Naghahandog ang pamahalaan ng Korea at iba pang mga pribadong organisasyon ng mga programa at serbisyong naglalayong tulungan ang mga dayuhan sa kanilang paninirahan sa Korea. Ilan sa mga serbisyong inihahandog nila ay ang pag-aaral ng wikang Koreano, edukasyon tungkol sa kultura ng Korea, pagpapayo, at iba pa. Maaaring magamit lalo na ng mga dayuhang kararating pa lamang sa Korea at nakakaranas pa ng kahirapan sa komunikasyon dahil sa problema sa wika at kakulangan ng kaalaman sa kultura, ang mga serbisyong gaya nito na inihahatid ng iba’t ibang mga organisasyon.
01Pag-aaral ng Wikang Koreano
Kinakailangang pag-aralan ang wikang Koreano upang mapadali ang buhay sa Korea at upang maintindihan ang kulturang Koreano. Kaya naman maraming institusyon na libre na puwedeng mapasukan ng mga dayuhan para mapag-aralan ang wikang Koreano. Buti na lamang at maraming mga organisasyon ang naghahandog ng libreng klase para sa wikang Koreano, gaya ng mga multicultural family support centers, migrants’ centers, at mga eskwelahan para sa wikang Koreano.
02 Klase Para sa Kultura at Pamumuhay sa Korea
Ang mga edukasyonal na programa para sa kultura at pamumuhay sa Korea ay inihahandog upang tulungan ang mga residenteng dayuhan na malagpasan ang kanilang kinakaharap na problema pagdating sa pamumuhay sa Korea sanhi ng pagkakaiba sa kultura at paraan ng pamumuhay (lifestyle). Mayroon ding mga talakayan at mga programa para sa pag-unawa ng multikulturalismo, mga batas, karapatang pantao, pag-aasawa, pamilya at adaptasyon sa lipunan ng Korea.
03Klase sa Impormatisasyon (ICT Education)
Karamihan ng mga kabahayan sa Korea ay nagmamay-ari ng computer. Bukod pa diyan, napakaunlad at advance ng internet network sa Korea. Sa pamamagitan ng internet, maraming makukuhang mga impormasyon at magagamit na mga online services kagaya ng internet banking at iba pang serbisyong pang-administratibo. Kaya naman, naghahandog din ang mga multicultural family support centers, mga migrant centers at iba pang organisasyon ng mga klase para impormatisasyon (informatization) Para tulungan ang mga dayuhang residente na matutunan ang paghahanap ng mga impormasyon gamit ang internet at kung paaano gamitin ang iba’t ibang computer applications at programs.
04Pagpapayo
Ang serbisyong pagpapayo o konsultasyon ay inihahandog upang tulungan ang mga dayuhang residente na nakakaranas ng kahirapan sa Korea sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payo upang masolusyunan ang kanilang problema (tungkol sa pamilya, pagtatrabaho, paninirahan, batas at iba pa).
- Maliban sa mga nabanggit sa itaas, ang iba pang mga serbisyong gaya ng pagsasanay sa trabaho (employment training), serbisyo sa pagsasaling-wika at iba pa ay inihahandog din sa iba’t ibang mga sentro na para sa dayuhan (migrants’ center, atbp.). Alamin ang mga programang inihahandog ng iba’t ibang sentro at saka ninyo bisitahin o kaya tawagan ang mga ito para makasali kayo sa kanilang mga programa.
- Ang mga detalye tungkol sa paraan ng paggamit ng serbisyo ay makikita sa pinakahuling bahagi ng talaan ng mga ‘Mga Support Center Para sa Multikultural na Pamilya at Dayuhan’.
05Pag-iwas Laban sa Karahasan ng mga Migranteng Kababaihan
- Pagpapayo sa Wikang Korean Para sa mga Kababaihan sa Panahon ng Krisis☎1366
- Pagpapayo sa Dayuhang Wika ng Danuri Helpline☎1577-1366
Impormasyon ng mga Support Center Para sa mga Migranteng Kababaihan na Biktima ng Karahasan
Migrant Women Protection Shelter Against Violence (28 na Institusyon sa Buong Bansa)
- Mga suporta sa serbisyo patungkol sa mga migranteng kababaihan na biktima ng karahasan tulad ng domestic violence, sexual violence, pag-iwas sa prostitusyon ng mga migranteng kababaihan (kabilang ang mga kasamang anak) na nagbibigay ng pansamantalang pangangalaga at pagpapayo, suportang medikal, legal assistance at iba pa.
- Pagkakaroon ng access o paggamit sa pribadong pasilidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng paunang konsultasyon sa 1577-1366, 1366, istasyon ng pulis at iba pa.
Migrant Women Protection Group Home Against Violence (4 Institusyon sa Buong Bansa)
- Mga suporta sa serbisyo patungkol sa mga migranteng kababaihan na biktima ng karahasan tulad ng domestic violence, sexual violence, prostitusyon, suporta sa tirahan ng mga anak.
- Pagbibigay ng prayoridad para sa pagrerenta ng national housing o pabahay.
Migrant Women Self-help Support Center Against Violence (1 Institusyon sa Seoul)
- Mga suporta sa serbisyo patungkol sa mga migranteng kababaihan na biktima ng karahasan tulad ng domestic violence, sexual violence, prostitusyon, suporta sa self-reliance·self-support o pagkakaroon ng pag-asa o pagtulong sa sarili ng mga anak
- Technical o vocational skills training, job placement at iba pa
Counseling Center para sa mga Migranteng Kababaihan na Biktima ng Karahasan (9 Center sa buong bansa)
- Suporta para sa serbisyong pagpapayo at pagsasalin para sa mga migranteng kababaihan at kanilang mga anak na biktima ng karahasan sa tahanan, karahasan sa sekswal, at pangangalakal sa sex
Namamahalang Counseling Center para sa mga Migranteng Kababaihan na Biktima ng Karahasan
- Pagbibigay ng propesyonal na serbisyo tulad ng pagpapayo o konsultayon at pansamantalang pangangalaga, medical · legal assistance at iba pang serbisyo para sa mga migranteng kababaihan na biktima ng mga karahasan tulad ng domestic violence · sexual violence at iba pa.
Sunflower Center
- Mga serbisyo ng pagpapayo at legal assistance para sa mga biktima ng mga karahasan tulad ng sexual violence, domestic violence at prostitusyon (365 araw 24 oras).
- Maaari din na makapagbigay ng suportang serbisyo hinggil sa pamamahala sa kaso
Counseling Center Against Secual Violence and Prostitution
- Mga serbisyo para sa libreng legal assistance, pamamahala ng kaso at pagpapayong legal.
- Pagsama sa padulog sa mga investigating agency at pagkalap ng mga impormasyon at pagkakaroon ng eksaminasyon sa witness sa korte.
- Pag-uugnay sa mga medikal na institusyon at protection o welfare shelter para sa mga biktima sa kasalukuyang lugar.
Korea Legal Aid Corporation
- Mga suporta tulad ng legal assistance na may kinalaman sa biktima ng karahasan, at suporta sa kaso patungkol sa krimen, kasong sibil, at usaping pang-pamilya. o family litigation.
Ano ang tinatawag na domestic violence sa mga migranteng kababaihan?
1 Physical Abuse o Pisikal na Pang-aabuso
- Paggamit ng lakas sa pisikal na katawan ng isang tao nagdudulot ng pinsala o pananakit
- Pagtulak, pagpalo, paggamit ng mga kagamitan tulad ng kutsilyo at iba pa
2 Language·Emotional Abuse o Pananalita • Emosyonal na Karahasan
- Masakit na pananalita sa isang tao, mga bagay na nagdudulot ng pananakit sa emosyonal na aspeto
- Mga retorikang pananalita, paglalapastangan, pag-aakusa, pangungutya, pagpaparamdam ng kamangmangan, hindi pagbibigay o kakulangan ng interes at iba pa
3Sexual Violence o Sekswal na Karahasan
- Pagpilit sa pagkakaroon ng sexual contact kahit na hindi nais ng asawa
- Force sexual intercourse, force sterilization, abortion, pagkakaroon ng sexual abuse, digital(cyber) sex
4Karahasan Hinggil sa Aspetong Pang-ekonomiya
- Hindi nagbibigay ng kalayaan ang asawa patungkol sa aspetong pang-ekonomiya
- Sa pagkakataon na kinokontrol ang kita o sweldo, pagpigil sa pagkakaroon ng trabaho, hindi pagbibigay ng pang-araw-araw na gastusin sa bahay
Pagpapayo sa Wikang Korean Para sa mga Kababaihan sa Panahon ng Krisis☎1366
Pagpapayo sa Dayuhang Wika ng Danuri Helpline☎1577-1366
Pag-ulat sa Kapulisan☎112