Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Pagtatrabaho at Pagsasanay sa Pagtatrabaho

  • Home
  • Pagtatrabaho at Paggawa
  • Pagtatrabaho at Pagsasanay sa Pagtatrabaho

Pagtatrabaho at Pagsasanay sa Pagtatrabaho

01Pagtatrabaho

Ang mga dayuhang residente ay maaaring magtrabaho sa Korea depende sa uri ng visa na ipinagkaloob sa kanila. Ang mga marriage immigrants namay married immigrant (F-6) visa ay maaari ring magtrabaho sa Korea.

  • Para tiyakin ang uri ng inyong visa, maaari kayong makipag-ugnayan sa Hi Korea (www.hikorea.go.kr, ☎1345).

Bago maghanap ng trabaho, makakabuti kung ito’y pag-uusapan muna sa inyong pamilya at alamin kung kinakailangan ninyo nga bang magtrabaho, anong uri ng trabaho ang magandang gawin, at kung Para saan gagamitin ang inyong sahod, at iba pa.

(1)Mga Ahensiyang Nagbibigay ng Trabaho (Job Centers)

Makakakuha ka ng impormasyon sa trabaho para sa mga dayuhan (kabilang ang mga may-asawang imigrante, atbp.) sa pamamagitan ng pagbisita sa pinakamalapit na lokal na Sentro ng Trabaho, Sentro ng Bagong Trabaho para sa Kababaihan, o Sentro ng Suporta sa mga Multikultural na Pamilya.

일자리 알선기관 : 구분 및 내용을 포함한 표입니다.
Kategorya Deskripsyon
Job Center Pinapatakbo ang kinatawang pampublikong ahensiya ng serbisyong pantrabahong ito ng pamahalaan at madalas gamitin ng mga Koreano at mga banyagang manggagawang naghahanap ng trabaho. Maaaring malaman ng mga naghahanap ng trabaho ang tungkol sa mga negosyong hinahanap nila at makakatanggap sila ng pamamatnubay sa kung saang mga trabaho sila kwalipikado. Dagdag pa rito, tuloy-tuloy ang pagtatakda ng mga panayam sa mga negosyo hanggang makahanap ng trabaho.
Mga sentrong pantrabaho Pinapatakbo ang pampublikong ahensiya ng serbisyong pantrabahong ito ng si (lungsod) o gun (kondehan) kung saan ka nakatira. May mga nakatayong sentrong pantrabaho sa karamihan ng tanggapan sa munisipyo at kondehan, kaya makakatanggap ka ng pamamatnubay sa mga negosyong malapit sa iyong tirahan para sa mga pagkakataong pantrabaho.
Sentro ng Bagong Trabaho para sa Kababaihan Bilang isang ahensiyang itinalaga pareho ng Kagawarang-bansa ng Pagkakapantay-pantay sa Kasarian at Pamilya at Kagawarang-bansa ng Trabaho at Paggawa, ito ay responsable sa pangtrabahong pagpapayo, pangtrabahong pagsasanay, pag-iinterno, paglalagay at pamamahala ng trabaho, at suporta para sa pagpigil sa pagputol ng karera.
MulticulturalFamily SupportCenters Bilang isang organisasyong nagsisilbi sa mga pamilyang multikultural, naghahandog ito ng iba't ibang programa, kabilang ang mga programang kultural tulad ng mga programa para sa lokal na pakikibagay at paghahandog ng impormasyong pantrabaho.

(2)Paggamit ng Internet

Maaaring gamitin ng mga marriage immigrants ang internet para tulungan sila sa paghahanap ng trabaho. Karamihan ng mga organisasyong naghahandog ng serbisyo para makapagtrabaho ang mga marriage immigrant ay mayroon ding website upang magamit sa bahay kapag nais nilang maghanap ng trabaho gamit ang internet.

  • 서울글로벌센터
Seoul Global Center(global.seoul.go.kr)

Ito ang website na pinangangasiwaan ng Seoul Metropolitan Government. Mayroon din silang programang gaya ng fairs at suporta sa paghahanap ng trabaho. Ang website na ito ay inihahandog sa wikang Ingles at Tsino.

  • 워크넷
Trabaho 24 (www.work24.go.kr)

Ito ay isang portal site na pinapangasiwaan ng Ministry of Labor and Employment kung saan nagbibigay ng serbisyo sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa trabaho, progreso patungkol sa trabaho at pagsasanay sa trabaho na sama-samang makikita sa iisang portal na ito. Ang mga impormasyon tulad ng career experience, pag-aaral, pagsasanay at kwalipikasyon ay susuriin upang makapagbigay ng tamang rekomendasyon at naaayon na trabaho para sa mga job seekers at direktang makapag-apply sa trabaho sa pamamagitan ng online. Bukod dito, may mga nakalaan ding serbisyo tulad ng career design, paghahanap ng trabaho o job search, online job examination, impormasyon sa trabaho o job information, impormasyon para sa departamento, career counseling at iba pa na nakakatulong sa pagbibigay ng rasyonal na selekyon o desisyon para sa career ng mga kabataan at may edad na tao.

  • 고용복지플러스센터
Work Welfare + Center(www.workplus.go.kr)

Isa itong libreng institusyon o network para sa paghahanap ng trabaho na na matatagpuan sa buong bansa na naglalayon na magbigay serbisyo patungkol sa paghahanap ng trabaho, welfare at finances ng mga tao. Maaaring direktang iakses ang website ng Work Welfare Center sa pinakamalapit na Work Welfare Center sa inyong lugar. Mayroong iba’t ibang programa ang Work Welfare Center kagaya ng shor-term group counseling program at special lecture tungkol sa pagtatrabaho at ang ‘programa sa pagpili ng karera o career map program para sa mga married immigrant (WiCi)’ upang palakasin pa ang pagnanais ng mga kasal na migrante at upang makamit ang karapat-dapat na trabaho. Mayroon ding serbisyo ng direktang pagbisita sa mga kompanya kasama ang service counselor para sa mga kasal na migrante na may kahirapan sa pagbisita sa kompanya.

  • 여성인력개발센터
Sentro ng Bagong Trabaho para sa Kababaihan (saeil.mogef.go.kr)

Nagbibigay ito ng iba’t ibang uri ng pagsasanay Para sa trabaho (job trainings), bokasyunal na pagsasanay, at pagpapayo Para sa mga kababaihan at ito ay isa sa mga kumprehensibong institusyon na nagbibigay tulong sa mga kababaihan upang sila ay makakuha ng trabaho.

Job Information Centers ng mga Si at Gun mula sa Lokal na Pamahalaan

Nagpapatakbo ito ng mga libreng job brokerage organization (mga organisasyong nagre-recruit Para sa trabaho) (mangyaring sumangguni sa websites ng lokal na pamahalaan)

02Pagsasanay sa Pagtatrabaho

Ang bokasyunal na pagsasanay ay isang sistema na tinutulungan ang mga taong nais magtayo ng sariling negosyo o magtrabaho sa kumpanya Para mapaunlad ang kakayahan at kasanayan sa trabaho. Ang mga dayuhan ay maaari ring mag-apply kung dati siyang suskritor ng employment insurance. Subalit, ang mga migranteng kasal sa Korenao ay hindi kailangan ng insurance history.

  • Job Center(www.work24.go.kr/jobcenter)
  • Comprehensive Counseling Center, Ministry of Employment and Labor(☎ No area code 1350)
  • Career Capability Development Information Network ng Ministry of Employment and Labor (www.hrd.go.kr)

(1)Sistemang Tarhetang Nae-il-bae-um

Naghahandog ang Sistema ng suportang tulad ng mga gastusin sa pagsasanay para makakuha ang mga mamamayan ng wastong pagsasanay sa pag-unlad ng kagalingang bokasyonal.

(2)Kwalipikasyon Para Makatanggap ng Suporta

Maaaring mag-aplay ang sinumang mamamayan, maliban sa mga taong karapat-dapat para sa suporta*

  • Mga pampublikong opisyal, pakultad ng pribadong paaralan, mga taong nagtatrabaho para sa sarili na may taunang bentang mahigit KRW 400 milyon, mga manggagawang kinukuha sa malalaking korporasyon (mahigit 45 taong gulang) na may buwanang pamantungang kitang mahigit KRW 3 milyon, natatanging uri ng mga manggagawang may buwanang pamantungang kitang mahigit KRW 5 milyon, mga mag-aaral ng kolehiyo na may mahigit 2 taon pa ng mga klaseng natitira bago magtapos, atbp.

 

(3)Nilalaman ng Suporta

Pinakamalaking suporta :
Suporta para sa 45~85% ng aktwal na gastos sa pagsasanay hanggang sa KRW 3 milyon kada tao bilang pinakamataas (KRW 5 mil bilang pinakamataas) (Babayaran ng nagsasanay ang natira nang labas-sa-bulsa)
  • Makakatanggap ang mga kalahok na uring 1 o 2 sa sistemang pambansang suportang pangtrabaho ng suporta para sa 80% ng aktwal na gastos sa pagsasanay o ang kabuuang gastos sa pagsasanay. Sa mga kalahok na uring 2, makakatanggap ang mga kabataan at balubatang kalahok ng suporta para sa 50~85% ng gastos sa pagsasanay.
  • Sa kaso ng mga walang trabaho na kumukuha ng kursong pagsasanay na mas mahaba sa 140 oras, at nagsasanay na pumapasok ng 80% ng mga araw ng pagsasanay (kada buwan), hanggang karagdagang KRW 116,000 ang binabayaran kada buwan.
Petsa ng Pagkawalang-bisa :
5 taon mula sa petsa ng pag-iisyu ng account

(4)Mga Kurso sa Pagsasanay na Saklaw ng Suporta

Mga Pagsasanay na Kinikilala at Inanunsyo ng Minstry of Employment and Labor (MOEL)
  • Ang mga training centers na nag-apply at sumailalim sa pagsusuri ng MOEL ay kikilalanin bilang mga sentrong naghahandog ng kursong kinikilala at tinatanghal ng MOEL. Ang mga kursong ito ay maaaring ma-search sa Job Training Portal ng HRD-Net (http://www.hrd.go.kr). Matapos magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga aplikante sa pagsasanay at mga tagapagpayo ng Job Center, maaari nang sumailalim ang aplikante sa pagsasanay.

(5)Proseso ng Aplikasyon

  • 1Aplikasyon para sa Pag-isyu ng Account
    • Aplikasyon sa trabaho at aplikasyon para sa pag-isyu ng account(Sentro ng Trabaho, HRD-Net)
    Center ↔ walang trabaho
  • 2Pagbubukas ng Account
    • Pagsusuri sa mga sakop ng pagbubukod sa suporta
    • Pasya sa pag-isyu ng account
    Center → walang trabaho
  • 3Pagsali sa Kurso
    • Aplikasyon para sa kursong pagsasanay(Sentro ng Trabaho, HRD-Net)
    • Kunin ang kursong pagsasanay
    walang trabaho ↔ training agency
  • 4Suporta sa Gastusin
    • Pag-aapply Para sa pagsasanay sa bawat buwan
    • Matapos tiyakin ang mga araw ng pagdalo, kakalkulahin ang ibibigay na suporta Para sa gastusin sa pagsasanay
    Hiring center

(6)Iba pang mga Serbisyo Para sa Pagsasanay sa Trabaho

  • Bukod sa pambansang tarhetang Nae-il-bae-um at suporta sa pagsasanay mula sa Kagawarang-bansa ng Trabaho at Paggawa, makakakuha ang may-asawang imigranteng kababaihan ng kapwa libre at bayad na bokasyonal na pagsasanay mula sa Sentro ng Bagong Trabaho para sa Kababaihan (www.vocation.or.kr) at Sentrong Pangkomunidad ng Kababaihan.
  • Subalit hindi lahat ng ahensiya ay nagbibigay ng pagsasanay para sa trabaho para sa mga marriage immigrants at kababaihang dayuhan. Komunsulta muna sa pinakamalapit na ahensiya bago bumisita dito.
  • Ang mga detalye tungkol dito ay matatagpuan sa mga Multicultural Family Support Center at sa mga kaugnay na organisasyon.
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”