Ang sambahayang pangkabuhayan (badyet sa bahay) ay tumutukoy sa estado ng kabuuang kita ng pamilya at mga pagkakagastusan. Depende kung paano ninyo isasagawa ang pagbabadyet, makikita rito kung sobra-sobra ang gastusin ng inyong pamilya kumpara sa inyong kita, o kung mas marami kayong naiipon kahit na mababa ang kinikita ninyo.
Sa Korea, mayroong mga barya (KRW 10, KRW 50, KRW 100 at KRW 500) at perang papel (KRW 1,000, KRW 5,000, KRW 10,000 at KRW 50,000). Ang mga tseke sa bangko ay may halagang KRW 100,000 o mas mataas pa. Ito ay malawakang ginagamit sa buong Korea.
Alamin kung ano-ano ang mga maaari nating bilhin sa halagang KRW 1,000, KRW 5,000, KRW 10,000 at KRW 50,000. Ngayon, ikumpara ang halaga ng Korean won sa pera (currency) ng Pilipinas, at ikumpara ang halaga ng pamimili sa Korea.
Isang tasa ng kape mula sa vending machine
KRW 300~500
isang supot ng chichirya o ice cream
KRW 1,000~2,000
isang kainan ng tanghalian gaya ng "naengmyeon" o iba pa KRW 6,000~8,000
500g ng karne ng baboy
KRW 10,000
isang sako (20kg) ng bigas
KRW 55,000
Kapag namimili nang walang plano, may tendensiya tayong bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan. Magkakaroon ng problema kung mas malaki pa ang ginagastos natin kaysa sa ating kinikita. Kaya naman mas makakabuti kung pagpaplanuhin niyo muna kung ano ang mga dapat bilhin bago kayo mamili.
Gumawa ng listahan bago ang pamimili.
Pagpasyahan kung saan at magkano ang halagang gugulin sa pamimili.
Ang mga convenience store ay bukas sa loob ng 24 oras, at nagbebenta ng iba’t-ibang mga produkto kasama na ang pagkain. Sa dahilang maliliit ang mga tindahang ito, madaling hanapin ang kailangan. Mainam ito kapag mamimili lang ng isa o dalawang bagay.
Ang mga pagkain, damit at mga tindera ng iba’t-ibang kalakal ay nagtitipon-tipon sa tiyangge. Nagbebenta sila ng mga produkto sa mababang halaga, at maaring makipagtawaran sa halaga at dami dito. Makikita natin ang buhay ng mga mamamayang Koreano sa mga palengke.
Maaaring mabili sa supermarket ang iba't ibang klase ng pagkain gaya ng gulay, karne at inumin, at napakadali ng pagpunta dito dahil hilang kalimitan ay iilan lamang sa bawat kalapit-bahayan.
Ang mga department store ay mayroong iba’t-ibang mga produkto tulad ng mga damit, pagkain, elektroniko, produktong kosmetiko at alahas. Mahusay ang pasilidad at serbisyo, at mas mainam ang kalidad ng mga produkto kaya mas mahal ang presyo ng mga ito. Nagkakaroon din ng discount sale, kaya mas mainam kung hintayin ninyo ang sale period at tsaka kayo mamimili.
Tulad ng mga department stores, ang mga tindahang may malalaking diskuwento ay nagbebenta ng mga pagkain, damit, elektroniko at mga produkto. Mahusay ang mga kalidad ng mga produkto at pasilidad ng serbisyo.
Posibleng mag-order ng mga produkto sa pamamagitan ng ng telepono o Internet pagkatapos mapanood ang patalastas ng produkto TV, at isang malawak na seleksyon ng mga paninda, tulad ng mga damit, mga pamilihan, mga pampaganda, electronics, insurances, atbp., Ibinebenta. Madaling mamili sa TV Home Shopping kaya huwag padalos dalos, kailangang iwasan ang maengganyong bumili ng mga bagay na hindi kailangan.
Sa pamamagitan ng online shopping mall, maaring makapamili ng maramihang dami ng mga produkto. Alalahaning magkaiba ang itsura ng mga produkto sa screen at sa tunay na buhay, kaya kailangang tingnan ninyong maiigi o kaya'y magtanong sa nagbebenta.
Maaring magbayad sa pamamagitan ng cash, tseke, credit card, cash card at gift certificates.
Ikumpara ang mga halaga at kalidad ng mga produkto, suriin ang petsa ng ekspirasyon ng produktong pagkain. Kailangang suriin kung tama ba o hindi ang presyo.Siguraduhing kunin at itabi ang resibo ng mga pinamili para sakaling kailanganin ito Para sa pagpapalit o paghingi ng refund.
Kailangan nating mag-ipon ng pera Para magkaroon ng ari-arian, mapaghandaan ang mga hindi inaasahang pangyayari, mapaghandaan ang pagtanda, mapaghandaan ang pagbili ng bahay, makapagtabi ng pera Para sa matrikula ng anak, atbp. Upang maumpisahan ang pagtatabi ng pera kailangang magbukas ng account sa bangko.
Ito ay ang pagsagawa ng transaction sa bangko sa pamamagitan ng smartphone o mobile phone. Maaari itong gamitin kahit saan kaya naman mas maganda ito kaysa internet banking.
Ang pinakaligtas na paraan ng pagpapadala ng pera ay sa pamamagitan ng mga pormal na pampinansyal na institusyon tulad ng bangko at post office. Maari din magpadala sa pamamagitan ng broker. Ito’y madali, mabilis at maaring mas mura ang bayad ngunit maraming aksidente ang nangyayari sa ganitong paraan. Kapag tumakas ang inyong pinagpadalhan, mahihirapang mabawi ang pinaghirapang pera.
Ito ay isang paraan ng panloloko sa pamamagitan ng pagtawag o pagpapadala ng text message na ang nilalaman ay mapanlinlang o hindi totoong impormasyon upang mahimok ang nakatanggap ng tawag o text na maghulog ng pera sa bangko.
Matapos alamin ng mga salarin (scammers) ang phone number ng anak at magulang, papalsipikahin nila ang phone number ng anak at saka tatawagan ang magulang nito upang ipaalam na ‘di umano’y nakidnap ang kanyang anak na nasa eskwelahan o nasa ibang bansa para mag-aral, o naaksidente ang anak na nasa military at iba pang hindi makatotohanang kwento upang makakuha ng pera mula sa magulang.
Matapos i-hack ang ID at password sa internet messenger ng ibang tao, magla-log-in ang salarin at saka magpapadala ng text message o Private Message (PM) sa mga nakalistang pamilya at kaibigan ng na-hack na account. Gagawa sila ng mensaheng nagsasabing ang biktima ay nangangailangan ng pera dahil siya ay naaksidente, naswindle, at iba pang taktika upang mahikayat na magpadala ng pera ang kapamilya’t kaibigan ng biktima.
Nagpapadala sila ng notipikasyon sa text na mula kunwari sa mga pampinansiyal na institusyon o FSS (hal. security upgrades, pagche-check Para sa mga pagbunyag ng personal na impormasyon at iba pa). Matapos itong maconnect sa phishing site, iuutos nito na ipasok ninyo mga pampinansiyal na impormasyon na kailangan Para sa pagtatransaksyon sa bangko. Kapag nakuha na nila ito, saka nila ito gagamitin upang umutang o mag-loan sa mga bangko.
Tinatawagan nila ang mga matatandang nasa edad 50~70 taong gulang upang tiyakin kung sila’y nagmiyembro ba sa telebanking. Matapos nilang matiyak ito, magsisinungaling sila at sasabihing nasangkot ang biktima sa pagnanakaw, pagbunyag ng impormasyon, at iba pang krimen. Kapag nakuha nila ang tiwala ng biktima, saka nila itatanong ang mga kailangang impormasyon sa telebanking (resident registration card, password sa pagtatransfer ng pera, password ng bank book, security card serial number, code ng security card, atbp.). Kapag nakuha nila ito at saka nila ipapadala ang pera sa kanilang personal account.
May magpapanggap na taga-ahensiya ng imbestigasyon at tatawag ito sa isang pwedeng biktimahin. Sasabihan nito ang biktima na kinakailangan niyang i-check ang kanyang bank account dahil nasangkot ito sa isang insidente (krimen). Ang biktima naman ay gagamit ng ATM na operated na ng mga salarin.
Pagsisinungaling na ang credit card ng biktima ay nasangkot sa mga krimen gaya ng pagnanakaw, pagbunyag ng impormasyon at iba pa. Kapag nakuha na nila ang mga kinakailangang impormasyon Para sa paggamit ng credit card (card number, password, CVC number). Gamit ang ARS, kukuha ng loan ang mga salarin gamit ang iyong pangalan at impormasyon, na siya namang ita-transfer sa iyong account ng nasabing bangko. Saka tatawag silang ulit sa iyo upang ipaalam na nagkamali ang ahensiya sa pagtransfer ng pera sa iyo kung kaya’t kinakailangan mo raw ulit itransfer sa isang bank account na pagmamay-ari ng mga salarin.
☎112 (walang area code), o sa Internet Development Agency ☎118 (walang area code), o sa FSS ☎1332 (walang area code).