Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Pamumuhay at Kultura ng Pamilya

  • Home
  • Kultura at Pamumuhay sa Korea
  • Pamumuhay at Kultura ng Pamilya

Pamumuhay at Kultura ng Pamilya

01Katangian ng Pamilyang Koreano

Natatangi ang buhay pamilya sa Korea. Ang mga migranteng kasal sa Koreano na nakakaunawa sa katangian ng pamilyang Koreano ay mas madaling makibagay sa kanilang bagong pamilya, at maunawaan ang kultura sa Korea. Magkakaiba ayon sa pamilya at rehiyon ang kultura ng bawat pamilya. Gayunpaman, ang kultura ng Korea ay base sa Confucianismo. Ang kultura ng pamilya ng Korea ay may pagkakahalintulad sa mga bansang sakop ng kulturang Confuncianismo, subalit mabilis ang ipinagbago nito sa pagsulong ng industrialisasyon.

(1) Relasyon sa Pamilya

  • Ang isang pamilyang nagkakasundo ay kasing halaga ng kaligayahan ng bawat miyembro ng pamilya.
  • Mahalaga sa loob ng pamilya ang herarkiya. Dapat turuan ang mga bata na rumespeto sa mas nakatatanda at magalang na ipahayag ang kanilang mga opinyon. Laging itinuturo sa mga kabataan ang paggalang sa mga magulang, lolo at lola, at iba pang nakakatandang kamag-anak.
  • Sa ibang sitwasyon, may mga matatandang anak na kasamang nakatira at nagbibigay ng suporta sa kanilang mga matatandang magulang, ngunit sa kasalukuyan ay patuloy na tumataas ang bilang ng mga matatandang magulang na bumubukod ng tirahan at sariling itinataguyod ang kanilang sarili, kasama ang kanilang asawa.
  • Ang pagkakaiba-iba ng pamilya ay patuloy na nagbabago dahil sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng pagkakaroon ng iba’t ibang lipunan at pagbabago ng kamalayan, at iba pang mga kadahilanan. Patuloy na tumataas ang bilang ng pagtanggap sa indibidwal at panlipunan na pagkakaiba ng uri ng pamilya tulad ng single-parent na pamilya, pamilya ng mga matatanda o grandparent family, multikultural na pamilya, adoptive family, mga ikinasal muli o remarried family, single-person na pamilya at iba pa.

(2)Relasyong Mag-asawa

  • Mahalaga ang relasyon ng mag-asawa, gayundin ang iyong papel bilang isang magulang. Mas mahaba ang panahong gugugulin bilang isang pamilya kaysa bilang mag-asawa.
  • Kinakailangan na magkaroon ng maayos na pag-uusap ang asawang lalaki at asawang babae upang magkasamang makabuo ng desisyon tungkol sa mga usaping may kinalaman sa pamilya, at masasabing patuloy na tumataas ang pananaw patungkol sa pag-unawa sa responsiblidad ng babae at lalaki patungkol sa suporta para sa pamilya, pangangalaga ng mga anak, at gawaing bahay.
  • Ang pagkakaroon ng mataas na antas ng kasiyahan o satisfaction sa maayos na pag-uusap o komunikasyon ng bawat mag-asawa, at pagkakaroon din ng mataas na antas ng kasiyahan o satisfaction sa pangangalaga ng mga anak ay nangangahulugan o sumisimbolo sa pagkakaroon ng mataas na antas ng kasiyahan o satisfaction sa pangkalahatang relasyon ng mag-asawa.

(3)Pagsasanay sa Buhay May-pamilya

Sa pamamagitan ng pag-aasawa o pagpapakasal, ang mga indibidwal na may pagkakaiba sa relasyon ng pamilya, paraan ng pamumuhay at paraan ng pag-iisip o pag-unawa ay nagiging isang pamilya. Sa kadahilanang ito, mahalaga na mapag-usapan o maisaayos ang pagkakaiba ng pananaw sa paraan ng pamumuhay sa simula pa lamang ng buhay mag-asawa. Masasabing ang 2 tao na kabilang sa international marriage na may pagkakaiba ng background o pinagmulan na kultura ay may mas malaking pagkakaiba sa pananaw sa paraan ng pamumuhay patungkol sa buhay may-pamilya. Kung sakaling nakakaranas ng kahirapan sa usaping buhay may-pamilya dulot ng pagkakaiba ng paniniwala ng asawa, ang mga sumusunod ay ilan sa mga iminumungkahing mga pamamaraan.


  • Magsusumikap na intindihin ang magkabilang kultura ng pamilya
  • Tanungin ang iyong asawa o ang kanyang mga magulang tungkol sa mga tradisyon ng kanilang pamilya
  • Idaan sa pag-uusap ang mga problema ng pamilya
  • Huwag mag-isang hanapin ang solusyon kundi humingi ng tulong sa mga taong nasa iyong paligid
  • Maaaring gamitin ang serbisyo ng tanggapan ng mga propesyonal na tagapayo na Danuri Call Center (☎1577-1366)
  • Kung hindi mo mareresolba ang problema sa mga paraang nasa itaas, mas mainam na kumonsulta sa isang propesyonal na tagapayo. Humingi ng tulong sa malapit na multicultural family support center, Danuri Helpline (☎1577-1366).

02Kagandahang Asal sa Paggamit ng Wika

Iba’t ibang mga titulo o panawag ang ginagamit upang magpakita ng galang sa mga tao. Ang mga pangalang ugat sa wikang Koreano, gayundin ang mga pangalan na ugat sa wikang Tsino, ay parehong ginagamit sa panawag o titulo. Ang maling paggamit ng panawag o titulo ay maaaring magpakita ng kawalang-galang na siyang magdudulot ng hinanakit sa iba. Dahil dito, ang maling paggamit ng titulo o panawag sa isang tao ay nagdudulot ng pagpapakita ng kabastusan ng isang tao kung kaya’t kinakailangan ng pag-iingat sa paggamit nito. Sa Korea, gumagamit sila ng ‘titulo’ bilang magalang na Paraan sa pagtawag sa isang tao. Gumamit din sila ng iba pang mga ‘panawag o designations’ Para magpakitang galang sa kausap.

(1)Antas ng Paggalang at Hindi Pormal na Pananalita

Sa Korea, may kaunting pagkakaiba sa wika depende sa edad, relasyon at katayuang panlipunan ng tao. Ang antas ng paggalang ay ginagamit sa mga mas nakatatanda at ang hindi gaanong pormal na wika ay ginagamit sa mga mas nakababata.

  • Kung ikaw ay nakikipag-usap sa nakatatanda, o sa publiko, kailangang gamitin ang mga salita ng paggalang.
  • Gamitin ang normal na antas ng pananalita kapag nakikipag-usap sa isang kaibigan o mas nakababata sa iyo.
    Halimbawa>
    Bap meokta ‘Kain tayo.’ (karaniwang salita)
    Jinji japsusida ‘Kain po tayo.’ (salitang paggalang)
    Gomawo ‘Salamat.’ (karaniwang salita)
    Kamsadeurimnida ‘Salamat po.’ (salitang paggalang)
    Jal isseo ‘Ingat.’ (karaniwang salita)
    Annyeonghi kyesipsiyo ‘Ingat po kayo.’ (salitang paggalang)

03Mga Mahahalagang Araw ng Pagdiriwang Kasama ang Pamilya

Sa buhay may-pamilya, maraming mga mahahalagang okasyon tulad ng mga kaarawan, kasal, at pagkamatay ng mga miyembro ng pamilya at kaibigan. Ang mga ito ay mahalaga sa indibidwal at sa pamilya, upang makasama ang mga miyembro ng pamilya sa ganitong mga klase ng okasyon.

(1) Kapanganakan

  • Baekil (Ika-isandaang Araw) : Sa Korea, ang ika-isandaang araw mula nang ipinanganak ang sanggol ay malawakang ipinagdiriwang. Ang kahulugan ng numerong 100 ay ang pagiging kumpleto. Ang mga tipikal na inihahandang pagkain sa ganitong okasyon ay pinasingawang keyk na gawa sa malagkit (“tteok”), keyk na may pulot-pukyutan na gawa sa pulang beans, at sabaw na may damong-dagat (“miyeokguk”). Binibilhan ng mga bagong damit ang sanggol at nagsasama-sama ang pamilya upang ipagdiwang ang espesyal na araw na ito.
  • Unang kaarawan : Ang mga kamag-anak at mga kaibigan ay iniimbitahan sa isang salo-salo para sa unang kaarawan ng bata. Sa araw na ito, sinusuotan ng tradisyunal na damit (“hanbok”) ang bata at naghahanda sila ng espesyal na lamesang puno ng handa para sa unang kaarawan ng bata. Kadalasan ang inilalagay na handa dito ay mga tradisyunal na pagkain gaya ang “baekseolgi” (puting kakanin), “songpyeon” (half-moon shaped rice cake), at “susukyungdan” (uri ng rice cake na gawa sa honey). Sa mga ito, bilang simbolo ng pagkakaroon ng malusog na kalusugan at kasaganaan ng bata, pinapapili nila ang bata kung anong bagay ang nais niya, at kasama din kung minsan dito ang mga espesyal na pagkain at binibigyan naman ng mga magulang ang bata ng basbas o regalo. Ngayon madalas na ring gawin ang unang kaarawan ng mga bata sa mga restoran at sila na ang naghahanda para rito kaysa sa mga magulang.
  • Kaarawan : Ito ay selebrasyon para sa kapanganakan. Para sa mga nakatatanda, ang tawag sa kanilanng kaarawan ay “saengshin”. Sa Korea, niluluto ang sabaw na may damong-dagat (“miyeokguk”) para sa agahan sa araw ng kaarawan. Minsan, inaanyayahan din nila ang mga kamag-anak at kaibigan upang makisalo sa okasyon. Naghahanda ng regalo o pera ang mga dumadalo.
  • 현대식 돌상차림
    < Ang Inihaing Mesa Para sa Unang Kaarawan >

(2)Kasal

Mayroong tradisyunal at modernong kasalan sa Korea. Sa kasalukuyan, hindi na masyadong isinasagawa ang tradisyunal na kasalan at mas madalas na ang pagsasagawa ng modernong kasalan. Isinasagawa ang modernong kasalan sa wedding halls, hotel, simbahan, templo, atbp. Para sa okasyon ng pagsasagawa ng sermonya ng kasal, nagsusuot ng tuxedo ang lalake at ang babae naman ay nagsusuot ng puting gown. Kahit sa makabagong pamamaraan ng pagsasagawa ng seremonya ng kasal, idinaraos pa din ang seremonya ng pagpapakilala ng mga magulang at kaanak ng mga bride at groom na kahalintulad nang sa tradisyonal na sermonya ng kasal. Ang pagsasagawa ng nasabing seremonya ng pagpapakilala ay tinatawag na ‘pyebaek'.

(3)Hoegap at Gohiyeon (Seremonya sa Paghiling ng Mas Mahaba Pang Buhay

  • Hoegap : Ito ay ang pagdiriwang ng ika-60 kaaarawan (61 taong gulang sa Korean age). Ang pagdiriwang na ito ay inihahanda ng mga anak para sa kanilang mga magulang upang ipagdiwang ang kanilang malusog at mahabang buhay. Malalim ang kahulugan nito dahil dati ay relatibong maikli ang buhay ng mga matatanda sa Korea. Kaya naman kapag umabot sa edad na 60 taong gulang ang matanda ipinagdiriwang nila ito sa pamamagitan ng simpleng selebrasyon. Kung dati isinasagawa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsasalo-salo, ngayon ay mas pinipili na nilang ipadala sa ibang bansa ang mga magulang para makapaglakbay sila o kaya ay bigyan sila ng regalo o pera.
  • Gohiyeon : Ito ay ang pagdiriwang ng ika-70 kaaarawan (71 taong gulang sa Korean age). Kumpara sa ibang mga tao, higit na mas malaking pagdiriwang ang isinagawa at iniimbitahan nila ang mga kamaganak at malalapit na kaibigan para rito. Naghahanda din sila ng regalo para rito.

(4)Libing

Nagsusuot ang pamilya ng mga damit pangluksa habang dinadamitan nila ang namatay ng bistidura. Sa pangkalahatan, inihahanda na ang mga bistidura para sa mga nakatatanda habang sila ay buhay pa. Nagiiba ang mga bistidura sa bawat kabahayan at rehiyon. Sa ilang mga kaso, pinapasuot ang namatay ng damit na yari sa abaka, maaari itong kulay itim o puti. Dapat iwasan ng mga dadalaw sa munsang* ang pagsuot ng damit na may matitingkad na kulay at itim o puting bestida na lamang ang isuot. Sa munsang, dapat ay magbigay-galang at magdasal kasama ang naulilang pamilya. Nagbibigay din ng abuloy na pera ang mga tao bilang pakikiramay.

  • Munsang : Pagdalaw sa naulilang pamilya upang magpaabot ng pakikiramay.

(5)Mga Seremonya

Ang seremonya bilang paggalang sa namatay na mga magulang ay isinasagawa sa mismong araw ng kamatayan o sa gabi bago ang araw ng kamatayan. Ang mga taong bahagi ng seremonya ay nagsusuot ng simpleng kasuotan at dala-dala ang damdamin sa pagbibigay galang sa namatay. Ang pagsasagawa ng seremonyang ito ay maaaring may pagkakaiba-iba batay sa kultura ng pamilya at sa relihiyon na pinapahalagahan.

  • Taunang Seremonya Para sa mga Ninuno (“gijesa”) : Ito ay memorial service para sa mga ninuno. Isinasagawa ito sa gabi ng petsa ng pagkamatay ng ninuno. Kadalasan, isinasagawa nila ito para sa ninuno ng unang dalawang henerasyon ng pamilya.
  • Serbisyo Para sa Paggunita ng Pamilya (“Charye”) : Nagaganap ang ritwal na ito sa mga pista tulad bagong taon, Hansik, at Chuseok.
  • 기제사
    < Serbisyo Para sa Paggunita sa Namatay >
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”