Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Edukasyon sa High School

  • Home
  • Edukasyon ng mga Anak
  • Edukasyon sa High School

Edukasyon sa High School

Tumatagal ang talaaralan ng mataas na paaralan ng 3 taon. Maaaring magpatala sa mataas na paaralan ang mga nagtapos sa gitnang paaralan o nakapasa sa pagsusulit na kinikilala bilang katumbas ng isang nagtapos sa gitnang paaralan, tulad ng pagsusulit ng kwalipikasyon. Nahahati ang mga uri ng paaralan sa apat na uri, gaya ng mga pangkalahatang mataas na paaralan, mga mataas na paaralang may natatanging layunin, mga mataas na paaralang bokasyonal, at mga nagsasariling mataas na paaralan. Nag-iiba-iba ang mga paraan ng pagpili ng mag-aaral kada si (lungsod), do (lalawigan), o uri ng paaralan. Upang ibsan ang pasaning gastos sa edukasyon, ipinapatupad ang libreng edukasyon sa mataas na paaralan, na sinasagot ang mga singil sa pagtanggap sa mataas na paaralan/matrikula, mga singil sa suporta sa pagpapatakbo ng paaralan, at mga gastos sa aklat-aralin, para sa mga nasa ikalawa at ikatlong taon sa 2020 at magkakabisa para sa lahat ng baitang sa 2021. Gayunpaman, bukod sa libreng edukasyon ang ilang pribadong paaralan (mga nagsasariling pribadong mataas na paaralan, ilang mataas na paaralang may natatanging layunin, atbp.) kung saan dinedetermina ng punong-guro ng paaralan ang pagtanggap at matrikula, nguni't karapat-dapat sa suporta o tulong-salapi sa matrikula ang mga mag-aaral na mula sa mga pamilyang may kahirapang pinansiyal.

01Nilalaman ng Edukasyon

Nakatuon ang edukasyon ng high school sa paglilinang ng mga katangian bilang mga demokratikong mamamayan na nakikipag-ugnayan sa mundo sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang kakayahan na batay sa mga resulta ng edukasyon sa middle school. Ang isang oras na klase ay tumatagal ng 50 minuto, at nilalaman ng curriculum ang pag-aaral sa wikang Koreano, matematika, wikang Ingles, Kasaysayan ng Korea, Araling Panlipunan (kasama na ang Kasaysayan / Moralidad), Agham, Pisikal na Edukasyon, Sining. Teknolohiya. Pamilya / Ikalawang Wika / Intsik / Kultura, atbp. Ang curriculum ay nahahati sa ‘dapat pag-aralan’ at sa ‘piling aralin’ kaya maaaring pumili ang mga estudyante ng mga paksa sa ‘piling aralin’ na nais nilang matutunan. Maaari din silang makilahok sa mga malikhaing gawain o aktibidad malipan sa mga paksang pang-akademya tulad ng self-regulated activities, club activities, career activities at volunteering activities. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga nasabing aktibidad ay matututo ang mga mag-aaral na masanay ang kanilang mga kakayahan at potensyal at magkaroon konsiderasyon sa komunidad.

02Mga Uri ng High School

고등학교 유형: 고등학교 유형을 포함한 표입니다.
(1)
Regular na
Mataas na
Paaralan
Ito ang mga matataas na paaralang nagbibigay ng general education sa iba't ibang lugar sa buong bansa. Ang ganitong uri ng paaralan ang may pinakamalaking proporsyon ng uri ng hayskul. Ang mga estudyante ay pinipili at itinatalaga sa pamamagitan ng bunutan gamit ang computer (computerized draw) ayon sa rehiyon o kaya naman pinipili ng prinsipal ng paaralan ang mga estudyante, mga pribadong mataas na paaralan ay ang mga tala sa buhay-paaralan ng mga estudyante, mga rekomendasyon ng guro, mga panayam
Ang pagpili ay base sa pagsusuri ng kakayahan ng bawat estudyante.
(2)
Mataas na
Paaralan na may
Natatanging
Layunin
Naglalayon ang mga mataas na paaralang may natatanging layunin na maghandog ng nagdadalubhasa at propesyonal na edukasyon sa isang natatanging larangan.
Kabilang sa mga mataas na paaralang ito ang mga mataas na paaralan ng agham (mga mataas na paaralan ng agham) upang pagyamanin ang siyentipikong talento, mga mataas na paaralan ng banyagang wika at mga pandaigdigang mataas na paaralan (mga mataas na paaralan ng banyagang wika, mga pandaigdigang mataas na paaralan, mga pandaigdigang mataas na paaralan ng banyagang wika) upang pagyamanin ang pandaigdigang talentong mahusay sa mga banyagang wika, at mga mataas na paaralan ng pisikal na edukasyon (mga mataas na paaralan ng Pis. Ed.) upang mag-alaga ng mga atleta, at mga mataas na paaralang nagpapatakbo ng pasadyang talaaralang direktang nakakawing sa mga pangangailangan ng industriya (mataas na paaralang tinutugunan ang pangangailangang pang-industriya). Pinipili ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasalamin ng impormasyong ginamit upang tasahin ang kaalamang mula sa sariling pagmamando ng pag-aaral ng mag-aaral, batay sa kanilang mga rekord sa paaralan, mga liham ng rekomendasyon ng guro, mga panayam, at mga iskor sa praktikal na pagsusulit. Lalo na, pinipili ng mga mataas na paaralan ng agham, mga mataas na paaralan ng banyagang wika, mga pandaigdigang mataas na paaralan, at mga pandaigdigang mataas na paaralan ng banyagang wika ang mahigit 20% ng kanilang kota sa pagtanggap sa pamamagitan ng panlipunang pagsasama-samang pagsasalang pinupuntirya ang mga mag-aaral na nangangailangan ng suporta sa panlipunang pagkabatid.
(3)
Specialized High
School
Ito ang mataas na paaralan na nagbibigay ng edukasyon sa layuning linangin ang mga mag-aaral na may natatanging talento sa ilang larangan, kung saan ang ginugrupo nila ang mga mag-aaral na may kaparehong talento, kakayahan at kasanayan. Nagbibigay din ito ng propesyunal na edukasyong nakatuon sa kasanayan kabilang na ang pag-aaral sa field. Ang mga mag-aaaral ay maaari ring makakuha ng iba't ibang bokasyunal na pagsasanay para sa agrikultura, biotechnology, commercial information, pangingisda, shipping industry, gawaing bahay, pagnenegosyo, atbp. Ang mga pagsasanay na ito ay inaakma ayon sa karakteristiko ng paaralan. Bukod pa rito, mayroon din silang klase sa wikang Koreano, matematika, wikang Ingles, araling panlipunan, atbp. Ang mga mag-aaral ay pinipili sa pamamagitan ng grado sa eskwelahan, interbyu at praktikal na pagsusulit.
(4)
Autonomous High
School
Ito ang mataas na paaralang may autonomiya at may kalayaang pangasiwaan ang eskwelahan. Naghahandog din sila ng espesyalisadong edukasyunal na programa. Nahahati ito sa dalawang uri : autonomous public high school at autonomous private high school. Para sa pampublikong autonomous high school, ang mga mag-aaral ay pinipili sa pamamagitan ng bunutan (computerized random draw) ayon sa rehiyon. Para naman sa pribadong autonomous high school, ang mga estudyante ay pinipili base sa pagsusuri ng kakayahan ng estudyanteng mag-aaral nang mag-isa sa pamamagitan ng school record, rekomendasyon ng guro, interbyu
Lalo na, para sa mga nagsasariling pribadong mataas na paaralan, mahigit 20% ng kota sa pagtanggap ang pinipili sa pamamagitan ng panlipunang pagsasama-samang pagsasalang pinupuntirya ang mga mag-aaral na nangangailangan ng suporta sa panlipunang pagkabatid, at simula pampaaralang taong 2025, pipili ang mga nagsasariling pribadong mataas na paaralang nangangalap sa buong bansa ng mahigit 20% ng kota sa pagtanggap mula sa mga mag-aaral na pumapasok sa gitnang paaralan sa lugar kung saan matatagpuan ang nauukol na mataas na paaralan.

03Kagalingan (Welfare) ng mga Mag-aaral

  • Ang pamantayan para sa pagtanggap ng suporta ay maaaring magkakaiba batay sa rehiyon·kategorya.

(1)Pampinansyal na Suporta Para sa mga Gastusin sa Edukasyon Para sa mga Estudyante ng Elementarya, Middle School at High School na Kabilang sa mga Pamilyang May Mababang Kita

Kwalipikasyon
  • Mga mag-aaral na nakakatanggap ng suporta para sa mga gawaing pang-edukasyon, matrikula, at bayad sa pagpasok sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa kanilang lokal na sentrong pangkomunidad bilang mga karapat-dapat na tao para sa pangkabuhayang seguridad o mga mag-aaral mula sa mga pamilyang may solong magulang
  • Mga mag-aaral na kabilang sa isa sa mga ikalawa sa pinakamahirap na pamilyang nakarehistro sa dong community center o tanggapan ng eup, myeon.
  • Mga mag-aaral na may panggitnang kitang 50%~60% batay sa kita ng pamilya at pag-aaring ari-arian (nag-iiba ayon sa lungsod, lalawigan, at uri ng pang-edukasyong gastusin)
  • Ang mga mag-aaral mula sa may mababang kita ang mga pamilya na hindi umabot sa nasa itaas na pamantayan pero inirekomenda ng punong-guro batay sa sitwasyon ng kanilang pamumuhay.
Klase ng Suporta
  • (Matrikula sa hayskul) Ang kabayaran pagpasok sa hayskul, matrikula at ang pamamahalang pampaaralan na suportang panggastos ay suportado.
  • (Bayad sa tanghalian) Elementarya, Middle school, High School, suporta sa bayad ng tanghalian (180 tanghalian sa isang taon, hindi kasama dito ang mga libreng tanghaliang ibinibigay ng rehiyon)
  • (Programang voucher pagkatapos ng eskuwela) Hanggang KRW 600,000 bilang pinakamataas na pondo kada taon para makakuha ang mga mag-aaral ng mababa/ gitna/ mataas na paaralan ng mga kursong pagkatapos ng eskuwela mula sa mga pribadong pang-edukasyong surian/ akademiya
  • (Impormasyon Para sa Edukasyon o Educational Information) Internet fee KRW17,600 na halaga ng suporta, binibigyan ng 1 computer ang bawat pamilyang may mababang kita.
지원항목 표 : 대상자, 기초수급자, 법정 한부모, 법정 차상위, 소득·재산조회자, 학교장 추천 별 학비 지원여부를 포함한 표입니다.
Paksa Batayan ng Pensioners Ayon sa Batas Single-parent Narangguhang Korte Kita at Ari-arian, Mangongolekta ng Referrer Rekomendasyon Mula sa Principal
Gastos sa Pag-aaral
Bayad sa tanghalian
Pagkatapos na Paaralan voucher
Internet PC
  • ○: Kapag inilalapat ng 100% na suporta, △ : suporta para sa pagtatasa alinsunod sa mga pamantayan at magpasya kung ito ay suportahan
  • Maaaring malaman ang iba pang detalye para sa nilalaman ng suporta para sa pag-aaral sa eup, myeon, dong community center o sa educational support one-click registration system.
    (☎ Numero Para sa Katanungan : Suporta Para sa Pag-aaral Central Counceling Center 1544-9654)
Mga Kinakailangang Dokumento
제출서류 표 : 대상자, 제출서류를 포함한 표입니다.
Kwalipikasyon Mga Dokumento
Mga tumatanggap ng national basic living security
Mga napapasailalim sa pangangalaga sa pamilyang may isang magulang (single-parent family) (itinatakda ito ayon sa batas)
Mga napapasailalim sa batas sa pangangalaga sa mga kabilang sa pamilyang may pinakamababang kita (itinatakda ito ayon sa batas)
Mga kailangang suriin ang kita at ari-arian
  1. 1Application form para sa social security benefits
  2. 2Deklarasyon ng kita·ari-arian
  3. 3Kasunduan para sa impormasyon ng pananalapi
  4. 4Mga dokumentong nagpapatotoo ng kita·aria-arian at iba pa
Rekomendasyon ng Punong-guro
  1. 1Rekomendasyon (recommendation letter) mula sa gurong namamahala (taong namamahala)
  2. 2Iba pang dokumento bilang sanggunian (pagkakautang, pagkamatay, kawalan ng trabaho, pagkabangkarote, diborsyo, atbp.)
  • Ang gurong namamahala o ang taong namamahala ay dapat na ihanda ang isinulat na opinyon.
Pamamaraan ng Aplikasyon
  • Pinapatakbo ang panahon ng pagpaparehistro sa unang bahagi ng Marso kada taon (Magpapadala ang bawat paaralan ng mga alituntunin sa aplikasyon sa pamamagitan ng pahayagang palihan ng paaralan, atbp.).
  • Maaaring mag-apply para sa edukasyunal na gastusin ang mga magulang sa pamamagitan ng internet (pook ng Bokjiro, Sistemang Isahang-Click na Aplikasyon para sa Pang-edukasyong Gastos) o sa pagbisita sa tanggapan ng eup, myeon o dong community center. Ang mga benepisyaryo ay pinipinili ng paaralan ayon sa resulta ng pagsusuri ng kita at ari-arian.
    • Ang mga benepisyaryo ay hindi na kailangan magbayad sa eskwelahan.
  • Aplikasyon
    Magulang
  • Pagtanggap
    Pagbisita sa eup·
    myeon·dong o sa Internet
    (Welfare Dept. Haengbuk e-eum)
  • Pagsusuri ng Kita at Ari-arian
    lungsd·gun·gu
    (Ministry of Health and Welfare, happiness e-um)
  • Pagdedesisyon
    kung sino
    ang magiging benepisyaryo
    Eskwelahan
    (NICE)
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”