyon ng tirahan ng aplikante.
  • Mga kinakailangang dokumento: Sertipiko ng kapanganakan, (rehistro ng ugnayang pampamilya ng Koreanong angkan), mga dokumentong nagpapatunay ng kita, pagpaparehistro ng negosyo, atbp.
    • Bilang karagdagan sa mga dokumentong iniaatas ng employment center, maaaring humiling ng karagdagang mga dokumento ang opisina para sa suporta.

06Paglibang pangbuntis para sa asawa

May karapatan ang mga lalaking manggagawang may asawang nanganak sa 10 araw na bayad na pagliban.

(1)Mga karapat-dapat na tumanggap

  • Lalaking manggagawang may asawang nanganak
  • Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pagliban sa mga manggagawa pagkapanganak ng asawa, mapoprotektahan ang kalusugan ng asawa at sanggol sa sinapupunan at mapapalawak ang paglahok ng kalalakihan sa pagpapalaki ng anak.

(2)Panahon ng paglibang pangbuntis para sa asawa

  • 10 araw na bayad na pagliban (Gayunpaman, dapat itong gamitin sa loob ng panahong 90 araw mula sa petsa ng panganganak).

(3)Mga benepisyong paglibang pangbuntis para sa asawa

  • Makakatanggap ang mga manggagawa ng mga kompanyang karapat-dapat sa suportang may katig ng 100% ng karaniwang sahod (hanggang KRW 401,910) mula sa segurong pangtrabaho sa loob ng unang limang araw ng sustento sa bakasyon.
    • Sa loob ng unang limang araw, dapat magbayad ang amo ng karaniwang sahod na lampas sa itaas na hangganan at karaniwang sahod sa loob ng natitirang 5 araw.

(4)Mga hakbang para sa pag-aaplay para sa mga benepisyong paglibang pangbuntis para sa asawa

Dapat magbigay ang mga manggagawang nais makatanggap ng mga benepisyong paglibang pangbuntis para sa asawa ng liham na kinukumpirma ang paglibang pangbuntis para sa asawa mula sa amo para maisumite kasama ng aplikasyon para sa mga benepisyong paglibang pangbuntis para sa asawa sa sentrong pangtrabahong nakakasaklaw sa lugar ng paninirahan o lugar ng trabaho ng aplikante.
Mga kinakailangang dokumento
  • Mga dokumentong natanggap mula sa kompanya: Mga dokumentong kinukumpirma ang sahod, tulad ng liham na kinukumpirma ang paglibang pangbuntis para sa asawa, papel ng talasahuran, kopya ng kontrata sa paggawa, atbp.
  • Mga dokumentong natanggap mula sa pook-sapot ng Kagawarang-bansa ng Trabaho at Paggawa o sentrong pangtrabaho: "Aplikasyon para sa Benepisyong Paglibang Pangbuntis para sa Asawa"
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”