Sa Korea, ang mga normal na uri ng bahay ay ang tipikal na “house and lot”, apartment, studio units (na tinatawag na ang ‘officetel’ sa Korea), multiplex houses (tinatawag na “villas”), multi-unit dwelling houses, atbp. Sa kasalukuyan, mas gusto ng mga Koreanong nasa lungsod na manirahan sa multi-unit na tirahan, tulad ng apartment para sa mas maginhawang buhay. Napakahalaga ng pagkakaroon ng sariling bahay para sa mga Koreano. Sa Korea, ang presyo ng isang bahay ay napakamahal, at bahay sa mga lugar sa lungsod ay higit na mas mahal kaysa sa mga bahay sa rural na lugar.
Kinakailangang maging maingat sa pagbili ng bahay. Tingnang mabuti ang lokasyon ng bahay at kung ito ba ay nadaaanan ng pampublikong transportasyon, kung maayos ba ang kapaligiran nito at iba pa. Kapag nakapagdesisyon na kayo sa pagbili ng bahay, kinakailangan ninyong kumuha ng “certified copy of real eastate register” para makita kung sino ang nagmamay-ari ng bahay, pagbabayad sa bahay (kung fully paid na ba ito o may utang pa ang may-ari), at iba pa. Kailangang maging maingat sa pagbili Para hindi kayo magsisi sa huli. Panghuli, kapag pipirma na kayo ng kontrata kinakailangan ninyong isulat nang mabuti ang lahat ng kinakailangang detalye o impormasyon dito. Kailangang maging maingat dito upang hindi kayo makaranas ng anumang disadbantahe sa hinaharap.
May mga natatanging paraan ng pagpapaupa ng bahay sa Korea. Sa pagrerenta ng bahay, kinakailangang magbayad ng napagkasunduang deposito sa may-ari ng bahay. Ito ay itatago ng may-ari ng bahay habang kayo ay nagrerenta sa bahay. Kapag natapos na ang kontrata sa bahay (lease duration period), makukuha niyo rin ang ibinayad ninyong deposito. Maaari ninyong rentahin ang buong bahay, o bahagi lamang ng isang bahay (1 palapag, 1 ~ 2 kuwarto, atbp.). Sa pag-uupa ng buong bahay, ang karaniwang deposito para rito ay nasa 40~80% ng kabuuang halaga ng bahay. Kadalasan, ang contract period para sa pag-upa ng bahay ay hanggang 2 taon (Para sa officetel, 1 taon). Hindi rin maaaring basta-bastang ipawalang-bisa ng may-ari ng bahay ang napagkasunduang contract period maliban na lamang kung pumayag ang nangungupahan. Sa madaling salita, ang nangungupahan ay may karapatang manatili sa bahay (sa parehong napagkasunduang kondisyon) sa loob ng 2 taon kahit na ang unang contract period ay para lamang sa isang taon. Ito ay sangayon sa Housing Lease Protection Act.
Sanhi ng patuloy na resesyon sa real estate mas pinipili ng mga nagrerenta ng bahay ang pagbabayad ng upang may mababang interest rate. Sa katunayan, dumarami na rin ang mga real estate agencies na nagpapalit ng sistema kung saan pinanatili na lang ang karampatang deposito ng nagrerenta at saka na lang ito nagbabayad pa ng kabuwanang renta. Sa kasalukuyan, halos tatlo sa 10 nangungupahan ang sumusunod sa ganitong sistema. At dahil sa pagtaas ng halaga ng “jeonse” (depositong walang kabuwanang renta – kadalasan, idinedeposito ito sa bangko para kumita ng mas malaking interes), mas nagiging pangkaraniwan na rin ang pagpapalit na lang ng “wolse” (buwanang renta). Halimbawa, sa loob ng dalawang taon ang “jeonse” na KRW 300 milyon ay tumaas ng KRW 400 milyon. Imbes na magbayad muli ang nangungupahan ng KRW 100 milyon ng isang beses, ginagawa na lamang itong “wolse” kung kaya’t ang kanyang deposito ay mananatiling KRW 300 milyon at ang kabuwanang renta ay magiging KRW 400,000 ~ 600,000 na lamang.
Mangyaring hindi ibinalik sa nagrenta ng bahay ang key money, puwede silang magrehistro sa Korea Housing & Urban Guarantee Corporation (HUG, www.khug.or.kr) ng "Tenancy Deposit Return Guarantee Insurance".
Ang isa pang uri ng pagrerenta ay sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwanang upa sa bahay (“wolse”). Kinakailangan pa ring magbayad ng deposito para dito pero hindi kasing laki ng ibinabayad para sa “jeonsae.” Maaari pa rin kayong makipagtawaran sa may-ari ng bahay tungkol sa halaga ng deposito sangayon sa contract period ninyo. Kung kaya ninyong magbayad ng mas mataas na buwanang upa, maaari ninyong tawaran ang halaga ng deposito para mas mapababa ito. Ganoon din kung mas mataas ang deposito na kaya ninyong bayaran, pwedeng babaan ang buwanang renta. Ang kondisyon sa “wolse” ay nakadepende sa laki at bilang ng kwarto ng bahay at iba pang pasilidad sa bahay. Hindi kasama sa buwanang renta ang bayad Para sa utilities (kuryente, gas, atbp.). Kinakailangan niyo ring maghanda ng sarili ninyong mga gamit sa bahay. Gayunpaman, karamihan sa mga pinarerentahang bahay ay mayroon ng mga appliances gaya ng refrigerator, washing machine, atbp.
May mga may-ari ng bahay kung saan isinasagawa ang “ggalsae” kapag ang uupa sa bahay ay mga dayuhan o multikultural na pamilya. Ito ay paraan ng pag-uupa kung saan binabayaran na nang buo ang upa na Para sa 1~3 taon. (Ang taunang renta ay pangkaraniwan sa lugar ng Jeju, kung saan ang isang buong taong renta ay dapat nang bayaran nang buo.)
Ito ay isang paninirahan na inihanda ng kumpanya o paaralan para sa mga dayuhang may mga visa na para sa pagtuturo ng technology investment (D-3), at mga manggagawa na pumasok sa Korea sa pamamagitan ng Employment Permit System na may di-propesyonal na trabaho visa (E-9), ang ilang mga kumpanya ay maaaring magbigay ng dormitoryo, ngunit hindi ibig sabihin na ang mga kumpanya ay pursigido na gawin ito.
Sa Korea, maraming paraan na maaaring gamitin sa paghahanap ng bahay. Maaaring makita ito sa mga posters o flyers at personal na bisitahin ito, subalit pinaka-karaniwan ang paggamit ng real estate agency o budongsan. Kapag ginamit ninyo ang real estate agency, ang ahente ang magsasagawa ng paghahanap ng bahay para sa inyo at sila rin ang maghahanda ng mga kinakailangang dokumento parasa inyo. Kaya’t mas magiging ligtas ang pagpipirma ninyo ng kontrata nang hindi masasangkot sa legal na usapin. Subalit kinakailangan niyong bayaran ang serbisyo ng ahente. Kapag gumamit kayo ng real estate agency, depende sa uri at presyo ng bahay, may fixed legal payment na babayaran pero maaring makatulong kapag tingnan niyo muna sa internet kung magkano ang komisyon ng ahente.
Kinakailangang isagawa ang kontrata sa pag-upa ng bahay ng personal kasama ang may-ari ng bahay. Sa kontrata, isinusulat ang tagal ng pag-upa sa bahay (lease period), halaga ng deposito, halaga ng buwanang renta, at iba pa. Subalit, may mga pagkakataon kung saan ang kontrata ay isinasagawa sa pagitan ng dating umuupa sa bahay at sa kanila nagbabayad ng deposito ang bagong umuupa sa bahay kaysa sa mismong may-ari ng bahay. Sa mga ganitong pagkakataon, kapag hindi sumang-ayon ang may-ari ng bahay sa isinagawang kontrata sa pagitan ng dating umuupa, maaaring hindi niyo na makuha ang deposito ninyo.
Samakatuwid, kinakailangan ninyong tiyakin ang identidad ng may-ari ng bahay at tiyakin kung anuano ang mga kailangang dokumento ng may-ari ng bahay o ng pinagkakatiwalaang tao (sertipikasyon ng personal na selyo (seal), Special Power of Attorney, atbp.) bago pumirma ng kontrata. Maaari ninyong matiyak ang identidad ng may-ari ng bahay sa pamamagitan ng “certified copy of real estate register.” Madali rin itong makuha sa internet. Makakabuting i-check ng ilang beses ang real estate register bago magbayad ng downpayment, interim payment o pagbabayad ng buo.
Bago isagawa ang kasunduan kailangang tiyakin muna nang mabuti ang rehistro ng bahay. Sa rehistro makikita ang pangalan ng may-ari, tirahan, sukat ng bahay at ang katayuan ng bahay ukol sa utang ng may-ari. Hindi na kailangan pang magtungo sa registrar upang makakuha ng kopya ng rehistro ng bahay. Maaari niyo itong makuha sa website (www.iros.go.kr, Supreme Court Internet Prosecution). Kung hindi ninyo alam ang tungkol dito, maaari kayong humingi ng tulong sa mga kakilala ninyo.
Ayon sa batas, hindi naman kinakailangan ang pagbabayad ng pangunang deposito (“reservation fee”). Gayunpaman, nakasanayan na ang pagbabayad ng 10% ng kabuuang deposito ng bahay bilang pangunang deposito. Halimbawa, kung ang kabuuang deposito ay KRW 2,000,000 ang pangunang deposito ay KRW 200,000 na maaaring bayaran sa napagkasunduang petsa bago ang paglipat sa bahay. Ang natitirang KRW 1,800,000 ay kailangan namang bayaran sa mismong araw ng paglipat sa bahay. Siguraduhing itago ang lahat ng resibo.
Minsan hindi maiiwasan ang paglilipat ng bahay bago pa mag-expire ang contract period para sa bahay. Sa mga ganitong pagkakataon, maaaring ibawas ng may-ari ng bahay ang kabuuang bayad Para sa mga buwan na natitira hanggang sa pagtatapos ng contract period sa deposito. Kung ano man ang matitira sa deposito ay kailangang ibalik sa inyo ng may-ari ng bahay.
Halimbawa, kung nakatira kayo sa isang bahay na may deposito na KRW 2,000,000 at ang buwanang kita ay KRW 150,000 at napagdesisyunan ninyong lumipat ng bahay 3 buwan bago matapos ang kontrata sa upa. Wala magiging problema kung may mahahanap kayong papalit sa inyo na uupa sa bahay. Subalit kung walang papalit agad sa inyo, ang ibabalik lang na deposito sa inyo ng may-ari ng bahay ay KRW 1,550,000 dahil ibabawas dito ang huling tatlong buwan ng upa (KRW 150,000 x 3 buwan) na nagkakahalaga ng KRW 450,000.
Kung hindi niyo na nais ipagpatuloy pa ang kontrata sa bahay, kailangan ninyong sabihan ang may-ari ng bahay, 1 buwan bago ang expiration ng kontrata. Kung nasabihan ninyo ang may-ari ng bahay agad, kinakailangan niyang ibalik sa inyo ang deposito sa pagtatapos ng kontrata. Ilegal na gawain ang hindi pagbabalik ng deposito at maaari kayong mag-file ng demanda laban sa kanya. Subalit kung magdedemanda kayo, napakakomplikado ng proseso at sa sitwasyon na ito, puwede kayong tumawag at humingi ng payo sa institusyon na nagbibigay ng suporta para dito (www.klac.or.kr, Korea Legal Aid Corporation).
Isang buwan bago ang contract period sa pag-uupa sa bahay, kailangang ipaalam sa may-ari ng bahay kung gusto ninyong magkaroon ng panibagong kasunduan (extension) o kung lilipat na kayo sa ibang lugar. Ang hindi pagpapaalam sa may-ari ang tungkol dito ay nangangahulugan ng panibagong kasunduan (awtomatikong pag-eextend ng kontrata). Dapat itong alalahanin dahil marami ang nagkakaroon ng suliranin at hindi pagkakaunawaan dahil dito.
May ilang mga multikultural na pamilya na pinapaboran ang direktang transaksiyon upang makatipid sa gastos. Bagama’t ang transaksiyong ito ay maaaring makatipid sa gastos, mayroon din itong iba’t ibang panganib. Kadalasan ang nagbebenta ay kailangang maglabas ng "deed of sale" kung saan nakasulat ang kanilang personal na impormasyon gaya ng kanilang address at phone number. Kaya naman, para sa mga kababaihang naninirahan nang mag-isa mas makakabuti ang hindi pagsisiwalat ng kanyang personal na impormasyon. Karamihan sa mga bumibisita sa mga binebentang bahay ay hindi nagsasama ng real estate agent o ng broker, kaya maaaring malantad sa panganib ang may-ari ng bahay.
Sa pamamagitan ng paggamit ng real estate broker, ang broker mismo ang susuri sa bahay kung ito ba ay may sira o wala at siya rin ang magpapaliwanag nito sa nais bumili o umupa ng bahay. Gayunpaman, tungkulin din ng uupa o bibili ng bahay na personal na suriin ang bahay na nais upahin o bilhin lalo na't kapag ito'y direktang transaksyon (o hindi gumagamit ng real estate broker). Suriin nang mabuti ang bahay nang sa ganoon ay hindi kayo magkaproblema sa mga kagamitan o kalagayan ng bahay. Bagaman direktang transaksyon ito, maaari pa rin kayong kumuha ng serbisyo ng broker para bumuo ng kontrata. Kadalasan, nasa KRW 100,000 ang bayad Para sa serbisyong ito. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na tapos na ang kasunduan. Ang serbisyong ibinigay ng broker ay tanging "scrivener service" lamang (tagagawa lamang ng dokumento). Sa madaling salita, walang pananagutan ang real estate broker sa isinagawa ninyong transaksyon.
Noong 2009, tinatayang umaabot lamang sa 50 ang bilang ng mga "direct transaction cafe." Subalit sa kasalukuyan, tumaas na ang bilang nito sa 100 at umaabot na sa 1.1 milyon ang miyembro nito. Bagaman bumagsak ang real estate market, tumaas pa rin ng dalawang beses ang bilang ng mga website cafes para sa direktang transaksyon. Ayon sa industriya ng real estate, humigit-kumulang sa 100,000 ang bilang ng mga inihahandog na binebenta o pinarerentahang bahay sa loob ng isang buwan. At karamihan sa mga ito ay inaadvertise sa pamamagitan ng internet (website ng real estate agency o sa mga website cafes). Nagiging popular din ang direktang transaksyon sa pagpaparenta ng bahay (jeonsae o wolse) dahil madali nang makita ang impormasyon dito sa pamamagitan ng internet. Dati, ang makikitang impormasyon tungkol sa mga pinarerentang bahay ay limitado lamang sa mga officetel o sa mga "one-room." At karamihan sa mga gumagamit nito ay mga estudyante sa kolehiyo o mga empleyadong naninirahan nang mag-isa. Subalit ngayon, ang direktang transaksyon ay kasama na rin ang mga villa na may 2~3 kwarto, mga house and lot, apartment na pinarerentahan, gayundin ang mga shopping center at opisina. Bagaman mas makakamura kayo kapag hindi gumamit ng real estate broker, maaari itong mapanganib sa mga walang alam sa real estate at hindi kabisado ang pagpipirma ng kontrata. Samakatuwid, mas makakabuti kung gagamit pa rin kayo ng serbisyo ng lisensiyadong real estate agency para maiwasan ang anumang disadbantahe. Lalo na para sa mga bahay na nakasanla na bilang auction subalit pinapaparentahan pa rin sa pamamagitan ng direktang transaksyon. Gayundin upang maiwasan ang kaso kung saan pinarerentahan ulit ng nagrerenta ng bahay ang bahay na ito sa iba (dobleng kontrata). Tandaan din na ang direktang transaksyon para sa pagrerenta (jeonsae o wolsae) ay direktang kontrata din sa pagitan ng dalawang partido nang hindi gumagamit ng broker. Kaya naman maaari itong magdulot ng malaking kawalan kung hindi ninyong titiyaking mabuti ang bawat sugnay at mga nakasaad na patakaran sa kontrata. Karamihan sa mga nagiging biktima nito ay iyong walang alam sa real estate at mga baguhan sa pag-uupa ng bahay. At iyong mga magagaling sa pangangalakal gamit ang internet subalit may kakulangan sa kaalaman sa real estate at mahilig maghanap ng murang pabahay ang may tendensiyang gumamit ng direktang transaksyon. Bilang resulta, sila rin ang nakakaranas ng disadbantahe kapag aalis na sila sa pinapaupahang bahay. Dagdag pa, marami din ang pumipirma ng kontrata nang hindi inaalam ang tunay na “market price” ng pinapaupahang bahay. Samakatuwid, pinakaligtas pa rin ang paggamit ng lisensiyadong real estate broker, nang sa ganoon ay kapag nabiktima kayo ng “double contracting” maaari kayong maprotektahan ng insurance laban sa pandaraya. Bilang panghuli, marami ring kabutihang dala ang pagsasagawa ng transaksyon sa ilalim ng lisensiyadong broker agency. Muli, tandaan na bagaman makakatipid kayo sa direktang transaksyon maaari itong magdulot ng disadbantahe.
Ito ang espesyal na sistema kung saan bibigyan ng prayoridad ang mga multikultural na pamilya sa proyektong pabahay nang hindi na kinakailangan pang sumailalim sa housing raffle kasama ang mga lokal na residente.
Ang housing subscription deposit account ay isang sistema kung saan ang isang tao o subscriber ay maaaring gamitin ang subscription deposit bilang isa sa maaaring kinakailangan o kondisyon upang makabili ng apartment o bahay. Ang mga apartment o bahay na ito ay maaaring isang national housing, pribadong bahay o malilit na pabahay kung saan ang mga taong nagnanais na bumili ng nasabing mga bahay ay nangangailangan ng subscription deposit-related account (subscription deposit, subscription savings, premium subscription, housing subscription deposit). Ang paraan ng pagpili sa magiging residente o bibili ng mga pre-sale houses ay nakabatay sa sunod-sunod na antas ng prayoridad o priority at puntos batay sa haba ng taon ng hindi pagkakaroon ng sariling tirahan, bilang ng kung ilang beses na nakapaghulog sa housing subscription deposit, halaga ng kabuuang naipon na deposit at iba pa..
Ang kuryente sa Korea ay may boltaheng 220V. Kung ang mga kagamitan ay 110V lamang kailangang gumamit ng transformer na para sa 110V.
Lahat ng bahay sa Korea ay mayroon circuit breaker para sa kaligtasan ng kuryente. Kapag mayroong suliranin sa daloy ng elektrisidad dahil sa labis na pagkonsumo nito, awtomatikong puputulin ng circuit breaker ang suplay ng elektrisidad. Ang pagkasira nito ay maaring magdulot ng mapanganib na sitwasyon kaya siguraduhing walang problema dito. Sa pamamagitan ng simpeng paraan, suriin ang switch ng circuit breaker (pula at green kung nag-short circuit), walang problema kapag normal ang switch.
Sa panahon ng taglamig, maaaring magyelo ang daluyan ng suplay ng tubig. Ang mga sumusunod ay ilang mga panutong makakatulong sa pag-iwas sa ganitong suliranin.
Buksan ang gitnang valve bago sindihan ang kalan. Matapos itong gamitin, siguruhin lubusang naisara ang gitnang valve. Upang suriin ang tagas ng gas, paghaluin ang likidong sabong panglaba para sa kusina at tubig sa ratio ng 1:1, at pagkatapos ay ilapat ito sa hose connecter. Wala itong problema kung ang wala itong reaksyon. Subalit, kung ito ay bumula ibig sabihin ay tumatagas ang gas at kinakailangan ninyo itong ipagawa agad. Kung piped gas o ang city gas sa Korea ang gamit ninyo, bibisitahin kayo ng technician tuwing ika-6 na buwan para i-check ito (ang nagamit sa isang buwan ay sinusuri buwan-buwan sa pamamagitan ng meter reading). Sa panahong ito, huwag umalis ng bahay at siguraduhing makatanggap ng inspeksyon.
Malaking aksidente ang maaaring mangyari kapag hindi maayos ang paggamit ng kalang gas para sa pagluluto, kaya maging maingat sa paggamit nito. Matapos gamitin ang kalan, siguraduhing nakapatay na ito nang mabuti. Ugaliin din ang pagla-lock ng “stop valve” matapos magluto.
Ang portable gas burner ay maaring gamitin kahit saan kaya maraming aksidente rin ang nagaganap sa maling paggamit nito, kailangang mahina lamang ang apoy at suriin agad kapag nangangamoy ito. Sa pagtatapon ng gamit nang lata ng gas ng butane, gumawa ng butas sa gitna ng lata sa pamamagitan ng pako at gawin ito sa maaliwalas na lugar sa labas ng bahay (well-ventilated outdoor area) bago ito ilagay sa basurahan.
Karamihan sa mga aksidenteng kaugnay sa gas ay nangyayari kapag tumagas ang gas dahil sa pabayang pamamahala sa pasilidad ng gas. Ang pinakakaraniwang aksidente ay ang suffocation at pagsabog. Kapag tumatagas ang gas, gawin agad ang mga sumusunod.
Karamihan na ginagamit na heating system sa mga kabahayan ay ang naka-install na hot water pipes sa sahig ng kwarto ng bahay na gumagamit at iniikutan ng mainit na tubig at siya ding nagbibigay ng mainit na tubig na ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Mayroong ginagamitan ng uling (‘yongtan’), langis, LPG at city gas. Mura ang paggamit ng uling ngunit may kahirapan dahil kailangang lagi itong palitan.
Ang boiler na gumagamit ng langis at LPG ay may kamahalaan at kailangang bumili muli kapag ito’y naubos. Ang pinakamaganda ay ang city gas. Ito’y mura at nagagamit sa pagluluto at pang-init ng bahay. Sa paghahanap o pagpili ng bahay, alamin kung ang bahay ay may nakakabit na city gas. Ang mga bahay na may city gas ay masasabing may kamahalaan ang upa ngunit mas higit na nakakamura sa bayarin ukol sa gas.
Ang electric heater at electric pad ang ilan sa pinakapangkaraniwang gamit para sa pagpapainit ng bahay, subalit maaaring tumaas ang bayarin ninyo sa kuryente dahil dito. At marami rin itong inilalabas na electromagnetic waves na maaaring makasama sa katawan. Kaya naman mag-ingat sa paggamit nito. Tandaan din na huwag gamitin ang electric heater at ang electric pad sa loob ng mahabang panahon dahil baka magdulot ito ng sunog.
Ang gas heater ay madalas na ginagamit sa loob ng bahay. Subalit, huwag gamitin ito kapag natutulog at kailangang patayin ito sa oras ng pagtulog. Madalas nagkakaroon ng aksidente dahil dito. Sa paggamit ng gas heater siguraduhing maayos ang bentilasyon sa loob ng bahay.
Maaaring tumawag sa 100 (KT) o sa 106 (SK broadband) kung nais ninyong magpa-install ng landline phone sa inyong bahay. I-dial lamang ang alinman sa dalawang teleponong ito at iko-connect kayo nito sa call center. Sa pagbabayad ng bill sa telepono mas makakabuti kung automatic withdrawal ang paraan ng pagbabayad (awtomatikong ibabawas sa bank account ninyo ang karampatang bayad para sa telepono). Maaari rin kayong magbayad sa pamamagitan ng internet, Giro (www.giro.or.kr ☎1577- 5500). Sa pamamagitan nito, mas mapapadali na ang pagbabayad ng bill sa telepono at hindi niyo na kailangang pumunta pa sa bangko.
Karamihan sa mga dayuhan ay hindi maaring mamili ng cellphone na hulugan. Mas mapapadali ang pagbili ng teleponong babayaran ng cash (lumpsum payment). Ang mga dayuhang may alien card lamang ang maaring kumuha ng sariling numero sa telopono na nakapangalan sa kanya.
Sa ganitong pagkakataon ay maaring gumamit ng tinatawag na ‘cardphone’. Ang ‘cardphone’ ay isang pre-paid card na ginagamit sa telepono at doon binabawas ang bayad ng bawat tawag. Hindi na kailangan magbayad para sa pagpaparehistro nito at iba pang charges, Hindi na kailangan magbayad para sa pagpaparehistro nito at iba pang charges, ngunit may kamahalaan ang bayad sa bawat tawag. Ang isang ‘cardphone’ ay nagkakahalaga ng KRW10,000 at kung gagamitin ng tuloy-tuloy ay aabutin ng isang oras sa pakikipag-usap. Hindi na maaring gamitin sa susunod na buwan ang ‘phonecard’ kahit na hindi pa nauubos ang halagang KRW10.000.
Ang mga presyo ng mga mobile phone ay naiiba ayon sa mga produkto. Maaari kang bumili ng isang prepaid card ng pagtawag sa isang mobile phone shop. Sa mga lugar kung saan maraming mga banyagang manggagawang nakatira, maaari kang bumili ng mga ito sa iba’t ibang mga tindahan at mga pamilihan sa paligid ng pabrika, atbp. Ang mga ito ay maaaring mabili sa pinakamalapit na mga pabrika na may mga dayuhang manggagawa sa mga tindahan, dayuhang merkado ng mga pagkain, mga tanggapan ng koreo (Nag-iiba-iba ang mabibilhan kada rehiyon. Dapat magtanong sa ☎1588-1300) o awtorisadong tindahan ng telekomunikasyon.
Sa paggamit ng cell phone, marami kayong matatanggap na spam calls and text messages. Mas makakabuti kung hindi niyo na ito papansinin pa maliban na lamang kung naglalaman ito ng mga importanteng mensahe. Mag-ingat din sa pagtawag ulit sa mga ito dahil maaaring mas malaking pinsala ang dala nito sa inyo gaya ng pagcha-charge sa cell phone ninyo ng malaking bill o service charge. Huwag ding basta-basta ang pagsagot sa mga text messages na naglalaman ng mga pornograpiya.
May 17 area code sa Korea. Kapag tatawag sa parehong lugar i-dial lamang ang numero ng telepono at parehong area code, subalit kapag tatawag sa ibang lugar i-dial muna ang nakatalagang area code sa naturang lugar at ang numero ng telepono. Halimbawa, kapag tatawag sa Seoul at tatawag sa parehong lugar, pindutin lamang ang numero ng telepono. Kapag naman nasa Seoul at tatawag sa Busan, i-dial muna ang area code 051 sunod ng numero ng telepono. Area code ng long–distance calls
Area | Code | Area | Code | Area | Code | Area | Code |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Seoul | 02 | Daejeon | 042 | Chungbuk | 043 | Gyeongnam | 055 |
Busan | 051 | Ulsan | 052 | Chungnam | 041 | Jeju | 064 |
Daegu | 053 | Daegu | 044 | Jeonbuk | 063 | ||
Incheon | 032 | Gyeonggi | 031 | Jeonnam | 061 | ||
Gwangju | 062 | Gangwon | 033 | Gyeongbuk | 054 |
Kailangan ng card o kaya ng barya kapag gagamit ng pampublikong telepono. Kung matatapatan ang tamang oras, makakamura din kayo sa paggamit ng international call. Kapag local landline ang tatawagan KRW 70 lang ang bayad sa bawat 180 segundo. Kung cell phone naman ang tatawagan, KRW 70 sa bawat 38 segundo.
Lahat ng mga pampublikong telepono ay may pulang buton na pinipindot kapag may emergency. Kahit walang kard o barya kung pinindot ang pulang buton ay maaring makapagreport ng krimen o sunog sa kinauukulan. Ang mga sumusunod ay mga numero para sa mabilisan at matinding pangangailangan kaya dapat na sauluhin ang mga ito.
Kapag nais tumawag at walang barya o kard maaring tumawag ng “collect”. Ang magbabayad ay ang tatanggap ng tawag, at mas mahal ang halaga kaysa pangkaraniwang tawag. Para sa domestic paggamit, ‘pindutan ng emergency + 1541 + numero ng telepono ng iba pang mga partido na #’
Para sa internasyonal na tawag mas makakamura kung gagamit ng international phone card na mabibili mula sa internet site na nakalaan para sa mga dayuhan o sa ilang tindahan.
Ang mga internasyonal na tawag, o mga tawag sa pagitan ng mga bansa ay mas mahal kaysa domestikong tawag. Maaaring makatipid sa pamamagitan ng mga internasyonal na tawag sa panahong may mga diskwento, na madalas ay sa gabi o pista opisyal. Iminumungkahing suriin ang mga bayad ng mas maaga, sa dahilang magkakaiba ang mga halaga ayon sa bansa at nagkakaloob ng serbisyo. Sa ngayon, maraming smartphone applications na puwedeng iinstall para sa libreng internasyunal na tawag.
Bansa | Country Code | Bansa | Country Code | Bansa | Country Code | Bansa | Country Code |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Nigeria | 234 | Vietnam | 84 | Iraq | 964 | Kyrgyzstan | 996 |
Nepal | 977 | Brazil | 55 | Iran | 98 | Thailand | 66 |
Germany | 49 | Sudan | 249 | Egypt | 20 | Turkey | 90 |
Laos | 856 | Sri Lanka | 94 | India | 91 | Pakistan | 92 |
Russia | 7 | Syria | 963 | Indonesia | 62 | Peru | 51 |
Malaysia | 60 | Singapore | 65 | Japan | 81 | Philippines | 63 |
Mexico | 52 | Argentina | 54 | China | 86 | Australia | 61 |
Mongolia | 976 | Angola | 244 | Chile | 56 | Hong Kong | 852 |
America, Canada | 1 | Inglatera | 44 | Kazakhstan | 7 | ||
Myanmar | 95 | Equador | 593 | Cambodia | 855 | ||
Bangladesh | 880 | Uzbekistan | 998 | Colombia | 57 |
May iba't ibang channel ang inihahandog ng mga broadcasting stations sa Korea. Ang mga broadcast ay maaaring magmula sa general service broadcast, cable TV, rehiyunal na cable broadcast, satellite broadcast (Sky Life) at mga pangunahing broadcast (KBS, MBC at SBS). Sa kasalukuyan, mayroon na ring tinatawag na "internet-based pay TV" (o mas kilala sa tawag na "IPTV"). Ang ilang kumpanya ng rehiyunal na cable TV o IPTV companies ay naghahandog na rin ng magkasamang serbisyo para sa cable at highspeed internet. Kung nais ninyong kunin ang serbisyong para sa internet at sa cable, maaari kayong mas makamura sa pagkuha ng "bundled service" na ito.
Subalit kung ang nais ninyo ay tanging internet connection lamang, pagkumparahin niyo muna ang mga serbisyong inihahandog sa iba't ibang telecommunications company at alamin kung saan kayong mas makakamura at kung anong kumpanya ang nagbibigay ng mas dekalidad na serbisyo.
Kung mahirap magpakabit ng internet sa panahong kailangang ito, maaring sa internet café’ na lamang pumunta. Ang mga internet café’ ay bukas 24 oras araw-araw sa halagang 1,500 won~2,000 won lamang sa bawat oras.
Sa pagtatapon ng mga basura, kailangang pagsama-samahin ang mga pangkaraniwang basura, mga tirang pagkain at mga bagay na maaring magagamit muli. Ilagay sa tamang garbage bag ang bawat uri ng basura at itapon sa nakalaang lugar para sa pangungulekta ng mga ito. Ang oras ng koleksyon ng basura ay madaling araw o kaya’y bandang hapon. Kaya maaring dalhin ang mga basura sa nakalaang lugar mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga. Dapat nakalagay sa tamang garbage bag at maayos ang basura. Sapagkat maaring hindi ito dalhin ng nangungulekta ng basura at maaring pagmultahin din kayo.
Ang mga basura maliban sa tirang pagkain at mga basurang puwedeng magamit muli (recycle), ay tinatawag na pangkaraniwang basura na inilalagay sa supot ng basura.
Mabibili ang supot ng basura sa mga kalapit na tindahan sa inyong bahay. Magkaiba ang kulay ng supot ng basura para sa general garbage at para sa food waste. Iba-iba rin ang supot ng basurang itinatakda ng bawat distrito.
Kaya siguraduhing tama ang inyong mabibiling supot ng basura. Mayroong iba’t ibang sukat ang pangkaraniwang plastic bag ng basura : 1, 2, 5, 10, 20, 30, 50, 60, 75 at 100 liter. Maaaring magkakaiba ang ibinebentang laki nito depende sa lugar. Karamihang ginagamit sa loob ng bahay ay ang laking 10 at 20 litros lamang. Ang garbage bag ng tirang pagkain ay sapat na ang 2 hanggang 5 litros ang gagamitin dahil sa ito’y mabilisang itatapon. Ang garbage bag ay magkakaiba sa bawat lugar kaya hindi maaaring gamitin ang isang garbage bag sa iba’t-ibang pook.
Depende sa lugar na panresidensiyal, salain ang basura at itapon ito sa bag ng basura ng pagkain o ilagay sa isang disposable na lalagyan ng basura ng pagkain.Subalit may mga lokal na munisipalidad na nagpapatupad ng “measured rate system” para sa pagtatapon ng tirang pagkain (RFID).
Mga bagay na maaaring maresaykel ay ang mga papel, bote, scrap metal, lata, vinyl, packaging bags (posible lang kung mayroong marka na PP, OTHER, LDPE, etc) plastik, - PET bottles, foamed styrene (EPS), packaging materyal (styrofoam), at iba pang mga lalagyan ng mga bagay na gawa sa plastik o bote(bote ng yogurt, sabon) atiba pa. Ang mga bote o lata ng mga iinumin ay kinakailangang malinis at pinaliit ito bago ilagay sa basurahan.
Kinakailangang bumili ng sticker sa dong office o sa community center ng inyong lugar kapag magtatapon kayo ng malalaking basura gaya ng lumang furniture o sirang appliances. Idikit ang sticker sa kagamitang nais ninyong itapon at saka ninyo ito ilagay sa tapat ng bahay ninyo (kung saan madalas itinatapon ang iba pang basura). Ang ibang mga tindahan (hal. supermarket) ay nagtitinda rin ng sticker Para sa basura. Ang iba namang apartment ay pumapayag na itapon lang ito sa recycling center ng apartment complex at kinakailangan lang magbayad para rito.
Maaari kayong bumili ng isang sticker sa pamamagitan ng Internet (sa district office homepage).