Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Pangangalaga sa mga Bata at Early Childhood Education

  • Home
  • Pagdadalang-tao at Pangangalaga sa Bata
  • Pangangalaga sa mga Bata at Early Childhood Education

Pangangalaga sa mga Bata at Early Childhood Education

01Pangangalaga at Early Childhood Education

Ang mga bata ay maaaring dumalo o makatanggap ng edukasyon mula sa nursery o kindergarten bago pa man sila pumasok sa paaralang pang-elementarya.

(1)Day Care Center

  • Ang Day Care Center ang pasilidad na nagbibigay ng pangangalaga at edukasyon para sa mga batang nasa edad na 0 – 5 taong gulang. Ang mga ito ay itinalaga ng Ministry of Health and Welfare sang-ayon sa Article 10 (Uri ng Day Care Center) ng Infant Care Act
  • Ang mga oras ng serbisyong pag-aalaga ng bata ay batay sa Lunes hanggang Biyernes mula 07:30AM hanggang 7:30PM. Depende sa institusyon, inihahandog din ang mga pinalawig na panggabing pag-aalaga ng bata at 24 na oras na suportang pag-aalaga ng bata.
  • Ang nursery ay nagbibigay ng edukasyon na kailangan para sa kalusugan ng bata, kaligtasan, at naaakmang pamumuhay. Tinutukoy rin nila ang iba pang kailangan para sa pisikal, sosyal, lingguwistika, kognitibo at emosyonal na pag-unlad.
  • Nag-iiba ang buwanang gastos sa pag-aalaga ayon sa oras ng pag-aalaga, edad ng mga bata, at uri ng pasilidad ng paalagaan. Ang tulong ng pamahalaan para sa mga edad 0-2 taon (kabilang ang mga anak ng mga pamilyang multikultural) na pumapasok sa paaralang paalagaan ay nagkakahalaga ng KRW 364,000~499,000 depende sa edad ng bata. Ang tulong ng pamahalaan para sa mga edad 3-5 taon (kabilang ang mga anak ng mga pamilyang multikultural) na pumapasok sa paaralan ay nagkakahalaga ng KRW 280,000 kada buwan sa ilalim ng karaniwang kursong Nuri at KRW 532,000 para sa mga batang preschool na may kapansanan at edad 12 o mas bata.

(2)Kindergarten

  • Ang “kindergarten” ay tumutukoy sa mga pinapasukan na toddler schools ng mga batang nasa edad na 3~5 taong gulang.
  • Pangkaraniwan, ang edukasyunal na kurso at mga afterschool class ay isinasagawa mula 09:00 hanggang 17:00. Depende sa kalagayan ng kindergarten, ang ibang mga kindergarten ay ine-extend ang kanilang serbisyo mula 07:00 hanggang 22:00 para sa mga batang may magulang na nagtatrabaho.
  • Ang kindergarten ay nakatuon sa paghuhulma ng pangunahing mga demokratikong mamamayan sa pamamagitan ng pagtulong sa maayos na pag-unlad ng kalusugan at emosyon. Ang edukasyon ay ibinibigay base sa kurikulum na naglalaman ng 5 larangan : pagsasanay/kalusugan, komunikasyon, relasyong panlipunan, makasining na karanasan at likas na katangian ng pananaliksik. Ang kurikulum ay binubuo higit sa lahat ng pinagsamang edukasyon na nakatuon sa karanasan at aktibidad (tema) upang makatulong sa kumpletong pag-unlad ng indibidwal.
  • Para sa gastusing pang-edukasyon ng mga batang nasa edad na 3 ~ 5 taon, KRW 100,000 bawatbuwan ang inilalaan para sa pambansa/pampublikong kindergarten at KRW 280,000 bawat-buwan Para sa pampribadong kindergarten.
Mahalagang Impormasyon
Multicultural Education Policy School (Kindergarten)

Ang multicultural education policy school (kindergarten) ay isang itinalagang kindergarten school na nagbibigay suporta sa customized education tulad ng pag-aaral ng wika at pangunahing pag-aaral at iba pa na nakalaan para sa mga multikultural na bata na isinasagawa sa pamamagitan ng tinatawag na process course, at nagbibigay ng pag-aaral tungkol sa pag-unawa ng multikulturalismo sa lahat ng mga bata at magulang. May 131 kindergarten school sa buong bansa (batay noong 2018) na may nakatalagang multicultural education policy school (kindergarten), at maaaring malaman ang pinakamalapit na multicultural education policy school (kindergarten) sa lugar ng inyong tirahan sa pamamagitan ng tanggapan city•provincial education o sa portal ng Multicultural Education (www.edu4mc.or.kr).

02Suporta para sa mga singil sa pag-aalaga ng bata, mga singil ng mga paaralang pangsanggol, mga benepisyong pangmagulang, at mga sustento sa pagpapalaki ng bata sa bahay

Bago pumasok ng mababang paaralan, makakadalo ang mga sanggol at paslit (edad hanggang 5) sa mga sentro ng pang-araw na pag-aalaga ng bata (edad hanggang 5) o kindergartens (edad 3 hanggang 5), at naghahandog ang pamahalaan ng libreng pag-aalaga ng bata o matrikula sa preschool na katugon ng bawat edad.
Para sa mga batang hindi dumadalo sa mga sentro ng pang-araw na pag-aalaga ng bata o kindergartens, naghahandog ng mga benepisyong pangmagulang (salapi) at mga sustento sa pag-aalaga ng bata sa bahay upang ibsan ang pasaning gastos sa pag-aalaga ng bata.

(1)Mga Benepisyo sa Pag-aalaga ng Bata

Ang nursery ay isang institusyong nagbibigay ng pag-aalaga sa mga batang nasa edad 0 – 5 taong gulang. Kapag ang isang bata ay naka-enrol sa isang nursery, tinutugunan ng gobyerno ang lahat ng gastusin dito.

Sino ang maaaring makatanggap ng Suporta

Ang isang batang nasa preschool na nasa edad na 0~5 taong gulang at hindi pa pumapasok sa elementary school ay maaaring makatatanggap ng benepisyo ukol sa pangangalaga para sa mga bata tulad ng mga sumusunod na nakatala sa ibaba.

  • Anuman ang antas ng kita ng pamilya ng mga bata, ang tulong ng pamahalaan para sa mga 0-2 taong gulang (kabilang ang mga anak ng mga pamilyang multikultural) na pumapasok sa paaralang paalagaan ay nagkakahalaga ng KRW 364,000~499,000 depende sa edad ng bata. Ang tulong ng pamahalaan para sa mga edad 3-5 taon (kabilang ang mga anak ng mga pamilyang multikultural) na pumapasok sa paaralan ay nagkakahalaga ng KRW 280,000 kada buwan sa ilalim ng karaniwang kursong Nuri at KRW 532,000 para sa mga batang preschool na may kapansanan at edad 12 o mas bata.
(Yunit : KRW)
지원 대상 표 : 구분, 지원단가, 장애아보육료, 비고를 포함한 표입니다.
Dibisyon Halaga ng Suporta Bayad sa Pag-aalaga para sa mga may Kapansanan Remarks
Bayad para sa Pag-aalaga ng
0 edad
499,000 532,000 -
Bayad para sa Pag-aalaga ng
1 edad
439,000
Bayad para sa Pag-aalaga ng
2 edad
364,000
Bayad para sa Pag-aalaga ng
3~5 edad
280,000
  • Simula Marso 2020, ang pagbayad para sa pag-aalaga ng bata (childcare fee) na base sa pangkaraniwang sistema ng suporta sa pangangalaga ng bata (07:30~16:00) ay suportado ng gobyerno, at ang mga batang nangangailangan ng mas mahabang oras na pag-aalaga ay puwede ding mabigyan ng karagdagang suporta na base kada oras ng karagdagang pamamalagi sa preschool.
  • Ang mga batang may kapansanan na edad 5 at may kard para sa kagalingan ng may kapansanan (sertipiko ng pagpaparehistro) ay binibigyan ng mga benepisyong pag-aalaga ng bata anuman ang kita ng kanilang sambahayan. Gayundin, ipinapatupad ang mga pagbubukod para sa mga batang edad 3-5 na nirikonosi at natasang nangangailangan ng espesyal na edukasyon alinsunod sa Artikulo 15 ng mga Batas sa Espesyal na Edukasyon para sa mga Taong may Kapansanan at Iba pa. Dagdag pa rito, maaaring hindi isaad ang saklaw ng kapansanan sa isinumiteng rikonosi ng doktor, nguni’t katanggap-tanggap dapat ang opinyon ng doktor tungkol sa kapansanan alinsunod sa 「mga uri at saligan ng mga may kapansanan」 sa kautusang pagpapatupad ng Batas sa Kagalingan para sa mga Taong may mga Kapansanan (Dahong Dagdag 1) o ayon sa 「pamantayan sa pagpili para sa mga batang may mga pangangailangan sa espesyal na edukasyon」 na nakasaad sa kautusang pagpapatupad ng Batas sa Espesyal na Edukasyon para sa mga Taong may mga Kapansanan at Iba pa (Dahong Dagdag).
Pamamaraan ng Aplikasyon

Maaaring mag-aplay ang tagapag-alaga (mga magulang o iba pang mga tagapag-alaga) sa pamamagitan ng pagbisita sa kanya-kanyang mga sentro ng serbisyong pangkomunidad ng eup, myeon, o dong sa kanilang lugar ng paninirahan o online sa pook-sapot na Bokjiro (www.bokjiro.go.kr). Gayunpaman, dapat mag-aplay nang personal ang mga di-rehistradong batang may kapansanang nais makatanggap ng mga benepisyo (walang aplikasyon online).

    Mga Magulang
    Sentro ng kumunidad(eup, myeon, dong) atopisina sa distrito (si, gun, gu)
    Mga Magulang
    Day Care Center
Mga Isusumiteng Dokumento

Papel para sa aplikasyon (pagbabago) para sa mga benepisyong panlipunang seguridad (mga serbisyong panlipunan), isang liham ng pagpapaliwanag ng mga dahilan para sa aplikasyon para sa pinalawig na pagpapaampon at mga nagpapatunay na dokumento para sa bawat dahilan ng pinalawig na pagpapaampon, aplikasyon para sa Tarhetang I-Haengbok, at personal credit information access.


Binibigyan ang mga taong karapat-dapat ng Tarhetang Kaligayahan ng Mamamayan, na magagamit pambayad ng gastusin sa pag-aalaga ng anak (deretsong dinedeposito sa tarhetang account ang mga tulong-salapi ng pamahalaan).

(2)Suporta sa Gastos sa Edukasyon ng Bata

Target Para sa Suporta
지원 대상 표 : 연령, 구분, 지원범위를 포함한 표입니다.
Edad Kategorya Saklaw ng Ibinibigay na Suporta
3~5 taong gulang Bayad sa Paaralan (Tuition Fee) ng Bata Pagbibigay ng suporta sa lahat ng batang nasa edad 3~5 taong gulang na pumapasok sa publiko o pribadong kindergarten ng walang pagsasaalang-alang ng pang- ekonomikong estado ng kanilang pamilya.
Bayad Para sa Kurso Matapos ang Pagpasok sa Paaralan (after- school courses) Suporta Para sa paglahok sa mga after-school program matapos pumasok sa mga kindergarten (8 oras kasama na rito ang pangunahing edukasyunal na kurso sa loob isang araw (7 oras kung may pahintulot ng mga magulang ng bata))
  • Ang suporta para sa matrikula ay hindi inihahandog sa mga dayuhan – hindi Korean citizen (maliban sa mga refugee).
Halaga ng Suporta
(Yunit : KRW)
지원 금액 표 : 구분, 연령, 생년월일, 지원액을 포함한 표입니다.
Kategorya Edad Halaga ng Suporta (kada buwan)
Publikong
Kindegarten
Pribadong
Kindegarten
Bayad sa Paaralan (Tuition Fee) ng Bata 5 taong
gulang
60,000 240,000
4 taong
gulang
3 taong
gulang
Bayad Para sa Kurso Matapos ang Pagpasok sa Paaralan (after-school courses) 3~5 taong
gulang
50,000 70,000
Paraan ng Aplikasyon
  • (Aplikasyon) Ang tagapag-alaga ay maaaring mag-apply sa pamamagitan ng pagbisita sa tanggapan ng eup, myeon o dong community center (“jumin center”). Maaari ring mag-apply online (www.bokjiro.go.kr)
  • (Pagdedesisyon kung makakatanggap ng benepisyo) Beripikasyon ng petsa ng kapanganakan ng benepisyaryo
  • (Suporta) Ang mga mapipiling makakatanggap ng benepisyo ay kinakailangang isumite ang balanse ng gastusin Para sa kindergarten matapos ibawas ang benepisyong manggagaling mula sa "Ayi Haengbok Card" (subsidiya ng gobyerno) sa kabuuang tuition fee.
    • Maaaring matiyak ang halaga na inaprubahan matapos ang aplikasyon sa pamamagitan ng electronic card (“Ayi Haengbok Card”).

(3)Suportang benepisyong pangmagulang

Nagbabayad ng mga benepisyong pangmagulang upang punan ang nawalang kita dahil sa panganganak at pag-aalaga ng bata, at upang maghandog ng puspusang suporta para sa pag-aalaga sa maagang pagkabatang tinutugunan ang mga katangian ng pag-unlad ng bata kung saan mahalaga ang direktang pag-aalaga ng pangunahing tagapangalaga.

Pagiging karapat-dapat sa suporta :
Mga batang hanggang 1 taong gulang
Mga detalye ng suporta :
KRW 1 milyon kada buwan para sa mga mas bata sa 1 taong gulang, KRW 500,000 kada buwan para sa mga 1 taong gulang
Paraan ng pagbabayad :
Salapi kapag nagpapalaki ng bata sa bahay, o voucher kapag gumagamit ng sentro ng pang-araw na pag-aalaga ng bata o buong-oras na pag-aalaga ng bata.
  • Kung mas maliit ang halaga ng suportang voucher kaysa sa halaga ng suportang benepisyong pangmagulang, pinupunan ang pagkakaiba ng salapi.
Aplikasyon :
Maaaring mag-aplay ang mga magulang/mga tagapag-alaga sa pamamagitan ng pagbisita sa administratibong sentro ng kagalingan ng sanggol.paslit (sentrong pangkomunidad) o mag-aplay online (www.bokjiro.go.kr o sa pamamagitan ng galang app na “Bokjiro”)

(4)Allowance Para sa Pag-aalaga ng Bata sa Bahay

Karapat-dapat sa suporta :
Mga batang edad 24 hanggang 86 na buwan bago pumasok ng mababang paaralan na hindi dumadalo sa mga sentro ng pang-araw na pag-aalaga ng bata, kindergartens, o mga serbisyong buong-araw na pag-aalaga ng bata (suportado ang mga benepisyong pangmagulang para sa mga batang edad hanggang 23 buwan)
  • Sa kaso ng mga sanggol na walang pagkamamamayang Koreano, hindi nagbibigay ng suportang sustento para sa pag-aalaga sa tahanan (ipinapatupad ang pagbubukod sa mga takas)
Halaga ng Suporta
  • Sustento para sa pag-aalaga ng bata: 24~85 buwan (KRW 100,000 kada buwan)
  • Sustento para sa pag-aalaga ng bata sa kanayunan: 24-35 buwan (KRW 156,000 kada buwan), 36-47 buwan (KRW 129,000 kada buwan), 48-85 buwan (KRW 100,000 kada buwan)
  • Allowance para sa mga lugar na nagsasaka at nangingisda : Mga batang 12 months old pababa (KRW 200,000 kada buwan), 12~24 months old (KRW 177,000 kada buwan), 24~36 months old (KRW 156,000 kada buwan), 36~48 months old (KRW 129,000 kada buwan), at 48~86 months old (KRW 100,000 kada buwan).
(Yunit : KRW)
지원 금액 표 : 연령 별 양육수당, 농어촌 양육수당, 장애아동 양육수당을 포함한 표입니다.
Edad simula Sustento para sa pag-aalaga ng bata na nagkakahalaga ng Edad simula Sustento para sa pag-aalaga ng bata sa kanayunan Edad simula Sustento para sa pagpapalaki ng mga batang may kapansanan
24~85 buwan 100,000 24~35 buwan 156,000 24~35 buwan 200,000
36~47 buwan 129,000 36~85 buwan 100,000
48~85 buwan 100,000
  • Ang nasabing suporta ay hanggang sa buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon ng pagpasok sa elementary school.
Itinakdang petsa para sa pagbibigay ng suporta :
Tuwing ika-25 ng buwan (kung pumatak sa Linggo o holiday ang ika-25, ibibigay ito sa araw bago ang itinakdang araw).
Paraan ng Pagbabayad
  • Cash allowance (direktang ide-deposito sa bank account ng anak o magulang)
    • Limitado lamang ito sa mga magulang miyembro ng pamilya (allowance unit) ng proyektong pangangalaga sa bata.
  • Ang allowance ay inihuhulog pagkaraan ng beripikasyon ng account ng tagatanggap na isinaayos ng alkalde, pinuno ng gun o pinuno ng gu
Pagbibigay ng Allowance Para sa Pagpapalit ng Address ng Tirahan
  • Kung ang petsa ng paglilipat ay sa ika-15 ng buwan o mas maaga pa (hanggang ika-15) : ang bayad ay ibibigay ng mayor, pinuno ng gun o ng gu na may sakop sa bago ninyong address
  • Kung ang petsa ng paglilipat ay sa ika-16 ng buwan o mas late pa dito (matapos ang ika-16) : ang bayad ay ibibigay ng mayor, pinuno ng gun o ng gu na may sakop sa dati ninyong address
Sa sandaling ang bata ay napili bilang target ng suporta para sa allowance sa pangangalaga sa bata, ang allowance ay binabayaran mula sa buwan ng aplikasyon hanggang sa buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon ng pagpasok sa elementary school: lahat ng buwanang allowance ay binayaran nang walang dagdag na aplikasyon.
  • Kalkulasyon ng suportadong panahon: hanggang Disyembre ng taon ng kapanganakan ng bata + hanggang sa Pebrero ng ika-7 taon.
Pamantayan ng Pagpili
  • Makakatanggap ng suporta ang lahat ng antas at hindi isinasaalang-alang ang pamantayang kita o income level. Subalit, makakatanggap lamang ng nakatalagang annual support ang mga batang may kapansanan na nakarehistro Para sa disabled, at suporta para sa pangangalaga ng mga batang nakatira sa rural area ang mga bata na naaayon sa kwalipikasyon para sa suporta.
선정기준 표 : 구분, 양육수당, 농어촌양육수당, 장애아동양육수당을 포함한 표입니다.
Kategorya Allowance ng Pag-aalaga sa Bahay Lugar ng Pagsasaka at Pangisdaan
Allowance ng Pag-aalaga sa Bahay
Pag-aalaga sa Bahay
Allowance Para sa may
Kapansanan
Pamantayan Para sa pagpili ng Kinakailangang mga Dokumento Kopya ng passbook account na nakapangalan sa magulang o sa bata Mga batang mula sa pamilya na ang kabuhayan ay nasa agrikultural (Certificate for Agricultural Management atbp.) Nakarehistrong mga batang may-kapansanan ¡°Katunayan ng rehistrasyon ng taong may-kapansanan¡±
Aplikasyon
  • Maaaring mag-aplay ang tagapag-alaga ng bata sa nauukol na sentro ng serbisyong pangkomunidad ng eup, myeon, o dong (bayan) sa pook ng kanilang paninirahan o sa pamamagitan ng pag-aaplay online.

(5)Benepisyo para sa mga Bata

Ito ay tumutulong sa pagtaguyod ng mga pangunahing karapatan at kapakanan ng mga bata na edad 7 pababa para maiwasan ang pasanin ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga ito.

Kwalipikasyon :
Ibinibigay ito sa mga batang edad 7 pababa (0~83 na buwan).
Halaga ng suporta :
KRW 100,000 kada buwan bawat bata
  • Lokal na Pera (sakaling itinakda ng pinuno ng lokal na pamahalaan ang ordinansa na gawing lokal na pera)
  • Kapag ang bata ay nanirahan sa ibang bansa ng mahigit 90 na araw, matitigil ang pagbigay ng suporta
Proseso at Pamamaraan ng Aplikasyon
  • Ang tagapag-alaga o magulang ng bata ay maaaring mag-applay sa Community Service Center na sinasakopan ng tirahan ng aplikante
  • Maaaring mag-applay sa website o sa Mobile App(online.bokjiro.go.kr)
  • Sa pag-applay online, ang mga magulang lang ng batang aplikante ang maaaring mag-applay, at para sa ibang taga-alaga ng bata, maaari lamang mag-applay sa pamamagitan ng pagbisita sa opisina.
Panahon ng pag-aaplay :
Maaaring mag-applay pagkatapos na iulat ang pagkapanganak ng bata.
  • Kapag nag-applay sa loob ng 60 na araw pagkatapos ipinanganak, makukuha ang benepisyo simula sa buwan kung kailan ipinanganak ang bata

(6)Programa sa Suporta sa Pangangalaga sa Bata

Naghahandog ang pamahalaan ng programa sa pangangalaga sa mga bata. Sa programang ito, ang childcare giver ay bumibisita sa bahay para pangalagaan ang mga batang may edad 12 taong gulang pababa at iyong kabilang sa pamilyang may magulang na parehong nagtatrabaho at walang oras para pangalagaan ang mga bata. Nilalayon ng programang ito na bawasan ang paghihirap ng mga magulang sa pangangalaga sa kanilang mga anak, at upang makadagdag sa saklaw ng pasilidad sa pangangalaga ng mga bata.

Kwalipikasyon
  • Mga batang may Korean citizenship mula sa edad na 3 months old pataas at 12 yrs old pababa
Mga Institusyong Nagpapatupad ng Programa
  • 228 na bilang ng institusyong nagbibigay ng serbisyo sa pangangalaga ng mga bata sa buong bansa
Pangunahing Serbisyo
  • Part-time at kumprehensibong serbisyo sa pangangalaga: Pagbibigay ng serbisyo na gaya ng paghahatid·sundo sa paaralan o childcare center at pagtulong sa paghahanda ng mga kagamitan, pangangalaga sa bata hanggang sa makabalik ang mga magulang, pagkakaroon ng mga play activities, paghahanda ng pagkain at meryenda at iba pang mga serbisyo para sa mga batang may edad na 3 buwan hanggang sa 36 buwan.
    • Para sa pangkalahatang care service, kasama na ang gawaing pambahay.
  • Buong araw na serbisyo para sa mga sanggol pagbibigay ng buong araw na serbisyo para sa mga sanggol na may edad 3 buwang gulang hanggang 24 buwang gulang
  • Serbisyong natatanging suporta para sa mga batang nahawa ng sakit: Natatanging suporta para sa mga serbisyong paglilipat sa pagamutan at pangangalaga para sa mga batang edad 3 buwan hanggang 12 taong gulang upang mapangalagaan sila sa bahay dahil sa mga nakahahawa o epidemyang sakit.
Paraan·Pamamaraan sa Aplikasyon Para sa Serbisyo

Mga Nais Gumamit ng Serbisyo
(pagbibigay ng Kukminhaengbuk Card na naka-pangalan sa pangalan ng aplikante)

  • Mga Hindi Kwalipikado Para sa Suporta ng Gobyerno
  • Membership Registration

    Maaaring magkaroon ng membership request matapos na makapag-register sa homepage ng I-dolbom Program (idolbom.go.kr)

  • Pag-apruba Bilang Regular Member
    (hurisdiksiyon ng institusyon ng serbisyo)
  • Kwalipikado Para sa Suporta Mula sa Gobyerno
  • Pagbisita sa Community Center

    Bumisita sa eup・myeon・dong community center para sa pagpapatala ng lugar ng tirahan ng bata at aplikasyon ng suporta mula sa gobyerno. Maaaring magparehistro ng suporta mula sa gobyerno sa homepage ng Social Welfare (www.bokjiro.go.kr) ang lahat ng mga magulang na nakarehistro sa national health insurance bilang employee subscriber at single-parent na magulang na nakarehistro bilang single-parent ayon sa Single-parent Family Support Act.

  • Notipikasyon Para sa Desisyon
    (pagpapahatid ng sulat at text messages)
  • Membership Registration

    Maaaring magkaroon ng membership request matapos na
    makapag-register sa homepage ng I-dolbom Program(idolbom.go.kr)

  • Pagpaparehistro Para sa Serbisyo

    Maaaring magparehistro ng tamang serbisyo batay sa nais na petsa, at oras sa homepage.

  • Kabayaran sa Paggamit ng Serbisyo

    Maaaring magbayad sa pamamagitan ng Kukminhaengbuk card
    o company card Para sa nakalaang kaukulang bayad ng aplikante.
    *Para sa pagbabayad gamit ang virtual account, maaaring magbayad ng nakalaang kaukulang bayad ang aplikante gamit ang virtual account 1 araw bago ang paggamit ng serbisyo.

  • Paggamit ng Serbisyo
  • Para sa detalyadong impormasyon, maaaring magtanong sa lokal na ahensiyang naghahandog ng “Ayidolbom Service”, o i-search ito sa homepage ng “Ayidolbom Service” (idolbom.go.kr), at maaari ding tumawag at magtanong sa Danuri Helpline (☎1577-1366) Para sa impormasyon.
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”