Tanggapan ng Tawag ng Danuri
1577-1366
Tawag para sa konsultasyong pampamilya
1577-4206
한국생활안내 정보더하기 사이트로 이동
  • Home
  • Sanggunian
  • FAQ

FAQ

Gusto kong makatanggap ng tulong para sa pakikibagay sa pamumuhay sa Korea!
Para sa mga multikultural na pamilyang nahihirapang makibagay sa Korea, naghahandog ang 231 sentro ng suporta sa mga multikultural na pamilya ng edukasyong pampamilya, pagpapayo, at mga programang pangwika. Para sa mga detalye tungkol sa mga serbisyong inihahandog ng mga sentro, mangyaring magtanong tungkol sa mga alalahanin sa lokal na sentro ng suporta sa mga multikultural na pamilya.
*Para sa mga katanungan sa Sentro ng Tawag ng Danuri (Tel. No. 1577-1366) o sumangguni sa Sentro ng Suporta sa mga Multikultural na Pamilya ayon sa rehiyon ng Lagusang Danuri (www.liveinkorea.kr)
Nais kong makatanggap ng payong legal sa telepono. Makakakuha ba ako ng tulong?
Ang "Integrated Information Call Center Para sa Multikultural na Pamilya" (Danuri Helpline, ☎1577- 1366) ay naghahandog ng legal na konsultasyon sa pamamagitan ng pagtawag. Mula rito ay iuugnay nila kayo sa Korean Bar Association. Bukod pa rito, ang konsultasyon sa krisis at emergency assistance, pagbibigay ng iba’t ibang impormasyon sa buhay sa Korea, pagsasaling-wika at 3-way calling service ay inihahandog sa 13 wika (Koreano, Ingles, Tsino, Vietnamese, Filipino (Tagalog), Cambodian (Khmer), Mongolian, Ruso, Hapon, Thai, Lao, Uzbek at Nepali). Makakabuti kung ise-save ninyo sa inyong mga cell phone ang ☎1577-1366 ng Danuri Helpline para sa mas madaling paggamit nito.
Gusto kong makatanggap ng mga impormasyon tungkol sa mga ibinibigay na tulong para sa mga multikultural na pamilya!
May isang lugar kung saan makikita lahat ang iba’t ibang programang inihahandog Para sa mga multikultural na pamilya at migranteng kasal sa Koreano - ang “Danuri” portal. Sa pamamagitan nito, makikita rito ang iba’t ibang impormasyon gamit ang 13 wika. Pumunta sa Internet window page at i-type ang website address bar na ‘www.liveinkorea.kr’. Maaari ninyo itong idagdag sa mga bookmarked list ninyo para mas madali ninyong magagamit ang serbisyong hatid ng “Danuri” portal.
  • 다누리
Gusto kong palakihin ang anak ko na magaling sa wikang Koreano at sa wika ng kaniyang ina!
Kung matatas na ang anak sa wika ng kaniyang ina simula pagkabata pa lamang, hindi lamang siya magiging malapit sa kaniyang ina kundi magiging natural din sa kaniya na lumaki nang bilingual. Kung gagamitin ang parehong wika sa loob ng bahay, hindi lamang magiging matatag ang pagkakakilanlan ng anak ng multikultural na pamilya kundi lalaki din ito bilang isang ‘global talent.’ Naghahandog ang mga multicultural family support center ng mga programang gaya ng "Pagbubuo ng Bilingual na Kapaligiran na Pamilya” at seminar Para sa mga nanay. Maaaring tanungin ang sentro tungkol dito. (Para sa mga tanong: Danuri Helpline (☎1577-1366)
May mga sentro bang tumutulong sa mga kabataang lumaki sa ibang bansa at mga kabataang mula sa multikultural na pamilya?
Opo, meron po. Ang “Rainbow Youth Center,” sa pakikipagtulungan sa iba pang mga institusyon sa bawat lugar, ay naghahandog ng iba’t ibang mga programa para sa mga kabataang migranteng nasa edad 9~24 na taong gulang. Nagbibigay sila ng impormasyon at pagpapayo tungkol sa pananatili (immigration), paninirahan, edukasyon, pagtatrabaho at pamimili ng career at iba pa. Naghahandog din sila ng sikolohikal na pagpapagamot (psychological treatment). Kung nais ninyo ng customized services ay maaaring tumawag sa ☎02-733-7587 at makakatanggap kayo ng mga serbisyo.
Gusto kong makakuha ng mga impormasyon tungkol sa pagtatrabaho!
Upang masiguro ang matatag na paninirahan at pakikibagay sa buhay sa Korea, naghahandog ang ‘Sentro ng Bagong Trabaho para sa Kababaihan’ (☎1544-1199) ng mga pag-iinterno at edukasyong bokasyonal at pagsasanay sa mga may-asawang imigranteng kababaihan. Dagdag pa rito, naghahandog ang Pambansang Sistemang Suporta sa Trabaho ng Kagawarang-bansa ng Trabaho at Paggawa (☎1350, www.work24.go.kr) ng iba’t ibang impormasyong kaugnay ng trabaho para sa mga imigranteng dahil sa pag-aasawa, at tinutulungan silang makahanap ng kumikitang trabaho. Para sa mga detalye, mangyaring bumisita sa lagusang Danuri (www.liveinkorea.kr).
Ano-ano ang mga serbisyo para sa mga nagdadalang-tao?
Ang lahat ng mga nagdadalang-tao (kasama na ang mga migranteng kasal sa Koreano) ay maaaring makatanggap ng libreng pangangasiwa sa kalusugan mula sa health centers. Magparehistro lamang sa health center para makatanggap ng libreng prenatal tests. Dagdag pa, matapos ang pagbubuntis, makakatanggap din kayo ng iron at folic acid supplements sa bawat yugto. Bisitahin ang health center sa inyong lugar upang malaman ang mga ibinibigay nilang serbisyo at mga pang-edukasyon na programa para sa mga nagdadalang-tao.
Nais kong malaman ang tungkol sa sistema ng Health Insurance!
Sa Korea, ipinatutupad ang sistema kung saan kinakalkula ang dapat na ihulog na kabuwanang bayad sa health insurance base sa kita (income) at ari-arian ng suskritor (subscriber). Kapag nagsuskrito (subscribe) sa health insurance, magagamit ang mga medikal na institusyon sa mababang halaga sakaling magkasakit kayo o manganganak. Regular din kayong makakatanggap ng medical check-up. Maaaring itanong ang mga detalye tungkol sa kung magkano ang dapat ihulog sa health insurance, mga kondisyon o kwalipikasyon sa pagsususkrito, mga benepisyo at iba pa, sa call center ng National Health Insurance Service (☎1577-1000) o Foreign Language (Ingles, Chinese, Vietnamese) Counseling Hotline Number (☎033-811-2000).
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa programang espesyal na pagtustos ng pabahay para sa mga multikultural na pamilya!!
Mayroong isang programang naghahandog sa mga multikultural na pamilya ng suportang pabahay nang hindi sumasali sa pagbunot ng loteryang pabahay sa pangkalahatang publiko. Maaaring mag-aplay ang sinumang miyembro ng multikultural na pamilya na namumuhay kasama ang kanyang asawa sa loob ng 3 taon o higit pa para sa programa, nguni’t alinsunod sa Artikulo 2 ng Batas sa Suporta sa Multikultural na Pamilya, wala dapat sa mga karapat-dapat na kapamilya ang may sarili nang bahay. Dagdag pa rito, dapat magbukas ang aplikante ng account para sa aplikasyon sa pabahay at magdeposito ng 6 na beses man lamang sa loob ng 6 na buwan. Para sa mga pampublikong anunsiyo sa mga pagbebenta ng bahay, mangyaring bumisita sa mga pook-sapot ng iyong lokal na pamahalaang munisipal (lungsod, kondehan, o distrito).
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”