Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동

Pangunahing Pambansang Seguridad sa Pamumuhay (The National Basic Livelihood Security)

  • Home
  • Social Security System
  • Pangunahing Pambansang Seguridad sa Pamumuhay (The National Basic Livelihood Security)

Pangunahing Pambansang Seguridad sa Pamumuhay (The National Basic Livelihood Security)

Ang pamahalaan ay nagkakaloob sa mga mamamayang may mababang kabuuang kita ng pangunahing suportang pangkabuhayan, suportang pantahanan (Ministry of Land, Infrastructure and Transport), suportang pang-edukasyonal (Ministry of Education), at medical aid upang bigyang garantiya ang seguridad sa pangunahing pangkabuhayan ng mga mamamayan. Naghahandog din ito ng sistematikong serbisyo para tulungan ang sarili (self-support service) sa mga maaaring makapagtrabaho. Ang mga dayuhang residente ay maaari din mag-apply Para sa mga benepisyong ito alinsunod sa kaugnay na batas.

01Kwalipikasyon

Sinumang dayuhang tumutugma ang kwalipikasyon sa mga sumusunod na kondisyon, gayundin ang mga kinakailangang rekisitos ayon sa ① iniulat na kita ② dependent, ay maaaring makatanggap ng subsidiya mula sa National Basic Livelihood Security.

  • Ang dayuhan na nakarehistro at naninirahan sa Korea at ikinasal sa Koreano o kung ang dayuhan o asawa niya ay buntis o nagpapalaki ng isang menor-de-edad na Koreano ang nasyonalidad (kahit na sila'y diborsyado, kabilang na ang namatayan ng asawa).
  • Kung kasamang naninirahan ang kapamilya ng asawang Koreano (mga magulang, lolo o lola, at iba pa), ang dayuhan ay hindi maaaring makatanggap ng benepisyo, subalit ang Koreano na kapamilya ay maaaring makatanggap ng tulong. Sa sitwasyong ito, maaari pa din ang pagkakaloob ng tulong sakaling makamit pa rin ang kondisyon tungkol sa sa tinatanggap na kita at suporta Para sa mga dependent.
  • Mga dayuhang mamamayang kinikilala bilang takas ng Kagawarang-bansa ng Katarungan ayon sa Artikulo 2.2 ng Batas sa mga Takas at naninirahan sa Korea
  • Mga dayuhang mamamayang naninirahan sa Korea at kinikilalang may natatanging ambag sa Afghans ng Kagawarang-bansa ng Katarungan ayon sa Artikulo 14.2 ng Batas sa Pagtrato sa mga Dayuhang Mamamayan sa Korea.
  1. 1Kapag ang iniulat na kita ng pamilya (ang halaga ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagdadagdag ng halaga ng kita ng pamilya sa halaga ng ari-arian) ay mas mababa sa pamantayan (ilang porsyento ng pambansang pamantayang kita*) Para sa mga benepisyaryo.
    • (2024) 32% ng kitang pangkabuhayan, 40% ng bayad para sa medikal na gastusin, 48% bayad para sa bahay , 50% bayad para sa edukasyon
  2. 2Iyong mga walang susuportahan o dependent (miyembro ng pamilya, at asawa), o sa may dependent subalit hindi kayang suportahan, o iyong hindi makatanggap ng suporta.
    • Hindi ginagamit ang bukana para sa tanging naghahanapbuhay sa mga benepisyong pabahay at edukasyon. Hindi inaalok ang benepisyong pangunahing kabuhayan kung kumikita ang tanging naghahanapbuhay ng taunang kitang KRW 100 milyon o may pangkalahatang ari-ariang lampas KRW 900 milyon.
Sanggunian
2024 kalahatiang kita
Halaga (KRW/ Buwan)
2021 kalahatiang kita
Tala Sambahayang may 1
miyembro
Sambahayang may 2
miyembro
Sambahayang may 3
miyembro
Sambahayang may 4
miyembro
Sambahayang may 5
miyembro
Sambahayang may 6
miyembro
Sambahayang may 7
miyembro
Halaga (KRW/ Buwan) 2,228,445 3,682,609 4,714,657 5,729,913 6,695,735 7,618,369 8,514,994
  • Tumataas nang KRW 896,625 ang panggitnang kita para sa isang pamilyang may 8 katao kada karagdagang tao.
Pamantayan ng Pagpili para sa Tulong 2024 ayon sa laki ng sambahayan at uri ng suporta
(yunit : KRW / buwan)
2021 Pamantayan ng Pagpili para sa Tulong
Laki ng sambahayan Sambahayang may 1 katao Sambahayang may 2 katao Sambahayang may 3 katao Sambahayang may 4 na katao Sambahayang may 5 katao Sambahayang may 6 na katao Sambahayang may 7 katao
Pamantayan ng pagpili para sa suportang pangkabuhayan
(Bukana ng panggitnang kita na 32% o mas mababa)
713,102 1,178,435 1,508,690 1,833,572 2,142,635 2,437,878 2,724,798
Pamantayan ng pagpili para sa suportant medikal
(Bukana ng panggitnang kita na 40% o mas mababa)
891,378 1,473,044 1,885,863 2,291,965 2,678,294 3,047,348 3,405,998
Pamantayan ng pagpili para sa suportang pabahay
(Bukana ng panggitnang kita na 48% o mas mababa)
1,069,654 1,767,652 2,263,035 2,750,358 3,213,953 3,656,817 4,087,197
Pamantayan ng pagpili para sa suportant pang-edukasyon
(Bukana ng panggitnang kita na 50% o mas mababa)
1,114,223 1,841,305 2,357,329 2,864,957 3,347,868 3,809,185 4,257,497

02Mga Uri ng Tulong

(1)Kitang Pangkabuhayan

  • Paglalarawan : Damit, pagkain, gas, at mga pangunahing produkto para sa batayang pangkabuhayan.
  • Halaga ng kita : Ang halaga ng iniulat na kita ng pamilya ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagkakaltas sa minimum level ng sahod pangkabuhayan (32% ng pamantayang kita)
  • Halaga ng kitang pangkabuhayan = minimum level ng kitang pangkabuhayan (pamantayan sa pamimili ng benepisyaryo) – iniulat na kita

(2)Tulong Pabahay

  • Nilalaman ng tulong : Isasaalang-alang ang tirahan, uri ng bahay, laki ng pamilya, at iba pa, Para magbigay ng renta sa bahay o suporta sa pagpapagawa nito
  • Halaga ng tulong : Para sa mga nangungupahang pamilya o rented households, ang halaga ng suporta para sa paninirahan ay nakabatay sa batayan ng halaga ng renta sa bawat lugar, bilang ng miyembro ng pamilya, at halaga ng kita o income, samantalang ang halaga ng suporta para sa pagpapaayos ng bahay para sa mga pamilyang may sariling bahay ay nakabatay sa halaga ng kita o income na nakategorya bilang lower class, middle class o upper class.
Sanggunian
Mga pinamakamababang pamantayan ng mga sambahayang umuupa (batay sa 2024)
(yunit: KRW 10,000)
Mga pinamakamababang pamantayan ng mga sambahayang umuupa
Tala Unang gradong lugar (Seoul) Ikalawang gradong lugar (Gyeonggi, Incheon) Ikatlong gradong lugar (Mga natatanging lungsod bukod sa punong-lungsod, Sejong, punong-lungsod) Ikaapat na gradong lugar (iba pang mga rehiyon)
Sambahayang may 1 miyembro 34.1 26.8 21.6 17.8
Sambahayang may 2 miyembro 38.2 30.0 24.0 20.1
Sambahayang may 3 miyembro 45.5 35.8 28.7 23.9
Sambahayang may 4 na miyembro 52.7 41.4 33.3 27.8
Sambahayang may 5 miyembro 54.5 42.8 34.4 28.7
Sambahayang may 6 na miyembro 64.6 50.7 40.6 34.0
  • Ang buwanang upa para sa isang sambahayang may 7 miyembro ay pareho sa pamantayang upa para sa isang sambahayang may 6 na miyembro. Para sa isang sambahayang may 8 o 9 na miyembro, magpapatupad ng 10% pagtaas mula sa pamantayang upa para sa isang sambahayang may 6 na miyembro. (Ipapatupad ang parehong tuntunin sa mga sambahayang may mahigit 10 miyembro: magkakaroon ng 10% pagtaas kada dalawang miyembro sa buwanang upa mula sa upa ng isang sambahayang nabibilang sa dating kategorya)
Minimong bukana ng mga sambahayang may sariling bahay: Mga abal-abal sa ilalim ng Kagawarang-bansa ng Lupain, Imprastraktura, at Transportasyon
Pinamakamababang pamantayan ng mga sambahayang may sariling bahay
Tala Maliit na pagpapaayos Katamtamang pagpapaayos Malaking pagpapaayos
Mga gastos sa pagpapaayos (siklo) KRW 4.57 milyon (3 taon) KRW 8.49 milyon (5 taon) KRW 12.41 milyon (7 taon)
  • Kung ang ipinagbigay-alam na kita ay mas mababa sa pamantayan para sa pangkabuhayang sahod, suportado ang 100% ng gastos sa pagpapaayos. Kung ang ipinagbigay-alam na kita ay mas mababa sa 35% ng pamantayang kalahatiang kita, suportado ang 90% ng gastos sa pagpapaayos. Kung ang ipinagbigay-alam na kita ay mas mataas sa 35% nguni’t mas mababa sa 45% ng pamantayang kalahatiang kita, suportado ang 60% ng gastos sa pagpapaayos.

(3) Suportant pang-edukasyon: Abal-abal sa ilalim ng Kagawarang-bansa ng Edukasyon

Nilalaman ng Tulong :
Bayad sa pagpasok (admission), tuition fee, gastusin sa aklat, gastusin sa mga gamit sa paaralan at kagamitan sa pagsulat.
Nilalaman ng Tulong
2024
Mga tala ng tulong Halaga at Gamit ng tulong
Tulong panggawaing pang-edukasyon Mga mag-aaral ng mababang paaralan KRW 461,000 Malayang paggastos ayon sa pangangailangang pang-edukasyon kada mag-aaral
Mga mag-aaral ng gitnang paaralan KRW 654,000
Mga mag-aaral ng mataas na paaralan KRW 727,000
Mga gastos sa aklat-aralin Mga mag-aaral ng mataas na paaralan Isinaayos ang lahat ng gastos sa aklat-aralin kada regular na kursong pang-edukasyon ng pampaaralang taon
Mga mag-aaral ng mataas na paaralan Mga mag-aaral ng mataas na paaralan Kabuuang halagang ipinabatid ng mga punong-guro kada taon at rehiyon

(4)Tulong sa Panganganak

  • Sa panahong nanganak na ang benepisyaryo, (kabilang ang inaasahang pagsilang ng sanggol), KRW 700,000 ang binabayaran nang cash para sa bawat 1 sanggol (sa mga kambal na sanggol na isinilang, nasa KRW 1,400,000 ang halagang ibinibigay).

(5)Tulong sa Gastusin sa Pagpapalibing

  • Ang halaga ng tulong na ibinibigay ay hanggang KRW 800,000 para sa bawat pumanaw na benepisyaryo.

03Paraan ng Aplikasyon

  • Para sa aplikasyon sa benepisyong hatid ng National Basic Livelihood Security, bisitahin ang eup, myeon o dong resident center at isumite ang aplikasyon para sa (o sa pagpapalit ng) social welfare services at mga benepisyo nito.
  • Pag-aaralan ng isang opisyal ng gobyerno ang aplikasyon at titingnan kung nararapat na tumanggap nito.
  • Ipagbibigay-alam sa iyo kung ikaw ay kwalipikado o hindi sa loob ng 30 na araw, pinakamatagal na ang 60 araw.
  • Magsumite ng aplikasyon (community center o tanggapan ng eup, myeon)
  • Pag
    aaralan ng isang opisyal ng gobyerno ang mga detalye ng buwanang kita ng aplikante at mga ari- arian.
  • Ipagbibigay alam
    sa aplikante ang resulta ng kanyang aplikasyon.
Mga Dapat Tandaan!
Health & Welfare Counseling Center ☎129(www.129.go.kr)
  • Kung nangangailangan ka ng pagpapayo o impormasyon tungkol sa mga serbisyong pangkalusugan o kapakanang panlipunan para sa iyo at sa iyong pamilya, huwag mag-atubiling tumawag sa 129 (kapag gumagamit ng cellphone, idayal ang lokal na numero + 129). (Walang area code 129)
  • Paksa sa Konsultasyon : seguridad ng kita, suporta para sa pangkabuhayan, serbisyong panlipunan, konsulta para sa kalusugan
  • Oras ng Konsultasyon : Weekdays : 9 ng umaga ~ 6 ng hapon
  • Konsultasyon Para sa Agarang Suporta : Bukas ng 365 araw, 24 oras.
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”