Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Edukasyon sa Paaralang Elementarya

  • Home
  • Edukasyon ng mga Anak
  • Edukasyon sa Paaralang Elementarya

Edukasyon sa Paaralang Elementarya

Tumatagal ang talaaralan ng mababang paaralan ng anim na taon. Taon pagkatapos ng araw na nag-anim na taong gulang ang mga bata (katumbas ng walong taong gulang sa Koreanong edad). Sa Korea, isang taong gulang ang mga bata sa taon ng kanilang kapanganakan at nagdadalawang taong gulang simula Enero 1 ng susunod na taon. Para sa mga batang ipinanganak noong Disyembre 31, 2016, magdadalawang taong gulang sila sa Enero 1, 2017.) Nagsisimula ang kanilang pagpasok sa mababang paaralan sa Marso 1. Gayunpaman, maaaring magpatala ang mga mag-aaral simula sa taon pagkatapos ng araw na sila ay naglima o pitong taong gulang. Ang edukasyong elementarya ay sapilitan at libre. Dapat ipatala ng mga mamamayang Koreano ang kanilang mga anak sa mababang paaralan at siguruhing papasok sila hanggang magtapos. Kung mabigo ang mga magulang na mamamayang Koreano na papasukin ang kanilang mga anak sa mababang paaralan, maaaring magpataw ng multa bilang parusa.

01Nilalaman ng kurikulum

Tumututok ang edukasyon sa mababang paaralan sa pagpapaunlad ng mga pangunahing kaugalian at mga kasanayang kailangan para sa pang-araw-araw na buhay at pag-aaral at pagpapayaman ng mabuting pagkatao. Ang isang-oras na klase ay may habang 40 minuto. Nag-aaral ang mga nasa una at ikalawang baitang ng wikang Koreano, matematika, matuwid na pamumuhay, matalinong pamumuhay, at masayang pamumuhay. Nag-aaral ang mga nasa ikatlo hanggang ika-anim na baitang ng wikang Koreano, araling panlipunan/moralidad, matematika, agham/praktikal na agham, pisikal na edukasyon, at sining (musika/aktuwal na sining), at Ingles.

교육내용 표 : 교과(군), 1~2학년 교과, 3~6학년 주요 학습 내용을 포함한 표입니다.
Una hanggang Ikalawang Baitang Ikatlo hanggang ika-anim na Baitang
Asignatura sa paaralan asignatura sa paaralan (grupo) pangunahing nilalaman ng pag-aaral
Wikang Koreano,
Matematika,
Maayos na Kagawian sa Pamumuhay,
Karunungan Para sa Masayang Pamumuhay
Wikang
Koreano
pakikinig, pananalita, pagbabasa, pagsusulat, gramatiko, panitikan
Araling anlipunan
/ Etika
(Panlipunan) Politika, batas, ekonomiya, lipunan at kultura, heograpiya, lugar at rehiyon, natural na kapaligiran at buhay ng tao, makatao at buhay ng tao, napapanatiling mundo, kasaysayan sa pangkalahatan, kasaysayan ng politika at kultura, ang kasaysayan ng sosyo-ekonomiko, (moral) na relasyon sa sarili, relasyon sa iba, relasyon sa lipunan at pamayanan, relasyon sa kalikasan at spiritual.
Matematika numero at aritmetika, hugis, sukat, regularidad, pagpapatuloy, datos at probabilidad
Agham / Agham
Pang-domestiko
(Agham) Ehersisyo at Enerhiya, Bagay, Buhay, Mundo at Kalawakan,, (Praktikal) Pag-unlad ng Tao at Pamilya, Buhay ng Pamilya at Kaligtasan, Pangangasiwaan at Kalayaan, Sistema ng Teknolohiya, Paggamit ng Teknolohiya
Pisikal na
Edukasyon
kalusugan, hamon, kumpetisyon, ekspresyon, kaligtasan
Sining
(Musika/Sining)
(Musika) ekspresyon, pagpapahalaga, pang-araw-araw na pamumuhay
(Sining) karanasan, ekspresyon, pagpapahalaga
Wikang Ingles pakikinig, pananalita, pagbabasa, pagsusulat

02Malikhaing Gawain

Ang mga malikhaing aktuwal na gawain ay mga gawaing ekstrakurikular at binubuo ng apat na larangan ng mga nagsasariling gawain, mga gawaing pangsamahan, mga gawaing boluntaryo, at mga gawaing pangkarera (para sa mga nasa una at ikalawang baitang, mayroong tatlong larangan ng mga nagsasariling gawain/mga gawaing sinimulan nang mag-isa, mga gawaing pangsamahan, at mga gawaing pangkarera). Maaaring maorganisa at patakbuhin ang mga ito nang pinipili kada baitang (grupo), na isinasaalang-alang ang antas ng pag-unlad, mga kondisyon ng paaralan, atbp. Ang mga larangan at mga gawain ng mga malikhaing aktuwal na gawain ng mababang paaralan ay ang mga sumusunod.

1~2학년 창의적 체험활동 표 : 영역, 활동, 운영 중점을 포함한 표입니다.
Una at ikalawang Baitang
Larangan Gawain Tutok ng pagpapatakbo
Mga nagsasariling gawain/mga gawaing sinimulan nang mag-isa
  • mga nagsasariling gawain
  • mga gawaing sinimulan nang mag-isa
Pagpapaunlad ng kakayahang lutasin ang iba't ibang problema sa buhay;
Katatagang emosyonal at sikolohikal at pakikibagay sa maagang pagtanggap sa paaralan at pagbibinata/pagdadalaga;
Kasiya-siyang buhay-paaralan at mga aktuwal at unahang gawain sa iba't ibang asignatura;
Karanasan sa pakikipag-usap sa pamamagitan ng komunidad, gaya ng mga pulong ng mag-aaral na sinimulan nang mag-isa at mga pulong sa klase;
Pag-unawa at pagpapatupad ng mga pangunahing prinsipyo ng proseso ng demokratikong paglilimi
Mga gawaing ekstrakurikular
  • Mga gawaing akademiko, kultural at libangan
  • mga gawaing boluntaryo
Paglutas ng mga problema sa kasalukuyan at hinaharap sa pamamagitan ng malikhain at nagkakaugnay na pag-iisip;
Pagkakaroon ng iba't ibang karanasan, kultura, sining, at mga programang pampalakasan;
Pisikal na gawain at larong nakakapagpayaman ng kanilang mga buhay;
Napapanatiling proteksyon ng kapaligiran para sa pagsasama ng sanlibutan at kapaligiran
Mga gawaing pangkarera
  • Mga gawaing pagtuklas ng karera
  • pagdidisenyo ng karera
    mga aktuwal na gawain
Pagbuo ng positibong pagpapahalaga sa sarili/imahe;
Pagbababad sa karera upang maunawaan ang kahalagahan ng trabaho;
Pagtuklas sa iba't ibang mundo ng mga karera;
Pagpapayaman ng pangunahing kaalamang pangkarera
창의적 체험활동 표 : 영역, 활동, 교육의 중점을 포함한 표입니다.
ikatlo at ikaanim Baitang
Pook Activity Tutok ng pagpapatakbo
Malayang
Aktibidad
  • Self-help·Adaptation na activity
  • Aktibidad batay sa tema o paksa
Ang pag-adapt sa mga unang yugto ng pagpasok, pag-adapt sa pagbibinata at pagdadalaga, pag-unawa at pagsasagawa ng mga pangunahing prinsipyo ng demokratikong pag-desisyon, iba't ibang mga uri aktibidad para sa isang kaayaayang buhay estudyante, atbp.
Club na Gawain
(Club Activities)
  • Arts·Physical Activity
  • Academic at Cultural Activity
  • Mga gawaing praktikal na paggawa
  • Youth Oriented Group Activity
Pagtukoy ng mga talento sa pamamagitan ng iba't ibang mga karanasan at kultura, pagtukoy sa mga sensasyon sa katawan at maranasan ang direktang pagmamanipula, linangin ang sariling pakiramdam at pagkakaisa, atbp.
Volunteering
  • Aktibidad na naglalayon ng pagtulong sa kapwa
  • Environmental Protection Activity
  • Campaign Activity
Pag-unawa at pagsasanay ng kabuluhan at halaga ng mga aktibidad ng boluntaryo
Gawain sa
Pagtuklas ng Karera (Career)
  • Aktibidad na tumatalakay sa sariling pag-unawa
  • Aktibidad na tumatalakay sa pagtahak ng karera o career
  • Aktibidad na tumatalakay sa uri ng career design
Pagkakaroon ng positibong konsepto sa sarili, pag-unawa sa kahalagahan ng trabaho, paggalugad sa mundo ng trabaho,
paglilinang sa mga pangunahing kaalaman para sa karera, atbp.
Ligtas na Buhay
(Una-Ikalawang Grado)
  • Kaligtasan ng buhay
  • Kaligtasan ng transportasyon
  • Kaligtasan ng katawan
  • Kaligtasan sa sakuna
Tumutulong magkaroon ng ligtas na buhay sa pamamagitan ng pagkatuto ng dunong at mga aksyong tugon sa mga walang katiyakang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay

03Gabay sa Pagpasok o Admission sa Elementarya

(1) Sino ang maaaring pumasok sa paaralan? (Edad sa Pagpasok sa Paaralan)

Ang mga batang maaaring pumasok sa paaralan ay ang mga batang may edad na 6 na taong gulang (international age) mula Enero 1~Disyembre 31 noong taong iyon (kung kailan papasok ang bata sa paaralan). Kapag siya ay nasa edad na ito, maaari na siyang pumasok sa elementarya sa Marso nang susunod na taon.
Ang mga batang nasa tamang edad na sa pagpasok sa paaralan subalit ipinagpaliban ang pagpasok sa paaralan (admission) at iyong mga hindi pumasok nung nakaraang pasukan, ngunit hindi na kasama dito ang mga batang kasalukuyan nang nag-aaral.
  • Iyong mga natanggap bilang mga mag-aaral sa unang baitang sa 2022: mga batang ipinanganak sa pagitan ng 1/1/2015 at 12/31/2022

(2)Proseso ng Pagpapalista sa Paaralang Elementarya

Ang mga sumusunod ang proseo ng pagpapalista sa paaralan

  • Pagsasagot ng listahan ng mga batang papasok na sa paaralan (Hanggang Oktubre 31)
    Tanggapan ng Eup, Myeon o Dong Community Center
  • Aplikasyon Para sa maagang pagpasok sa paaral (Oktubre 1~ Disyembre 31)
    Tagapag-alaga (tulad ng mga magulang)
  • Notipikasyon sa Pagpasok (Hanggang Disyembre 20)
    Tanggapan ng Eup, Myeon o Dong Community Center
  • Preliminaryong
    Pagpapatawag sa Paaralan
    Paaralang Elementarya
  • Pagpasok sa
    Paaralan
    Paaralang Elementarya

Ang mga pampubliko o pribadong paaralang hindi sumusunod sa parehong proseso ng pagpasok sa paaralan ay direktang namimili ng mga mag-aaral na nais nilang tanggapin. Iba lamang ang itinakda nilang panahon sa pag-iimbita ng mga bagong mag-aaral. Samakatuwid, kung nais ng mga magulang na ipasok ang kanilang mga anak sa pampubliko (state-owned) o pribadong paaralang elementarya, kinakailangan nilang direktang magtanong sa paaralang nais nilang pasukan o kaya ay mag-apply sa website ng paaralan.

  • Ang mga pampublikong (state-owned) paaralan ay kadalasang kaakibat ng mga paaralang elementarya na pinatatakbo ng College of Education ng unibersidad o kolehiyo. Maaaring malaman ang tungkol sa pribadong paaaralan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa Office of Education sa inyong lugar.

(3)Maagang Pagpasok, (Pagpapatala), Aplikasyon Para sa Ipinagpaliban na Pagpasok

Para sa mga magulang na gustong ipasok ng maaga o early admission at pagpostpone ng pagpasok o late admission sa paaralan ang anak, kinakailangang bumisita at magparehistro para sa aplikasyon sa tanggapan ng eup·myeon o community service center sa inyong hurisdiksyon mula Oktobre 1 hanggang Disyembre 31 taon-taon.

Sino ang maaaring pumasok nang maaga o ipagpaliban ang pagpasok sa elementarya?
  • Maagang pagpasok : Mga batang nais pumasok nang maaga sa paaralan na may edad 5 taong gulang (international age) mula Enero 1~Disyembre 31 (maaari lamang pumasok nang 1 taong mas maaga)
    • Bilang karagdagan sa nabanggit, tinanggap din iyong mga ipinanganak sa pagitan ng 1/1/2016 at 12/31/2016 bilang mga mag-aaral sa unang baitang sa 2022.
  • Inantalang pagpasok : Mga batang nais ipagpaliban ang pagpasok sa paaaralan na may edad 6 taong gulang (international age) mula Enero 1~Disyembre 31
    • Pinahintulutan ang mga magulang na ipagpaliban ng isang taon ang pagpapapasok sa kanilang mga anak na ipinanganak noong 2015 sa paaralan bilang mga mag-aaral sa unang baitang.
  • Ang maaga o huling pagpapasok ay nakadepende sa mga magulang, dapat kailangang pag-isipan nila ito nang mabuti.

(4)Pagpasok ng mga Anak a Nahihirapan sa Pagpasok sa Paaralan sa Pamamagitan ng Pangkarinawang Proseso ng Pagpasok (Admission)

Maaaring makatanggap ng edukasyon sa elementary school sa Korea kapag tumuntong na sa tamang edad ang kahit na sinuman na hindi inaalintana ang nasyonalidad o status ng pananatili ng paninirahan.
Maaaring magparehistro para sa admission sa paaralan sa mga head o school principal na nakapaloob sa mga distrito ng mga elementary school na malapit sa lugar na tirahan sa pamamagitan ng pagpasa ng application form para sa admission at mga dokumento tulad ng immigration status o dokumentong magpapatunay ng immigration sa Korea ng mag-aaral, katunayan para sa alien registration o ang rehistrasyon sa pagiging dayuhan at iba pang dokumento na may kinalaman sa akademiya o proof of academic record*.
  • Kung sakaling hindi makakapagbigay ng dokumento para sa immigration status o alien registration, maaaring ipasa ang mga dokumentong tulad ng lease agreement o resident certificate at iba pang dokumento na maaaring magpatunay ng paninirahan.
  • Proof of Academic Record : diploma, certificate of transferee, school transcript at iba pa
  • Para sa mga magiging school parents na kabilang sa multikultural na pamilya, maaaring magkaroon ng kaalaman at madaling makakalap ng impormasyon sa paraan sa paglipat·pagtanggap sa paaralan o school admission ng anak sa pamamagitan ng pamphlet na ‘Pagpasok ng Aking Anak sa Paaralan’ na nakalathala sa 12 wika. Maaari din itong makuha sa pamamagitan ng pagbisita sa portal ng Multicultural Education (www.edu4mc.or.kr) o pagtawag at pagtatanong sa Multicultural Family Support Center.

04Paghahanda sa Pagpasok sa Paaralan

Masaya ang unang pagpasok sa paaralan subalit maaari rin itong maging pabigat sa inyong anak. Habang nasa bahay ay subukang hikayatin ang anak at hayaang maging masaya ang paghahanda para sa buhay paaralan.

Damit (Uniporme) :
Damitan ang mag-aaral ng simple at kaswal na kasuotan na makakatulong sa pagkakaroon ng komportableng buhay paaralan.
Backpack :
Ang backpack ay hindi dapat napakalaki at maaring dalhin ng bata sa isang balikat. Iminumungkahing ang paghahanda ng simpleng backpack at malinis kaysa sa mga may kumplikadong disenyo o kasalukuyang uso.
‌Lapis, Lalagyan ng lapis at Pambura :
Ang lalagyan ng lapis ay dapat simple at hindi kumplikado, at iwasan ang mga may nakakabit na laruan. Sa umpisang taon ng pag-aaral, mas mainam ang lapis na 2B (maitim na lead). Maghanda ng dalawa o tatlong lapis at isang pambura. Mas mainam na gumamit ng mechanical na lapis para sa mga estudyante sa mataas na baytang.
‌Kuwaderno :
Maghanda ng kuwaderno Para sa una at pangalawang grado. Maglaan din ng kuwaderno para sa mga anunsiyo sa paaralan at mga takdang-aralin, mga paalala ng guro at para sa ibang mga kuwaderno (Kuwaderno sa diktasyon, notisya, aklat-gabay atbp.)
‌Krayola at lapis ng pangkulay :
Ang 12 kulay na krayola ay mainam Para sa mga nasa unang grado.
‌Lalagyan ng sapatos at Pangloob na sapatos :
Ang lalagyan ng sapatos ay kailangang sapat lamang Para sa running shoes. Maraming klase ng pangloob na sapatos na may kulay pink, sky blue atbp. Iwasan ang mga pangloob na sapatos na hindi kumportable sa paglalakad o napakalaki. Maaaring bilhin ang mga ito sa tindahan ng sapatos o tindahan sa harap ng paaralan (hindi kailangan ang lalagyan ng sapatos kung ilalagay ng mag-aaral ang pangloob na sapatos sa kabinet).
Mga Dapat Tandaan!
Alamin ang mga sumusunod bago pumasok sa paaralan.
  • Alamin ang pangalan ng paaralan at magsanay kung paano ito sabihin.
  • Pagsulat ng pangalan at pangalan ng miyembro ng pamilya.
  • Pag-aaral ng patinig at katinig ng Hangeul.
  • Alamin ang pangunahing numero (1~10)
  • Alamin kung paano gumamit ng lapis, krayola, gunting at pambura.
  • Gumuhit ng mga bilog at linyang pahalang gamit ang mga lapis na pangkulay.
  • Alamin ang pangalan ng mga kulay.
  • Kilalanin ang sariling gamit sa gamit ng iba
  • Alamin ang inyong address at telepono at kung paano tumawag at tumanggap ng tawag.
  • Matuto ng mga pamantayang pag-uugali habang kumakain.

05Gabay sa Pakikibagay sa Buhay Pampaaralan Para sa mga Bagong Pasok sa Paaralan

Pagkakaroon ng Magandang Impresyon sa Paaralan
  • Ilang mga bata ang natatakot sa paaralan. Para sa ganitong mga bata, ipaalam sa kanila na ang paaralan ay masayang lugar sa pamamagitan ng pagbisita sa paaralan at paglibot sa silid-aralan ng mga nasa unang grado at ibang mga lugar.
  • Ipaalam nang mas maaga ang mga alituntuning dapat sundin sa paaralan.
  • Sabihin sa kanila na maaari silang magkaroon ng maraming kaibigan at makakakilala ng maraming kaibigang lalake at babae sa paaralan.
Ang guro ay tumutulong habang nasa paaralan.
  • Sabihan ang inyong anak na ang mga guro ay ang nagtuturo sa mga nais at dapat niyang malamam.
  • Sabihan kung anong klase ng bata ang gusto ng guro (batang sumusunod sa alituntunin at pangako, atbp.).
Mag-isang paggawa ng mga gawain
  • Bigyan ng listahan ng mga bagay ang anak at hayaang ilagay ang mga ito sa backpack ng mag-isa. Sanayin siya sa paraan ng pag-aayos ng mga school supplies (gamit sa paaralan), backpack at pagkakaroon ng sariling kakayahang alagaan ang sariling mga gamit (maghilamos, ayusin ang sarili, paggamit ng palikuran, atbp.).
Pagpasok sa paaralan nang may malusog na pangangatawan
  • Ipasuri ang mga ngipin, mata, tenga, atbp. at ipagamot ang anumang mga karamdaman ng mas maaga.
  • Mas makakabuti kung ipaalam agad sa guro ng inyong anak kung mayroon ba siyang allergies sa pagkain o anumang sakit (allergy sa gatas, may atopy, enteritis, atbp.)
Ligtas na Paraan ng Pagtungo sa Paaralan
  • Mas mainam na maglakad patungo sa paaralan. Suriin ang mga ruta papuntang paaralan ng ilang beses.
  • Siguraduhing maglakad sa kaliwang bahagi ng kalsada, gamitin ang cross walk at alamin ang mga senyas ng trapiko upang ligtas na makapunta sa paaralan.
  • Pumila sa pagsakay sa bus.
  • Huwag maglakad sa harapan o likuran ng bus matapos ang pag-alis ng bus.
  • Bagtasin ang kalsada sa overpass o underground na daanan sa mga lugar na mayroong overpass o daanang underground.
  • Huwag tumakbo sa tawiran.
  • Sundin ang instruksyon ng kontroler ng trapiko kung mayroon.
  • Bumalik sa orihinal na posisyon kung ang senyas ay nagpalit sa pagsisimulang tumawid. Tumawid ng mabilis kung lagpas na sa gitnang linya.
Mga Dapat Tandaan!
Suporta Para sa Extra- Curricular Activities

Naghahandog ng pag-aalaga ng bata pagkatapos ng klase at mga serbisyong ekstrakurikular na pag-aaral sa ngalan ng mga magulang kahit sa labas ng regular na oras ng klase. Naghahandog din ng mga gawaing ekstrakurikular/pag-aaral pagkatapos ng klase at gabay sa takdang-aralin para sa mga mag-aaral ng mababang paaralan sa pamamagitan ng mga klaseng ekstrakurikular (mababang paaralan), mga lokal na sentrong pambata, mga akademya pagkatapos ng klase para sa kabataan, mga sentro ng hating pag-aalaga ng nayon, at pag-aalaga ng bata pagkatapos ng klase (mga pasilidad para sa pag-aalaga ng bata). Maaaring makinabang ang mga pamilyang may mga kahirapang pinansiyal sa mga organisasyon/institusyong ito nang libre sa pamamagitan ng mga konsultasyon.

Mga Dapat Tandaan!
Mga Institusyong Nagbibigay ng Pangangalagang Pambata Pagkagaling sa Paaralan at Serbisyong Pang-edukasyon
방과후 보육 및 교육서비스를 제공하는 기관 : 구분, 교육부, 보건복지부, 여성가족부를 포함한 표입니다.
Dibisyon Ministry of Education Ministry of Health and Welfare Ministry of Gender Equality and Family
Proyekto Paaralang Palaging Tagsibol
※ Suporta sa antas ng umiiral na pagpapatakbo pagkatapos ng klase at pag-aalaga ng bata para sa mga baitang na hindi karapat-dapat sa masinsinang suporta sa 2024-'25
community-based childcare program okal na sentro para sa mga bata afterschool youth academy
Mga Puwedeng Sumali Puntiryang mag-aaral ng mababang paaralan
※ Pagiging karapat-dapat para sa taunang masinsinang suporta
(’24) Unang baitang → (’25) Una~ikalawang baitang → (’26) Lahat ng mag-aaral ng mababang paaralan
Edad 6~12 (base sa internasyunal na edad) Edad 18 pababa
(base sa internasyunal na edad)
Elementary na nasa ika-4 na antas ~ Middle school na nasa ika-3 antas
Pamantayan sa Aplikasyon (Kita o Income) Puntiryang mag-aaral ng mababang paaralan
(Wala)
Mga mag-asawang parehong may trabaho
(wala)
Nakatuon sa mababang kita(Mas mababa sa 100% ng kita ng middle class) Prioridad na suporta para sa mga walang kakayahan
Uri ng Suporta (’24) Pasadyang pang-unang baitang na programang inihahandog nang libre sa loob ng 2 oras araw-araw;
(’25) Una at ikalawang baitang ng mababang paaralan;
Sariling Gastusin
(Ang bayad sa programa kada buwan ay hindi hihigit sa KRW 100,000, ang mga bayad sa meryenda ay sisingilin nang hiwalay)
Libre (hindi hihigit sa KRW 50,000, depende sa kita ng pamilya) Libre
Oras ng Pagbubukas Semestre Sa umaga bago ang mga regular na klase, hanggang sa nais na oras pagkatapos ng mga regular na klase
(Hindi lalampas ng 8 PM);
14:00~19:00 14:00~19:00 pagkatapos ng
paaralan~21:00
Bakasyon Pagsasarili ayon sa mga kondisyon; 09:00~18:00 12:00~17:00, 8 oras na bukas Puwedeng piliin, depende sa kondisyon
Nilalaman ng Suporta Paghahandog ng mga de-kalidad na pasadyang programa Suportang Programa sa Pangangalaga pagkatapos ng paaralan Proteksyon, edukasyon, kultura, emosyonal na suporta, koneksyon sa komunidad, atbp. Aktibidad para sa Karanasan, suplementong suporta para sa pagkatuto, tanghalian, at pagpapayo, atbp.
Mga Dapat Tandaan!
‘e-Cyber Learning System’ Online Site na Suporta sa Pag-aaral

Ang site ng e-Cyber Learning System ay isang regular na learning site na naglalaman ng libreng curriculum o course contents, kagamitan o material sa pagtuturo at pag-aaral, evaluation items at iba pang materyal na nakalaan para sa mga mag-aaral na nasa Grade 3~Middle School 3rd year level. Maaari itong magamit para sa self-study ng mga mag-aaral kahit saan man sila, at ang mga guro ay puwedeng magbukas ng online na klase at magagamit nila ito sa online at offline na pagtuturo.

Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”