Ang mga sumusunod ang maaaring mag-apply para sa permanenteng pamamalagi (F-5) sa Immigration·Foreigner Office(Tanggapan·Sangay). Kinakailangan lamang ng tamang dokumento na naaayon sa bawat kwalipikasyon.
01Kwalipikasyon
- 1Mga taong naninirahan sa Korea ng mahigit 5 taon batay sa Civil Code ng Korea *Attachment 1-2
kung saan kabilang ang mga may taglay ng mula 10. Resident (D-7) hanggang 20. Special Activity (E-7) na may permanent residency status o nakapaloob sa Attachment 1-2 24. Resident (F2). - 2Mga taong naninirahan sa Korea ng mahigit sa 2 taon bilang asawa o anak na menor-de-edad ng taong may taglay na permanent residency (F-5) o taong humingi ng pahintulot na manirahan sa Korea na nakasaad sa batas ng Article 23 para sa permanent residency status kung saan ang taong ito ay ipinanganak sa Korea o isa sa tatay o nanay ang may taglay ng permanent residency (F-5) sa panahon na araw ng kapanganakan, na siyang kinikilala ng mambabatas.
- 3Mga dayuhang investors o namumuhunan na may investment sa Korea USD 500,000 at may 5 o higit pang empleyado batay sa nakapaloob sa Foreign Investment Promotion Act.
- 4Mga taong kwalipikado na patuloy na manirahan sa bansa ng mahigit sa 2 taon at ang paninirahan ay kinikilala ng Ministry of Justice ng Korea sa kadahilang kinakailangan ang patuloy na paninirahan batay sa Attachment 1-2 26. Overseas Korean (F-4) na residency status.
- 5Isang taong may banyagang nasyonalidad gaya ng ipinapakahulugan sa Artikulo 2, Talata 2 ng Batas sa Pandarayuhang Pamamahala at Legal na Istado ng mga Koreanong Taga-ibang Bansa, nguni’t natutugunan ang mga kinakailangan para sa pagtamo ng nasyonalidad sa ilalim ng Batas sa Nasyonalidad (hindi kabilang ang mga kinakailangan sa ilalim ng Artikulo 5, Pangalawang Talata 1-2 ng parehong Batas)
- 6Mga taong kwalipikado na patuloy na manirahan sa Korea at ang paninirahan ay kinikilala ng Ministry of Justice ng Korea alinsunod sa dating Immigration Control Act Enforcement Decree (Ito ay tumutukoy sa Presidential Decree No. 17579 na ipinahayag ipinatupad noong Abril 18, 2002.) na nakapaloob sa Attachment 1-27 ang mga may permanent residency (F-2) na residency status.
- 7 Mga taong kinikilala ng Ministry of Justice ng Korea batay sa mga sumusunod
- a.Mga taong nagtapos ng Ph. D. o doctorate degree sa kanilang larangan sa ibang bansa at kasalukuyang nagtatrabaho sa local na kumpanya ng mag-apply para sa permanent residency (F-5).
- b.Mga taong nakapagtapos sa bansa sa isang graduate school at nagkamit ng PHd o doctorate degree.
- 8Mga taong nagtapos ng bachelor’s degree o may technical qualification certificate na itinalaga ng Ministryof Justice na naninirahan sa bansa ng mahigit sa 3 taon, at tumatanggap ng sahod sa lokal na kumpanya na mahigit sa itinilagang sahod ng Ministry of Justice noong panahon na nag-apply para sa permanent residency (F-5).
- 9Mga taong kinikilala ng Ministry of Justice na may natatanging kakayahan sa larangan ng siyensiya o science·pamamahala o management· pag-aaral o edukasyon·culture at arts·pisikal na pampalakasan at iba pa.
- 10Mga taong kinikilala ng Ministry of Justice na may natatanging kontribusyon sa bansang Korea.
- 11Mga taong may edad na 60 years old pataas na tumatanggap ng pension mula sa ibang bansa na ang halaga ay hindi lumalampasa sa halagang itinalaga ng Ministry of Justice.
- 1229 ng Dahong-dagdag 1-2. Bilang isang taong nagsasagawa ng mga pantrabahong gawain nang may istadong pansamantalang pagtatrabaho (H-2) at kinikilala ng Kagawad-bansa ng Katarungan sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng panahon ng serbisyo, lugar ng pagtatrabaho, mga katangian ng pang-industriyang larangan, kakulangan sa paggawa, at pambansang kagustuhan para sa trabaho, atbp.
- 13Mga taong naninirahan sa bansa ng mahigit sa 2 taon at ang paninirahan ay kinikilala ng Ministry of Justice ng Korea sa kadahilang kinakailangan ang patuloy na paninirahan batay sa Attachment 1-2 kabilang ang 24. Resident (F-2) na residency status.
- 14Mga taong napanatili ang kanilang investment ng mahigit sa 5 taon matapos matanggap ang residency status, kasama ang kanilang asawa at menor-de-edad na anak at kinikilala ng Ministry of Justice ng Korea sa kadahilang kinakailangan ang patuloy na paninirahan batay sa Attachment 1-2 kabilang ang 24. Resident (F-2) na residency status. (Mga anak lamang na kwalipikado alinsunod sa itinakda ng Ministry of Justice.)
- 15Mga taong naninirahan sa Korea ng mahigit sa 3 taon at nakamit ang itinalagang requirement ng Ministry of Justice kabilang ang KRW 300 million na investment at pagkuha ng mahigit sa 2 empleyado batay sa Attachment 1-2 kabiang 11. Corporate Investor (D-8) na residency status.
- 16Mga taong namuhunan o may investment ng higit sa halagang itinalaga ng Ministry of Justice ay napanatili ito sa mahigit na 5 taon at nakamit ang kondisyon na itinakda ng Ministry of Justice.
- 17Mga taong naninirahan sa Korea ng mahigit sa 3 taon at kinikilala ng Ministry of Justice batay sa Attachment 1-2 kabilang 11. Corporate Investor (D-8) na residency status at researcher special para sa R&D na nakapaloob sa Foreign Investment Promotion act Enforcement Decree Article 25 Section 1-4.
- 18Mga taong naninirahan sa Korea ng mahigit sa 2 taon at residente ng bansang Korea batay sa Attachment 1-2 kabilang ang 24. Resident (F-2) na residency status.
- Attachment 1-2: Pagpapatupad ng Batas ayon sa Immigration Control Act
- 19Isang taong nanatili sa Republika ng Korea sa loob ng mahigit 2 taon nang may istado ng paninirahang katugon sa 24. Talaan (k) ng Paninirahan (F-2) ng Dahong-dagdag 1-2
Married Immigrant
- Mga marriage immigrants na nanatiling kasal sa kanilang asawang Koreano
- Mga marriage immigrants na namatayan ng asawa o iyong nawawala ang mga asawa sangayon sa pagpapasya ng korte
- Mga nakipagdiborsyo sa asawa o nakipaghiwalay sa asawa at napatunayan na ang asawang Koreano ang dahilan ng pagdidiborsyo
- Mga marriage immigrants na may anak mula sa asawa nilang Koreano at nagpapalaki ng menor-de-edad na bata (kahit na sila’y diborsyado o hiwalay sa asawang Koreano)
02Mga Kinakailangang Dokumento Para sa Aplikasyon ng Permanent Residency Visa
Hi Korea ng Kagawarang-bansa ng Katarungan (www.hikorea.go.kr) – Liwasan ng Impormasyon – Pang-impormasyong manwal ayon sa istado ng paninirahan – Pang-impormasyong manwal ayon sa istado ng paninirahan – Kinakailangan ang kumpirmasyon ng permanenteng paninirahan (F-5)
Sertipiko ng paninirahan sa isang lugar
Bayad: KRW 200,000 (maliban dito, may bayad din ang pag-iisyu ng alien card: KRW30,000)
- Ang mga kailangang dokumento at aplikasyon para sa mga hiwalay na sa asawa at iyong mga may lahing Koreano (iyong may kwalipikasyon sa pagkuha ng Korean citizenship) ay maaaring maiba. Tumawag sa Foreigners’ Information Center (☎1345) Para rito.
03Pagkansela ng Permanent Residency Status (Artikulo 89-2 ng Immigration Control Act)
Kahit nakatanggap na ng permanent residency status ang isang dayuhan, maaari pa ding matanggal o makansela ang taglay nitong permanent residency status sa pamamagitan ng mga sumusunod na sitwasyon.
- Sitwasyon kung saan nakatanggap ng permanent residency status sa pamamagitan ng ilegal na paraan o hindi tamang paraan.
- Sitwasyon kung saan napatawan ng pagkakulong o pagkabilanggo sa kulungan sa mahigit na 2 taon dahil napatunayan na nagkasala sa batas na nakasaad sa 「Criminal Penal Code」, 「Special Act sa Pagpaparusa na may Kinalaman sa Sexual Violence at iba pa」 alinsunod sa pinapatupad ng Ministry of Justice.
- Sitwasyon kung saan napatawan ng pagkakulong o pagkabilanggo sa nakaraang huling 5 taon dahil sa pagkakasala sa batas at may taon ng pagkakulong ay may kabuuan na mahigit sa 3 taon.
- Sa sitwasyon kung saan ang pagkatanggap ng permanent residency status ay mula sa itinalagang presidential decree at paglabag sa patakaran na nakapailalim dito tulad ng pagpapanatili ng halaga ng investment sa Korea upang mapanatili ang nasabing permanent residency status at iba pa.
- Sitwasyon kung saan nagkaroon ng gawin o hakbang laban sa pambansang interes ng bansang Korea na may relation sa usapin sa pambansang seguridad, relasyon sa diplomatiko, at pambansang ekonomiya.
Mga Pribilehiyo ng Pagkakaroon ng Permanent Residency Status
- Hindi kinakailangan na isuko ang nationality mula sa kinagisnang bansa.
- Maaaring makilahok o magkaroon ng karapatan sa pagboto sa lokal na eleksyon sa lugar na tinitirahan 3 taon matapos na matanggap ang residency status.
- Hindi nangangailangan ng pagkuha ng re-entry permit kung hindi humigit sa 2 taon ang pamamalagi sa labas ng bansa.
- Walang mga paghihigpit sa saklaw ng gawain o haba ng pansamantalang pagtigil.
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”