Ang mga pampublikong health center ay mga itinatag na institusyong nangangalaga sa kalusugan ng publiko upang palakasin ang kalusugan ng lokal na residente upang maiwasan at mapangasiwaan ang mga sakit. Ang pangunahing papel na ginagampanan ng mga pampublikong health center ay ang programang pangkalusugan, pag-iwas at pangangasiwa sa mga sakit, general medical practice, pagsasagawa ng mga eksperimento at mga pagsusuri, pangangasiwa ng kalinisan ng publiko at ng mga pagkain, paggabay at pangangasiwa sa mga gamot, at ang pangangasiwa ng mga pang-administratibong gawain. Bukod pa rito, kabilang sa kanilang mga tungkulin ay ang pagbibigay serbisyong pangakalusugan. Naghahandog din ang mga pampublikong health centers ng serbisyong pagpapagamot ng mga malubhang sakit (chronic disease), physical therapy, pangangalaga sa bibig (dental care), at oriental na uri ng pagpapagamot. Dahil ang pampublikong health centers ay itinatag at pinangangasiwaan ng lokal na pamahalaan, maaaring magkaiba-iba ang saklaw, sakop ng serbisyo at halaga ng gastusin sa bawat lugar. Para sa mga detalye, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa pampublikong health center sa inyong lugar.
Klasipikasyon | Saklaw |
---|---|
Saklaw ng Pangangalaga sa Kalusugan | Pinakapanunahing pangangalaga sa kalusugan, iba¡¯t ibang pagsusuri para sa mga malubhang sakit kabilang na ang alta presyon (high blood pressure), diabetes at physical therapy |
Oriental Medicine | Konsultasyon at oriental na uri ng pagpapagamot |
Pangangalaga sa Bibig (Dental) | Pagsusuri sa bibig at konsultasyon, pangunahing gamot para maiwasan ang sakit, paggagamot sa nabubulok na ngipin, pagbunot ng ngipin |
Medikal na Gastusin | Sangayon sa Artikulo 25 ng "Batas sa Kasulugang Pang-komunidad," ang gastusing pang-medikal at mga singil sa pampublikong health center ay kailangang pagdesisyunan ng lokal na pamahalaan base sa mga ordinansiya nito. |
Ang mga propesyunal na galing health center tulad ng mga nars, physiotherapists, nutritionist, atbp., ay direktang bumibisita sa bahay ng mga naghihirap sa lipunan. kultura. at kabuhayan, mga edad 65 pataas na nag-iisang namumuhay, at mga edad 75 pataas na mag-asawa para mabigyan ng serbisyong pangkalusugan.
Ang mga Mental Health Welfare Centers ay pampublikong organisasyon na gumagamot sa pangkaisipang karamdaman, sumusuri sa mga pasyenteng may pangkaisipang karamdaman, nagbibigay ng pagpapayo at serbisyong rehabilitasyon, nangangasiwa ng mga kaso at nagbibigay ng edukasyon at serbisyong para sa pagpapaunlad ng kalusugang pangkaisipan. Ang mga pasyenteng may suliranin dahil sa depresyon, problema sa pangkaisipang kalusugan at/o pagkalulong sa ipinagbabawal ng gamot ay maaring sumailalim sa serbisyong pagpapayo at tulong mula sa pinakamalapit na Mental Health Welfare Center.