Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Mga Kapistahan at Pagdiriwang (Holidays)

  • Home
  • Pagpapakilala ng Republika ng Korea
  • Mga Kapistahan at Pagdiriwang (Holidays)

Mga Kapistahan at Pagdiriwang (Holidays)

01Mga Kapistahan

May iba’t ibang pista at napapanahong okasyon (holidays) sa Korea. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga ito. Parehong ginagamit ng Koreanong kalendaryo ang kalendaryong solar* at lunar*. Kadalasang sinusunod ang mga pistang nasa lunar na kalendaryo.

  • 세배
    < Tradisyunal na Paraan ng Pagyuko >
  • 떡국
    < “Tteok-guk”(Rice Cake Soup) >
  • 송편
    < ”Songpyeon”(Isang Uri ng Rice Cake) >
Seollal (Enero 1 sa kalendaryong Lunar)
  • Kahulugan : Unang araw ng lunar new year
  • Pagkain : Tteok-guk, Mandu (Siomai)
  • Mga Gawain : pagsusuot ng bagong damit (seolbim), pagsasagawa ng “sebae” (pagyuko sa mga matatanda bilang paraan ng pagbati) at ng “seongmyo” (pagdalaw sa puntod ng pumanaw na kapamilya), paglalaro ng “yut nori”
  • Itinuturing ng Korea bilang national holiday ang mismong araw ng seolnal, isang araw bago ang seolnal at isang araw matapos ang seolnal (kung ito ay ibabatay sa kalendaryong lunar, ito ay pumapatak sa huling araw ng Disyembre, Enero 1 at Enero 2).
Chuseok (Agosto 15 sa kalendaryong Lunar)
  • Kahulugan : Pagbibigay-halaga sa mga bagong tanim
  • Pagkain : Ang mga ani at prutas sa taong iyon (mga bagong ani ng butil (grains) sa panahon ng taglagas) at ‘songpyeon’
  • Mga gawain : Paggugunita sa mga ninuno at kabilugan ng buwan, Korean circle dance
  • Itinuturing ng Korea bilang national holiday ang mismong araw ng chuseok, isang araw bago ang chuseok at isang araw matapos ang chuseok (kung ito ay ibabatay sa kalendaryong lunar, ito ay pumapatak sa Agosto 14,15 at 16).

02 Mga Pagdiriwang

Enero 1 :
Unang araw ng solar new year.
Sam-il jeol (Araw ng Kalayaan, Marso 1 sa kalendaryong solar) :
Pag-alala sa malawakang demonstrasyong isinagawa para sa kalayaan ng Korea laban sa mga Hapon noong kapanahunan ng kolonisasyon. Ito ay sinimulan noong Marso 1, 1919.
Seokga Tansil-il (Kaarawan ni Buddha, Abril 8 sa lunar na kalendaryo) :
Pagdiriwang sa araw ng kapanganakan ni Buddha.
Eorini-nal (Araw ng mga Bata, Mayo 5 sa kalendaryong solar) :
Ang araw ng pagbibigay kahalagahan at kasiyahan sa mga bata.
Hyeonchung-il (Araw ng mga Bayani, Hunyo 6 sa kalendaryong solar) :
Araw ng pag-alaala sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay Para sa bansa.
Gwangbok-jeol (Constitution Day, Hulyo 15 sa kalendaryong solar) :
Pag-alaala ng pagbuo ng saligang batas noong Agosto 15, 1945.
  • 현충일 기념 묘역 참배
    < "Gaecheondaeje Festival" sa Ganghwa-do Manisan Chamseongdan na isinasagawa tuwing National Foundation Day >
Gaecheon-jeol (National Foundation Day, Oktubre 3 sa kalendaryong solar)
Ito ang pinaniniwalaang kaarawan ng bansa. Ayon sa alamat, noong 5,000 taon na ang nakaraan, ay bumaba ang isang bayani mula sa langit at itinatag niya ang bansang Korea. Ang tawag sa araw na ito ay “gaecheonjeol” na ibig sabihin ay ang pagbubukas ng langit.
Araw ng Hanggeul (Hanggeul Day, Oktubre 9 sa kalendaryong solar) :
Ito ang araw ng proklamasyon ni Dakilang Haring Sejong sa paggawa ng Hangeul at ito ang araw para sa pananaliksik at pagpapalaganap ng hanggeul.
Seongtan-jeol (Araw ng Pasko, Disyembre 25 sa kalendaryong solar) :
Araw ng kapanganakan ni Hesukristo.
Linggo
Special Holiday :
Mga itinalagang araw ng pahinga ng pamahalaan batay sa sitwasyon tulad ng election day, national holiday at mga araw na nasa pagitan ng mga festive season at iba pa.
  • 강화도 마니산에서 진행된 개천절 행사
    < Ang Rebulto ni King Sejong na nagtatag ng Hangeul >
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”