01Kumpirmasyon ng Validity Period ng Pasaporte at ng Visa Para sa Pananatili
Ang mga dayuhang nais pumasok sa Korea ay kinakailangang may hawak na valid passport at visa na inisyu ng Minister of Justice ng Korea. Tiyakin ang expiration date na nakasaad sa inyong pasaporte at visa nang sa ganoon ay hindi kayo makakuha ng anumang disadbantahe sa pananatili sa Korea kagaya sa mga kaso ng pag-eextend ng visa (sojourn period), atbp.
Pasaporte
Dapat itong dalhin bilang isang dokumento ng pagkakakilanlan na nagtatala ng mga personal na impormasyon tulad ng nasyonalidad ng may-ari.
Paraan ng Pagbabasa sa Visa na Ipinagkaloob ng Republika ng Korea
- Sojourn Status (Uri ng Visa) : Sa pamamagitan nito, malalaman kung ano ang layunin ng isang tao sa pagpasok sa Korea. (Para sa mga migranteng kasal sa Koreano : F-6 visa)
- Ang petsang nakatatak sa nakapaloob na sertipiko ng pagsusuri na isinagawa ng immigration sa inyong pasaporte kapag pumasok kayo sa Korea ay ang kikilalaning opisyal na araw ng pagtapak ninyo sa bansa. Pagkatapos ay dito ibabase ang ng Immigration Office ang pagkakalkula ng araw ng panahon ng pananatili ninyo sa South Korea.
- Ang sojourn period ay nakabatay sa katayuan ng panantili sa Korea o status of residence at kinakailangan na magparehistro ng alien registration at pagpapahaba o extension ng pananatili at iba pa (maaaring magkaroon ng extension ng pananatili o hindi ang aplikante batay sa katayuan o status of residence at sa mga dahilan ng pananatili nito) bago matapos o ma-expire ang panahon ng pananatili o sojourn period (sa loob ng 90 na araw simula ng pumasok sa bansang Korea).
- Ang petsa ng pag-expire ay makikita sa ibaba ng panahon ng pamamalagi (visa) at nagpapahiwatig din ito kung kailan mag-expire.
Visa sa Korea
- < Harapang Bahagi ng
Alien Registration Card > - < Harapang Bahagi ng Permanent
Resident Card > - < Harapang Bahagi ng Overseas Korean
Resident Card >
Harapan
- Tawag sa ID Card
- (Hangeul) Wuigukin Deungnokjeung (Ingles) RESIDENCE CARD
- (Hangeul) Yeongjujeung (Ingles) PERMANENT RESIDENT CARD
- (Hangeul) Wuigukgukjeokdongpo Guknaegeososingojeung (Ingles) OVERSEAS KOREAN RESIDENT CARD
- Alien Registration Number : nakasulat sa ganitong format ◯◯◯◯◯◯ - ◯◯◯◯◯◯◯
- Kasarian : M para sa Lalaki, F para sa Babae
- Pangalan : Nakasulat ito sa alpabetong Ingles sangayon sa paraan ng pagkakasulat sa pasaporte
- Bansa / Rehiyon : Nakasulat ang nasyunalidad sa wikang Ingles
- Sojourn Status (Uri ng Visa) : Isinasaad dito ang kwalipikasyon sa pananatili sa Korea sang-ayon sa Artikulo 12 ng ipinatutupad na ordinansiya ng Immigration Control Law (para sa mga migranteng kasal sa Koreano: (F-6)) *Ang nasa panaklong ay code ng paninirahan
- Institusyong Nag-isyu ng Card : Nakasaad ito sa Korean at Ingles
- < Likod na Bahagi ng
Alien Registration Card > - < Likod na Bahagi ng
Permanent Resident Card > - < Likod na Bahagi ng
Overseas Korean Resident Card >
Sa likod
Sojourn Period (Panahon ng Pananatili)
- Petsa ng Pagbibigay ng Permiso : Petsa ng pahintulot para sa application ng permit sa paninirahan, atbp.
- Expiration Date : Petsa ng pagtatapos ng pinayagang panahon ng pananatili.
- Kung ang uri ng visa ay permanent residency (F-5) at may nakasulat na ‘validity period’, ang validity period nito ay 10 taon mula sa araw na narelease.
- Kumpirmasyon: Isinasaad dito kung saan lugar (“Seoul” “Busan”, atbp. – hindi na inilagay pa ang ‘Immigration Foreigner Office (Tanggapan)’) inisyu ang permiso. Pinaikli at inilagay na lamang bilang “Gimpo-si,” “Gapyeong-gun,” “Jongno-gu” at iba pa.
(1)Panandaliang Pananatili (Short-term Stay) (B, C na Uri ng Visa - Hanggang 90 Araw Lamang)
Ang nakasaad na expiration date sa visa ay tumutukoy sa petsa kung kailan lamang maaaring manatili sa bansa.
(2)Pang-matagalang Pananatili (Long-term Stay) at mga Nagtataglay ng Permanent Residency : Alien Registration Card, Korean Resident Card, Permanent Resident Card Holder
Nakasulat ang pinapahintulutang/mabisang haba (mga petsa) ng pansamantalang pagtigil at petsa ng pagkapaso sa likod ng tarheta ng pagpaparehistro bilang dayuhan, at dapat kang mag-aplay para sa isang mabisang bisa upang mapalawig ang haba ng pansamantalang pagtigil bago ang petsa ng pagkapaso upang legal na manatili nang mas matagal. (Kailangang maisyung muli ang tarhetang pangpermanenteng residente sa loob ng pahanon ng pagiging mabisa)
02Rehistrasyon ng mga Dayuhang Residente
(1)Kwalipikasyon at Haba ng Rehistrasyon Bilang Dayuhang Residente
Ang mga dayuhang mananatili sa Korea nang mahigit sa 90 na araw ay kinakailangang magparehistro bilang dayuhan sa loob ng 90 na araw.
- Kung nabigyan kayo ng natatanging kwalipikasyon para manatili sa Korea o kaya may permiso na kayo sa pagpapalit ng uri ng visa, ang pagpaparehistro bilang dayuhan ay isasabay sa pagbibigay o pagpapalit ng bagong kwalipikasyon.
(2)Mga Kinakailangang Dokumento
Mga Kinakailangang Dokumento Para sa Lahat ng mga Dayuhang Residente.
- Pasaporte (+original, photocopy)
- Integrated Application Form (attached form no. 34 na ipinamimigay sa Immigration·Foreigner Office (Tanggapan·Sangay))
- 1 pc. passport picture (may sukat na 3.5cm x 4.5cm)
- White background picture na nakaharap ang mukha at kuha sa loob ng 6 na buwan
- Bayad sa Pagbibigay o Pag-iisyu ng Registration Card: KRW 30,000 (cash)
- Dokumento para sa Katibayan ng Pananatili (Iba’t-ibang karagdagang dokumento ang kailangan ayon sa sojourn type (uri ng visa). Makipag-ugnayan sa Foreigners' Information Center (☎1345) upang malaman ang mga dokumentong kailangan).
(3)Migranteng Kasal sa Koreano
Bukod sa mga dokumentong nasa itaas, kinakailangan ang mga sumusunod na dokumento ng Koreanong asawa :
- Katibayan ng Pagpapakasal (detalyado)
- Kopya ng Pagpaparehistro bilang Residente
- (Kung may mga anak) Sertipiko ng Ugnayang Pampamilya ng mga Anak
- Iniisyu sa loob ng tatlong buwan pagka-aplay
- Sertipiko ng lugar ng pansamantalang pananatili
- Bayad para sa pag-iisyu ng pagrerehistro na nagkakahalaga ng KRW 30,000 (salapi) + bayad para sa pagpapalawig ng pananatili na nagkakahalaga ng KRW 30,000
- Dapat magsumite ng pagsusuri para sa tuberkulosis ang mga taong mula sa mga bansang nangangailangan ng pagsusuri para sa tuberkulosis upang makakuha ng sertipiko (batay sa Abril 2020)
- Dalawang taong panahon ng pananatili ang iginagawad sa mga dayuhang nakakumpleto ng Programa para sa Maagang Pakikibagay ng mga Imigrante.
(4)Aplikasyon at Pag-iisyu ng Alien Card
Ang aplikasyon at pag-iisyu (o muling pag-iisyu) ay maaaring isagawa sa Immigration Office (o branch ng Immigration)
* Foreigners' Information Center (Makipag-ugnayan sa ☎1345)
Paraan ng Pagbibigay ng Alien Card Registration
Ang haba ng panahon ng pagkakaloob ng alien registration card ay maaaring sa loob ng 3 linggo mula sa petsa ng aplikasyon para sa rehistrasyon sa pagiging dayuhan o alien registration, at ito ay matatanggap sa pamamagitan ng pagbisita sa Immigration·Foreigner Office (Tanggapan·Sangay) o pagpapadeliver o courier service (payment in advance).
(5)Pangangasiwa sa Alien Registration Card (“Alien Card”)
Ang Alien Registration card ay isang kard ng pagkakakilanlan na nagpapatunay na ikaw ay isang dayuhan, kaya dapat mong dalhin ito kahit saan ka magpunta, at maaaring mapasailalim ka ng multa hanggang sa 1,000,000 KRW sa paglabag nito.
Muling pag-iisyu ng kard para sa pagpaparehistro bilang dayuhan :
Sa mga sumusunod na kaso, dapat mag-aplay ang mga banyagang residente para sa muling pag-iisyu ng kanilang kard para sa pagpaparehistro bilang dayuhan sa naaakmang Tanggapang Pandarayuhan o Tanggapan para sa mga Dayuhan (o sangay na tanggapan).
- Pag-ulat sa Pagkawala ng Alien Registration Card
- Pagkasira ng Alien Registration Card
- Kailangan ng karagdagang espasyo para sa bagong impormasyon.
- Kung sakaling pinalitan ang pangalan, kasarian, petsa ng kapanganakan at nasyunalidad.
Mga Kinakailangang Dokumento.
- Pasaporte
- Integrated Application Form
- Colored-picture (3.5cm x 4.5cm) 1kopya
- Bayad sa Pagbibigay o Pag-iisyu ng Registration Card KRW 30,000
- Pagsasauli ng Alien Card Registration : kailangan isauli kapag
구비서류 : 반납해야 하는 경우, 반납시기 및 제출서류를 포함한 표입니다. Mga Sitwasyon | Kailan Isasauli ang Alien Registration Card | Mga Kinakailangang Dokumento |
Kapag tuluyan nang lalabas ng bansa | Sa airport lang bago ang pag- alis | Wala |
Kapag nakakuha ng Korean Citizenship | Sa loob ng 30 araw pagkatapos magparehistro bilang residenteng Koreano | Alien card, application form Para sa pag-iisyu ng resident registration card (national ID), pangunahing sertipiko |
Sa pagkamatay | Sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng kamatayan (asawa, magulang, kapatid, atpb.) | Alien Registration Card, Death Certificate o Medical Certificate at iba pang dokumento na nagpapatunay ng kamatayan |
03Ekstensyon ng Pananatili
(1)Kwalipikasyon at Panahon
Ang mga dayuhang nais pang manatili sa Korea matapos ang pinapayagang panahon sa pananatili (sojourn period) ay kinakailangang makakuha ng permiso para rito. Ang aplikasyon para sa extension ay kailangang isagawa sa loob ng 4 na buwan bago ang expiration hanggang sa mismong araw ng expiration ng sojourn period. Kapag isinagawa ang aplikasyon matapos mapaso ang expiration, maaaring magbayad ng multa para rito.
(2)Proseso ng Pag-eextend ng Sojourn Period
Pagpaparehistro sa Civil Service
(Civil Service)
Pagpaparehistro
(Opisyal ng Immigration)
Screening
(Pagkakaroon ng survey tungkol sa aktwal na kondisyon kung kinakailangan)
Status sa Pagbibigay ng Permiso
(Pag-apruba)
Permiso sa Pagencode at Paglalagay ng Data sa Computer
Pagbibigay ng Passport at iba pa
(Dayuhan)
(3)Mga Kinakailangang Dokumento
- Integrated application form
- Pasaporte at alien card (kung mayroon).
- Dokumento ng katunayan ng lugar ng pananatili o place of sojourn
- Bayad : KRW 60,000 (KRW 30,000 sa (F-6) migranteng kasal sa Koreano)
Mga Kinakailangang Dokumento para sa mga Kasal na Imigrante
- Sertipiko ng pagpapakasal sa Koreanong asawa (detayado)
- Kopya ng pagpaparehistro bilang residente ng Koreanong asawa
- (Kung may mga anak) Sertipiko ng Ugnayang Pampamilya ng mga Anak
- Sertipiko ng lugar ng pansamantalang pananatili (kailangan lamang kung ang tirahan ng Koreanong asawa at banyagang kabiyak ay magkaiba) Maaaring mangailangan ang pinuno ng Tanggapang Pandarayuhan ng mga karagdagang dokumento kung itinuturing na kailangan sa panahon ng aplikasyon at proseso ng pagtatasa.
- Nag-iiba-iba ang mga dokumento ayon sa kwalipikasyon sa pananatili. Mangyaring makipag-ugnayan sa Pandarayuhang Sentro ng Pakikipag-ugnayan ☎ 1345 upang tingnan.
04Pagpapalit ng Sojourn Status (Uri ng Visa)
(1) Kwalipikasyon at Panahon
Kung nais ng dayuhang baguhin ang mga pinapayagang uri ng mga gawain ayon sa kanilang sojourn status, at nais nilang magsagawa ng ibang gawaing nasasaklaw ng ibang uri ng visa o sojourn status, kinakailangan muna nilang mag-apply sa Immigration·Foreigner Office (Tanggapan·Sangay) upang makakuha ng panibagong permit bago ang pagsasakatuparan ng bagong gawain.
- Sa mga uri ng “short-term visiting visa,” ang “group tourist visa (C-3-2)” ay hindi pinapayagang magpalit ng sojourn status (ibang uri ng visa) sa loob ng Korea.
- Mga estudyanteng nagtapos na para sa kursong pangwika (language course) (D-4) at nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaaral sa isang unibersidad sa Korea (D-2).
- Mga dayuhang may iba pang uri ng visa (hal. visa na para sa panandaliang pananatiling hindi hihigit ng 90 na araw, mga ilegal na residente (TNT), atbp.) na nagpakasal sa isang Koreano at nais magpalit ng spouse visa (F-6)
(2) Mga Kinakailangang Dokumento
- Application form at 1 standard picture
- Pasaporte at alien registration card (kung mayroon)
- Mga kalakip na dokumento depende sa uri ng sojourn status
- Bayad sa Pagpapalit ng Eligibility: KRW 100,000 (Bukod pa dito ang bayad sa pagbibigay o pag-iisyu ng registration card na KRW 30,000)
- Para sa pagpapalit ng eligibility sa mga may permanent residency (F-5), kaukulang bayad na KRW 200,000.
(Bukod pa dito ang bayad sa pagbibigay o pag-iisyu ng permanent resident card na KRW 30,000.)
05Iba pang mga Gawain Maliban sa mga Pinapayagang Gawaing Saklaw ng Sojourn Status (Uri ng Visa)
(1)Kwalipikasyon at Panahon
Kung ang mga residenteng may visa para sa pangmatagalang pananatili (long-term stay) o para sa may permisong manatili sa Korea ng higit sa 90 araw (hindi kasama dito ang may short-term visa na Para lang sa hindi hihigit sa 90 araw na pananatili) at nais panatiliin ang kanilang kasalukuyang sojourn status (visa type) subalit nais magsagawa ng mga gawaing hindi saklaw ng kanilang sojourn status (visa type), kinakailangan nilang mag-apply para sa permiso para sa nasabing aktibidades bago nila ito gawin. Halimbawa:
- Mga dayuhang estudyante na may D-2 visa at language researcher (D-4-1, D-4-7) na kinumpirma bilang mga exchange student ng supervisor ng eskwelahan (Maaaring tumawag sa ☎1345 para sa mga karagdagang detalye).
- Ang mga estudyante bilang language researcher ay binibigyan ng permiso na 6 na buwan mula sa araw ng pagpasok sa bansa.
- Mga misyonaryong may D-6 visa na kinakailangang magbigay ng lecture o magturo sa kaparehong foundation sa ilalim ng parehong institusyon(E-1).
Sa kaso ng mga migranteng kasal sa Koreano (F-6), wala silang restriksyon sa pagtatrabaho at maaari silang magtrabaho dito nang malaya. Kaya’t hindi na nila kailangan pang kumuha ng permiso para dito. Subalit, kahit na pinapapayagang magtrabaho dito sa Korea, maaaring humingi pa rin ang nais pagtrabahuhan ng mga katibayan (requirments) bilang patunay ng kanilang kwalipikasyon sangayon sa batas.
(2) Mga Kinakailangang Dokumento
- Integrated application form
- Pasaporte at alien registration card (kung mayroon)
- Mga kalakip na dokumento ayon sa sojourn status
- Bayad : KRW 120,000 (libre ito para sa mga dayuhang estudyante (D-2) at regular na pagsasanay (D-4)
06 Permiso Para sa Muling Pagpasok (Re-entry Permit)
(1) Kwalipikasyon
- Mga rehistradong dayuhan na mananatili sa Korea ng higit sa 91 araw
- Mga dayuhang hindi kabilang sa pagpaparehistro ng dayuhan (foreign registration) : staff ng mga embahada at internasyunal na organisasyon na naka-istasyon sa Korea, mga diplomatiko at iba pang katulad na posisyon na may parehong pribilehiyo kagaya ng mga consul (kasama ang kanilang mga pamilya) na may kasunduan sa pamahalaan ng Korea.
(2)Panahon
- Maximum na panahon bago ang isang beses na muling pagpasok (single re-entry) : 1 taon
- Maximum na panahon para sa higit sa isang beses na muling pagpasok (multiple re-entry) : 2 taon
(3)Mga Exempted at Mga Natatanging Saklaw ng Permiso Para sa Re-entry
- Exempted na sa pagkuha ng reentry permit ang mga rehistradong dayuhang may hawak ng A1~A3 visa (na may sapat na kwalipikasyon upang manatili sa Korea) at nais bumalik sa Korea isang taon mula sa araw ng pag-alis. (Kung mas mababa na lang sa isang taon ang natitirang sojourn period (panahon ng pananatili), ang ipagkakaloob na exemption para sa maximum period para sa muling pagbabalik ay itutulad din sa natitirang sojourn period).
- Para sa may F-5 visa (permanent residency), ang permiso paraㅍ sa re-entry ay hindi na kailangan sa loob ng dalawang taon mula sa araw ng pag-alis.
(4)Kinakailangang Dokumento
- Integrated application form
- Pasaporte at alien registration card (kung mayroon)
- Bayad : Single Re-entry Permit : KRW 30,000; Multiple Re-entry Permit : KRW 50,000
(5)Ekstensyon ng Panahon ng Permiso Para sa Re-entry (Re-entry Permit Period)
Ang isang dayuhang nakakuha ng re-entry permit subalit hindi makakabalik ng Korea sa itinakdang panahon para sa pagbabalik dahil sa hindi inaasahang pangyayari, maaari silang mag-apply para sa ekstensyon ng re-entry permit period sa embahada ng Korea sa Pilipinas sa loob ng pinahintulutang reentry period o exemption period. Kapag hindi pa rin kayo nakabalik sa Korea sa inextend na re-entry period, makakansela na ang kasalukuyan ninyong sojourn status.
07Mga Kailangang Iulat ng mga DayuhanPoint!
Ang mga dayuhang residente na rehistrado sa Korea bilang legal na dayuhan ay kinakailangang ipaalam ang anumang pagbabago sa kanilang impormasyon bilang residente sa Immigration·Foreigner Office (Tanggapan·Sangay) sa loob ng 15 na araw mula sa araw ng pagbabago sa impormasyon, na kailangan na bigyang-pansin upang maiwasan ang pagbabayad ng multa o penalty.
(1)Mga Pagbabagong Dapat Ipagbigay-alam
Ang mga dayuhang residente na rehistrado sa Korea bilang legal na dayuhan ay kinakailangang ipaalam ang anumang pagbabago sa kanilang impormasyon bilang residente sa Immigration·Foreigner Office (Tanggapan·Sangay) sa loob ng 15 na araw mula sa araw ng pagbabago sa impormasyon.
- Pagbabago sa pangalan, kasarian, petsa ng kapanganakan at nasyunalidad
- Pagbabago sa numero ng pasaporte (passport number), petsa ng pagkakaloob, at petsa ng pagkakawalang bisa (expiry date)
- Para sa mga dayuhang may D-1, D-2, D4~D-9 na visa, kailangang ipaalam sa immigration office kapag may pagbabago o dagdag sa kinabibilangan ninyong institusyon o pagbabago sa organisasyon (kasama na ang pagpapalit ng pangalan ng organisasyon)
- Para sa may D-10 visa na dayuhan, kailangang ipaalam sa immigration office kapag nagsimula na ang pagsasanay o may pagbabago sa training institute (kasama na ang pagpapalit ng pangalan ng institusyon)
- Para sa may H-2 visa na dayuhan na unang beses pa lamang magtatrabaho, kailangang ipaalam sa immigration office kapag nagsimula na sa pagtatrabaho sa isang pribadong kumpanya, institusyon, organisasayon o negosyo.
- Para sa may H-2 visa na dayuhan, kailangang ipaalam sa immigration office kapag may pagbabago sa kanyang pinagtatrabahuhang pribadong kumpanya, institusyon, organisasayon o negosyo.
- Pagpapalit ng address o lugar ng tirahan.
(2)Mga Kinakailangang Dokumento
- Application Form
- Pasaporte at Alien Registration Card
- Mga dokumentong nagpapatunay ng nasabing pagbabago (Kung sakaling nagpalit ng lugar ng tirahan, kinakailangan ang dokumento na nagpapatunay ng paglilipat ng address ng tirahan o proof of address.)
Ating Alamin!
Ano ang Quarantine? (Quarantine Para sa Hayop at Halaman na Produkto)
Upang maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit na nanggaling sa hayop at peste sa agrikultural na pananim o halaman mula sa ibang bansa, nagsasagawa ng ilang mga quarantine sa preentry ng mga paliparan at daungan sa buong bansa.
Kung sakaling hindi iniulat ang mga item na tulad na ito, maaaring magbayad ng multa at malimitaduhan at makaapekto sa pananatili sa bansa.
- Kung sakaling ang manlalakbay ay may dalang agricultural·livestock na produkto, siguraduhin na iulat ang mga ito sa Animal and Plant Quarantine Agency sa paliparan·daungan.
Paraan ng Pagsasagawa ng Quarantine
- Pagdating sa Korea(paliparan o airport, daungan o port, post office)
- Pagsusuri ng Immigration
- Pag-uulat ng Deklarasyon sa Customs (Pag-uulat ng Quarantine)
- Quarantine Para sa mga Hayop, Halaman, Produktong Pang-agrikultural, Livestock : Maaari lamang makapasok ang mga nakapasa sa pagsusuri sa quarantine.
- Pagsusuri ng Customs
- Pagpasok sa Bansa
Quarantine ng mga Hayop·Livestocks na Produkto
-
- 1 Mga karne at mga produktong pinrosesong karne: Baka, baboy, manok, itik, longganisa, hamon, pinatuyong karne, nilagang karne, atbp.
- 2 Dairy Products: gatas, cheese, butter at iba pa
- 3 Itlog at mga Produktong Gawa sa Itlog o Egg Processed Products: itlog, quail egg, egg white, egg yolk at iba pa
- 4 Mga pagkain, snack o nutrient food ng mga alagang hayop at iba pa
Mga Ipinagbabawal na Produkto na Hindi Pinapahintulutan na Dalhin ng Manlalakbay
- < Sausage >
- < Ham >
- < Dried Beef Jerky >
- < Tendon Meat >
- < Sundae >
- < Salted/Soy Sauce
Marinated Meat > - < Paa ng manok >
- < Dried Meat >
- < Dumplings >
Quarantine Para sa Halaman·Agrikultural na Produkto
- Mga Ipinababawal na Produkto
- 1Mangga, saging, mansanas, peras, orange, kalamansi, avocado, green beans, pipino, kamatis at iba pang uri ng prutas at gulay
- 2Kamote, patatas, walnuts at iba pang halaman na nabubuhay sa lupa o soil-crop plants at mga bungang buto o mani na may balat pa
- 3Mga halamang nabubuhay kapag itinanim sa lupa o soil-bearing plants, buhay na insekto, damo o binhi at iba pa
- < Mangga >
- < Kalamansi >
- < Mansanas, Tangerine >
- < Orange >
- < Saging >
- < Green Beans, Kamatis, Sili >
- < Kamote, Patatas >
- < Mga Halamang Nabubuhay Kapag Itinanim sa Lupa o Soilbearing Plants >
- < Buhay na Insekto >
Mga Pag-iingat sa Pagdadala ng mga Halaman at mga Produktong Agrikultural at Pagdadala sa pamamagitan ng Paghahatid-sulat/Koreo
Para sa mga halamang para sa pagpapatubo o pagpaparami, tulad ng mga buto (mga buto), mga punla (kabilang ang paghugpong/ pagputol), at mga ulo, dapat magsumite ng isang sertipikong phytosanitary (kwarentenas ng halaman) na inisyu ng bansang nagluwas. Kung wala kang sertipikong phytosanitary (kwarentenas ng halaman), ipinagbabawal ang pag-aangkat (epektibo mula Setyembre 2019).
- Maaaring malaman ang iba pang detalye sa impormasyon sa quarantine sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng Animal and Plant Quarantine Agency (www.qia.go.kr) at magtanong sa (054-912-1000 o 032-740-2661,2077).