Nagbibigay serbisyo para sa pagpapakulot, pagpapagupit, pagpapakulay ng buhok, manicure at pedicure, at make up. Ang regular na mga gupit ay mga nasa KRW 10,000 ~ 30,000. Ang perms ay sadyang nagkakaiba-iba, na nagsisimula sa KRW 20,000 hanggang mahigit KRW 100,000.
May iba’t-ibang uri ng paliguan sa Korea. Mayroong ‘mogyoktang’, sauna at ‘jjimjilbang’.
Maunlad ang kultura ng Korea tungkol sa paliligo. Maraming mga tao ang nagpupunta sa pampublikong paliguan minsan sa bawat isa o dalawang linggo. Nagbababad sila sa mainit na tubig upang matanggal ang lahat ng dumi sa katawan. Matapos magbabad sa mainit na tubig at pagpawisan sa loob ng sauna ay makakaramdam ng kaginhawaan. Sa Korea kapag naliligo dito ay hinuhubad ang lahat ng damit. Ang sabay-sabay na paliligo ay nangangahulugan ng mas malapit na relasyon. Hindi madaling makisabay sa paliligo ng nakahubad sa mga taong hindi kilala. Para sa mga dayuhang nagmula sa bansang walang ganitong kultura ay maaring mahirapan makibagay sa kulturang ito. Mayroong mga dayuhang pumapasok sa paliguan na nakasuot ng pangloob na labis na ikinagugulat ng mga Koreano. Kung nais pumasok sa pampublikong paliguan ay kailangang hubarin ang lahat ng mga damit. Kung hindi kayang hubarin ang lahat ng kasuotan mas mainam na huwag magtungo dito at sa bahay na lamang maligo.
Ang isang espesyal na kalusugan ay hindi mabuting naglalagi ng masyadong mahaba sa mainit na lugar ng higit pa. Mapanganib ang ‘mogyoktang’ para sa mga buntis at maysakit sa puso. Sa mga taong pinapawisan ng marami ay kailangang uminom ng tubig bawat 30 minutos upang maiwasan ang panunuyo ng katawan. Libre ang tubig sa loob ng ‘mogyoktang’ at mayroon din nabibiling inumin.
Mayroon mga taong natutulog sa ‘jjimjilbang’ matapos malasing at tuloy na sa pagpasok sa trabaho kinabukasan. Makakasama ito sa katawan dahil nababawasan ng tubig ang katawan kapag nalasing at kung matutulog sa ‘jjimjilbang’ ay lalong manunuyo ang katawan. Sa karagdagan, kung mayroon kang mga sakit sa balat o iba pang mga nakakahawang sakit ay hindi kailanman dapat pumunta sa isang pampublikong pasilidad ng paliguan.
Hindi maaring magsuot ng underwear o maghilod sa loob ng paliguan. Hindi maaaring maglaba kahit may maligamgam na tubig at may sabon.
Ang mga ospital·klinika ay isang pasilidad na nagbibigay ng medikal na pagsusuri at paglalapat ng lunas upang maiwasan ang maaaring dumapo na sakit o karamdaman at nagbibigay din ng mga serbisyo ukol sa rehabilitasyon. Ang mga pangkaraniwang ospital ay nagbibigay lunas sa specific na karamdaman batay sa kanilang espesyalista, ang mga general hospital ay naglalapat ng iba’t ibang lunas para sa anumang klase ng karamdaman, at ang mga oriental medicine clinic naman ay naglalapat ng lunas batay sa oriental medicine. Ang halaga ng bayad sa paglalapat ng lunas o pagpapa-check-up ay nakabatay sa kondisyon o uri ng karamdaman at sa Paraan ng paglalapat ng lunas hinggil dito.
Ang parmaseutiko ay isang lugar kung saan ang layunin nito ay mapangalagaan at mapanatili ang kaayusan ng mga ibinabahaging mga gamot at isang lugar na nagbebenta ng mga healthcare at health-related na mga produkto. Ang botika ay isang lugar na hindi maaaring pamahalaan ng sinuman maliban na lamang kung ang taong magbubukas o mamamahala nito ay isang pharmacist o herbalist na may kaukulang lisensya o nationallicense. Matapos na makatanggap ng doctor’s prescription, maaari kang makabili ng gamot sa botika.
May iba’t ibang uri ng produkto o pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay na itinitinda sa iba’t ibang pamilihan. Batay sa laki ng pamilihan, ito ay nahahati sa maliit na pamilihan at malaking pamilihan. Ang dami ng mamimili sa nasabing mga pamilihan ay makikita sa maayos na kapaligiran at kalidad atmaayos na serbisyo para sa mga kostumer. Maaaring makabili ng mga produkto na may discounted prices batay sa oras, kaya maaari na makatipid sa pamimili.
May iba’t ibang screen o lugar na panooran ng pelikula na ginagamit sa mga sinehan. Ang mga pasilidad na tulad ng 3D at 4D sa loob ng sinehan ay ginagamit batay sa tema o tampok ng pelikula upang makapagbigay ng kaginhawaan sa mga manonood. Ang nasabing lugar ay may malawak o mahabang oras ng screening time mula umaga hanggang gabi para sa pagbisita ng mga manonood.
Ang mga parke sa loob ng villages ay idinesenyo para sa mga naninirahan dito. Sa bawat lugar, ang laki ng parke ay nababatay sa lawak ng lokasyon at mayroon din na mga pasilidad para sa mga bata at matatanda tulad ng mga exercise equipments. Nakakatulong ito para sa pangkalusugan at emosyonal na pamumuhay ng mga residente.