Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Check-up Para sa Kalusugan (Medical Check-up)

  • Home
  • Kalusugan at Pagpapagamot
  • Check-up Para sa Kalusugan (Medical Check-up)

Check-up Para sa Kalusugan (Medical Check-up)

01General Health Check-up

Ipinapatupad para sa layuning maagang pagtuklas ng mga sakit na cardiovascular, tulad ng mataas na presyon ng dugo at diabetes, at pagpapabuti ng mga kaugalian sa pamumuhay para sa (pagiging karapat-dapat at pagitan) mga empleyadong tagasuskrito, mga lokal na tagasuskritong pinuno ng sambahayan, mga lokal na miyembro ng sambahayang edad 20 taong gulang man lamang, at kanilang mga sustentado.

  • (Dalawang-taong pagitan; gayunpaman, para sa mga manggagawang hindi nagtatrabaho sa tanggapan sa mga empleyadong tagasuskrito, isinasagawa taon-taon)
    • Mga benepisyaryo ng tulong medikal: mga taong edad 20 hanggang 64 (pasok ang lampas 66 na taong gulang sa panahon ng habangbuhay na pagbabago ng alagang medikal)
  • Uri ng Pagsusuri : Karaniwang Pagsusuri at Pagsusuri Batay sa Kasarian Edad
  • (Karaniwang Pagsusuri) Konsultasyon at pagpapayo, pagsusuri sa pisikal na pangangatawan o physical examination, pagsusuri sa paningin·pandinig, pagsusuri ng dibdib o chest radiography, pagsusuri ng dugo o blood test, pagsusuri ng ihi o urinary examination, oral examination
  • (Mga aytem kada kasarian at edad) Nag-iiba-iba ang karapat-dapat na kasarian at edad para sa bawat aytem ng pagpapatingin/pagsusuri kaugnay ng dyslipidemia, hepatitis B antigen/antibody, kapal ng buto, cognitive dysfunction, pangkaisipang kalusugan, pagtatasa ng mga kaugalian sa pamumuhay, mga pisikal na silbi ng matatanda, at pagpapatingin ng sira ng ngipin.
    • (Pangkumpirmang pagpapatingin/pagsusuri) Ang mga pinaghihinalaang may mataas na presyon ng dugo, diabetes, o pulmonary tuberculosis bilang resulta ng pagpapatingin ng kalusugan ay maaaring suriin at tingnan sa malapit na pagamutan o klinika nang walang anumang ginagastos gamit ang sariling pera hanggang katapusan ng Enero ng susunod na taon (Hindi kabilang ang mga pangkumpirmang pagpapatingin/pagsusuri para sa mataas na presyon ng dugo at diabetes sa mga pangkalahatang pagamutan at mga tersyaryong pangkalahatang pagamutan).

02Cancer Screening

Ito ay isinasagawa upang maagang masuri ang tinuturing na 6 uri na may pinakamataas na insidente ng cancer.

  • Pagiging karapat-dapat at pagitan: Kanser sa tiyan (edad 40 man lamang, 2-taong pagitan), kanser sa bituka (edad 50 man lamang, 1-taong pagitan), kanser sa suso (edad 40 man lamang, 2-taong pagitan), kanser na servikal (edad 20 man lamang, 2-taong pagitan), kanser sa atay (edad 40 man lamang sa grupong mataas ang panganib, kada anim na buwan), kanser sa baga (edad 54 hanggang 74 sa grupong mataas ang panganib, 2-taong pagitan)
    • Ang pagsasala para sa kanser ay ipinagpapaliban ng 5 taon para sa mga sumailalim na sa ikalawang yugto ng pagsasala para sa kanser na colorectal (colonoscopy) sa pambansang pagsasala para sa kanser at mga nag-aaplay para sa pagkalkula ng mga natatanging kaso ng anim na pangunahing kanser (Makakapagpasala kapag nag-aplay nang hiwalay.)

03Infant Health Examination

Lahat ng mga kinakailangang pagsusuri para sa malusog na paglaki at pag-unlad ng mga sanggol kasama ng edukasyon para sa mga tagapag-alaga

  • Pagiging karapat-dapat: Puntiryang edad para sa bawat kaso sa mga sanggol at paslit na mas bata sa 6 na taong gulang (14 na araw hanggang mas bata sa 71 buwang gulang)
    • Bagong pagtatatag ng pagpapatingin para sa kalusugan para sa mga sanggol sa loob ng 14 na araw pagkapanganak~35 araw… Ipinapatupad simula Enero 1, 2021
  • Mga tala ng pagpapatingin : pagsusuri, pisikal na pagsusukat, pagtatasa ng pag-unlad, pagpapayo, edukasyong pangkalusugan, at pagpapatingin sa ngipin

04Pagsusuri ng Kalusugan para sa mga Kabataan sa labas ng Paaralan

Naghahandog ng mga regular na pagpapatingin para sa kalusugan para sa mga mag-aaral na hindi pumapasok sa paaralan upang tulungan silang lumaking malusog

  • Mga taong karapat-dapat: Mga kabataang edad 9 hanggang 18 na hindi pumapasok sa paaralan
    • Sa mga mag-aaral na edad 19 na hindi pumapasok sa paaralan, maaaring mag-alok ng medical checkups kung hindi magkasanib sa health checkups.
  • Mga tala ng pagpapatingin: pagpapayo, pagsusuri, pisikal na pagsusukat, pagsusuri ng dugo, at pangunahing pagpapatingin at namimiling pagpapatingin tulad ng pagpapatingin sa ngipin
    • Susuriing muli ang mga taong hinihinalang may mataas na presyon ng dugo o diabetes, tuberkulosis, mga sakit sa puso, dyslipidemia, hepatitis C, o syphilis pagkatapos magpatingin para sa tiyak na rikonosi.

05Panahon ng Pagpapatupad ng Medical Check-up

  • Hanggang Disyembre 31 ng kasalukuyang taon
  • Gayunpaman, nagsasagawa ng mga pangkumpirmang pagpapatingin/pagsusuri at mga pang-ikalawang yugtong pagsusuri hanggang Enero 31 ng susunod na taon.
    • Isinasagawa ang mga pagpapatingin ng sanggol nang 8 beses sa kabuuan (batay sa edad) sa loob ng panahon ng pagpapatingin/pagsusuri.
    • Ang mga pangkumpirmang pagpapatingin/pagsusuri para sa mga kabataang hindi nag-aaral ay hanggang Marso 31 ng susunod na taon.

06Nakalaang Kaukulang Bayad

  • General Health Check-up, Diagnosis Test, Infant Health Examination > Walang nakalaang kaukulang bayad ang pasyente
  • Medical checkup para sa mga kabataang nasa labas ng paaralan · walang bayad (buong suporta ng pamahalaan)
  • Pagsasala para sa kanser > 10% ng gastos gamit ang sariling pera (Gayunpaman, walang gagastusin gamit ang sariling pera para sa mga karapat-dapat sa suportadong gastos sa pagsasala para sa kanser (pambansang kanser) at mga tumatanggap ng mga benepisyong medikal, at sagot ng NHIS ang lahat na gastos sa mga pagsasala para sa kanser na servikal at kanser sa bituka.)
Hakbang sa Pagsasagawa ng Medical Examination
  • Pagkilala sa Taong Sasailalim sa Pagsusuri
    • Tingnan kung karapat-dapat ka sa mga pagpapatingin/pagsusuri at ang mga akmang aytem para sa taon sa pamamagitan ng talangguhit para sa pagsusuring ipinadala ng NHIS sa mga karapat-dapat sa mga pagpapatingin/pagsusuri o sa pamamagitan ng pook-sapot o galang app ng NHIS (Pangkalusugang Seguro)
  • Pagpapa-appointment sa Medical Examination Center at Pagbisita Dito
    • Makakapagpatingin ka sa alinmang itinalagang institusyong medikal/klinika, saan man ang iyong lugar ng tirahan, at dapat kang magdala ng mabisang anyo ng ID sa institusyong medikal/klinika.
  • Notipikasyon para sa Resulta ng Pagsusuri
    • Pagpapadala ng resulta ng pagsusuri sa mga examinees o sumailalim sa pagsusuri
  • Maaaring mahirap magpareserba para sa pagpapatingin sa katapusan ng taon dahil sa malaking bilang ng mga tumatanggap ng pagsusuri, kaya mangyaring magpatingin nang maaga.

Para sa Katanungan : National Health Insurance Corporation Customer Service ☎ 1577-1000

Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”