Ang mga sanggol ay dumadaan sa mabilis na pisikal na pagbabago at maaring makakuha ng sakit dahil sa matinding pagbaba ng imunidad na nakukuha nila mula sa kanilang mga ina. Sa panahong ito, maaaring makatanggap ng pangkalusugang pangangalaga ang mga sanggol at mga kailangan na bakunang libre sa mga sentro ng pampublikong kalusugan.
01Antas ng Pag-unlad ng Bata
(1)Bigat
3 kilo sa kapanganakan – 6 kilo pagkaraan ng 6 buwan, 9 kilo
(2)Taas
50 sentimetro sa kapanganakan , 75 sentimetro pagkaraan ng isang taon.
(3)Pisikal na Paglaki
Pisikal na Paglaki 표 : 개월수 별 신체발달을 포함한 표입니다. 4 buwan | Kaya ng kontrolin ang ulo at kayang tumagilid sa magkabilang panig habang nakahiga12 |
5 buwan | Kayang bumaligtad (patihaya at padapa) |
6 buwan | Kayang bumaligtad padapa at patihaya at kayang suportahan ang bigat ng katawan gamit ang mga braso habang nakadapa. |
7 buwan | Kayang umupo ng may suporta |
8 buwan | Kayang umupong mag-isa |
9 buwan | Gumagapang |
10 buwan | Kayang tumayo ng may suporta (sa pamamagitan ng mga kasangkapan sa bahay) |
12 buwan | Kayang lumakad nang may suporta |
Mahalagang Impormasyon
Suliranin sa Pangangalaga ng Bata
Sa pagpapalaki sa bata, maaaring magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya dahil sa pagkakaiba ng mga opinyon sa kung paano ito palalakihin. Madalas nangyayari ang ganitong mga pagtatalo sa pagitan ng mga biyenan at batang mag-asawa. Pag-usapan ninyo ng iyong biyenan ang bagay na ito.
Halimbawa ng Pakikipagtalo sa Bata
- Pakainin ang bata kung kailan niya gusto. ↔ Laging pakainin sa regular na oras.
- Pakainin ng marami kahit na tumaba ang bata. ↔ Laging pakainin ang bata ng tamang dami.
- Buhatin ang bata sa iyong likod kapag siya ay umiiyak ↔ Nagdadala ng maling pag-uugali ang pagbubuhat ng bata sa likod kapag siya ay umiiyak.
- Pinapalakas ang bituka kapag pinapainom ng malamig na gatas. ↔ Naiirita ang bituka sa malalamig na pagkain.
02 Pagbabakuna
Ang pagpapabakuna ay isang paraan upang maprotektahan ang taong sasailalim sa bakuna mula sa mga nakahahawang sakit sa pamamagitan ng mga iniksiyon para sa pag-iwas sa mga nakahahawang sakit.
(1)Mga pag-iingat bago ang pagpapabakuna
- Sa mga araw na mabuti ang kalusugan ng bata, dapat isama siya ng magulang na higit na nakakaalam sa kalagayan niya upang mapabakunahan.
- Paliguan ang anak at bihisan siya ng malinis na damit.
- Alamin ang pinakamalapit na medical institution para sa nakatalagang bakuna at magpabakuna sa pinakamalapit na medical institution.
- Iwasan ang mga masisikip na lugar o congestion at mas mainam kung magpapa-iskedyul ng appointment o reservation upang maiwasan ang matagal na paghihintay.
- Siguraduhin na may sapat na pag-inom ng tubig o water intake at maayos ang kalagayan habang naghihintay.
- Bago gawin ang pagpapabakuna, siguraduhin na sabihin sa nangangasiwa o health provider kung sakaling may naramdaman o kasalukyang nararamdaman na sakit.
- Kung sakaling nagkaroon ng problema matapos ang pagpapabakuna, mas mabuting gawin ang muling pagbisita sa ospital sa umaga, kung may kakayahan na gawin ito.
- Suriin ang iskedyul ng pagbabakuna ng iyong anak at panatilihin ang handbook ng pagbabakuna upang mapamahalaan ang kasaysayan ng pagbabakuna.
- Ang mga tala sa pagbabakuna ay nakarehistro at pinamamahalaan sa computerized system, pero upang suriin ang impormasyon ng pagbabakuna na maaaring hindi naitala sa computer at para makita ang mga susunod pang mga bakuna, kinakailangan ang handbook.
(2)Mga dapat pag-ingatan pagkatapos ng pagpapabakuna
- Pagkatapos ng pagbabakuna, dapat obserbahan ang anumang masamang reaksyon sa sentro ng pagbabakuna sa loob ng 20 hanggang 30 minuto bago umuwi.
- Siguraduhin na maayos ang pangangatawan sa araw ng pagpapabakuna, at bigyang-pansin ang kondisyon ng iyong anak 2~3 araw matapos ang pagpapabakuna.
- Maaaring magkaroon ng mga mild adverse reaction tulad ng pagkaramdam ng kirot o sakit sa bahagi kung saan nagkaroon ng bakuna, pamumula o pamamaga, edema, pagkirot ng kalamnan o muscle pain, lagnat at pagsusuka matapos ang pagpapabakuna, at karaniwang napapabuti ang nararamdaman na ito sa loob ng 1~2 araw.
- Kung sakaling makaranas ng pagkakaroon ng mataas na lagnat, kahirapan sa paghinga, pagkakaroon ng rashes, o pagkahilo matapos ang pagpapabakuna, agad na kumunsulta sa doktor.
- Kung sakaling ang bata ay hindi masyadong makakain o kakaiba kaysa sa nakasanayan, agad na kumunsulta sa doktor.
- Panatilihing malinis ang pinagturukan ng bakuna.
03 Pambansang Pagbabakunang Suporta Para sa mga Bata
(1)Pambansang Suporta Para sa Pagpapabakuna ng mga Bata
Inihahandog ang suporta para sa lahat ng gastos sa pagbabakuna ng 18 uri ng bakuna para sa mga batang mas bata sa 12 taong gulang, na nagresulta sa mga bumuting porsiyento ng pagbabakuna at pampublikong kaligtasan mula sa mga nakahahawang sakit na sakop ng pagbabakuna.
Kwalipikado Para sa Suporta at Institusyon sa Pagpapabakuna
- Kwalipikado para sa Suporta: Mga batang may edad na 12 taong gulang pababa
- Institusyon Para sa Libreng Bakuna: Public health center at itinalagang medical institution sa buong
Maaaring mabakunahan nang libre ang mga taong naisyuhan ng numero ng pagpaparehistro bilang residente o numero ng pagpaparehistro bilang dayuhan (kabilang ang mga nalibreng tao) sa isang sentro ng pampublikong kalusugan o malapit na itinalagang institusyong medikal. Maaaring mabakunahan nang libre ang mga banyagang mamamayang nananatili sa Korea sa loob ng mahigit 3 buwan at hindi pa nakapagparehistro bilang mga dayuhan sa mga sentro ng pampublikong kalusugan at mga itinalagang institusyong medikal kung bibisita sila (o may kasamang tagapag-alaga) sa lokal na sentro ng pampublikong kalusugan nang may mabisang pagkakakakilanlan (pasaporte, atbp.) at makakatanggap ng pansamantalang numero ng pagpapabakuna. - Maaaring tingnan ang mga itinalagang institusyong medikal sa pook-sapot ng katulong sa pagpapabakuna (https://nip.kdca.go.kr).
Karaniwang Schedule ng Pagbabakuna ng mga Bata (2020)
어린이 표준예방접종 일정 표 : 구분, 대상감염병, 백신종류, 횟수, 연령을 포함한 표입니다. Dibisyon | Target na Nakakahawang Sakit | Uri ng Bakuna | Bilang | Pagkasilang | sa loob ng 4 na linggo | 1 buwan | 2 buwan | 4 buwan | 6 buwan | 12 buwan | 15 buwan | 18 buwan | 19~23 buwan | 24~35 buwan | 4na taon | 6na taon | 11na taon | 12na taon |
Nasyunal na Pagbabakuna1 1) | Hepatitis B | HepB | 3 | 1st | | 2nd | | | 3rd | | | | | | | | | |
Tuberculosis | BCG(Blood Content) | 1 | | 1 beses | | | | | | | | | | | | | |
Diptheria· Tetanus·Pertussis | DTaP | 5 | | | | 1st | 2nd | 3rd | | 4th | | | 5th | | |
Tdap/Td | 1 | | | | | | | | | | | | | | 6th |
Polio | IPV | 4 | | | | 1st | 2nd | 3rd | | | 4th | | |
Haemophilus Influenza Type B | Hib | 4 | | | | 1st | 2nd | 3rd | 4th | | | | | | | |
Pagbabakuna laban sa Rota Virus | RV1 | 2 | | | | 1st | 2nd | | | | | | | | | | |
RV5 | 3 | | | | 1st | 2nd | 3rd | | | | | | | | | |
Pneumococcal | PCV | 4 | | | | 1st | 2nd | 3rd | 4th | | | | | | | |
PPSV | - | | | | | | | | | | | pagbabakuna lamang sa may mataas na posibilidad na pagkakaroon nito |
Measles· Mumps·Rubella | MMR | 2 | | | | | | | 1st | | | | 2nd | | |
Chicken Pox | VAR | 1 | | | | | | | 1 beses | | | | | | | |
Hepatitis A | HepA | 2 | | | | | | | 1st~2nd | | | | | |
Japanese Encephalitis | IJEV(Inactivated Vaccine) | 5 | | | | | | | 1st~2nd | 3rd | | 4th | | 5차 |
LJEV(Attenuated Live Vaccine) | 2 | | | | | | | 1st | 2nd | | | | |
impeksyong papillomavirus | HPV | 2 | | | | | | | | | | | | | | | 1st~2nd |
Influenza | IIV | - | | | | | | taon-taon na pagbabakuna |
Mga Ibang pang mga Bakuna 2) | Tuberculosis | BCG(transdermal) | 1 | | 1 beses | | | | | | | | | | | | | |
- Maaaring ibigay ang mga bakunang DTaP, IPV, at Hib bilang kombinasyon ng bakunang DTaP-IPV o DTaP-IPV/Hib depende sa talakdaan ng pagpapabakuna.
- 1) Pambansang kilusan ng pagbabakuna: Sa pamamagitan ng mga inirekomendang sapilitang pagbabakuna, dinedetermina ng bansa ang mga nakahahawang sakit na sakop ng pagbabakuna at mga pamantayan at paraan ng pagpapatupad ng pagbabakuna sa pamamagitan ng 「Batas sa Pagpigil at Pamamahala ng mga Nakahahawang Sakit」) at naghahandog ng mga yamang pinansiyal at suporta batay dito.
2) Iba pang mga Bakuna: May mga hindi libreng bakuna para sa mga nakakahawa at hindi nakakahawang sakit sa mga pribadong klinika o ospital.
Pampublikong serbisyo
- Pagtingin sa Nilalaman ng mga Nagawang Pagbabakuna
Naghahandog ang pook-sapot ng katulong sa pagbabakuna (https://nip.kdca.go.kr) ng iba't ibang impormasyong kaugnay ng pagbabakuna, at pinapayagan kang tingnan ang kasaysayan ng pagbabakuna ng iyong anak*. - Pagkatapos magparehistro bilang miyembro ng pook-sapot ng katulong sa pagbabakuna, kailangan mong iparehistro ang impormasyon ng iyong anak.
- Maglog in sa pook-sapot ng katulong sa pagbabakuna → Pamamahala ng pagbabakuna → Pamamahala ng pagbabakuna ng bata → Iparehistro ang impormasyon ng bata → Tingnan ang kasaysayan ng pagbabakuna ng bata
- Libreng Pagkuha ng Immunization Certificate
Makakakuha (makakapagprint) ka ng isang sertipiko ng pagbabakuna (Koreano at Ingles) mula sa pook-sapot ng katulong sa pagbabakuna. - Kinakailangan ng public identification certificate sa pagkuha ng immunization certificate.
- Notipikasyon na Text Message Para sa Pagbabakuna
Inihahandog ang serbisyong ito upang tulungan ang mga tatanggap na pamahalaan ang talakdaan ng kanilang susunod na pagbabakuna nang hindi nakakalimutan ito. Kapag pumayag kang makatanggap ng mga mensaheng teksto sa iyong galang telepono habang sinasagutan ang talakdaan ng pagbabakuna, makakatanggap ka ng paunang pabatid at mga mensaheng teksto tungkol sa mga nalaktawang pagbabakuna batay sa talakdaan ng pagbabakuna. Upang makatanggap ng serbisyong mensaheng teksto sa maraming wika, dapat mong hilingin ang nais na wika mula sa sentro ng pampublikong kalusugan o pasilidad ng pagbabakuna. Sa kasong ito, makakapagparehistro ka rin ng numero ng galang telepono upang makatanggap ng mga mensaheng teksto sa nasabing wika. - Kung hindi ka magdadagdag ng numero ng galang telepono kung saan ididirekta ang serbisyong teksto sa maraming wika, ipapadala ito sa umiiral na nakarehistrong numero.
- Listahan ng mga Serbisyong Wika (12 Wika) : Niepali, Laos, Russian, Mongol, Vietnamese, Khmer (Cambodian), Thai, Chinese, Japanese, Ingles, Uzbek, Tagalog(Filipino)
(2)Ang Proyekto sa Pag-iwas ng Impeksyon na Hepatitis B
Sinusuportahan ng proyektong ito ang lahat ng gastos sa mga pagsusuring antigen at antibody na isinasagawa upang kumpirmahin ang mga kinakailangang pampigil na hakbang at nagreresulta sa pagpigil ng impeksyon ng perinatal hepatitis B* sa mga bagong silang na ipinanganak ng mga nanay na may hepatitis B.
- Impeksyong perinatal: Naisasalin sa anak mula sa nanay sa panahong bago at pagkatapos ng pagsilang (29 na linggo ng pagbubuntis hanggang 1 linggo pagkasilang)
Suporta at paraan ng pakikilahok sa proyekto
- Karapat-dapat: Mga sanggol na ipinanganak mula sa mga ina na may Hepatitis B na antigen (HBsAg) o e antigen (HBeAg).
- Ang mga aplikante ay maaaring lumahok kapag nagsumite ng resulta ng tests sa hepatitis B ng ina at pahintulot na magbigay ng personal na impormasyon para sa pakikilahok sa proyekto.
- Kapag pinupunan ang form ng pahintulot, at gusto mong makatanggap ng notipikasyon tungkol sa bakuna ng Hepatitis B at iskedyul, maaari mong ilahad sa form para makatanggap ka ng text message ukol dito.
- Mga detalye ng suporta :
- ①Immunoglobulin, ②pagbabakuna kontra Hepatitis B, at ③Suporta para sa gastos sa mga kwantitatibong pagsusuring antigen/antibody
- Pagkatapos ng pangunahing pagbabakuna kontra hepatitis B (una hanggang ikatlo), suportado ang muling pagbabakuna (hanggang 3 beses) at muling pagsusuri (hanggang 2 beses) depende sa mga resulta ng unang pagsusuring antigen/antibody.
Iskedyul ng Pagbabakuna
- (Pagkapanganak (sa loob ng 12 oras)) Pangunahing pagbabakuna gamit ang immunoglobulin at hepatitis B
- Nangangailangan ang mga sanggol na maagang ipinanganak at may timbang na mas mababa sa 2kg pagkasilang ng pangunahing pagbabakuna nang 4 na beses sa kabuuan (hanggang 1, 2, 6 na buwan).
- (1 buwang gulang) Ikalawang pagbabakuna kontra Hepatitis B
- (6 na buwang gulang) Ikatlong pagbabakuna kontra Hepatitis B
- (9-15 buwang gulang) Unang kwantitattibong pagsusuring Hepatitis B antigen at antibody
- Isinasagawa ang muling pagbabakuna at muling pagsusuri ayon sa mga resulta ng pagsusuri.
(3)Proyektong suporta sa pambansang pagbabakuna kontra impeksyong human papillomavirus (HPV)
Mapipigilan ng pagbabakuna kontra impeksyong human papillomavirus (HPV) ang servikal na kanser, anogenital na kanser, at kanser sa ulo at leeg, na pangunahing pinaghihinalaang dulot ng impeksyong HPV*.
Upang makuha nang lubos ang epekto ng bakunang kontra HPV, kailangang-kailangang makumpleto ang pagbabakuna bago ang pakikipagtalik, na siyang pangunahing sanhi ng impeksyong HPV.
Mayroong makukuhang mga propesyonal na serbisyong pagpapayo sa kalusugan at pagbabakuna kontra HPV ang mga batang babaeng 12 taong gulang na nasa yugto ng paglipat sa buhay kung saan nakararanas sila ng mahahalagang pagbabagong pisikal at emosyonal, upang matulungan silang lumaki bilang malulusog na kababaihan.
- 90% ng mga servikal na kanser at 70% ng mga anogenital at oropharyngeal na kanser ay pinaghihinalaang dulot ng impeksyong HPV.
Puntiryang grupo para sa suporta
- Mga kabataang babaeng edad 12 hanggang 17
- Kababaihang edad 18 hanggang 26 (ang suporta ay batay sa saligan ng kita*)
- Ayon sa Batas sa Pambansang Seguridad ng Pangunahing Kabuhayan, mga tumatanggap ng kita mula sa pangunahing kagalingan at ang susunod na mababang klase (50% ng pamantayang gitnang kita o mas mababa pa)
Impormasyon sa suporta
- (Karaniwan) Pagbabakuna kontra impeksyong human papillomavirus (HPV) nang 2 hanggang 3 beses
- Nag-iiba-iba ang bilang ng mga pagbabakuna batay sa edad ng unang pagbabakuna: (hanggang 14 na taong gulang) 2 beses, (15 taong gulang man lamang) 3 beses
- (12 taong gulang) Naghahandog ng pagpapayo sa kalusugan kaugnay ng paglaki at pag-unlad sa pagbibinata/pagdadalaga at unang pagreregla
- Mga suportadong bakuna :
- Gardasil (HPV4), Cervarix (HPV2)
- Hindi kabilang ang Gardasil 9
(4)Pambansang proyektong suporta sa pagbabakuna kontra influenza
Upang mapabuti ang porsiyento ng pagbabakuna kontra influenza at bawasan ang pasaning sakit para sa mga matatanda, mga buntis, at mga batang bumubuo sa mga grupong mataas ang panganib na may matataas na kumplikasyon mula sa impeksyon ng influenza, suportado ang lahat na gastos sa pagbabakuna.
- Karapat-dapat sa suporta :
- Mga batang edad 6 na buwan hanggang 13 taong gulang
- Mga detalye ng suporta:
- 1 turok ng pagbabakuna kontra influenza
- Kung unang beses tatanggap ng bakuna kontra influenza ang isang batang mas bata sa 9 na taong gulang, 2 turok na dosis ang ibinibigay nang may pagitang 4 na linggo man lamang.