01Paghahanda sa Pagkakaroon ng Anak
Mga Kinakailangang Pagsusuri Para sa Paghahanda sa Pagbubuntis ng mga Magiging Magulang
- Ang mga pagsusuri bago ang pagbubuntis at bakuna ay kinakailangan para sa kalusugan ng magdadalang-tao at ng sanggol.
임신 전 검사 표 : 구분, 검사 필요성, 예방처치를 포함한 표입니다. Kategorya | Kinakailangang Pagsusuri | Paraan ng Pag-iwas |
German Measles | Maaaring magkaroon ng abnormalidad sa sanggol sa pagkakaroon ng impeksyon sa panahon ng unang antas o maagang pagbubuntis. | Hindi bababa sa 1 dose ng rubella o german measles (MMR*) na bakuna kung walang immunity o pananggalang sa sakit - Maaaring magbuntis 3 buwan matapos na mabakunahan.
|
Hepatitis B | Kung ang isang nagdadalang-tao ay nagkaroon ng Hepatitis B habang siya ay nagbubuntis, mayroong mataas na porsiyente ng pagkakaroon ng inpeksyon sa sanggol o neonatal infection. | - Kung ang isang babae ay walang immunity sa sakit, kailangang magpabakuna ng hepatitis B bago magbuntis (3 beses bawat 0, 1, 6 na buwan)
- Kung ang isang buntis ay may virus na hepatitis B, kinakailangang isagawa kaagad pagkatapos manganak ang mga hakbang para iligtas ang anak (bagong panganak na sanggol) sa sakit na ito.
- Tingnan sa sanggunian sa 2. Pangangalaga sa Kalusugan ng Sanggol → Proyekto Para Maiwasan ang Pagkakaroon ng Hepatitis B ng mga Bagong Kapapanganak na Sanggol.
|
- MMR: pinagsamasamang bakuna para sa measles·mumps·at rubella
- Kung sakaling nagkaroon ng bakuna sa mga nakalipas na panahon, kinakailangan pa rin na bigyang-pansin kung positibo ba sa pagkakaroon ng rubella at kung hindi naman ay kinakailangan na magkaroon ng 1 beses pang bakuna, ngunit hindi dapat lalampas sa 3 beses ng bakuna sa pangkalahatan.
Congenital Zika Syndrome
- Kung ang nagdadalang-tao ay naka-expose o nakalantad sa Zika Virus, maaaring maging sanhi ito sa sanggol ng pagkakaroon ng abnormalidad sa utak o brain abnormalities, microcephaly, neurological defect at iba pa.
- Ang mga taong (lahat na lalaki·babae) na nanggaling sa bansang pinanggalingan ng Zika Virus kabilang na ang Timog-silangang Asya ay pinipigilan na magbuntis sa pamamagitan ng paggamit ng mga gamit Para maiwasan ang pagbubuntis o paggamit ng condom sa loob ng 6 na buwan.
02Mga Medical Test na Kinakailangan ng Nagdadalang tao
Para sa kalusugan ng buntis, ang mga medical check-up na kinakailangan ay ang mga nasa ibaba. Subalit, depende sa estado ng kalusugan ng buntis at ang bata sa sinapupunan, maaaring may mga karagdagang test na kinakailangan. (Table sa ibaba)
Mga Nilalaman ng Karaniwang Medikal na Pagsusuri (Medical Test) na Kinakailangan ng Nagdadalang-tao
임산부가 받아야 하는 일반적인 검사항목과 검사 내용 표 : 검사별 설명을 포함한 표입니다. Pagsusuri ng Dugo | GBT (Genreal Blood Test) | Para masuri ang kalusugan ng nagdadalang-tao at kung may problema sa pagpapatuloy ng pagbubuntis at sinusuri din kung may sakit sa dugo katulad ng (hemoglobin, platelets, red blood cells, atpb.) at mga iba pang mga sakit kagaya ng AIDS at rubella. |
Blood Type Test | Sinusuri ang ABO blood type at Rh factor. Ang Rh-negative na mga buntis na ay binibigyan ng Rh-immunoglobulin sa pang 28 na linggo ng pagbubuntis. |
Pagsusuri ng Syphilis | Ito ang pinaka karaniwang sanhi ng pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan kaya naman sinusuri ito. |
Pagsusuri ng Hepatitis | Ito ang pag-check kung may hepatitis ang buntis. Ang hepatitis B ang nagiging problema kapag nagbubuntis dahil puwedeng mahawa ang sanggol habang naglalabor sa pamamagitan ng placenta. |
Pagsusuri ng Ihi (Urinalysis) | Sinusuri kung may Diabetes mellitus(sugar), protein, at UTI ang nagdadalang-tao. |
Pag-Ultrasound | Sa pamamagitan ng pagsusuri na ito, nakikita ang pagdevelop ng sanggol sa sinapupunan, lokasyon, laki, at nakikita din kung may problema (deformities) sa sanggol. |
03Mga Dapat Tandaan Para Makapagsilang ng Malusog na Sanggol
- Ang malusog na sanggol ay isinisilang ng malusog na ina. Kinakailangan na may malusog na pangangatawan kung ikaw ay nagpaplanong magbuntis. Ngunit kung ang estado ng iyong kalusugan ay hindi maganda at kasalukuyang nagdadalang-tao na, kinakailangan mong magpakonsulta sa doktor
- Huwag uminom ng mga gamot. Ang gamot ay dapat iwasan sa panahon ng pagbubutis. Ang gamot ay maaaring magkaroon ng malubhang epekto sa sanggol, lalo na at sa unang yugto ng pagdadalang-tao ay dito nabubuo ang mga kamay ng sanggol, paa, puso, central nervous system at iba pa. Kaya kinakailangan nang higit pang pag-iingat. Sa kaso ng mga malalang sakit tulad ng diabetes at mataas na presyon ng dugo, pagkakaroon ng matinding lagnat sa loob ng mahabang panahon sanhi ng impeksyon, at iba pang sakit na maaaring magdulot nang malubhang sakit sa nagdadalang-tao at sa sanggol sa sinapupunan kung hindi ito magagamot agad, kinakailangang agad na magpakonsulta sa doktor at ipagamot ito agad.
- Iwasan ang pag-inom ng alkohol o paninigarilyo. Ang alak ay may malakas na sangkap na nagdudulot ng abnormalidad (malformation) ng mga sanggol sa sinapupunan, at maaari itong humantong sa pagkakaroon ng “alcohol childbirth syndrome”. Kaya huwag uminom ng alak sa panahon ng pagbubuntis. Ang paninigarilyo ay pumipigil sa maayos na paglaki ng sanggol, kaya maaari itong magdulot ng pagkakaroon ng mababang timbang ng sanggol (low birth-weight infant). Samakatuwid, mas makakabuti kung titigilan ninyo na ang paninigarilyo bago ang pagbubuntis.
- Kumunsumo ng sapat na mga calories, protina, mineral at bitamina. Kung kayo ay kumakain ng regular, hindi na kailangan pa ng karagdagang nutritional supplements. Kung walang problema sa nutrisyon ang nagdadalang-tao, madagdagan ang kanilang timbang ng 1kg sa bawat buwan sa unang 4 na buwan ng pagdadalang-tao. 2kg naman ang madadagdag sa kanilang timbang sa huling 6 na buwan ng pagbubuntis. Samakatuwid, halos 13kg ang madadagdag sa kanilang timbang sa buong panahon ng pagbubuntis. Sa kabilang banda, kinakailangan nilang uminom ng iron supplements simula sa ika-5 buwan ng pagbubuntis. Sa pag-inom ng iron supplement nang walang laman ang tiyan, mas mapapadali ang absorption ng ibang nutrients. Ang mga kababaihang nasa tamang edad na ng pagbubuntis ay kailangan ding uminom ng folic acid araw-araw para maiwasan ang pagkakaroon ng “Canalis neuralis.”
- Nagiging matigas ang dumi ng mga nagbubuntis dahil hindi na masyadong gumagalaw ang bituka. At dahil sa paglaki ng matris, naiipit ang mga bituka ng nagdadalang-tao kaya naman nakakaranas sila ng pagtitibe (constipation). Para maiwasan ang pagkakaroon ng constipation, subukan ang mga sumusunod : kumain ng maraming prutas at gulay, uminom ng maraming tubig at mag-ehersisyo ng regular
- Iwasan ang mga mabibigat na gawain. Hindi naman kinakailangang pigilan ang mga nagdadalang-tao sa pag-eehersisyo. Mas makakabuti nga kung gagawin araw-araw ang hindi masyadong mahirap na ehersisyo. Subalit, kailangang iwasan ang mga bagong (hindi nakasanayang) ehersisyo o kaya naman ay biglang magsagawa ng mahihirap na ehersisyo. Kailangan ding iwasan ang mga mapapanganib na gawain gaya ng sobra-sobrang pagtatrabaho, pag-akyat sa matataas na lugar at iba pa.
- Inirerekumenda ang bakuna ng Influenza kahit ilang buwan o linggo pa ang buntis.
Kung ang isang buntis ay nagkasakit ng flu, mas mataas ang tsansa kaysa sa pangkalahatang populasyon na magkaroon ng komplikasyon tulad ng pulmonya kaya kinakailangan ang pag-iwas at inirerekomenda ang pagbabakuna - Kung kinakailangan ng nagdadalang-tao na umupo sa loob nang mahabang panahon, makakabuti kung maigagalaw niya ang kaniyang mga binti ng isang beses sa loob ng isang oras para sa maayos na sirkulasyon ng dugo.
- Madalas na makaranas ng edema (pamamaga) ang mga nagbubuntis dahil naiipit ang ugat sa ibabang bahagi ng katawan lalo na ang ugat na nasa balakang. Nakakatulong ang pagtataas ng binti upang maibisan ang edema. Subalit maaari ring magdulot ng “gestational hypertension” ang edema kaya’t suriin ang inyong blood pressure kung nakakaranas pa rin kayo nito sa mga huling buwan ng pagbubuntis.
- Ang vaginal secretion ay tumataas kapag nagbubuntis. Ito ay dahil tumataas din ang inilalabas na mucus sanhi ng pagtaas ng hormonal levels. Normal lamang ito at hindi ito isang uri ng sakit.
- Tumanggap ng regular na pagsusuring medikal (medical check-up). Tumanggap ng regular na pagsusuring medikal ayon sa payo ng iyong doktor. Dapat sumailalim sa pangangalaga bago manganak habang nagdadalantao sa pamamagitan ng mga institusyong medikal. Sa ganitong paraan, matutuklasan at mahahadlangan ang mga delikadong salik na makakaapekto sa iyo at sa iyong anak.
Mahalagang Impormasyon
Pangangalaga sa mga Nagdadalang-tao ng mga Koreano (Korean Prenatal Care)
Naniniwala ang mga Koreano na ang ugali at pag-iisip ng isang ina habang nagbubuntis ay makakaapekto sa mental, emosyonal at pisikal na aspeto ng sanggol. Ang pangangalaga bago manganak ay tinatawag na “tae-gyo.” Ayon sa tradisyon, dapat mag-ingat ang nagbubuntis sa lahat ng kaniyang kilos, iwasan ang pag-iisip ng masama at pagkilos nang walang pakundangan. Dapat siyang magsalita at kumilos ng malumanay Para magluwal ng malusog na anak. Maraming mga limitasyon sa mga maaring kainin at sa paraan ng pag-iisip at pagkilos. Para sa mga migranteng kababaihang ina, ang mga payo sa pangangalaga bago manganak mula sa pamilya ng asawa ay maaaring magmukhang panghihimasok at maaaring magdulot ng matinding tensiyon. Gayunpaman, maaaring nag-uugat lamang ito sa pagkakaiba ng kultura kaya’t mahalagang pag-usapan ito ng maayos upang mabigyang solusyon ang problema. Inirerekomenda din ang aktibong partisipasyon ng mga mister na tumulong sa “taegyo” para sa masayang pagbubuntis at panganganak ng asawa.
04 Serbisyo para sa mga Nagdadalang-tao mula sa Health Center
Makakatanggap ang mga buntis (kabilang ang mga imigranteng dahil sa pag-aasawa) ng serbisyong pangangalaga ng kalusugan sa sentro ng pampublikong kalusugan.
Lalo na, nangangailangan ang mga buntis na may mataas na panganib ng ipinag-uutos na pangangalaga sa alinman sa mga sentro ng pampublikong kalusugan o mga pasilidad para sa pangangalaga ng kalusugan.
- Mapanganib na Pagbubuntis : Kinakailangan nang higit na pag-aaruga sa mga nanay na nagdadalang-tao, lalo na iyong may edad na o napakabata pa (may edad 20 taong gulang pababa o 35 taong gulang pataas). Gayundin Para sa mga kababaihang may kumplikasyon sa pagbubuntis gaya ng mga nakaranas ng preterm labor, pagdudugo sanhi ng panganganak, o iyong may malalang “preeclampsia,” o iyong mga nanganak ng sanggol na kulang sa buwan (premature baby) o sa batang may congenital defect.
(1)Pagsusuri Bago ang Panganganak
Maaaring kumuha ng mga sumusunod na pagsusuri (tests) ang mga nagdadalang-tao : maagang pagpapasuri (early diagnosis) Para sa pagbubuntis, pagsusuri ng ihi (diabetes, protina) at pagsusuri ng dugo (hemoglobin, reb blood cell, white blood cell, serologic test Para sa sakit na syphilis, hepatitis, blood type). Maaari rin kayong makatanggap ng prenatal test Para sa mga nagdadalang-tao sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa pampublikong health center (ang mga inihahandog na uri ng pagsusuri ay maaaring magkakaiba sa bawat sentro).
(2)Seminar sa Paghahanda sa Panganganak
- Mayroong mga klase Para sa pagpapasuso, ehersisyo Para sa mga nagbubuntis, paghahanda Para sa panganganak, pagmamasahe ng sanggol, at iba pa.
- May mga rehiyong nagpaparenta ng mga libro, CDs at mga video na may kaugnayan sa pagdadalang-tao, edukasyong prenatal at panganganak.
- Ang mga pang-edukasyon na programa ay inihahandog ng bawat lokal na munisipalidad, kaya naman maaaring may pagkakaiba sa mga nilalaman ng programang ito.
(3) Iron Supplements
May karapatan ang mga buntis na nagparehistro sa mga pampublikong sentrong pangkalusugan noong mahigit 16 na linggo ng pagbubuntis na makatanggap ng iron supplements sa loob ng 5 buwan.
(4)Suporta sa Folic Acid
May karapatan ang mga buntis o mga kababaihang naghahanda para sa pagbubuntis na nagparehistro sa mga pampublikong sentrong pangkalusugan na makatanggap ng folic acid supplements sa loob ng 3 buwan bago at pagkatapos ng pagbubuntis.
(5)Pampinansiyal na Suporta Para sa Medikal na Gastusin ng mga Kababaihang May Mapanganib na Pagdadalang-tao
Ito ay isang proyekto na nagbibigay ng pinasyal na suporta na hanggang KRW 3,000,000 sa mga gastosing medikal na hindi saklaw ng national insurance sa mga buntis na nasa matas na panganib na pagbubuntis (ika-19).
- Karapat-dapat sa suporta: Mga buntis na nakitaan ng isa sa 19 na pangunahing mataas na panganib ng sakit sa pagbubuntis * at nasa pagamutan para magpagamot
- Premature labor, pagdurugo, mayroong panganib ng preeclampsia, premature rupture o pagkasira ng lamad, placental abruption, placenta previa, imminent abortion, sobrang dami ng amniotic fluid o hydramnios, kakulangan sa amniotic fluid o oligohydramnios, incompetent cervix, pagduro ng genital tract o antepartum hemorrhage, hypertension, multiple pregnancies, diabetes, hyperventilation na may metabolic disorders, sakit sa bato, sakit sa puso, limitadong paglaki sa bahay bata, at sakit sa matris.
- Nilalaman ng Suporta: 90% ng kabuuang gastos at hindi medikal na gastos (Hindi kabilang ang bayad sa pagpapaospital at mga natatanging pagkain para sa mga pasyente), at mga iba pang gastusin sa paggamot ng nasa mapanganib na buntis sa loob ng ospital (hanggang KRW 3,000,000).
- Pamamaraan ng aplikasyon: Mag-aplay online gamit ang lagusan ng pampublikong kalusugan ng sentro ng pampublikong kalusugan o sentrong e-kalusugan na sakop ng tirahan ng buntis na nakasaad sa pagpaparehistro bilang residente, o app na Aimajung (prenatal/postpartum) sa loob ng anim na buwan mula sa petsa ng panganganak, na hinahanda ang mga kinakailangang dokumento.
- Mga kinakailangang dokumento: 1 kopya ng papel para sa aplikasyon, 1 kopya ng sertipikong medikal (kabilang ang pangalan at palahudyatan ng sakit), kumpirmasyon ng pagpapaospital/paglabas, resibo ng gastusing medikal, 1 kopya ng pahayag ng detalyadong gastusing medikal, 1 kopya ng pagpaparehistro bilang residente, 1 kopya ng account para sa pagdedeposito ng tulong-salapi (pangalan ng taong karapat-dapat sa suporta), mabisang anyo ng ID ng aplikante, atbp.
(6)Proyektong Nutrition Plus
Ito ay isang proyekto na pinamamahalaan ng Ministry of Health and Welfare kung saan nagbibigay ng mga pag-aaral patungkol sa nutrisyon at pagpapayo sa mga nagdadalang-tao at bata na may panganib patungkol sa kanilang nutrisyon o nutritional risk factor, at maging pagbabahagi ng mga food supplement upang mapabuti ang kanilang nutritional risk factor at magkaroon ng sariling kakayahan na pamahalaan ang kanilang kalusugan o diet management.
영양플러스 사업 표 : 구분, 지원내용을 포함한 표입니다. Kategorya | Detalye ng Ibinibigay na Tulong |
Mga Kwalipikadong Mamamayan | - Sino :
- bata (Mas bata sa edad 6 hanggang 72 buwan pagkasilang), ang mga nagdadalang-tao, mga kababaihang kapapanganak pa lang at nagpapasuso
- Pamantayan para sa residensiyal na distrito :
- kaukulang pampublikong health center na nakakasakop sa inyong lugar
- Sa mga international marriage, kinakailangan na at least 1 sa mga magulang ay may Korean citizenship.
- Antas ng kita :
- 80% pababa ng pamantayang kita ayon sa laki ng pamilya
- Dahilan ng malnutrisyon :
- anemya, mababang timbang, mahinang paglaki, at mahinang pag-inom ng nutrisyon
|
Nilalaman ng Suporta | - Paghahandog ng mga pakete ng pandagdag na masusustansyang pagkain:
Pinaghahati-hati ang kanin, patatas, itlog, carrot, gatas, black bean, seaweed, de-latang dibdib ng manok, tangerine, atbp., sa 6 na pakete ng pagkain ayon sa mga katangian ng ikot ng buhay, at inihahandog ang naaangkop na pagkain nang libre (paghahatid sa bahay 1 o 2 beses kada buwan). Klase tungkol sa Nutrisyon at Paghahandog ng Konsultasyon - Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng mga salik sa malnutrisyon na maaaring pinagdadaanan ng sanggol o kaya ng kanyang magulang, maaari silang makatanggap ng indibidwal na pagpapayo, panggrupong edukasyon, visit home education services, at online education.
- Isinasagawa ito nang hindi bababa sa isang beses sa isang buwan
|
Paraan ng Aplikasyon | - Lugar ng pagtanggap :
- Bumisita sa sentro ng pampublikong kalusugan sa iyong lugar ng tirahan o mag-aplay online (Tulong-salapi 24) (Kung ang iyong aktuwal na tirahan ay iba sa nakasaad sa iyong pagpaparehistro bilang residente, o kung ang lolo/lola o nauugnay na tao ang nag-aaplay, kinakailangan ang personal na aplikasyon)
Kinakailangang dokumento - Dokumentong magpapatunay ng bilang ng miyembro ng pamilya : kopya ng Resident Registration Certificate at Certificate of Family Relations
- Dokumentong nagpapakita ng kita (income) : resibo ng bayad sa premium ng health insurance, health insurance card, dokumentong nagpapatunay ng kaangkupan sa basic living support o suporta Para sa mga mamamayang may mababang kita (kung mayroon)
- Iba pang dokumento : dokumentong nagpapatunay ng pagdadalang-tao o panganganak : handbook ng mga nagdadalang-tao, sertipikong medikal at opinyon ng doktor (bago ang panganganak), sertipiko ng kapanganakan (matapos ang panganganak)
|
sinasagawa ito sa halos lahat ng pampublikong sentro ng kalusugan sa buong bansa maliban sa Ongjingun (Incheon) at Ulleungdo (Gyeongsangbuk-do), maaari kayong makakuha ng impormasyon tungkol dito sa pamamagitan ng pagbisita sa pampublikong health center na may kapangyarihan sa iyong lugar sa tao, o sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono.
(7)Ang proyektong sumusuporta sa pagbabakuna ng Influenza sa mga buntis
Ang proyektong ito ay upang maiwasan ang pagkaroon ng flu ng mga buntis at mga fetus sa pamamagitan ng pagbabakuna.
- Mga nararapat mag-apply: Mga buntis (kahit ilang linggo o buwan ang dinadala)
- Dokumento na nagpapatunay ng pagiging buntis (tulad ng diary o handbook ng buntis)
- Mga Nilalaman : 1 beses na bakuna sa flu
- Institusyon kung saan magpabakuna: Pampublikong Health Center o Ospital o Klinika na may kaugnayan sa gobyerno
- Maaring magpabakuna sa kahit saang Pampublikong Health Center o Ospital o Klinika na may kaugnayan sa gobyerno, hindi kinakailangang sa lugar kung saan nakatira ang buntis, para makita ang mga Ospital o Klinika na may kaugnayan sa gobyerno na puwedeng magpabakuna, maaaring tingnan sa website (https://nip.cdc.go.kr) → Bakuna para sa mga Bata → Isearch ang klinika o ospital (maaari din na makita sa pamamagitan ng paggamit ng mobile app)
05Panganganak
Maaaring manganak ang mga nagdadalang-tao sa OB/GYN offices o sa mga ospital. Kahit na ang mga kababaihang nakakatanggap ng serbisyong pag-aalaga sa mga pampublikong health center ay kailangang pumunta sa OB/GYN hospital para doon manganak. Kinakailangang maghanda nang mabuti bago ang panganganak upang maiwasan ang pagpa-panic. Dalawa sa pinakapangkaraniwang paraan ng panganganak ay ang “natural na panganganak” at ang “caesarean section (c-section)”
(1)Natural na Panganganak
- Ang normal na paraan ng panganganak ay ang pagdaan ng sanggol sa ari ng babae ng walang tulong na gamot o mga makina. Maaaring hiwain ang perinyal na rehiyon upang mapadali ang panganganak.
- Kung hindi pa nailuluwal ang sanggol matapos ang ilang oras ay may ibinibigay na stimulant upang mapabilis ang panganganak. Maaaring umabot ng 10 oras ang panganganak kung ito ang unang sanggol, at maaaring umabot ng 5 oras ang panganganak sa susunod na sanggol.
- Bagaman masakit ang panganganak sa natural na paraan, kaagad ding mawawala ang sakit matapos ang panganganak at ito ang pinakamagandang pamamaraan. Isa pa, sa ganitong paraan, mas makakatipid din kayo sapagkat mako-confine lamang kayo sa maikling panahon (2~3 araw).
(2)Caesarean Section (C-Section)
- Kinakailangang gawin ang C-section kapag hindi posibleng manganak sa natural na pamamaraan. Ginagawa ito sa mga delikadong sitwasyon tulad ng maagang panganganak, kapag maliit ang balakang ng ina, o mga sanggol na nakabaligtad ang posisyon.
- Ang C-section ay isang klase ng operasyon at maaaring magkaroon ng mga komplikasyon. Kung kaya’t inirerekomendang manganak sa natural na paraan maliban lamang kung wala ng ibang Paraan.
- Kailangan na manatili sa ospital ng humigit-kumulang sa isang linggo matapos ang panganganak at mas mahal kumpara sa natural na paraan ng panganganak.
Maaaring makatanggap ng serbisyo sa pagsasaling-wika at interpretasyon sa pamamagitan ng pakikipagugnayan sa mga sentrong tumutulong sa mga multikultural na pamilya gaya ng Danuri Helpline (☎1577-1366) at mga Multicultural Support Center, Foreign workers support center at iba pampublikong ahensiya.
06Suportang first meet-up coupon
Para sa mga bagong-silang na sanggol, inihahandog ang first meet-up coupon na nagkakahalaga ng KRW 2 milyon upang maibsan ang pasaning pananalapi mula sa pag-aalaga ng sanggol na anak.
- Pagiging Karapat-dapat :
- Mga sanggol na ipinanganak pagkatapos ng Enero 1, 2022 at may numero ng pagpaparehistro bilang residente na karaniwang nakukuha sa pamamagitan ng pagpaparehistro ng kanilang kapanganakan;
- Mayroong Koreanong nasyonalidad* (kabilang ang mga taong maraming nasyonalidad at iyong may istadong takas** alinsunod sa Batas sa Takas);
- Kung may Koreanong nasyonalidad ang mga bagong-silang na sanggol kahit dayuhang mamamayan ang parehong magulang, itinuturing na natutugunan nila ang mga kinakailangan.
- Hindi kabilang kung nasa ilalim ng pagsusuri ng Aplikasyon para sa Pagkilala ng Istadong Takas
- Sa kaso ng mga sanggol na ipinanganak sa ibang bansa, iniisyu ang numero ng pagpaparehistro bilang residente pagkatapos tingnan ang istado ng kanilang pananatili sa Korea (Manwal ng tanggapan ng pagpaparehistro bilang residente sa 2020).
- Mga “espesyal na itinalagang taga-ambag” alinsunod sa Batas sa Pagtrato sa mga Dayuhang Naninirahan sa Republika ng Korea;
- Mga sanggol na nakatanggap ng numero ng pamamahala sa kompyuter ng panlipunang kagalingan bago ang pagpaparehistro ng kapanganakan at kung sila ay nasa pasilidad ng ampunan ng mga bata alinsunod sa Artikulo 52 (1) 1 ng Batas sa Pambatang Kagalingan o sa ilalim ng pamprotektang hakbang at pabahay na pangkomunidad alinsunod sa Artikulo 52 (1) 4 ng parehong Batas.
- Halaga ng Suporta :
- Nag-iisyu ng Tarhetang Kaligayahan ng Mamamayan (puntos) na nagkakahalaga ng KRW 2 milyon kada bagong-silang na sanggol sa prinsipyo, nguni’t gumawa ng kataliwasan (kuwarta) sa ilang mga kasong hindi maiiwasan;
- Paraan ng Aplikasyon :
- (walk-in) mga administratibong sentro ng kagalingan sa Eup, Myeon, o Dong, (online) Pamahalaan 24, bahay-pahina ng Bokjiro;
- Epektibong Panahon :
- isang taon mula sa petsa ng kapanganakan ng sanggol (petsa ng pagpaparehistro bilang residente;
- Awtomatikong mapapaso ang mga puntos na inisyu at hindi ginamit sa loob ng panahon sa pagtatapos ng balidong petsa at hindi madadala sa susunod na panahon;
- (hal) Sa kaso ng isang sanggol na ipinanganak noong Abril 27, 2022, magagamit ang voucher hanggang Abril 26, 2023 at awtomatikong mapapaso mula 00:00 sa Abril 27, 2023.
- Maliban sa mga bata sa bahay-ampunan na nakatanggap ng kuwarta sa pamamagitan ng Didim Seed Bankbook;
- Dahil ang petsa ng simula ng pagbabayad ay Abril 1, 2022, bilang pagbubukod, para sa mga panganganak sa pagitan ng Enero at Marso 2022, magagamit ito mula Abril 1, 2022 hanggang Marso 31, 2023.
- Saklaw ng Gamit :
- Magagamit sa lahat ng negosyo (kabilang ang mga pagbili online), maliban sa mga tindahang walang buwis at mga industriyang sugalan at aliwan*
- Magagamit sa iba’t ibang lugar maliban sa mga negosyo sa itaas dahil naglalayon ang voucher na maibsan ang pasaning pangkabuhayan ng mga pamilyang may mga bagong-silang na sanggol
- (Mga hindi kasamang negosyo) Mga negosyong aliwan (general pubs, mga bulwagang sayawan at inuman, draft beer joints, iba pang mga tindahan ng alak), mga negosyong sugalan (casino, loterya, silid laruan), mga pangkalinisang pasilidad (massage parlor, facial massage, sauna), mga negosyong libangan (video rooms, mga silid kantahan, atbp.), iba pa (mga produktong pangmatanda, mga sertipikong regalo), mga tindahang walang buwis, mga elektronikong tarhetang regalo, atbp.
- Ayon sa tatlong pag-uuri ng Pamantayang Kodigo ng Industriya ng Korea, umaayon sa paggamit ng mga malinis na tarheta ng pampublikong ahensiya