Ang sistema ng edukasyon ng Korea ay binubuo ng anim na grado sa paaralang elementarya, tatlong grado sa middle school, tatlong taon sa mataas na paaralan at apat na taon sa unbersidad (o dalawang taon sa kolehiyo). Ang anim na taong kurikulo (curriculum) ng paaralang elementarya at tatlong taong kurikulo sa middle school ay kabilang sa mandatoryong libreng edukasyon.
Sa Korea, nahahati ang akademikong taon sa dalawang semestre. Ang unang semestre ay mula Marso 1 hanggang sa petsang itinakda ng punong-guro ng paaralan na isinaalang-alang ang bilang ng araw ng eskuwela, mga bakasyon, at akademikong kurikulum. Ang ikalawang semestre ay nagsisimula sa araw pagkatapos ng huling araw ng unang semestre at nagtatapos sa huling araw ng Pebrero ng susunod na taon. Karaniwan, nagsisimula ang unang semestre sa unang bahagi ng Marso, at nagsisimula ang ikalawang semestre sa pagitan ng huling bahagi ng Agosto at unang bahagi ng Setyembre. Ang akademikong kurikulum para sa mababa, gitna, at mataas na paaralan ay nahahati sa dalawang bahagi: pamantayang kurikulum at mga malikhaing pagkatutong gawaing sinimulang mag-isa.
Para sa paghahandog ng edukasyon sa wikang Koreano sa mga bagong imigrante at mga mag-aaral na may dayuhang nasyonalidad (o preschoolers) na kulang sa katatasan sa wikang Koreano, nagbubukas ng mga klase sa wikang Koreano sa kindergartens at mababa, gitna, at mataas na paaralan upang suportahan ang edukasyon sa wika at kulturang Koreano. Mayroong 444 na klase sa wikang Koreanong inaalok sa 291 paaralan sa buong bansa (batay sa 2022), at kung hindi nagpapatakbo ang paaralan ng iyong anak ng mga klase sa wikang Koreano, makakatanggap ng suporta para sa edukasyon sa wikang Koreano sa pamamagitan ng "Bumibisitang Edukasyon sa Wikang Koreano." Huwag mag-atubiling tingnan ang mga klase sa wikang Koreano sa inyong lugar sa pamamagitan ng Tanggapan ng Edukasyon sa inyong munisipalidad o lagusan ng edukasyong multikultural (www.edu4mc.or.kr).
Upang mapadali at mapabuti ang edukasyong bilinggwal, gumagawa at nagpapamahagi ng mga aklat-aralin at e-books na bilinggwal. Idinaraos ang Paligsahan ng Talumpating Bilinggwal kada taon. Maaari kang bumisita sa Pundasyong MiraeAsset Park Hyeon Joo (foundation.miraeasset.com) o lagusan ng Pambansang Sentro para sa Multikultural na Edukasyon (www.edu4mc.or.kr) upang i-download ang mga bersiyong e-book ng mga aklat-araling bilinggwal (Wikang pag-aaralan kasama ni Nanay at Tatay*, atbp.). Pumipili ang Paligsahan ng Talumpating Bilinggwal ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga paligsahang pinapatakbo ng paaralan at mga lokal na paligsahan at idinaraos ang pambansang paligsahan tuwing unang bahagi ng Disyembre.
Sinusuportahan namin ang 1:1 pagtuturo kasama ng mga mag-aaral ng kolehiyo upang mapadali ang pakikibagay sa paaralan at pangunahing pag-aaral. Bumibisita ang mga tagapagturong mag-aaral ng kolehiyo sa mga paaralang dinadaluhan ng mga multikultural na mag-aaral upang matulungan silang mag-aral pagkatapos ng klase o sa panahon ng pahingang hating-taon. Makakalahok ka sa pamamagitan ng pagpapadala ng aplikasyon sa iyong paaralan o lokal na sentrong pambata.
May mga kasalukuyang ipinapatakbong paaralan na alternative school para sa mga multikultural na mag-aaral na huminto sa pag-aaral o nais na magkaroon ng pag-aaral batay sa kanilang personalidad
Pangalan ng Paaralan | Level | Natatanging Katangian | Matrikula | Telepno |
---|---|---|---|---|
The School of Global Sarang (Seoul Guro-gu) www.globalsarang.com | Mababang paaralan·Gitnang paaralan·Mataas na paaralan |
| Libre | 02-6910-1004 |
Seoul Dasom Tour High School (Former Seoul Dasom School, Seoul Jongno-gu) www.sds.hs.kr | Hayskul |
| Libre | 070-8685-7798 |
Korea Polytechnics Dasom School (Chungbuk Jecheon) dasom.kopo.ac.kr | Hayskul |
| Libre (libreng dormitoryo) | 043-649-2800 |
Incheon Hannuri School (Incheon Namdong-gu) (www.hanuri.icesc.kr) | Elementarya, Middle School, Hayskul |
| Elementarya, middle school : Libre Hayskul : May Bayad (dagdag na bayad Para sa dormitoryo) | 032-442-2104 032-442-2109 |
Haemill School (Gangwon-do Hongcheon-gun) (haemillschool.com) | Middle School |
| Libre (Kasama ang bayad sa dormitoryo) | 033-433-8761 |
Ang mga Paaralang Internasyonal (International / Foreign Schools) ay isang uri ng paaralan para sa mga dayuhang bata na may dayuhang magulang at mga batang may magulang na Koreano na nanirahan sa ibang bansa sa loob ng mahigit na 3 taon kasama ang kanilang anak at sa mga bat a na may kakulangan sa kasanayan at kaalaman sa wikang Korean, kung saan nagkakaroon ng suliranin ang mga batang ito sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa ordinaryong paaralan sa Korea. Sa kasalukuyan, ang bilang ng mga Paaralang Internasyonal o International/Foreign Schools ay tinatayang umaabot sa bilang na 39, 18 sa Seoul, 6 sa Gyeonngi, 5 sa Busan, 2 sa Incheon, 2 sa Gyeongnam, 2 sa Daegu, at tig-1 naman sa lugar ng Dajeon·Gwangju·Ulsan·Kangwon