Ang mga institusyong medikal ay kinakategorya sang-ayon sa laki, uri, ibinibigay na serbisyo at saklaw nito. Para sa hindi masyadong malalang uri ng sakit gaya ng sipon, kahirapan sa pagtunaw ng pagkain, atbp., kinakailangan lamang magpunta sa maliit na klinika upang magpagamot. Kapag naman hindi pa rito ito gumagaling at kinakailangan niyo pa nang mas masusing medical check-up, maaari kayong pumunta sa general hospital at doon magpagamot.
Yugto ng mga Benepisyo ng Pangangalagang Medikal | Pangunahin | Sekondarya | |
---|---|---|---|
Kaukulang Medikal ng Institusyong Nangangalaga | Mga klinika, mga sentro sa kalusugan | klinika, general hospitals | Mataas na antas ng general hospital |
Medikal na Lunas | Mga Sentrong Medikal Para sa Mga Panandaliang Pasyente, Pagpapabakuna, Pangangalaga ng Kalusugan. | Pisikal na Eksaminasyon, Pagka-ospital | Malalimang eksaminasyon, Medikal na Lunas Para sa Karamdaman o Pagkakasakit, Pangangalaga ng Kalusugan |
Mga Institusyong Medikal | Pampublikong Sentro ng Kalusugan, Sentrong Pangkalusugan ng Oryental na Medisina, Departamento ng Panloob na Bahagi ng Katawan, Pediyatriko, Sentro ng Eksaminasyong Medikal | Mga Pangkalahatang Ospital na may mga Espesiyalisadong Departamento. | University Hospital at iba pa |
Serbisyong Medikal | Pangunahing Larangan sa Medikal |
---|---|
Internal Medicine(Naekwa) | Paggagamot nang hindi kinakailangan ng operasyon sa lamang-loob (internal organs). Paggagamot ng mga sakit sa lalamunan, bituka atbp. (digestive disease), kanser sa baga, mga sakit sa puso, blood vessels, presyon ng dugo, diyabetis atbp. |
Pediatrics(Soagwa) | Pagamutan ng mga bata at kabataang nasa edad 18 taong gulang pababa. Paggagamot sa mga isinilang ng kulang sa buwan, bagong silang, karamadamang kaugnay sa bato, neurolohikal, at respiratoryo. |
OB-Gyn(Sanbuinkwa) | Para sa mga nagdadalantao, panganganak at mga karamdamang kaugnay sa pangangalaga sa reproduksiyon. |
Medikal na Dibisyon Para sa Pang-kaisipang Kalusugan o Mental Health | Paggamot ng mga sakit na nagpapakita ng kaisipan mga sintomas ng sakit |
Neurology (Singyeonggwa) | Paggamot ng mga sakit na may kaugnayan sa nervous system tulad ng stroke, epilepsy, demensya, neuralhiya, atbp |
Pampamilya (Gajeonguihagwa) | Pagsusuri at panggagamot para sa prebensyon ng lahat ng uri ng mga sakit nang walang pagsasaalang-alang sa edad at kasarian ng pamilya, at pagbibigay komprehensibong pangangalaga sa kalusugan. |
Balat (Pibukwa) | Paggamot ng mga sakit na may kaugnayan sa balat tulad ng tagihawat, pagkawala ng buhok, pantal, atbp. |
General Surgery (llban waegwa) | Paggamot ng mga sakit na nangangailangan ng lunas tulad ng apendisitis, impeksiyon, digestive system disorder |
Orthopedics (Jeonghyeongwaegwa) | Operasyon o panggagamot sa mga karamdamang kaugnay sa buto at masel. |
Plastic Surgery (Seonghyeongwaekwa) | Operasyon sa pagkakaroon ng “double eyelid” (talukap ng mata), nasunog na balat, at pag-aayos sa anumang bahagi ng katawan. |
Rehabilitasyon (Jaehwaluihagkwa) | Paggamot ng mga sakit na may kaugnayan sa mga kalamnan, buto, at nerbiyos system sa pamamagitan ng rehab espesyalista doktor kasama ang pisikal na therapist |
Urology (Binyogikwa) | Panggagamot sa mga maysakit sa bato, atay, apdo at bahaging reproduksyon. |
Opthalmology (Ankwa) | Paggamot ng mga sakit na may kaugnayan sa mata at ang kanilang mga ugat tulad ng katarata, glaucoma, at pinagpaparusa operasyon Para sa mahinang paningin sa malayo |
EENT (Ibiinhukwa) | Pagamutan sa mga karamdamang kaugnay satenga, mata, ilong at lalamunan. |
Dentista (Chikwa) | Pagamutan ng ngipin tulad ng pagpapabunot, prosthetic, pagpapalinis, pangangalaga sa ngipin, atbpa. |
Emergency Medicine (Eunggeupuihagkwa) | Mabilis at agarang panggagamot sa mga pasyente. |
Serbisyong Medikal | Pangunahing Larangan sa Medikal |
---|---|
Mga Herbal na Gamot hinekolohiya, pedyatrya herbal Departamento | Ang oriental medicine ay ginagamit na bilang panggamot sa lahat ng uri ng karamdaman, subalit ang pamamaraan at paggawa ng gamot ay naiiiba sa general hospital. |
Ipakita ang health insurance card sa tanggapan ng pasyente at hintaying tawagin ang iyong pangalan.
Kapag tinawag na ang iyong pangalan, ipaliwanag sa doktor ang mga sintomas ng iyong sakit.
Alamin ang mga mahahalagang bagay patungkol sa instruksyong ibibigay ng doktor.
Pagkatapos ng eksaminasyon ng doktor, bayaran ang gastusing medikal at kunin ang reseta.
Maaari kayong bumisita sa botikang malapit sa ospital, isumite ninyo ang inyong reseta at saka kayo bumili ng gamot.
Kumuha ng “reference letter” mula sa doktor kung saan kayo unang nagpagamot.
Magtungo sa sekondaryang institusyong medikal nang mas maaga sa oras na ipinareserba at isumite ang rekomendasyon na nakuha mula sa doktor ng pangunahin o unang institusyong medikal.
Magtungo sa nakatakdang departamento para sa iyong pagpapagamot.
Kunin ang iyong reseta at magpalista Para sasusunod na pagbisita kung kinakailangan pa ng mas masusing pagpapagamot.
Bayaran ang iyong pagpapagamot sa kahera.
Ang mga gamot ay maaaring mabili sa botika matapos na makatanggap ng reseta mula sa doktor ng ospital at ang mga generic na gamot ay maaaring direktang mabili sa botika kahit walang reseta. Maraming iba’t ibang uri ng gerneric na gamot tulad ng gamot sa ubo at sipon, gamot na para sa panunaw, gamot sa lagnat, painkiller, iba’t ibang ointment para sa sugat, at gamot sa diarrhea. Bukod dito, ang mga produkto na hindi nabibilang sa gamot tulad ng pesticides, sanitary napkin, health supplements, condom at iba pa ay maaaring mabili sa mga tindahan o convenient retail store. Ang mga gamot para sa mga may karamdaman na masasabing may mild symptoms batay sa iyong sariling pagsusuri tulad ng gamot sa lagnat, painkiller, gamot sa ubo at sipon, gamot sa sakit sa sikmura, pain relief patch at iba pang 13 uri ng gamot ay maaaring makita o mahanap sa mga 24 hours convenience store.
Kinakailangan nating magtabi sa ating mga bahay ng mga pangunang lunas na gamot bilang paghahanda sakali man biglang may magkasakit o masugatan sa loob ng bahay. Hindi lahat ng gamot ay mabibili sa convenience stores, kung kaya’t mas makakabuti kung magtatabi tayo ng mga pangunahing kit bilang paghahanda sa mga emergency situations lalo na’t kung sarado na ang mga botika. Higit na mas kailangan ng fi st aid kit ng mga nakatira sa malayo sa ospital. Ang pangunahing laman ng first aid kit ay ang mga sumusunod: