Kabilang sa mga pamantasan sa Korea ang mga apat-na-taong pamantasan at dalawa- hanggang tatlong-taong junior colleges. Sa pangkalahatan, naghahandog ang mga 4-na-taong kolehiyo ng mga pangunahing pag-aaral imbes na edukasyong bokasyonal, at naghahandog ang mga 2-taong kolehiyo ng mga kasanayang bokasyonal kaugnay ng mga trabaho. Upang magpatala sa isang pamantasan, tinatanggap ang mga aplikasyon sa pamamagitan ng gumugulong na pagtanggap, na gumagamit ng mga rekord ng mag-aaral bilang pangunahing salik sa pagpili, at regular na pagtanggap, na gumagamit ng mga iskor sa Pagsusulit ng Iskolastikong Kakayahan sa Kolehiyo bilang pangunahing salik sa pagpili. Dahil bahagyang nag-iiba-iba ang mga paraan ng pagpili ng mag-aaral depende sa paaralan, proseso ng pagpili, at yunit ng pangangalap, dapat suriin ng mga mag-aaral ang mga alituntunin ng pangangalap na inilalatag ng bawat pamantasan bago mag-aplay. Gumagamit ang ilang pamantasan ng proseso sa pagtanggap na nagbibigay ng natatanging pagiging karapat-dapat sa ‘mga batang mula sa mga pamilyang multikultural,’ nang sa gayo'y makakapag-aplay ang 'mga dayuhang may parehong magulang na banyagang mamamayan,' at ‘mga mamamayang Koreanong taga-ibang bansa,' mga banyagang mamamayan, mga taong may pahintulot sa naturalisasyon na nakumpleto ang buong talaaralan ng paaralan (12 taon) katumbas ng edukasyon sa mababa at gitnang paaralan sa Korea’ para sa ‘natatanging proseso ng pagsasala para sa mga Koreanong taga-ibang bansa at mga banyagang mamamayan.’
Apat na taon sa unibersidad, industriya, unibersidad, Unibersidad ng Edukasyon (College of Education), Broadcasting at Communications University, at cyber unibersidad at 2-3 taon ng kolehiyo, teknikal na kolehiyo, at unibersidad.
Uri | Detalye |
---|---|
Unibersidad | Naghahandog ng iba¡¯t-ibang kurso. Mayroong pinakamataas na bilang ng pagtanggap ng mga nagtapos sa mataas na paaralan |
Bokasyonal na Kolehiyo | Naglalayong paunlarin ang kayamanang pantao |
Institusyon sa Larangan ng Pagtuturo Institusyon sa Larangan ng Pagtuturo(College of Education) | Unibersidad upang sanayin ang mga elementarya at sekundaryong paaralan at guro |
Espesipikong Kolehiyo | Sinasanay ang mga mag-aaral na maging mga espesyalista. |
Kolehiyo ng Brodkast at Panulat at Cyber na Kolehiyo | Distansya ng kolehiyo ng edukasyon sa pamamagitan ng komunikasyon media, tulad ng telebisyon, computer, kahit saan, upang gamitin sa sa pag-aaral |
Unibersidad ng teknolohiya | Propesyonal na kaalaman sa larangan ng pang-industriya manggagawa sa industriya ng teknolohiya may pinag-aralan sa kolehiyo |
Ang ibinibigay na halaga ng scholarship ay magkakaiba depende sa uri ng unibersidad o kolehiyo (kung ito ba ay state-owned, pampubliko, o pribado), at ayon sa patakaran, mayroon pa ring kailangang bayaran ang mga estudyante. Gayunpaman, may iba’t ibang mga scholarship system na ipinatutupad ang pamahalaan at mga unibersidad para sa mga estudyanteng hindi makapagpatuloy sa pag-aaral sanhi ng pampinansiyal na kahirapan.
Ilan sa mga scholarship program na inihahandog ng gobyerno ay ang state scholarship, scholarship ng mag-aaral sa kolehiyo, at maaaring mag-apply Para sa rito ay iyong mga Korean citizens na kasalukuyang dumadalo sa kolehiyo o unibersidad. Para sa mga detalye, mangyaring bisitahin ang website ng Korea Student Aid Foundation (www.kosaf.go.kr).
Para naman makatanggap ng iba pang scholarship na ibinibigay ng kolehiyo o unibersidad, o ng ibang organisasyon, maaari kayong magtanong sa departamentong namamahala ng scholarship program sa paaralang dinadaluhan ng inyong anak. Makakuha kayo doon ng impormasyon tungkol sa uri ng scholarship, paraan ng aplikasyon, atbp.
Kategorya | Klaseng pangunahin at ikalawang kita | Unang Mas Mababang Kwartil | Ikalawang Mas Mababang Kwartil | IkatlongMas Mababang Kwartil | Ikaapat naMas Mababang Kwartil | IkalimangMas Mababang Kwartil | Ika-anim na Mas Mababang Kwartil | Ikapitong Mas Mababang Kwartil | IkawalongMas Mababang Kwartil | |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
UringⅠ | 700 (Buong halaga para sa ikalawang anak) | 520 | 520 | 520 | 390 | 390 | 390 | 350 | 350 | |
Sambahayang may maraming anak | Una, ikalawang anak | 700 (Buong halaga para sa ikalawang anak) | 520 | 520 | 520 | 450 | 450 | 450 | 450 | 450 |
Mahigit 3 anak | Buong halaga |